Naging maayos naman ang mga sumunod na araw ko. Nagawa na rin namin ni Gael na kumain sa labas kahit na patago lang. I am not yet ready to introduce him to my sisters.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko one na ipakilala ko siya sa mga kapatid ko iyon na rin ang oras na dapat maghiwalay na kami. Gael is a nice person. Masyado siyang mabait sa akin at nakakapanghinayang kapag pinakawalan ko siya.
"A lunch for the queen." Napangiti ako kay Gael ng ilagapag niya ang tray na may pagkain sa harapan ko.
"Thanks, slave," biro ko sa kanya.
Madrama itong humawak sa dibdib na para bang nasasaktan habang umuupo sa tapat ng ko. Kaya natawa ako.
Tinaasan ko siya ng kilay ng makita ko siyang nakatitig sa akin. "Gandang-ganda kana naman sa'kin."
"Bakit nga ba masyado kang maganda? Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala. Paano kung bigla ka na lang agawin sa akin? Kaya pwede bang huwag kang lumapit sa ibang lalaki?" seryosong saad nito habang patuloy pa rin ang pagtitig sa akin.
Hindi man lang nito nagawang kibuin ang pagkain nasa harapan nito dahil nasa akin pa rin ang atensyon nito samantalang ako ay nagsisimula ng kumain.
Inirapan ko siya. "Bakit ba lagi kang kabado na aagawin ako sayo? Sinabi ko naman sayo, hindi ako papaagaw. At anong karapatan mo na pagbawalan akong lumapit sa iba? Yes, you are my boyfriend but you don't own me. Don't control me, I am not a robot."
Tuluyan ng naubos ang pasensya ko dahil sa sinabi niya. Anong karapatan niya na pagbawalan akong makipagkaibigan sa iba? Kailangan ko bang iwasan ang lahat para sa ikaliligaya niya? Napaka-selfish naman niya kung ganoon. Isa pa wala naman akong ka-close na lalaki. Kung may nakakausap man ako casual talk lang. Kaya hindi ko alam kung bakit pagbabawalan niya akong makipag-usap sa ibang lalaki.
Wala akong ginawa para magselos siya at pagdudahan niya ako pero bakit ganito siya kung umakto ngayon?
Napaka-unreasonable niya. Hindi ko gusto ang pagiging possessive niya. Nakakasakal.
Hindi ko alam kung ano ang problema niya pero mula ng minsang makita kami ni ate Rob at Nero at hindi natuloy ang pagkain namin sa labas ay palagi na siyang ganiyan. Na para bang may imaginary rival siya na anytime ay pwede akong agawin.
"Pero ang mundo ay parang Quiapo, maraming snatcher kapag---" sinipa ko siya sa paa bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin. Para siyang tanga, ang dami niyang kadramahan sa buhay.
Ganyan siya palagi. kapag nakikita niyang hindi na ako natutuwa sa mga pinagsasabi niya ay susubukan niyang magbiro para ibahin ang usapan. Hindi niya alam mas naiirita ako sa ginagawa niya. Kung pwede ko nga lang siyang sungalngalin ng hawak kong kutsara nagawa ko na.
"Huwag mong ituloy kung ayaw mong ibato ko sayo 'tong hawak kong tinidor," pagbabanta ko.
I know that line. Ilang beses ko na ba iyong narinig pero bati ba naman siya gagayahin iyon para lang ilihis ang usapan.
"Pinapatawa ka lang, seryoso ka naman masyado."
Uminom ako sa juice na nasa harapan ko bago tumingin ng diretso sa kanya. "Stop being childish, Gael. I don't find it funny. Palagi mong iniisip na baka agawin ako sa iyo gayong wala naman akong nakikitang dahilan para mangyari iyon. If you are not confident with our relationship, we can end it now."
Nakita ko ang pagkataranta sa mukha nito pero hindi ko pinansin. Maarteng sumubo ako ng adobong nasa plato ko. Medyo maalat pero okay na.
"Sorry, okay. I didn't mean to piss you off. Baliw lang siguro ako sayo kaya minsan hindi ko maiwasang mag-isip ng negatives."
"I said yes because you promised me that you will do your best to make me fall in love with you. But if you keep on doubting me, you can stop now. We can stop whatever we have now."
Yes, he is my boyfriend, but he is aware that I am not in love with him yet. I just gave him a chance to prove to me if he was worth it or not. We put a label on our relationship for exclusivity only. Gusto ko siya pero hindi pa sa point na mahal ko na siya. Kami na pero kailangan pa rin niyang patunayan sa akin na tama bang pumayag ako sa relasyon namin o dapat na bang putulin.
Courting will never impress me. Niligawan naman niya ako pero sinagot ko agad siya dahil naniniwala ako na lalabas ang totoong ugali ng isang tao kapag kampante na sa iyo at nakuha na nila ng gusto nila. Actually saying yes to him is a challenge for him. Sinagot ko siya hindi dahil gusto ko ng maging kami kundi dahil gusto kong makita agad ang totoong kulay niya. After all, all boys are good boys during courtship.
Napaangat ang ulo ko ng makita ko ang kamay niya na may hawak na yogurt milk na may straw na, na dahan-dahan niyang inilalapit sa may tray ng pagkain ko.
Ngumiti ito sa akin ng matamis na para bang nagpapa-cute. "Peace offering." Tinaasan ko siya ng kilay. "Bati na tayo?"
Umikot ang mga mata ko dahil sa inakto niya. Kinuha ko ang yogurt milk at ininom iyon. Alam niya ang kahinaan ko.
"May magagawa pa ba ako?"
Nag-take note ako sa utak ko.
This will be the last time. If ever na mabanggit ulit niya ang mga bagay na sinabi niya kanina. Ang mga kapraningan niya. It will be over between us. Hindi ako magdadalawang isip na makipag-break sa kanya dahil wala akong balak na i-tolerate ang mga kapraningan niya.
Nakita ko ang malawak na ngiti nito bago nagsimulang kumain. Dahil sa kapraningan nito, hindi agad ito nakakain samantalang ako ay tuloy-tuloy lang ang kain habang nagdadrama siya sa harapan ko. Napapaisip na tuloy ako kung tama ba talaga ang desisyon ko na sagutin agad ito.
Nakikita ko ang ibang matang nakatingin sa pwesto namin pero wala akong pakialam hanggang dumako ang mata ko sa isang babaeng pinanlalakihan ako ng mga mata kaya pinalakihan ko rin siya.
It was Stella. A friend of mine na ayaw daw maging third wheel kaya kapag nakikita niyang papalapit na si Gael ay kusang lumalayo. Hindi ko rin trip ang isang iyon pakiramdam ko hindi siya boto kay Gael gayong wala namang ginagawa sa kanyang masama iyong tao. Kung makatingin kasi ito sa boyfriend ko parang palaging may masamang ginawa si Gael.
"Mauna na ako," paalam ko kay Gael ng makita kong hindi pa siya tapos kumain.
"Wait!"
"May kailangan pa akong tapusing presentation."
Wala akong balak sayangin ang oras na panoorin siyang kumain gayong may kailangan pa akong tapusing presentation. Kung inuna lang sana niya ang pagkain at hindi ang mag-isip ng kung ano-ano, sabay nasa kaming natapos.
Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Tumayo na ako at kinuha ang tray ko para ibalik sa may counter kung saan inilalagay ang mga hugasang pinggan.
Magkaiba naman kami ng strand ni Gael kaya kahit hintayin ko siya ay hindi naman kami papasok sa iisang classroom. STEM siya habang GAS naman ako. Magkabukod ang building namin kaya hindi rin kami magkakasabay.
"Hey!"
Biglang may mabigat na kamay na umakbay sa akin habang naglalakad ako sa hallway.
Malapad ang ngiti ni Stella ng tingnan ko siya.
Ginalaw-galaw ko ang balikat ko para alisin niya ang braso niyang nakapatong doon. "Mabigat,"reklamo ko.
Ngumuso ito. "Pero kapag si Gael naka-akbay sayo okay lang. May favoritism ka, neneng."
"Boyfriend ba kita?"
Mas humaba ang nguso nito. "Wow, may mga kaibigan talagang nakakalimutan ka kapag may jowa na."
Nalukot ang mukha ko dahil sa sinabi niya. "Sino ba umiiwas kapag kasama ko si Gael? Ako ba?"
Nag-peace sign ito habang nakangiti ng alanganin. "Sorry. Team Nero pa rin kasi ako."
"Stella!" nanlalaki ang matang saway ko dito pero tinawanan lang ako nito.
Pati ba naman siya?
Malapad ang ngiti ko habang nakatingin sa full body mirror. Umikot pa ako para makita kung maayos na ba ang hitsura ko. Maganda pa rin walang pagbabago. Bakit nga ba napakaganda kong nilalang? Love na love talaga ako ni Papa God dahil biniyayaan niya ako ng husto. Ganda pa lang umaapaw na. Hays.Kinuha ko ang mini bag ko at isinabit sa balikat ko bago nakangiting humakbang palabas ng kwarto ko. Mataas masyado ang takong ng sandals na suot ko pero keri lang, sanay na ako. Saka minsan dapat tiis ganda tayo. Hindi kasi ako biniyayaan ng tangkad kaya madalas nagsusuot ako ng mataas na takong para naman kahit papaano ay madagdagan ang height ko.Paglabas ko ng kwarto ko ay siya ring paglabas ng kwarto ni Ate Rob. Magkatapat lang ang kwarto naming dalawa habang katabi ko naman sa bandang kaliwa si ate Raf at katapat naman ni ate Raf ay ang kwarto ni Ate Ren.Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago muling bumalik ang tingin sa mukha ko na nakangiti sa kan'ya."Anong meron? Saan ang lak
Muli akong ngumiti kay Gelay. Hindi ko na pinansin pang muli si Nero. Mukha namang nakaramdan ito na ayoko sa presensya niya kaya kusang umalis sa tabi ko. I ordered a small flourless chocolate cake, isang capuccino at isang black coffee. Pagkalabas ko ng Mariano's ay naglakad na lang ako papunta sa building kung saan nakatira ang pakay ko. Malapad pa rin ang ngiti ko habang naglalakad at dala-dala ang mga inorder ko. Sa sobrang saya ko pakiramdam ko mahalimuyak ang paligid kahit na alikabok lang naman ang nalalanghap ko. Para ngang gusto ko pang batiin lahat ng nakakasalubong ko ng good morning. Nang makarating ako sa gusali ay hindi na ako hinarang pa ng mga gwardiya. This is not my first time to be here. Kaya siguro kahit papaano ay kilala na nila ako. Mabilis akong nagtungo sa elevator. Nginitian ko muna ang may edad na babaeng nasa loob bago ko pinindot ang close button at numero kung saan akong floor pupunta. Nang makarating ako sa seventh floor ay mabilis ako lumabas ng e
Pagdating ko sa bahay ay dumiretso ako sa pantry at kumuha ng mga malalaking sitserya na naka-stock at mga inumin bago umupo sa sofa sa sala at binuksan ang tv. I am too beautiful para magmukmok sa kwarto ko at umiyak dahil lang nahuli ko ang magaling kong ex na may ibang babae. Hindi ko sasayangin ang oras ko sa isang gaya niya. Mas mabuti pang magpakabusog kesa umiyak dahil sa love story kong maagang nausog. Isa pa bakit ako iiyak dahil sa kanya? Hindi siya kawalan, kayang-kaya ko siyang palitan. Para ngang nagkatotoo ang sinabi ni ate Ren na sa una lang masaya. Feeling ko tuloy talagang sinumpa niya ako kanina. Nagkatotoo agad ang sinabi niya, baka nga witch talaga siya. Ang lakas pa ng loob ko na ipangako sa sarili ko na magtatagal kami iyon pala ending na agad. Gael is not worth it. Sinayang niya ang oras ko. Kung hindi pala niya kayang maging tapat dapat hindi na lang siya nanligaw sa akin una pa lang. Kung hindi pala siya seryoso, dapat hindi na lang siya nangakong ako lang a
Daig ko pa ang tinakasan ng dugo nang makita ko si Nero na malapad ang ngiti.Hindi ko alam pero biglang kumabog ang puso ko nang magtama ang mata naming dalawa. Gusto kong ibuka ang aking bibig pero hindi ko alam ang aking sasabihin. Kung pwede lang bumuka ang kinatatayuan ko ngayon at lamunin ako ng buhay ay magpapasalamat pa ako."Hi, Nero. Why you look good today?" bati ni ate Ren dito. Kahit naka-casual attire lang naman si Kuya Nero. Ganyan lang talaga si ate Ren, minsan matalas ang dila, minsan naman mabulaklak na daig pa ang budol-budol na nang-uuto."I always look good, Ms. Renata Escalante." Namuti ang mata ni ate sa sagot ni Kuya Nero. Maliban kay ate Rob na bestfriend ni Kuya Nero, close din siya kay ate Ren at ate raf. Sa akin lang talaga hindi kasi iniiwasan nya ako madalas. Saklap di ba?"Oh, anong nangyari sayo? Nakita mo lang si Kuya Nero mo, nanahimik kana," puna ni ate Ren para bang wala itong alam.Kung malapit lang siya sa pwesto baka nahila ko na ang buhok niya d
Biglang napaangat ang ulo ko mula sa pagkakasubsob sa kama ng makarinig ako ng katok mula sa labas. Pinahid ko ang luha ko bago ako tumayo. Alam kong namumula na ang mga mata ko at hindi ko na maitatago pa na umiyak ako pero kung sino man ang nasa labas ng pinto ay mukhang walang balak na umalis hangga't hindi ko ito pinagbubuksan. "Are you okay?" nag-aalalang bungad ni ate Raf nang pagbuksan ko siya ng pinto. Tumango lang ako at hinayaang bukas ang pinto para makapasok siya. Sumunod naman siya sa akin nang maupo ako sa kama. "What's wrong?" nag-aalalang tanong niya sa akin. "Nothing," sagot ko bago umiwas ng tingin sa kanya pero hinawakan niya ang mukha ko para hindi ako makaiwas. "Come on, Ram. I know there is something wrong. Ate Rob, texted me to watch over you, while ate Ren called me to accompany you." Tuluyan ng bumuhos aang luha ko dahil sa sinabi niya. Mabilis akong yumakap sa kanya saka ko binuhos lahat ng iyak ko. Umiyak lang ako nang umiyak habang nakayakap sa kany
Monday morning came. Kung ng nakaraang buong isang buwan masaya ako palaging pumasok dahil excited akong makita si Gael ngayon hindi na. Excited pa rin naman akng pumasok pero hindi na ako excited na makta siya. Tama si ate Raf, aral muna bago landi. Sa Ganda kong ito impossibleng tatanda ako mag-isa kaya pangarap ko muna uunahin ko. Napatigil ako sa paglalakad ng biglang may mabigat na kamay na umakbay sa akin. "Why are you alone?" nagtatakang tanong ni Stella nang lingunin ko siya. "What do you mean?" "Well, every morning mula ng i-deklara ni Gael na boyfriend mo siya palagi ka na niyang hinahatid sa classroom natin pero ngayon bakit parang mag-isa ka lang? Nag-away ba kayo? Ikaw ba sumapak sa kanya? Hindi ko naman alam na ganoon ka kabayolente." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Yes, I punched him pero grabe ba ang suntok ko at nag-iwan ng pasa sa mukha niya para malaman pa ni Stella? "Wala na kami," balewalang saad ko. "Weee?" hindi naniniwalang saad nito habang nagt
Nang makarating kami sa tapat ng bahay namin ay mabilis akong bumaba ng kotse ni Kuya Nero. Pero mabilis din siyang nakababa at nahawakan ang kamay ko para pigilan akong pumasok sa gate. "He does not deserve you," wika nito. "Alam ko. You don't have to remind me that and we already broke up, what's the fuss?" diretsang tanong ko sa kaniya. Hindi ko maiwasang mairita sa kaniya. Hindi ko kasi maiwasang umasa kapag nagpapakita siya ng concern sa akin. Assuming pa naman ako minsan. "Nothing. I am just concern that he might still pester you. Just tell me, I can handle that guy." Natawa ako sa sinabi niya dahil sa inis. Why is he acting concern now? Dati naman wala siyang pakialam kahit na anong gawin ko. Kahit parang tanga na akong nagpapapansin sa kaniya ay balewala lang sa kaniya tapos ngayon nakikialam na siya. "Thanks but no thanks. I can handle him, I can handle my life. I have my sisters to back me up. I don't need you," magaspang na saad ko sa kaniya. Ayokong umasa na naman d
Naging abala na ako sa pag-aaral ko. Talagang itinuon ko ang pansin sa pag-aaral para hindi na ako mag-isip pa tungkol sa sugatan kong puso.Nakikita ko pa rin si Gael dito sa school pero hindi na kami nagpapansinang dalawa. Noong nakaraan ay nabalitaan ko na may iba na siyang girlfriend. Wala naman akong pakialam."Malapit na ng christmas break pero si Ma'am, wala yata tayong balak na pagpahingahin tayo," reklamo ni Stella sa tabi ko habang bumubuntong hininga."Alam mo, gumawa ka na lang. Wala naman tayong choice," wika ko sa kaniya habang abasa sa ginagawa kong essay.Totoo naman ang sinasabi niya. Bukas ay bakasyon na namin pero nandito pa rin kami sa library dahil may kailangan pa kaming ipasa today.Sa isang araw naman ay christmas party na namin pero syempre hindi kami pwedeng pumarty na may naka-pending kaming mga activities kaya tinatapos na namin lahat para naman ma-enjoy namin ang buong bakasyon.Ilang oras din kaming tumambay ni Stella sa library bago kami natapos. "Sa wak
Dumating ang sabado. Ito ang araw ng fashion show. Napatingin ako sa paligid nang mapansin ko na ako lang ang inaayusan. “Nasaan po ang mga kasama ko? ”Tanong ko sa make-up artist na nag-aayos sa akin. “Nasa ibang room po sila ma'am, magkakabukod po talagang inaayusan ang mga model para po hindi magkagulo sa isang room at hindi masagi ang susuutin ninyong gown,” paliwanag nito. Napatingin ako sa gown na susuutin ko. This is not my wedding yet, and I am very excited. Hindi rin lang isa ang nag-aayos sa akin, lima silang nandito sa loob na kasama ako. May nag-aayos ng buhok ko, ng make-up ko, at ng mga susuutin ko. Daig ko pa ang ikakasal talaga. Hindi ko rin makita si Ate Ren, pagkahatid kasi niya sa akin ay umalis na rin siya, sabi nga niya may appointment siyang pupuntahan. Kaya nga ako ang pumalit dito sa kaniya. Napatingin ako sa paligid, ilang minuto na lang at magsisimula na ang show, pero wala pa akong nakikitang ibang modelo na kasama ko. Hindi gaya sa mga napapanood ko na
THREE YEARS AFTER... Ramona's POV "Three years na kayong engage, wala pa ba kayong balak magpakasal?" napatingin ako kay Ate Ren. "Naunahan ka pa ni Rob." Nakaupo ito sa sofa habang nakataas ang dalawang paa at kumakain ng cereals. Saturday afternoon ngayon at nakatambay lang kaming dalawa sa bahay. Dito na ulit siya nakatira, hindi ko alam kung ano ang nangyari, but she said that she is planning to divorce Kuya Lukas. "Magpapakasal naman kami, sure naman na iyon, pero sa ngayon, hindi ba pwedeng mag-enjoy lang muna kami bilang boyfriend-girlfriend?" sagot sa kaniya. Isa pa busy si Nero sa negosyo niya at ako naman ay sa trabaho ko bilang bagong Marketing Director ng Hidalgo's Hotel. One year after ni Nero mag-propose sa akin ay nag-resign siya sa trabaho, saka ko lang nalaman na may sarili pala siyang negosyo. He owns three luxurious resto bars and a resort kaya masyado siyang busy. Tapos balak pa niyang magpatayo ng bagong branch, kaya mas abala siya. "Pero kapag inaya ka niya
Bumalik ako ng Maynila kasama si Noel at gaya ng inaasahan ko hindi papayag si Ellen na hindi siya kasama. Pero wala na itong nagawa nang bumukod na ako, hindi gaya sa America na magkasama kaming dalawa sa iisang bahay. I also contacted my best friend, Rob, to inform her that I was back. Kahit na alam ko na galit pa rin siya sa akin dahil sa ginawa ko sa kapatid niya. Gaya ng inasahan ko maraming maaanghang na salitang binitwan sa akin si Rob, pero sa huli ay nakausap ko rin siya ng maayos. Kasunod kong kinausap ay ang nakakatanda sa magkakapatid na Escalante. "So, you finally back?" bored na saad nito habang magkausap kami. Nakasandal ito sa isang mamahaling kotse. NDH race track kami ngayon. Nalaman kong palagi siyang tumambay dito dahil asawa niya ang may-ari ng lugar na ito. Ngayon naiintindihan ko na why she can boss people around her; she's a real boss. Tumango ako sa kaniya. "Yes." "Why just now?" "What do you mean?" "Why did you come back?" "He is not mine." "I know," s
NERO'S POV The trip to Japan became a memorable one. Ang pangako ko kung babantayan ko lang siya ay hindi ko natupad, nagawa kong umamin sa kaniya. Nalaman niya na hindi coincidence lang na nasa Japan ako dahil nga nadoon ako kung nasaan siya. Sinadya ko namang iparamdam ang presesnsya ko sa kaniya, hindi ko lang inaasahan na magagalit siya sa akin. I really have no plan to confess yet, but seeing her angry with me made me feel devastated, so without a plan, I told her what I felt for her. That day, I said the magic words and promised her that I would wait until she was ready. Magkasama naming nilibot ang buong Kyoto, we may not be officially lovers, but we are both already aware of what we feel. Minsan kasi kahit gaano pa natin kagusto ang isang tao, hindi muna natin gugustuhin na pumasok sa relasyon kasama siya. Hahayaan muna nating siyang abutin ang pangarap niya, habang tayo ay nakasuporta lang sa kaniya. At ganoon ang gusto kong gawin kay Ramona. Hayaan siyang malayang abutin mu
Kung kailan amindo na akong gusto ko rin siya saka naman siya nagsimulang iwasan ako. Tapos nagsimula pangsumingit ang Sandro na iyon, kaya mas lalo akong nahirapang lapitan si Ramona. Gumawa na lang ako ng paraan para hindi ako malamang ni Sandro. Binigyan ko siya ng regalo. Una ay binigyan ko langs iay ng electric shocker dahil nalaman ko na nag-iisa lang siya sa bahay. Kailangan niya ng pang-self-defense. Nang dumating ang pasko at bagong taon ay nasa probinsya siya. Palagi talaga silang umuuwi kapag bakasyon, kaya binili ko ng regalo ang lahat ng naipon ko. Mahilig siyang kumuha ng larawan, kaya dlsr ang binili ko sa kaniya. Medyo may kamahalan kaya nabutas ang bulsa ko, pero nang makita ko ang mga ngiti niya sa iniregalo ko, sulit ang gastos ko. Binili ko talaga ang isa sa pinakamahal na camera para sa kaniya. Hanggang sa dumating ang eighteen birthday niya. Wala na akong pera ako ng isang silver infinity ring. Mura lang iyon, pero gusto ko ang simbolo noon. Kapag nagpropose ak
NERO'S POINT OF VIEWSumama ako ngayon kay Rob papunta sa bahay nila. Katatapos lang naming mag-enroll at sa bahay nila kami dumiretso ng uwi. Sanay na akong tumambay sa kanila dahil madalas ay siya at si Raf lang naman ang tao doon, pero hindi ko inaasahang pagdating namin ay naroon na rin ang bunsong Escalante. Sa larawan ko lang siya nakikita dati, pero hindi ko mapigilang mapahigit ng hininga nang makita ko siya at ngumiti sa amin ni Rob.Mas maganda siya sa personal."Who is he?" tanong nito kay Rob, pero nasa akin ang tingin niya. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa harap ng teenager na nasa harapan ko.Kailan pa ako kinabahan dahil sa bata?"My friend, Nero," simpleng pagpapakilala sa akin ni Rob sa kaniya. "She's my youngest sister, Ramona. Dito na rin siya mag-aaral."Inilahad nito ang kamay niya, tantanggapin ko na sana iyon nang bigla itong magsalita. "Ramona Escalante, your future wife," malaking ngiti na saad nito dah
Napatingin kami kay Papa at Nero nang sabay na pumasok ang mga ito sa dining room. Halatang may hangover sila pareho, pero pinipilit nilang hindi ipahalata. Ayan kasi ang lalakas uminom, pero bagsak naman. Sabay silang naupo. Si papa ay sa kabisera ng lamesa, habang si Nero naman ay sa kalapit ko. Nginitian ako siya at inabot ang kape para mawala ang sakit ng ulo niya kahit papaano, pero bigla nitong hinawakan ang kamay ko habang nakakunot ang noo. “How? You already saw it?” gulat na tanong niya sa akin habang nakatingin sa daliri kong may suot na singsisng. “Yeah, you gave it to me last night,” nakangiting saad ko sa kaniya. Huwag niyang sabihin na hindi niya naalala? “Kung ganoon nilasing mo ako para makapag-propose ka sa anak ko?” sabay-sabay kamig napatingin kay papa habang matalim ang mga mata nito na nakatingin kay Nero. Bigla itong napayuko nang bigla itong batukan ni Mama. “Ikaw ang nagsabi sa kaniya na lumuhod kaya huwag ka nang tumutol pa. Hayaan mo na ang anak natin,
RAMONA'S POV Napabangon ako sa kama ko nang marinig kong may nagtatawanan sa ibaba. Nahihirapan man ay pinilit kong sumakay sa wheelchair ko bago ako lumabas ng kwarto ko. Nakasalubong ko si Ate Roberta na nagtatakang tumingin sa akin. "Saan ka pupunta?" "Sa labas narinig ko kasi ang boses ni Nero parang may kaaway yata," sagot ko sa kaniya. Boses kasi ni Nero ang narinig ko. Hindi naman iyong palaging malakas ang boses maliban na lang kapag mainit ang ulo sa opisina, pero ngayon ay rinig ko ang boses niya hanggang kwarto ko na tila ba may kausap. Napatingin ako kay Ate Rob nang itulak niya ang wheelchair ko. Napakunot ako nang makita ko si Mama na nasa may Garden at hawak-hawak ang camera na para bang may vini-video ito. Napatingin ako kung saan nakatutok ang hawak niya at nakita ko si Papa at Nero na nakaupo sa may papag na nasa may hardin. Ang daming bote ng alak na nakapalibot sa kanila. "Ma, nilalasing ba ni Papa si Nero?" nag-aalalang tanong ko kay mama nang makita ko si N
RAMONA'S POVIt's been two weeks mula nang makalabas ako sa ospital, pero naka-wheel chair pa rin ako dahil sa binti ko. Hindi pa kasi magaling at hindi ko naman pwedeng pwersahin. Pero sabi naman ng doctor ay makakalad din ako kapag magaling na ang binti ko.Nasa balcony ako sa second floor at napakunot ang noo ko nang makita ko si Nero na nagsisibak ng mga kahoy sa ibaba kasama ang ilan sa mga tauhan ni Papa.Hindi ko mapigilang mapailing, sigurado akong ang ama ko ang may pakana noon.Marami nang nangyari sa nakalipas na tatlong linggo.Matapos kong makalabas sa ospital ay isinama ako pauwi ng mga magulang ko sa probinsya. At kahapon ay dumating si Nero para sundan ako. Sabi niya ay inayos lang niya ang mga problemang naiwan sa Maynila.Mabuti na lang at may cctv sa parking lot ng hospital, kaya nakunan nila ang ginawa ni Ellen. Hindi rin tumigil si Ate Ren upang malinis ang pangalan ko at hindi madawit sa pagkamatay ni Ellen at sa karambolang nangyari.Hindi ko lang inaasahan na a