Share

2

Author: iamAexyz
last update Huling Na-update: 2023-09-12 14:24:53

"Are you dating him?"

Napalingon ako kay Nero dahil sa tanong niya. Nauna nang bumaba si ate Rob ng sasakyan at pumasok ng bahay. Papasok na rin sana ako pero napahinto ako dahil sa tanong niya.

Tiningnan ko siya.

Nakasandal ito sa kotse niya habang matamang nakatingin sa akin at naghihintay ng sagot ko.

Mataray ko siyang tiningnan, malayo sa tinging ipinupukol ko sa kanya noon. Dati kulang na lang magpuso-puso ang mga mata ko kapag nakatingin sa kanya.

"So?"

"You are still young, kiddo."

Tiningnan ko siya ng masama. Tuwing tatawagin niya akong kiddo tumataas ang blood pressure ko. "Stop calling me, kiddo."

"But you are still a kid."

"Seventeen na ako!" mariing saad ko sa kanya.

Seventeen na ako pero ang lahat bata pa rin ang tingin sa akin. Alam ko minor pa rin ako pero hindi na ako bata. Teens and kids are different.

"Seventeen ka pa lang."

Pakiramdam ko sasabog ako sa inis dahil sa kanya. Bakit ba kung kailan gusto ko na siyang i-ignore saka naman niya ako kinakausap? Dati naman panis na laway ko kakasalita tahimik lang siya.

"Malapit na akong mag-eighteen."

"Matagal pang masyado ang four months."

Humakbang ako palapit sa kanya. Pinagmasadan ko siyang mabuti. Inilapat ko ang isang kamay ko sa noo niya para damhin kung mainit ba iyon.

Normal naman ang tempretura niya pero bakit parang hindi normal ang ikinikilos at sinasabi niya ngayon?

Muntik na akong mapaiktad ng bigla nitong hinawakan ang kamay ko.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na para bang gustong kumawala sa dibdib ko. Masama ito.

Hinila ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero hindi naman nito iyon pinakawalan.

"What are you doing? Let me go," muntik na akong mabulol buti na lang at nahimig ko ang sarili ko.

Ayokong ipakita sa kanya na may epekto pa rin siya sa akin. Dahil tinatangal ko na siya sa sistema ko. Kunting push na lang malapit na siyang mabura tapos biglang aasta siya ng ganito?

Hindi naman siya ganito dati. Dati parang hangin lang ako sa kanya. Para nga akong asong ulol sa kabubuntot sa kanya para lang pansinin ako pero waley ang lolo n'yo. Deadma ang beauty ko tapos ngayon kung makatitig para bang hihigupin ako. Kung dati niya ako tiningnan ng ganyan baka nagkikisay na ako sa kilig.

"Do you like him?"

Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya. Is he talking to Gael?

"O-of course!"

Napalunok ako ng laway ng biglang dumilim ang anyo nito. Medyo humigpit din ang hawak nito sa kamay ko.

Ano bang problema niya? Wala naman siyang kaaway pero bakit parang galit siya. Pakiramdam ko kaunting galaw ko lang sasapakin na niya ako. May nagawa ba akong masama sa kanya?

Magsasalita pa sana ito pero biglang may kotseng huminto sa likuran ng kotse niya at buhat doon ay bumaba si ate Ren.

Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko si ate na papalapit sa amin.

Bigla itong ngumiti ng malawak ng makita si Nero. Dumako ang tingin nito sa kamay kong hawak pa rin ni Nero. Kung titingnan sa malayo para kaming magkasintahan na nag-uusap habang magkaholding hands kahit na ang totoo bigla-bigla na lang namang nanghahawak ng kamay ang lalaking ito at ayaw nang bitawan.

"Nero, my dear. Seems your are near at your limits huh?" Matamis ang ngiti ni Ate Ren pero makahulugan ang tinging ibinabato nito kay Nero.

Humugot ng malalim na hininga si Nero bago ako marahang binitawan. Hinawakan ko ang kamay ko na binitawan niya, hinimas ko iyon, ramdam ko pa rin ang init na nagmumula sa kamay ni Nero kanina.

"I am just asking here a question."

"Really? About what?" Nakataas ang isang kilay ni ate Ren na para bang binabalaan si Nero na huwag magsisinungaling sa kanya.

Tsismosa talaga ang isang ito. 

"It's nothing."

"Everything about her is an important  matter. We both know that." Hindi nawawala ang mapaglarong ngiti ni ate sa kanyang mga labi.

Hindi ko maunawaan kung ano ang kanilang pinag-uusapan pero alam ko na ako ang topic nila.

"I know I am very important person pero baka pwedeng paki-explain para gets ko," singit ko sa kanila.

"You are still young to know it."

Tumirik ang mata ko sa sagot ni Ate Ren. Pati ba naman siya bata pa tingin sa akin.

Hindi ba nila nakikita na malaki na ako? 

"Hindi na ako bata."

"You are forever my baby, darling," ani ni ate Ren habang ginagaya ang linya palagi sa amin ni inay. Pati tono niya ay gayang-gaya si inay." But there is someone out there that wants to baby you." Humagikhik pa ito na tila kinikilig.

Bata pa nga siguro ako pero hindi naman ako gaya nito na isip bata.

Tumikhim si Nero kaya napatingin kami ni ate sa kanya.

"I'll go ahead," biglang paalam ni Nero.

Kumaway si Ate Ren dito para magba-bye. Hindi naman ako umimik at tiningnan lang siya.

"Easyhan mo lang," pahabol pang saad ni ate kay Nero bago ito makasakay ng kotse. Tumango naman ang huli.

Tiningnan ko ang papalayong kotse ni Nero. "Patay na patay ka pa rin ba sa kanya?"

Napatingin ako ng masama kay ate Ren na may mapaglarong ngiti sa labi dahil sa tanong niya bago walang salitang pumasok sa gate ng bahay. Ano bang klaseng tanong iyon?

Ako patay na patay pa rin kay Nero? Hindi na, uy! May boyfriend na ako. Naka-move on na ako.

Ayoko na sa mas matanda sa akin. Mas bagay pala sa akin ang kaedad ko lang. Iba na ang taste ko.

Pabagsak akong nahiga sa kama ng makapasok ako sa kwarto ko. Bigla akong napabagon at kinuha ang selpon ko nang tumunog ito.

"Home?"

"Yes."

"Who's that guy?"

Tumikwas ang kilay ko dahil sa tanong ni Gael. Alam ko na si Nero ang tinutukoy niya.

"He is my Ate's bestfriend."

"Stay away from him."

Mas lalo pang tumaas ang isang kilay ko na kanina pa nakataas dahil sa text ni Gael. Ayoko sa dating ng text niya na para bang inuutusan ako nitong layuan ko si Nero. Wala namang problema sa akin dahil talagang iniiwasan ko na nga si Nero pero ayoko sa tono niya na para bang minamanduhan niya ako. Yes, he is my boyfriend but he can't just tell me to avoid someone without valid reason.

"No need, we are not even close."

Iyon na lang ang sinabi ko. Hindi naman talaga kami close ni Nero. Masyado lang akong feeling close sa kanya dati. Ngayon nga lang niya ako kinausap na siya ang unang nag-approach. Kaya pinagtatakhan ko talaga siya kanina.

"Are you sure?"

Umupo ako mula sa pagkakadapa ko ko. I dialed Gael's number.

"Are you jealous?" agad ay bungad ko ng sagutin ni Gael ang tawag ko.

I heard him chuckles. "Bakit naman ako magseselos sa kanya. Ako ang may karapatan, hindi siya. I just don't like him," deny nito.

"Why? Did he say something to you?" tanong ko. Nakita kong bago sumunod sa amin si Nero ay may sinabi siya kay Gael hindi ko lang alam kung ano dahil nasa loob na ako ng kotse.

"Wala naman. Hindi lang naman babae ang malakas ang instinct minsan. Saka wala akong tiwala sa mukha ng lalaking iyon."

Napailing ako dahil sa sinabi niya. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip niya. Pati ba naman si Nero na walang pakialam pagdududahan niya. Hindi na lang niya aminin na nagseselos siya ang dami pa niyang sinasabi.

"Don't worry. Nero and I are not close kahit na bestfriend siya ng ate ko. And if you are thinking if he is interested with me. He is not. Kung ano man ang tingin niya sa akin siguro nakababatang kapatid lang." Ayokong magpaliwanag pero ayoko namang pagdudahan ako ni Gael.

"Sinabi ba niya? Sinabi ba niya sayo na nakababatang kapatid lang ang tingin niya sayo?"

Mariin akong napapikit dahil sa tanong ni Gael. "Hindi niya sinabi pero iyon ang nararamdaman ko. And why are you suddenly interested on how Nero thinks of me? Mas mahalaga pa ba kung ano ang tingin niya sa akin kesa sa tingin ko sa kanya?"

If I'll be honest mas dapat niyang pagdudahan ang nararamdaman ko kay Nero kesa sa nararamdaman ni Nero sa akin. Pero syempre hindi niya alam iyon at wala na akong balak pang sabihin sa kanya. Nakaraan na iyon, ayoko ng balikan pa.

"You obviously don't like him."

Gusto kong matawa dahil sa sagot niya. Napakagaling ko palang artista para hindi niya mahalata. Kunsabagay sinusubukan ko naman nang kalimutan si Neroat naniniwala akong si Gael ang makakatulong sa akin para mangyari iyon.

"Exactly, so don't be bother with his presence."

Narinig ko ang malakas na pagbuga nito ng hangin. "Yeah, yeah. I just can't help but be wary, my girlfriend is too beautiful and there are lots of sharks that want to devour you."

Cheesy. Gusto ko sanang sabihing corny ng linya niya pero baka ma-offend naman. Kaya itinikom ko na lang ang bibig ko.

"No one can snatch me from you unless you do something that will make you lose me."

"And I am not stupid to do that."

Dapat lang dahil ako ang tipo ng tao na never nagbigay ng second chance.

"Good to know and because of that I'll treat you tomorrow."

Sana lang wala ng sumulpot bukas para masira ang plano namin.

"I am excited."

Nakangiting ibinaba ko nang selpon ko ng makapag-paalam na ako kay Gael. 

Sana tuloy-tuloy na kaming ganito. Ayokong pagsisihan ang mga naging desisyon ko. I know I am bad for using him but I am trying my best to love him naman. Sana lang magtagumpay ako.

Kaugnay na kabanata

  • Ramona's Obsession (Tagalog)   3

    Naging maayos naman ang mga sumunod na araw ko. Nagawa na rin namin ni Gael na kumain sa labas kahit na patago lang. I am not yet ready to introduce him to my sisters.Hindi ko alam pero pakiramdam ko one na ipakilala ko siya sa mga kapatid ko iyon na rin ang oras na dapat maghiwalay na kami. Gael is a nice person. Masyado siyang mabait sa akin at nakakapanghinayang kapag pinakawalan ko siya."A lunch for the queen." Napangiti ako kay Gael ng ilagapag niya ang tray na may pagkain sa harapan ko."Thanks, slave," biro ko sa kanya.Madrama itong humawak sa dibdib na para bang nasasaktan habang umuupo sa tapat ng ko. Kaya natawa ako.Tinaasan ko siya ng kilay ng makita ko siyang nakatitig sa akin. "Gandang-ganda kana naman sa'kin.""Bakit nga ba masyado kang maganda? Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala. Paano kung bigla ka na lang agawin sa akin? Kaya pwede bang huwag kang lumapit sa ibang lalaki?" seryosong saad nito habang patuloy pa rin ang pagtitig sa akin. Hindi man lang nito nagawan

    Huling Na-update : 2023-09-12
  • Ramona's Obsession (Tagalog)   4

    Malapad ang ngiti ko habang nakatingin sa full body mirror. Umikot pa ako para makita kung maayos na ba ang hitsura ko. Maganda pa rin walang pagbabago. Bakit nga ba napakaganda kong nilalang? Love na love talaga ako ni Papa God dahil biniyayaan niya ako ng husto. Ganda pa lang umaapaw na. Hays.Kinuha ko ang mini bag ko at isinabit sa balikat ko bago nakangiting humakbang palabas ng kwarto ko. Mataas masyado ang takong ng sandals na suot ko pero keri lang, sanay na ako. Saka minsan dapat tiis ganda tayo. Hindi kasi ako biniyayaan ng tangkad kaya madalas nagsusuot ako ng mataas na takong para naman kahit papaano ay madagdagan ang height ko.Paglabas ko ng kwarto ko ay siya ring paglabas ng kwarto ni Ate Rob. Magkatapat lang ang kwarto naming dalawa habang katabi ko naman sa bandang kaliwa si ate Raf at katapat naman ni ate Raf ay ang kwarto ni Ate Ren.Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago muling bumalik ang tingin sa mukha ko na nakangiti sa kan'ya."Anong meron? Saan ang lak

    Huling Na-update : 2023-09-12
  • Ramona's Obsession (Tagalog)   5

    Muli akong ngumiti kay Gelay. Hindi ko na pinansin pang muli si Nero. Mukha namang nakaramdan ito na ayoko sa presensya niya kaya kusang umalis sa tabi ko. I ordered a small flourless chocolate cake, isang capuccino at isang black coffee. Pagkalabas ko ng Mariano's ay naglakad na lang ako papunta sa building kung saan nakatira ang pakay ko. Malapad pa rin ang ngiti ko habang naglalakad at dala-dala ang mga inorder ko. Sa sobrang saya ko pakiramdam ko mahalimuyak ang paligid kahit na alikabok lang naman ang nalalanghap ko. Para ngang gusto ko pang batiin lahat ng nakakasalubong ko ng good morning. Nang makarating ako sa gusali ay hindi na ako hinarang pa ng mga gwardiya. This is not my first time to be here. Kaya siguro kahit papaano ay kilala na nila ako. Mabilis akong nagtungo sa elevator. Nginitian ko muna ang may edad na babaeng nasa loob bago ko pinindot ang close button at numero kung saan akong floor pupunta. Nang makarating ako sa seventh floor ay mabilis ako lumabas ng e

    Huling Na-update : 2023-09-14
  • Ramona's Obsession (Tagalog)   6

    Pagdating ko sa bahay ay dumiretso ako sa pantry at kumuha ng mga malalaking sitserya na naka-stock at mga inumin bago umupo sa sofa sa sala at binuksan ang tv. I am too beautiful para magmukmok sa kwarto ko at umiyak dahil lang nahuli ko ang magaling kong ex na may ibang babae. Hindi ko sasayangin ang oras ko sa isang gaya niya. Mas mabuti pang magpakabusog kesa umiyak dahil sa love story kong maagang nausog. Isa pa bakit ako iiyak dahil sa kanya? Hindi siya kawalan, kayang-kaya ko siyang palitan. Para ngang nagkatotoo ang sinabi ni ate Ren na sa una lang masaya. Feeling ko tuloy talagang sinumpa niya ako kanina. Nagkatotoo agad ang sinabi niya, baka nga witch talaga siya. Ang lakas pa ng loob ko na ipangako sa sarili ko na magtatagal kami iyon pala ending na agad. Gael is not worth it. Sinayang niya ang oras ko. Kung hindi pala niya kayang maging tapat dapat hindi na lang siya nanligaw sa akin una pa lang. Kung hindi pala siya seryoso, dapat hindi na lang siya nangakong ako lang a

    Huling Na-update : 2023-09-14
  • Ramona's Obsession (Tagalog)   7

    Daig ko pa ang tinakasan ng dugo nang makita ko si Nero na malapad ang ngiti.Hindi ko alam pero biglang kumabog ang puso ko nang magtama ang mata naming dalawa. Gusto kong ibuka ang aking bibig pero hindi ko alam ang aking sasabihin. Kung pwede lang bumuka ang kinatatayuan ko ngayon at lamunin ako ng buhay ay magpapasalamat pa ako."Hi, Nero. Why you look good today?" bati ni ate Ren dito. Kahit naka-casual attire lang naman si Kuya Nero. Ganyan lang talaga si ate Ren, minsan matalas ang dila, minsan naman mabulaklak na daig pa ang budol-budol na nang-uuto."I always look good, Ms. Renata Escalante." Namuti ang mata ni ate sa sagot ni Kuya Nero. Maliban kay ate Rob na bestfriend ni Kuya Nero, close din siya kay ate Ren at ate raf. Sa akin lang talaga hindi kasi iniiwasan nya ako madalas. Saklap di ba?"Oh, anong nangyari sayo? Nakita mo lang si Kuya Nero mo, nanahimik kana," puna ni ate Ren para bang wala itong alam.Kung malapit lang siya sa pwesto baka nahila ko na ang buhok niya d

    Huling Na-update : 2023-09-24
  • Ramona's Obsession (Tagalog)   8

    Biglang napaangat ang ulo ko mula sa pagkakasubsob sa kama ng makarinig ako ng katok mula sa labas. Pinahid ko ang luha ko bago ako tumayo. Alam kong namumula na ang mga mata ko at hindi ko na maitatago pa na umiyak ako pero kung sino man ang nasa labas ng pinto ay mukhang walang balak na umalis hangga't hindi ko ito pinagbubuksan. "Are you okay?" nag-aalalang bungad ni ate Raf nang pagbuksan ko siya ng pinto. Tumango lang ako at hinayaang bukas ang pinto para makapasok siya. Sumunod naman siya sa akin nang maupo ako sa kama. "What's wrong?" nag-aalalang tanong niya sa akin. "Nothing," sagot ko bago umiwas ng tingin sa kanya pero hinawakan niya ang mukha ko para hindi ako makaiwas. "Come on, Ram. I know there is something wrong. Ate Rob, texted me to watch over you, while ate Ren called me to accompany you." Tuluyan ng bumuhos aang luha ko dahil sa sinabi niya. Mabilis akong yumakap sa kanya saka ko binuhos lahat ng iyak ko. Umiyak lang ako nang umiyak habang nakayakap sa kany

    Huling Na-update : 2023-09-25
  • Ramona's Obsession (Tagalog)   9

    Monday morning came. Kung ng nakaraang buong isang buwan masaya ako palaging pumasok dahil excited akong makita si Gael ngayon hindi na. Excited pa rin naman akng pumasok pero hindi na ako excited na makta siya. Tama si ate Raf, aral muna bago landi. Sa Ganda kong ito impossibleng tatanda ako mag-isa kaya pangarap ko muna uunahin ko. Napatigil ako sa paglalakad ng biglang may mabigat na kamay na umakbay sa akin. "Why are you alone?" nagtatakang tanong ni Stella nang lingunin ko siya. "What do you mean?" "Well, every morning mula ng i-deklara ni Gael na boyfriend mo siya palagi ka na niyang hinahatid sa classroom natin pero ngayon bakit parang mag-isa ka lang? Nag-away ba kayo? Ikaw ba sumapak sa kanya? Hindi ko naman alam na ganoon ka kabayolente." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Yes, I punched him pero grabe ba ang suntok ko at nag-iwan ng pasa sa mukha niya para malaman pa ni Stella? "Wala na kami," balewalang saad ko. "Weee?" hindi naniniwalang saad nito habang nagt

    Huling Na-update : 2023-09-26
  • Ramona's Obsession (Tagalog)   10

    Nang makarating kami sa tapat ng bahay namin ay mabilis akong bumaba ng kotse ni Kuya Nero. Pero mabilis din siyang nakababa at nahawakan ang kamay ko para pigilan akong pumasok sa gate. "He does not deserve you," wika nito. "Alam ko. You don't have to remind me that and we already broke up, what's the fuss?" diretsang tanong ko sa kaniya. Hindi ko maiwasang mairita sa kaniya. Hindi ko kasi maiwasang umasa kapag nagpapakita siya ng concern sa akin. Assuming pa naman ako minsan. "Nothing. I am just concern that he might still pester you. Just tell me, I can handle that guy." Natawa ako sa sinabi niya dahil sa inis. Why is he acting concern now? Dati naman wala siyang pakialam kahit na anong gawin ko. Kahit parang tanga na akong nagpapapansin sa kaniya ay balewala lang sa kaniya tapos ngayon nakikialam na siya. "Thanks but no thanks. I can handle him, I can handle my life. I have my sisters to back me up. I don't need you," magaspang na saad ko sa kaniya. Ayokong umasa na naman d

    Huling Na-update : 2024-01-25

Pinakabagong kabanata

  • Ramona's Obsession (Tagalog)   SPECIAL CHAPTER 6

    Dumating ang sabado. Ito ang araw ng fashion show. Napatingin ako sa paligid nang mapansin ko na ako lang ang inaayusan. “Nasaan po ang mga kasama ko? ”Tanong ko sa make-up artist na nag-aayos sa akin. “Nasa ibang room po sila ma'am, magkakabukod po talagang inaayusan ang mga model para po hindi magkagulo sa isang room at hindi masagi ang susuutin ninyong gown,” paliwanag nito. Napatingin ako sa gown na susuutin ko. This is not my wedding yet, and I am very excited. Hindi rin lang isa ang nag-aayos sa akin, lima silang nandito sa loob na kasama ako. May nag-aayos ng buhok ko, ng make-up ko, at ng mga susuutin ko. Daig ko pa ang ikakasal talaga. Hindi ko rin makita si Ate Ren, pagkahatid kasi niya sa akin ay umalis na rin siya, sabi nga niya may appointment siyang pupuntahan. Kaya nga ako ang pumalit dito sa kaniya. Napatingin ako sa paligid, ilang minuto na lang at magsisimula na ang show, pero wala pa akong nakikitang ibang modelo na kasama ko. Hindi gaya sa mga napapanood ko na

  • Ramona's Obsession (Tagalog)   SPECIAL CHAPTER 5

    THREE YEARS AFTER... Ramona's POV "Three years na kayong engage, wala pa ba kayong balak magpakasal?" napatingin ako kay Ate Ren. "Naunahan ka pa ni Rob." Nakaupo ito sa sofa habang nakataas ang dalawang paa at kumakain ng cereals. Saturday afternoon ngayon at nakatambay lang kaming dalawa sa bahay. Dito na ulit siya nakatira, hindi ko alam kung ano ang nangyari, but she said that she is planning to divorce Kuya Lukas. "Magpapakasal naman kami, sure naman na iyon, pero sa ngayon, hindi ba pwedeng mag-enjoy lang muna kami bilang boyfriend-girlfriend?" sagot sa kaniya. Isa pa busy si Nero sa negosyo niya at ako naman ay sa trabaho ko bilang bagong Marketing Director ng Hidalgo's Hotel. One year after ni Nero mag-propose sa akin ay nag-resign siya sa trabaho, saka ko lang nalaman na may sarili pala siyang negosyo. He owns three luxurious resto bars and a resort kaya masyado siyang busy. Tapos balak pa niyang magpatayo ng bagong branch, kaya mas abala siya. "Pero kapag inaya ka niya

  • Ramona's Obsession (Tagalog)   SPECIAL CHAPTER 4

    Bumalik ako ng Maynila kasama si Noel at gaya ng inaasahan ko hindi papayag si Ellen na hindi siya kasama. Pero wala na itong nagawa nang bumukod na ako, hindi gaya sa America na magkasama kaming dalawa sa iisang bahay. I also contacted my best friend, Rob, to inform her that I was back. Kahit na alam ko na galit pa rin siya sa akin dahil sa ginawa ko sa kapatid niya. Gaya ng inasahan ko maraming maaanghang na salitang binitwan sa akin si Rob, pero sa huli ay nakausap ko rin siya ng maayos. Kasunod kong kinausap ay ang nakakatanda sa magkakapatid na Escalante. "So, you finally back?" bored na saad nito habang magkausap kami. Nakasandal ito sa isang mamahaling kotse. NDH race track kami ngayon. Nalaman kong palagi siyang tumambay dito dahil asawa niya ang may-ari ng lugar na ito. Ngayon naiintindihan ko na why she can boss people around her; she's a real boss. Tumango ako sa kaniya. "Yes." "Why just now?" "What do you mean?" "Why did you come back?" "He is not mine." "I know," s

  • Ramona's Obsession (Tagalog)   SPECIAL CHAPTER 3

    NERO'S POV The trip to Japan became a memorable one. Ang pangako ko kung babantayan ko lang siya ay hindi ko natupad, nagawa kong umamin sa kaniya. Nalaman niya na hindi coincidence lang na nasa Japan ako dahil nga nadoon ako kung nasaan siya. Sinadya ko namang iparamdam ang presesnsya ko sa kaniya, hindi ko lang inaasahan na magagalit siya sa akin. I really have no plan to confess yet, but seeing her angry with me made me feel devastated, so without a plan, I told her what I felt for her. That day, I said the magic words and promised her that I would wait until she was ready. Magkasama naming nilibot ang buong Kyoto, we may not be officially lovers, but we are both already aware of what we feel. Minsan kasi kahit gaano pa natin kagusto ang isang tao, hindi muna natin gugustuhin na pumasok sa relasyon kasama siya. Hahayaan muna nating siyang abutin ang pangarap niya, habang tayo ay nakasuporta lang sa kaniya. At ganoon ang gusto kong gawin kay Ramona. Hayaan siyang malayang abutin mu

  • Ramona's Obsession (Tagalog)   SPECIAL CHAPTER 2

    Kung kailan amindo na akong gusto ko rin siya saka naman siya nagsimulang iwasan ako. Tapos nagsimula pangsumingit ang Sandro na iyon, kaya mas lalo akong nahirapang lapitan si Ramona. Gumawa na lang ako ng paraan para hindi ako malamang ni Sandro. Binigyan ko siya ng regalo. Una ay binigyan ko langs iay ng electric shocker dahil nalaman ko na nag-iisa lang siya sa bahay. Kailangan niya ng pang-self-defense. Nang dumating ang pasko at bagong taon ay nasa probinsya siya. Palagi talaga silang umuuwi kapag bakasyon, kaya binili ko ng regalo ang lahat ng naipon ko. Mahilig siyang kumuha ng larawan, kaya dlsr ang binili ko sa kaniya. Medyo may kamahalan kaya nabutas ang bulsa ko, pero nang makita ko ang mga ngiti niya sa iniregalo ko, sulit ang gastos ko. Binili ko talaga ang isa sa pinakamahal na camera para sa kaniya. Hanggang sa dumating ang eighteen birthday niya. Wala na akong pera ako ng isang silver infinity ring. Mura lang iyon, pero gusto ko ang simbolo noon. Kapag nagpropose ak

  • Ramona's Obsession (Tagalog)   SPECIAL CHAPTER 1

    NERO'S POINT OF VIEWSumama ako ngayon kay Rob papunta sa bahay nila. Katatapos lang naming mag-enroll at sa bahay nila kami dumiretso ng uwi. Sanay na akong tumambay sa kanila dahil madalas ay siya at si Raf lang naman ang tao doon, pero hindi ko inaasahang pagdating namin ay naroon na rin ang bunsong Escalante. Sa larawan ko lang siya nakikita dati, pero hindi ko mapigilang mapahigit ng hininga nang makita ko siya at ngumiti sa amin ni Rob.Mas maganda siya sa personal."Who is he?" tanong nito kay Rob, pero nasa akin ang tingin niya. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa harap ng teenager na nasa harapan ko.Kailan pa ako kinabahan dahil sa bata?"My friend, Nero," simpleng pagpapakilala sa akin ni Rob sa kaniya. "She's my youngest sister, Ramona. Dito na rin siya mag-aaral."Inilahad nito ang kamay niya, tantanggapin ko na sana iyon nang bigla itong magsalita. "Ramona Escalante, your future wife," malaking ngiti na saad nito dah

  • Ramona's Obsession (Tagalog)   FINALE

    Napatingin kami kay Papa at Nero nang sabay na pumasok ang mga ito sa dining room. Halatang may hangover sila pareho, pero pinipilit nilang hindi ipahalata. Ayan kasi ang lalakas uminom, pero bagsak naman. Sabay silang naupo. Si papa ay sa kabisera ng lamesa, habang si Nero naman ay sa kalapit ko. Nginitian ako siya at inabot ang kape para mawala ang sakit ng ulo niya kahit papaano, pero bigla nitong hinawakan ang kamay ko habang nakakunot ang noo. “How? You already saw it?” gulat na tanong niya sa akin habang nakatingin sa daliri kong may suot na singsisng. “Yeah, you gave it to me last night,” nakangiting saad ko sa kaniya. Huwag niyang sabihin na hindi niya naalala? “Kung ganoon nilasing mo ako para makapag-propose ka sa anak ko?” sabay-sabay kamig napatingin kay papa habang matalim ang mga mata nito na nakatingin kay Nero. Bigla itong napayuko nang bigla itong batukan ni Mama. “Ikaw ang nagsabi sa kaniya na lumuhod kaya huwag ka nang tumutol pa. Hayaan mo na ang anak natin,

  • Ramona's Obsession (Tagalog)   109

    RAMONA'S POV Napabangon ako sa kama ko nang marinig kong may nagtatawanan sa ibaba. Nahihirapan man ay pinilit kong sumakay sa wheelchair ko bago ako lumabas ng kwarto ko. Nakasalubong ko si Ate Roberta na nagtatakang tumingin sa akin. "Saan ka pupunta?" "Sa labas narinig ko kasi ang boses ni Nero parang may kaaway yata," sagot ko sa kaniya. Boses kasi ni Nero ang narinig ko. Hindi naman iyong palaging malakas ang boses maliban na lang kapag mainit ang ulo sa opisina, pero ngayon ay rinig ko ang boses niya hanggang kwarto ko na tila ba may kausap. Napatingin ako kay Ate Rob nang itulak niya ang wheelchair ko. Napakunot ako nang makita ko si Mama na nasa may Garden at hawak-hawak ang camera na para bang may vini-video ito. Napatingin ako kung saan nakatutok ang hawak niya at nakita ko si Papa at Nero na nakaupo sa may papag na nasa may hardin. Ang daming bote ng alak na nakapalibot sa kanila. "Ma, nilalasing ba ni Papa si Nero?" nag-aalalang tanong ko kay mama nang makita ko si N

  • Ramona's Obsession (Tagalog)   108

    RAMONA'S POVIt's been two weeks mula nang makalabas ako sa ospital, pero naka-wheel chair pa rin ako dahil sa binti ko. Hindi pa kasi magaling at hindi ko naman pwedeng pwersahin. Pero sabi naman ng doctor ay makakalad din ako kapag magaling na ang binti ko.Nasa balcony ako sa second floor at napakunot ang noo ko nang makita ko si Nero na nagsisibak ng mga kahoy sa ibaba kasama ang ilan sa mga tauhan ni Papa.Hindi ko mapigilang mapailing, sigurado akong ang ama ko ang may pakana noon.Marami nang nangyari sa nakalipas na tatlong linggo.Matapos kong makalabas sa ospital ay isinama ako pauwi ng mga magulang ko sa probinsya. At kahapon ay dumating si Nero para sundan ako. Sabi niya ay inayos lang niya ang mga problemang naiwan sa Maynila.Mabuti na lang at may cctv sa parking lot ng hospital, kaya nakunan nila ang ginawa ni Ellen. Hindi rin tumigil si Ate Ren upang malinis ang pangalan ko at hindi madawit sa pagkamatay ni Ellen at sa karambolang nangyari.Hindi ko lang inaasahan na a

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status