Malapad ang ngiti ko habang nakatingin sa full body mirror. Umikot pa ako para makita kung maayos na ba ang hitsura ko. Maganda pa rin walang pagbabago. Bakit nga ba napakaganda kong nilalang? Love na love talaga ako ni Papa God dahil biniyayaan niya ako ng husto. Ganda pa lang umaapaw na. Hays.
Kinuha ko ang mini bag ko at isinabit sa balikat ko bago nakangiting humakbang palabas ng kwarto ko. Mataas masyado ang takong ng sandals na suot ko pero keri lang, sanay na ako. Saka minsan dapat tiis ganda tayo. Hindi kasi ako biniyayaan ng tangkad kaya madalas nagsusuot ako ng mataas na takong para naman kahit papaano ay madagdagan ang height ko.
Paglabas ko ng kwarto ko ay siya ring paglabas ng kwarto ni Ate Rob. Magkatapat lang ang kwarto naming dalawa habang katabi ko naman sa bandang kaliwa si ate Raf at katapat naman ni ate Raf ay ang kwarto ni Ate Ren.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago muling bumalik ang tingin sa mukha ko na nakangiti sa kan'ya.
"Anong meron? Saan ang lakad mo? Linggo ngayon, wala ka namang pasok," kunot noong tanong ni ate Rob nang makita niya ako. Daig pa niya si Mommy kung mag-usisa. Yung mga tingin na ibinibigay niya sa akin para bang may gagawin na naman agad akng hindi maganda. Hays, mahirap talaga kapag may kapatid kang daig pa ni Ms. Tapia.
"Secret."
Tumaas ang kilay nito dahil sa sinabi ko pero hindi na ito nagsalita at nauna nang bumaba ng hagdan sa akin.
"Wow, bihis na bihis, ah?"nakangiting tanong sa akin ni Ate Raf. May hawak itong mug na may lamang kape habang nakasandal sa gilid ng pinto. "May date ka?" mapanukso ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.
"She is just seventeen, Raf." Nagbabanta ang tingin ni ate Rob nang tumingin siya sa amin. Ito na naman siya.
Umakto naman si ate Rob na sinisiper ang bibig bago tumalikod at nagtungo sa dining.
"Seventeen is the best time to flirt, Rob. Palibhasa noong seventeen ka, libro ang kaulayaw mo hanggang ngayon. Don't be too strict with her. She is not that serious with whoever that guy she is dating right now naman." Mula sa likuran ko ay sumulpot si Ate Ren na malaki ang ngiti. Mukhang baging ligo lang ito dahil basa pa ang buhok nito na hindi pa man lang nadadaanan ng suklay.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Who are you to say I am not serious?"
"Are you?" Nakangiti ito pero naghahamon ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.
Nilabanan ko ang tingin niya.
"O-of course!"
Umiling-iling ito at umakbay sa akin.
"So, may boyfriend ka nga? Paano na si Nero?"
Umirap ako sa kan'ya nang banggitin niya ang pangalang iyon. Masyadong maganda ang araw ko pero parang gusto niyang sirain agad.
Nero is ate Rob's friend whom I liked before pero hindi na ngayon. Ayoko na sa kanya, may iba na akong gusto. He is too cold and distant. Masyado akong maganda para maulol sa kanya. Gael is nice guy, while Nero is nevermind.
"Hindi lang siya ang gwapo sa mundo. Sa ganda kong ito? Maghahabol ako? No f*cking way."
Hindi na talaga. Never! As in.
Maraming choices bakit ako mag-i-stick sa ayaw sa akin?
Biglang akong napahawak sa noo ko nang bigla iyong pitikin ni ate Ren.
"Sinungaling."
Sinimangutan ko siya. Sinisira niya ang magandang araw ko.
"Mag-almusal na kayo," sigwa ni Ate Raf mula sa dining at nauna nang maupo.
Umalis naman si Ate Ren sa pagkaka-akbay sa akin at naupo sa tabi ni Ate Rob. Nakataas pa ang isa nitong paa habang sumasandok ng fried rice.
"Hindi na ako kakain. Sa labas na lang," paalam ko sa kanila.
Kaya nga maagap akong gumising dahil may plano ako ngayong araw. This is our first monthsarry and I want to surprise him. Isang buwan na pala agad kami. Naalala ko pa noong unang beses na makita kami ni Ate Rob. Ang kaba ko na baka mahuli ako na may boyfriend ako. Pero ngayon parang wala lang sa kanila. Hindi ko alam pero kahit umaakto silang balewala lang sa kanila may boyfriend ako parang kinakabahan pa rin ako.
"Mauna na ako."
Hindi naman ako pinansin ni ate Ren na abala nang kumain. Ngumiti lang si ate Raf habang seryoso akong tiningnan ni ate Rob. Sa kanilang tatlo si Ate Rob ang pinaka-strict kahit si Ate Ren naman ang panganay. Kaya minsan mas nahihirapan akong magpaalam sa kanya kesa kay ate Ren na madalas wala namang pakialam. Wala naman akong problema kay ate Raf dahil masyado itong mabait, madali itong mauto. But of course they can't deceive me, I know my sisters. Pailalim sila kung tumira lalo na si Ate Ren, pakiramdam ko dati pa silang may alam. Pero bakit wala silang sinasabi? Kaya nga pilit ko itinatago sa kanila dahil alam ko tututol sila at pipilitin akong hiwalayan si Gael pero mukhang nagkamali ako. Baka nga okay lang sa kanila.
"Where are you going again?" Muli ay tanong ni ate Rob bago pa ako makahakbang paalis. Akala ko ba okay na? Kanina kasi noong sinabi kong secret wala naman siyang sinabi.
"Don't be like that Rob. Let her be. Gan'yan talaga kapag in love, handang magutom minsan. Huwag ka mag-alala sa una lang iyan masaya. Bukas dito na ulit iyan mag-aalmusal. If you are really concern you can ask Nero to drive her, Rob."" saway ni ate Ren kay ate Rob habang sa pagkain pa rin ang pansin nito. Bumuntong hininga na lang si ate Rob at hindi na ako pinansin.
Masama ang tingin na tiningnan ko si Ate Ren pero naghahamon ang mga mata nito nang tingnan ako. Nakangiting kumaway naman sa akin si ate Raf kaya nginitian ko siya.
Muli akong tumingin kay Ate Ren inirapan ko siya kahit na hindi niya nakikita dahil tila wala na itong pakialam sa paligid niya at abala sa pagkain. Pasimple ko namang sinulyapan si Ate Rob na ramdam kong nakatingin pa rin sa akin bago ako lumabas ng pintuan sa kusina. Hindi ko na sinalubong ang tingin niyang alam kong nagtatanong pa rin.
Napasimangot ako ng maalala ang sina ni ate Ren. Bakit kung makapagsalita siya parang daig pa niya si Nostradamus tapos kung i-judge n'ya nararamdaman ko parang iniisip niya nakikipaglaro lang ako ng jackstone. Minsan sumusubra na ang bibig niya. Parang gusto yata niyang isumpa ang love life ko. Patutunayan ko sa kanya na mali siya. Tatagal kami, makikita niya.
Kaya ayaw ko ipakilala sa kanila si Gael dahil alam ko na marami silang magiging comments. Si ate Rob na alam kong tutol dahil sa edad ko, si Ate Ren na madalas lumalabas ang pagiging impakta kapag nalalamang may mga lalaking umaaligid sa akin o kahit na kina ate Rob at Ate Raf. Minsan iniisip ng ibang tao na mabait si Ate Ren kasi mapagbiro ito pero kung m*****a ako, demonyita na ang isang iyon.
Alam ko bata pa ako pero wala namang batas na bawal ma-in love ang isang gaya ko. Saka four months na lang eighteen na ako. Siguro iniisip niya na baliw na baliw pa rin ako kay Kuya Nero at hindi ako seryoso sa relasyong meron ako ngayon. Oo, kuya. Napagdesisyonan ko nang tawaging kuya si Kuya Nero dahil iyon naman talaga ang tama. He is four years older than me. Ka-edad siya ni ate Rob kaya nga silang dalawa ang friends. Kaya dapat kuya talaga ang tawag ko sa kanya. That's my way to set boundary.
Tumingin ako sa relo ko bago tuluyang lumabas ng gate. Magsi-seven pa lang. Mabuti na lang ay may dumaan agad na taxi kaya nakasakay agad ako.
Bumaba ako sa paborito kong bake shop.
"Good morning, Ma'am Ram," masiglang bati sa akin ni Gelay. Isa siya sa mga staff ng Mariano's Sweets. Kilala na ako dito dahil naging tambayan ko ang lugar na ito noon. Noong baliw pa ako sa anak ng may-ari nito.
Abala ako sa pamimili ng bibilhin ng may magsalita buhat sa likuran ko. "Isn't it too early for you to be here?"
Mabilis akong humarap ng marining ko ang boses ng nagsalita. Pero kahit hindi ako lumingin kilalang-kilala ko na iyon. Gwapo.
Este, mabango. Letseng utak to, napakaharot.
Naka-move on na ako.
"I am not here because of you."
"I didn't say you are here because of me."
Umirap lang ako at hindi na siya pinansin. Kung dati para akong tanga na nagpapapansin sa kanya ngayon hindi na. Wala na siyang dating sa akin. Ayoko na sa kanya.
Muli akong ngumiti kay Gelay. Hindi ko na pinansin pang muli si Nero. Mukha namang nakaramdan ito na ayoko sa presensya niya kaya kusang umalis sa tabi ko. I ordered a small flourless chocolate cake, isang capuccino at isang black coffee. Pagkalabas ko ng Mariano's ay naglakad na lang ako papunta sa building kung saan nakatira ang pakay ko. Malapad pa rin ang ngiti ko habang naglalakad at dala-dala ang mga inorder ko. Sa sobrang saya ko pakiramdam ko mahalimuyak ang paligid kahit na alikabok lang naman ang nalalanghap ko. Para ngang gusto ko pang batiin lahat ng nakakasalubong ko ng good morning. Nang makarating ako sa gusali ay hindi na ako hinarang pa ng mga gwardiya. This is not my first time to be here. Kaya siguro kahit papaano ay kilala na nila ako. Mabilis akong nagtungo sa elevator. Nginitian ko muna ang may edad na babaeng nasa loob bago ko pinindot ang close button at numero kung saan akong floor pupunta. Nang makarating ako sa seventh floor ay mabilis ako lumabas ng e
Pagdating ko sa bahay ay dumiretso ako sa pantry at kumuha ng mga malalaking sitserya na naka-stock at mga inumin bago umupo sa sofa sa sala at binuksan ang tv. I am too beautiful para magmukmok sa kwarto ko at umiyak dahil lang nahuli ko ang magaling kong ex na may ibang babae. Hindi ko sasayangin ang oras ko sa isang gaya niya. Mas mabuti pang magpakabusog kesa umiyak dahil sa love story kong maagang nausog. Isa pa bakit ako iiyak dahil sa kanya? Hindi siya kawalan, kayang-kaya ko siyang palitan. Para ngang nagkatotoo ang sinabi ni ate Ren na sa una lang masaya. Feeling ko tuloy talagang sinumpa niya ako kanina. Nagkatotoo agad ang sinabi niya, baka nga witch talaga siya. Ang lakas pa ng loob ko na ipangako sa sarili ko na magtatagal kami iyon pala ending na agad. Gael is not worth it. Sinayang niya ang oras ko. Kung hindi pala niya kayang maging tapat dapat hindi na lang siya nanligaw sa akin una pa lang. Kung hindi pala siya seryoso, dapat hindi na lang siya nangakong ako lang a
Daig ko pa ang tinakasan ng dugo nang makita ko si Nero na malapad ang ngiti.Hindi ko alam pero biglang kumabog ang puso ko nang magtama ang mata naming dalawa. Gusto kong ibuka ang aking bibig pero hindi ko alam ang aking sasabihin. Kung pwede lang bumuka ang kinatatayuan ko ngayon at lamunin ako ng buhay ay magpapasalamat pa ako."Hi, Nero. Why you look good today?" bati ni ate Ren dito. Kahit naka-casual attire lang naman si Kuya Nero. Ganyan lang talaga si ate Ren, minsan matalas ang dila, minsan naman mabulaklak na daig pa ang budol-budol na nang-uuto."I always look good, Ms. Renata Escalante." Namuti ang mata ni ate sa sagot ni Kuya Nero. Maliban kay ate Rob na bestfriend ni Kuya Nero, close din siya kay ate Ren at ate raf. Sa akin lang talaga hindi kasi iniiwasan nya ako madalas. Saklap di ba?"Oh, anong nangyari sayo? Nakita mo lang si Kuya Nero mo, nanahimik kana," puna ni ate Ren para bang wala itong alam.Kung malapit lang siya sa pwesto baka nahila ko na ang buhok niya d
Biglang napaangat ang ulo ko mula sa pagkakasubsob sa kama ng makarinig ako ng katok mula sa labas. Pinahid ko ang luha ko bago ako tumayo. Alam kong namumula na ang mga mata ko at hindi ko na maitatago pa na umiyak ako pero kung sino man ang nasa labas ng pinto ay mukhang walang balak na umalis hangga't hindi ko ito pinagbubuksan. "Are you okay?" nag-aalalang bungad ni ate Raf nang pagbuksan ko siya ng pinto. Tumango lang ako at hinayaang bukas ang pinto para makapasok siya. Sumunod naman siya sa akin nang maupo ako sa kama. "What's wrong?" nag-aalalang tanong niya sa akin. "Nothing," sagot ko bago umiwas ng tingin sa kanya pero hinawakan niya ang mukha ko para hindi ako makaiwas. "Come on, Ram. I know there is something wrong. Ate Rob, texted me to watch over you, while ate Ren called me to accompany you." Tuluyan ng bumuhos aang luha ko dahil sa sinabi niya. Mabilis akong yumakap sa kanya saka ko binuhos lahat ng iyak ko. Umiyak lang ako nang umiyak habang nakayakap sa kany
Monday morning came. Kung ng nakaraang buong isang buwan masaya ako palaging pumasok dahil excited akong makita si Gael ngayon hindi na. Excited pa rin naman akng pumasok pero hindi na ako excited na makta siya. Tama si ate Raf, aral muna bago landi. Sa Ganda kong ito impossibleng tatanda ako mag-isa kaya pangarap ko muna uunahin ko. Napatigil ako sa paglalakad ng biglang may mabigat na kamay na umakbay sa akin. "Why are you alone?" nagtatakang tanong ni Stella nang lingunin ko siya. "What do you mean?" "Well, every morning mula ng i-deklara ni Gael na boyfriend mo siya palagi ka na niyang hinahatid sa classroom natin pero ngayon bakit parang mag-isa ka lang? Nag-away ba kayo? Ikaw ba sumapak sa kanya? Hindi ko naman alam na ganoon ka kabayolente." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Yes, I punched him pero grabe ba ang suntok ko at nag-iwan ng pasa sa mukha niya para malaman pa ni Stella? "Wala na kami," balewalang saad ko. "Weee?" hindi naniniwalang saad nito habang nagt
Nang makarating kami sa tapat ng bahay namin ay mabilis akong bumaba ng kotse ni Kuya Nero. Pero mabilis din siyang nakababa at nahawakan ang kamay ko para pigilan akong pumasok sa gate. "He does not deserve you," wika nito. "Alam ko. You don't have to remind me that and we already broke up, what's the fuss?" diretsang tanong ko sa kaniya. Hindi ko maiwasang mairita sa kaniya. Hindi ko kasi maiwasang umasa kapag nagpapakita siya ng concern sa akin. Assuming pa naman ako minsan. "Nothing. I am just concern that he might still pester you. Just tell me, I can handle that guy." Natawa ako sa sinabi niya dahil sa inis. Why is he acting concern now? Dati naman wala siyang pakialam kahit na anong gawin ko. Kahit parang tanga na akong nagpapapansin sa kaniya ay balewala lang sa kaniya tapos ngayon nakikialam na siya. "Thanks but no thanks. I can handle him, I can handle my life. I have my sisters to back me up. I don't need you," magaspang na saad ko sa kaniya. Ayokong umasa na naman d
Naging abala na ako sa pag-aaral ko. Talagang itinuon ko ang pansin sa pag-aaral para hindi na ako mag-isip pa tungkol sa sugatan kong puso.Nakikita ko pa rin si Gael dito sa school pero hindi na kami nagpapansinang dalawa. Noong nakaraan ay nabalitaan ko na may iba na siyang girlfriend. Wala naman akong pakialam."Malapit na ng christmas break pero si Ma'am, wala yata tayong balak na pagpahingahin tayo," reklamo ni Stella sa tabi ko habang bumubuntong hininga."Alam mo, gumawa ka na lang. Wala naman tayong choice," wika ko sa kaniya habang abasa sa ginagawa kong essay.Totoo naman ang sinasabi niya. Bukas ay bakasyon na namin pero nandito pa rin kami sa library dahil may kailangan pa kaming ipasa today.Sa isang araw naman ay christmas party na namin pero syempre hindi kami pwedeng pumarty na may naka-pending kaming mga activities kaya tinatapos na namin lahat para naman ma-enjoy namin ang buong bakasyon.Ilang oras din kaming tumambay ni Stella sa library bago kami natapos. "Sa wak
Mugto ang mata ko matapos naming manood ng isang nakakaiyak na pilekula. Matapos namin manggaling sa mall ay dumiretso kami sa bahay nila. Dahil kilala naman na ako ng pamilya nila at madalas ay pumupunta na talaga ako dito sa kanila kaya sanay na silang makita ako. Close nga kami ng mama niya. Hindi lang ng mama niya kundi buong pamilya niya. Kilalang-kilala na ako dito sa bahay nila.Kung si Kuya Nero sa amin palaging tambay, ako naman ay dito sa bahay nina Stella.Kumuha akong muli ng tissue at malakas na suminga doon." Bakit sa dami ng panonoorin natin iyon pa napili mo? Tulo tuloy sipon ko," asar na saad ko kay Stella."Bruha ka, wala namang nakakaiyak sa pinanood natin. Ang drama mo sinisi mo pa iyong movie, alam ko naman na hindi iyon ang iniiyakan mo," mataray na sagot nito at inabot na mismo sa akin ang lalagyan ng tissue na nakapatong kanina sa ibabaw ng foldable table na nasa harapan namin. "Ito pa tissue, iiyak mo lang iyan hanggang sa maging muta."Asar na binato ko siy
Dumating ang sabado. Ito ang araw ng fashion show. Napatingin ako sa paligid nang mapansin ko na ako lang ang inaayusan. “Nasaan po ang mga kasama ko? ”Tanong ko sa make-up artist na nag-aayos sa akin. “Nasa ibang room po sila ma'am, magkakabukod po talagang inaayusan ang mga model para po hindi magkagulo sa isang room at hindi masagi ang susuutin ninyong gown,” paliwanag nito. Napatingin ako sa gown na susuutin ko. This is not my wedding yet, and I am very excited. Hindi rin lang isa ang nag-aayos sa akin, lima silang nandito sa loob na kasama ako. May nag-aayos ng buhok ko, ng make-up ko, at ng mga susuutin ko. Daig ko pa ang ikakasal talaga. Hindi ko rin makita si Ate Ren, pagkahatid kasi niya sa akin ay umalis na rin siya, sabi nga niya may appointment siyang pupuntahan. Kaya nga ako ang pumalit dito sa kaniya. Napatingin ako sa paligid, ilang minuto na lang at magsisimula na ang show, pero wala pa akong nakikitang ibang modelo na kasama ko. Hindi gaya sa mga napapanood ko na
THREE YEARS AFTER... Ramona's POV "Three years na kayong engage, wala pa ba kayong balak magpakasal?" napatingin ako kay Ate Ren. "Naunahan ka pa ni Rob." Nakaupo ito sa sofa habang nakataas ang dalawang paa at kumakain ng cereals. Saturday afternoon ngayon at nakatambay lang kaming dalawa sa bahay. Dito na ulit siya nakatira, hindi ko alam kung ano ang nangyari, but she said that she is planning to divorce Kuya Lukas. "Magpapakasal naman kami, sure naman na iyon, pero sa ngayon, hindi ba pwedeng mag-enjoy lang muna kami bilang boyfriend-girlfriend?" sagot sa kaniya. Isa pa busy si Nero sa negosyo niya at ako naman ay sa trabaho ko bilang bagong Marketing Director ng Hidalgo's Hotel. One year after ni Nero mag-propose sa akin ay nag-resign siya sa trabaho, saka ko lang nalaman na may sarili pala siyang negosyo. He owns three luxurious resto bars and a resort kaya masyado siyang busy. Tapos balak pa niyang magpatayo ng bagong branch, kaya mas abala siya. "Pero kapag inaya ka niya
Bumalik ako ng Maynila kasama si Noel at gaya ng inaasahan ko hindi papayag si Ellen na hindi siya kasama. Pero wala na itong nagawa nang bumukod na ako, hindi gaya sa America na magkasama kaming dalawa sa iisang bahay. I also contacted my best friend, Rob, to inform her that I was back. Kahit na alam ko na galit pa rin siya sa akin dahil sa ginawa ko sa kapatid niya. Gaya ng inasahan ko maraming maaanghang na salitang binitwan sa akin si Rob, pero sa huli ay nakausap ko rin siya ng maayos. Kasunod kong kinausap ay ang nakakatanda sa magkakapatid na Escalante. "So, you finally back?" bored na saad nito habang magkausap kami. Nakasandal ito sa isang mamahaling kotse. NDH race track kami ngayon. Nalaman kong palagi siyang tumambay dito dahil asawa niya ang may-ari ng lugar na ito. Ngayon naiintindihan ko na why she can boss people around her; she's a real boss. Tumango ako sa kaniya. "Yes." "Why just now?" "What do you mean?" "Why did you come back?" "He is not mine." "I know," s
NERO'S POV The trip to Japan became a memorable one. Ang pangako ko kung babantayan ko lang siya ay hindi ko natupad, nagawa kong umamin sa kaniya. Nalaman niya na hindi coincidence lang na nasa Japan ako dahil nga nadoon ako kung nasaan siya. Sinadya ko namang iparamdam ang presesnsya ko sa kaniya, hindi ko lang inaasahan na magagalit siya sa akin. I really have no plan to confess yet, but seeing her angry with me made me feel devastated, so without a plan, I told her what I felt for her. That day, I said the magic words and promised her that I would wait until she was ready. Magkasama naming nilibot ang buong Kyoto, we may not be officially lovers, but we are both already aware of what we feel. Minsan kasi kahit gaano pa natin kagusto ang isang tao, hindi muna natin gugustuhin na pumasok sa relasyon kasama siya. Hahayaan muna nating siyang abutin ang pangarap niya, habang tayo ay nakasuporta lang sa kaniya. At ganoon ang gusto kong gawin kay Ramona. Hayaan siyang malayang abutin mu
Kung kailan amindo na akong gusto ko rin siya saka naman siya nagsimulang iwasan ako. Tapos nagsimula pangsumingit ang Sandro na iyon, kaya mas lalo akong nahirapang lapitan si Ramona. Gumawa na lang ako ng paraan para hindi ako malamang ni Sandro. Binigyan ko siya ng regalo. Una ay binigyan ko langs iay ng electric shocker dahil nalaman ko na nag-iisa lang siya sa bahay. Kailangan niya ng pang-self-defense. Nang dumating ang pasko at bagong taon ay nasa probinsya siya. Palagi talaga silang umuuwi kapag bakasyon, kaya binili ko ng regalo ang lahat ng naipon ko. Mahilig siyang kumuha ng larawan, kaya dlsr ang binili ko sa kaniya. Medyo may kamahalan kaya nabutas ang bulsa ko, pero nang makita ko ang mga ngiti niya sa iniregalo ko, sulit ang gastos ko. Binili ko talaga ang isa sa pinakamahal na camera para sa kaniya. Hanggang sa dumating ang eighteen birthday niya. Wala na akong pera ako ng isang silver infinity ring. Mura lang iyon, pero gusto ko ang simbolo noon. Kapag nagpropose ak
NERO'S POINT OF VIEWSumama ako ngayon kay Rob papunta sa bahay nila. Katatapos lang naming mag-enroll at sa bahay nila kami dumiretso ng uwi. Sanay na akong tumambay sa kanila dahil madalas ay siya at si Raf lang naman ang tao doon, pero hindi ko inaasahang pagdating namin ay naroon na rin ang bunsong Escalante. Sa larawan ko lang siya nakikita dati, pero hindi ko mapigilang mapahigit ng hininga nang makita ko siya at ngumiti sa amin ni Rob.Mas maganda siya sa personal."Who is he?" tanong nito kay Rob, pero nasa akin ang tingin niya. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa harap ng teenager na nasa harapan ko.Kailan pa ako kinabahan dahil sa bata?"My friend, Nero," simpleng pagpapakilala sa akin ni Rob sa kaniya. "She's my youngest sister, Ramona. Dito na rin siya mag-aaral."Inilahad nito ang kamay niya, tantanggapin ko na sana iyon nang bigla itong magsalita. "Ramona Escalante, your future wife," malaking ngiti na saad nito dah
Napatingin kami kay Papa at Nero nang sabay na pumasok ang mga ito sa dining room. Halatang may hangover sila pareho, pero pinipilit nilang hindi ipahalata. Ayan kasi ang lalakas uminom, pero bagsak naman. Sabay silang naupo. Si papa ay sa kabisera ng lamesa, habang si Nero naman ay sa kalapit ko. Nginitian ako siya at inabot ang kape para mawala ang sakit ng ulo niya kahit papaano, pero bigla nitong hinawakan ang kamay ko habang nakakunot ang noo. “How? You already saw it?” gulat na tanong niya sa akin habang nakatingin sa daliri kong may suot na singsisng. “Yeah, you gave it to me last night,” nakangiting saad ko sa kaniya. Huwag niyang sabihin na hindi niya naalala? “Kung ganoon nilasing mo ako para makapag-propose ka sa anak ko?” sabay-sabay kamig napatingin kay papa habang matalim ang mga mata nito na nakatingin kay Nero. Bigla itong napayuko nang bigla itong batukan ni Mama. “Ikaw ang nagsabi sa kaniya na lumuhod kaya huwag ka nang tumutol pa. Hayaan mo na ang anak natin,
RAMONA'S POV Napabangon ako sa kama ko nang marinig kong may nagtatawanan sa ibaba. Nahihirapan man ay pinilit kong sumakay sa wheelchair ko bago ako lumabas ng kwarto ko. Nakasalubong ko si Ate Roberta na nagtatakang tumingin sa akin. "Saan ka pupunta?" "Sa labas narinig ko kasi ang boses ni Nero parang may kaaway yata," sagot ko sa kaniya. Boses kasi ni Nero ang narinig ko. Hindi naman iyong palaging malakas ang boses maliban na lang kapag mainit ang ulo sa opisina, pero ngayon ay rinig ko ang boses niya hanggang kwarto ko na tila ba may kausap. Napatingin ako kay Ate Rob nang itulak niya ang wheelchair ko. Napakunot ako nang makita ko si Mama na nasa may Garden at hawak-hawak ang camera na para bang may vini-video ito. Napatingin ako kung saan nakatutok ang hawak niya at nakita ko si Papa at Nero na nakaupo sa may papag na nasa may hardin. Ang daming bote ng alak na nakapalibot sa kanila. "Ma, nilalasing ba ni Papa si Nero?" nag-aalalang tanong ko kay mama nang makita ko si N
RAMONA'S POVIt's been two weeks mula nang makalabas ako sa ospital, pero naka-wheel chair pa rin ako dahil sa binti ko. Hindi pa kasi magaling at hindi ko naman pwedeng pwersahin. Pero sabi naman ng doctor ay makakalad din ako kapag magaling na ang binti ko.Nasa balcony ako sa second floor at napakunot ang noo ko nang makita ko si Nero na nagsisibak ng mga kahoy sa ibaba kasama ang ilan sa mga tauhan ni Papa.Hindi ko mapigilang mapailing, sigurado akong ang ama ko ang may pakana noon.Marami nang nangyari sa nakalipas na tatlong linggo.Matapos kong makalabas sa ospital ay isinama ako pauwi ng mga magulang ko sa probinsya. At kahapon ay dumating si Nero para sundan ako. Sabi niya ay inayos lang niya ang mga problemang naiwan sa Maynila.Mabuti na lang at may cctv sa parking lot ng hospital, kaya nakunan nila ang ginawa ni Ellen. Hindi rin tumigil si Ate Ren upang malinis ang pangalan ko at hindi madawit sa pagkamatay ni Ellen at sa karambolang nangyari.Hindi ko lang inaasahan na a