“Magre-resign na ako,” anunsyo ko sa lahat habang nag-aalmusal ako dahilan para mapatigil sila sa pagkain at mapatingin sa akin.Hinintay pa talaga nila akong makatapos magligo at makapagpalit bago sabay-sabay kaming mag-agahan. Hindi ko talaga alam kung bakit bigla silang nagsulputan lahat bigla ngayon. Lalo na si Ate Rob. Hindi ba siya busy sa farm? I know her as a very workaholic person, kaya nakakagulat na nandito siya ngayon.“Bakit? Sayang naman,” komento ni Ate Raf bago kumuha ng sunny side up na itlog. “You should not have left the farm if you will just quit like that,” seryosong saad ni Ate Rob, pero wala naman akong mababakas na disappointed sa boses niya.“Why would you quit? You are just starting,” tanong naman ni Ate Ren.Napatingin ako kay Kuya Noah na tahimik na kumakain sa tabi ni Ate Rob. “Ikaw wala ka bang sasabihin? ”Tanong ko sa kaniya na ikinakunot ng noo niya.“As your brother-in-law, I will just support you to do what you want,” saad nito at nag-thumb up pa sa
Last Updated : 2024-04-14 Read more