Home / Romance / Ramona's Obsession (Tagalog) / Kabanata 71 - Kabanata 80

Lahat ng Kabanata ng Ramona's Obsession (Tagalog): Kabanata 71 - Kabanata 80

116 Kabanata

71

Naging maayos naman na ang trabaho ko sa hotel. Pakiramdam ko kusa na ring umiiwas sa akin si Nero at ipinagpapasalamat ko iyon. Nagawa kong tapusin ang buong panibagong linggo ko na wala kaming imikang dalawa. Pero kung umiiwas na sa akin si Nero, kabaliktaran naman iyon ni Kuya Sandro. Daig pa niya ang kabute na bigla na lang sumusulpot. "Wow, may pa-special delivery," ani ni Lucy habang hawak ko ang isang paper bag na may lamang pagkain. Kade-deliver lang nito at kahit hindi ko alamin kung kanino galing ay alam ko na kung sino ang nagpadala nito. "Ang sugid ng manliligaw mo. Everyday may libreng foods," wika sa akin ni Lara nang lumapit na ako sa table ko. Napatingin ako kay Nero nang bigla itong dumaan habang kasunod si Miss Jessy na tila hinahabol ang lalaki sa laki ng hakbang nito. Hindi naman ito lumingon sa gawi namin dahil deritso lang ang tingin nito papunta sa opisina nito. Inabot ko kay Lara ang hawak kong paper bag. "Gusto mo? Sayo na lang," alok ko sa kaniya. "Ayaw
last updateHuling Na-update : 2024-04-09
Magbasa pa

72

"W-wife?" hindi makapaniwalang ulit ko kahit may naririnig naman na ako dati pa tungkol doon. Hindi ko lang inaasahang totoo pala iyon."Yes. We are married, " she confirmed.Ngumiti ako sa kaniya nang pilit kahit gusto nang pumatak ng luha ko. "Okay, ma'am. Excuse me, I need to go back to my work. It's nice meeting you, by the way," nagmamadaling paalam ko sa kaniya at lumakad paakyat pero bagkos na bumalik sa trabaho ko sa rooftop kung saan walang tao. "WHY? WHY? WHY YOU DID NOT WAIT? WHY DID YOU BROKE YOUR PROMISE?!" sigaw ko sa hangin habang tumutulo ang luha ko. "Why not me? Why am I still hurting like this?"Nanghihinang napaupo ako sa bench na naroroon at hindi ko na napigilang mapaiyak. Itinakip ko ang dalawang palad ko sa mukha ko habang pinipigilang mapahikbi ng malakas.Ang sakit. Doble ang sakit kaysa noong bigla na lang siyang hindi nagparamdam sa akin. Ngayon pakiramdam ko tinutusok ng mga karayom ang puso ko. Ang tanga ko. Umaasa na naman ako. Umasa ako na baka may cha
last updateHuling Na-update : 2024-04-09
Magbasa pa

73

Padapang nahiga ako sa kama. Pakiramdam ko pagod na pagod ako. Ang puso ko at isip ko. Tumihaya ako at napatingin sa kisame. Napahawak ako sa labi ko at mapait na napangiti. Ngayong araw ko nalaman na may asawa na pala siya, pero nagawa pa rin niya akong halikan. He is acting like he is jealous. Gayong wala naman siyang karapatan. Alam kong si Kuya Sandro ang tinutukoy nito, pero anong karapatan niya na magalit kong may relasyon man kaming dalawa gayong siya nga nagawang magpakasal sa iba? He is selfish. Pakiramdam ko gusto niya sa kaniya pa rin iikot ang mundo ko kahit alam niyang hindi na pwede. Hindi pa nga siya nagso-sorry sa akin sa kasalanan niya dati, pero dinagdagan na naman niya. Ang kapal ng mukha niya. Anong gusto niya gawin akong kabit? Muli akong napatayo sa pagkakahiga ko nang tumunog ang doorbell. Bakit ba lagi na lang may nagdo-doorbell kapag ayaw kong tumayo? Tinatamad na lumakad ako papalabas ng bahay at tiningnan kung sino ang nag-aabala sa pagda-drama ko. Napakun
last updateHuling Na-update : 2024-04-09
Magbasa pa

74

Nagmukmok lang ako sa bahay maghapon kinabukasan. Wala akong planong umalis o gumala dahil wala ako sa mood. Matapos ang nangyari at nalaman ko kahapon parang wala akong energy today. Nanonood lang ako ng tv maghapon. Nang dumating ang lunch ay nag-order na lang ako ng pagkain dahil tinatamad akong magluto nang may mag-doorbell na ay tinatamad na tumayo ako. Siguro ito na ang inorder ko pero napakunot ang noo ko nang makita ko sina Stella at kuya Sandro. Mabilis na binuksan ko ang gate at pinapasok silang dalawa. "Anong meron? Naligaw yata kayo?" Stella rolled her eyes before she sat on the sofa. "Alam kong nasa bahay ka lang kaya naisipan kong puntahan ka. Hindi ko lang alam sa isa diyan at nagpumilit na sumama." Tukoy nito sa kapatid na may inabot sa aking paper bag. Nagtatakang tumingin ako kay Kuya Sandro. "It's your order. Sabay kasi kaming dumating ng delivery order mo kaya ako na ang nag-received," paliwanag nito. "Salamat." Inikot ni Stella ang tingin sa buong bahay at na
last updateHuling Na-update : 2024-04-10
Magbasa pa

75

Kinabukasan ay wala pa rin sana akong balak na lumabas ng bahay, pero dahil ubos na ang grocery ko ay napilitan akong lumabas para mag-grocery. Nagtungo ako sa pinakamalapit na mall.Namili ako nang kakainin ko sa buong isang linggo. Nagtungo ako sa chocolate areas. Nitong mga nakaraang araw, pakiramdam ko nag-e-stress eating ako, kaya kailangan ko nang maraming pampa-booast ng happy pill ko.Tama nga si Anon sa pagbibigay sa akin ng stresstab. Talagang nagamit ko iyon ng husto. Para tuloy siyang manghuhula na nahulaan na agad niya ang mangyayari sa akin. Fairy godfather, ko ba siya? Iyong hindi ko pa kailangan naibibigay na niya.Kulang na lang ay mapuno ng chocolates at instant food ang push cart ko. Mga can goods at fruits lang rin ang binili ko. Marunong naman akong magluto, pero hindi ko talaga iyon hilig. Siguro kapag nakita ni mama ang grocery ko baka nakurot na ako sa singit. Pinagbabawalan kasi niya kami sa puro instant.Papaliko na nasa ako nang biglang tumama ang cart ko sa
last updateHuling Na-update : 2024-04-10
Magbasa pa

76

It's like a wake-up slap. Seeing them together wrecked my heart, but I have no choice, but to accept that I am just a passing phase in his life. We may have fallen in love before, but he fell out of love and realized that Ellen is the one for him, not me. Now, they are a happy family.I am standing while they are all looking at me. Ellen smiled widely and put her hands on Nero's arms. It's like she is showing possession.“Ramona, you are also here. We just met in the grocery awhile ago,” she greeted me with a friendly smile.Ngumiti ako sa kaniya. “Yeah, you are with your family?” I asked, but more of a statement.Gusto ko lang marinig, para mas masakit mas madaling makalimot dahil mas maraming rason para gawin iyon.“Yeah, I left them while I was buying groceries. I think I don't need you to introduce to Nero, you already know him, right?” Hindi mawala ang ngiti nito sa mga labi kaya sinabayan ko iyon.Nakangiting tumango ako sa kaniya. “Yes, he is our marketing director.” Tumingin
last updateHuling Na-update : 2024-04-11
Magbasa pa

77

“Ramona, listen, I—”“No, you listen to me,” putol ko sa sasabihin niya. Wala akong panahon para sa walang kwentang sasabihin niya. “I am not the same Ramona you knew. You can’t expect me to run to you after you kissed me. That old tactic will not work on me now. I am not that kid who is crazy in love with you. I am done with you, so why do you keep bugging me? ”Puno ng galit na tanong ko sa kaniya. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatingin sa kaniya. I really hate how I love and hate him at the same time, but ngayon ramdam kong mas lamang na ang galit na nararamdaman ko para sa kaniya.Alam kong nagsisinungaling ako nang sabihin kong wala na akong nararamdaman para sa kaniya, pero wala ng dahilan para malaman niyang mahal ko pa rin siya. Pamilyado na siyang tao. May asawa at anak na siya, dapat hindi na siya nagpunta pa rito at lalong hindi na niya ako hinahalikan ng basta-basta na para bang may kami. Anong gusto niya? Gawin akong kabit? Tanggap ko na nga, e. Tanggap ko na na
last updateHuling Na-update : 2024-04-12
Magbasa pa

78

Pumasok pa rin ako sa opisina kinabukasan pero sinubukan ko talaga ang makakaya ko upang hindi mag-krus ang landas namin ni Nero.Kapag dumarating na siya para pumasok sa opisina niya ay dumaraan siya sa may cubicles namin pero dahil nasa may bandang dulo ako ay malayo na ako sa may dinaraanan niya. Kaya hindi ko na lang inaangat ang tingin ko kapag alam kong paparating na siya. Hindi pa naman siya nagpapatawag ng meeting kaya si Miss Jessy pa lang ang nagme-meeting sa amin kung may kailangan kaming malaman o ipapagawa siya.Mag-iisang buwan pa lang ako bukas sa kompanya pero parang gusto ko na agad mag-resign. Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan ko siya kayang iwasan. Paano kung lapitan na naman niya ako? Natatakot ako, hindi ako duwag pero ang hirap kasi. Iyong mahal mo pa rin, pero hindi mo na pwedeng ipilit kaya kailangan mong ipagtulakan palayo.Nang dumating ang lunch ay kumain ako mag-isa sa canteen. Napaangat ang tingin ko nang makita ko si Kuya Sandro. Ibinaba nito ang fo
last updateHuling Na-update : 2024-04-12
Magbasa pa

79

Itinodo ko na talaga ang pag-iwas ko kay Nero. Dalawang linggo na akong daig pa ang ninja na naglalaho kapag nakikita kong paparating siya o kaya ay makakasalubong ko siya. Kahit maghagdan na lang ako ay okay lang basta huwag ko na lang ulit siyang makasabay sa elevator. Mabuti na lang at busy rin siya kaya hindi na ako nahihirapan na umiwas sa kaniya.Pero kung umiiwas ako kay Nero, may isala akong hindi maiwasan. Si Kuya Sandro. Kalat na kalat na sa buong hotel na nililigawan niya ako kahit na hindi naman ako pumayag. May sarili siyang desisyon, kaya minsan naasar na rin ako sa pagiging makulit niya.“Anyari? Minsan na lamang tayo magkasabay kumain, ganiyan pa ang hitsura mo. Para kang problemadong masyado,” puna sa akin ni Stella.Nagkita kami ngayon para sabay na mag-lunch.“Mag-resign na kaya ako?”“Bakit naman?” nagtatakang tanong nito.“Ang hirap kasi na araw-araw ko nakikita si Nero. Ang hirap umiwas sa kaniya, ” nakasimangot na saad ko bago bumuntong-hininga.“Hinaharot ka pa
last updateHuling Na-update : 2024-04-12
Magbasa pa

80

Sinabi kong hindi na ako iiyak pero hindi ibig sabihin noon na hindi na ako masasaktan pa.Sinusubukan ko naman na tanggapin ang lahat pero hindi ganoon kabilis mag-move on. Inabot na nga ako nang ilang taon pero hindi ko pa rin siya nakalimutan kaya alam kong matatagalan pa ako bago makapag-move on ng tuluyan. Inuto ko lang ang sarili ko noon na nakalimot na ako, pero nang magkita ulit kami, sa kaniya pa rin tumutibok ang puso ko.Tapos ngayon malalaman ko magkaka-second child na sila. Wow. Sarap sumigaw pero nanatili akong kalmado. Kunyari hindi apektado.Pagdating sa bahay ay nagulat pa ako nang madatnan ko si Ate Raf. Madalas kasi ay nasa flight siya kaya kahit magkasama kami sa bahay ay hindi kami nagkakausap dahil darating siya ay tulog na ako at aalis naman ako para pumasok ay tulog pa siya.“You okay?” tanong ko sa kaniya nang mapansin ko na parang namumula ang maya niya. Umiyak ba siya?Tumango ito sa akin at ngumiti. “Oo, puyat lang ako, ” pagdadahilan nito at kinusot ang ma
last updateHuling Na-update : 2024-04-12
Magbasa pa
PREV
1
...
678910
...
12
DMCA.com Protection Status