Home / Romance / The Billionaires Regretted Fury / Kabanata 11 - Kabanata 20

Lahat ng Kabanata ng The Billionaires Regretted Fury: Kabanata 11 - Kabanata 20

75 Kabanata

Kabanata 11

Luther POVIlang buwan na din ang nakalipas ng mawala sa akin si Abby. Pero kapag tinitingnan ko ang mga larawan nito parang buhay ba buhay itoHindi ko alam kung hangang kailan ako sisingilin ng aking konsensiya pero alam kong habang buhay ko itong pagdurusahan.Walang kapatawaran ang ginawa kong kasalanan dito kaya wala akong dapat na sisihin kundi ang sarili ko lamang.Buong ingat kong inilapag ang dala kong bulaklak sa harap ng picture frame nito. Nandito ako sa isang kilalang columbarium. Dito ko napiling ilagay ang Urn ni Abby. At least dito hindi siya nag-iisa. At alam kong ito ang tama. Kailangan ko na siyang ihatid sa huli niyang hantungan at sana sa susunod na buhay namin kami pa rin ang nakatakda para sa isat-isa. Hinipo ko pa ang mukha nito sa picture frame bago ako tuluyang lumabas. Agad akong sinalubong ng mga tauhan ko. Ipinagbukas pa ako nito ng pintuan ng kotse upang makapasok sa loob."Saan tayo Boss?" tanong sa akin ni Nestor. Isa ito sa pinakamatagal at tapat kong
last updateHuling Na-update : 2023-08-24
Magbasa pa

Kabanata 12

ABBY POVHalos maluha ako ng makita ko ang hitsura ng kambal kong anak. Sa wakas nairaos ko sila ng maayos sa tulong ni Mama Charito at Erika. Ganito pala ang pakiramdam. Sulit lahat ang hirap na pinagdaanan ko. Sa wakas nailuwal ko sila sa mundong ito ng ligtas. Akala ko talaga wala na akong pag-asa pang masilayan ang mukha ng magiging anak ko. Pero mabait ang Diyos. Hindi niya ako pinabayaan. Napakaganda nila. Lalaki at babae. Pinapangako ko na bubusugin ko sila sa pagmamahal. Hindi man nila makikilala ang ama nila pero pipilitin ko ibigay sa kanila ang isang masayang pamilya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, ako ang pinakamasayang tao sa mundo. Kahit na palaging sumasagi sa isipan ko na palalakihin kong mag-isa ang mga anak ayos lang. Basta ang importante buhay kami at ligtas sa mga kamay ng malupit na si Luther. "Grabe Abby manang-mana sa iyo ang mga anak mo. Kahit babies pa lang kitang kita na kung gaano katangos ang kanilang mga ilong. Hayss mapapa-sana all na lang talaga a
last updateHuling Na-update : 2023-08-26
Magbasa pa

Kabanata 13

ABBYMANILAKanina pa ako hindi mapakali. Nandito kami ngayun sa isang Hotel. Ngayun namin kakausapin ang buyer ng mga painting's ko.Tiningnan ko ang hitsura ko sa salamin. Itinali ko ang mahaba kong buhok at naglagay ng medyo makapal na make - up. Si Erika ang nag-ayos sa akin at infrairness naman medyo nag-iba ang hitsura ko dahil sa kakaiba kong ayos ngayun. Nakamaong na pantalon ako at maluwang na t-shirt. Isa lang ang ipinagpasalamat ko dahil bago ako nanagank sa kambal ay gumaling ang binti ko na napuruhan sa bugbog ni Luther. Maayos na akong maglakad ngayun. "Abby, relax ka lang diyan. Huwag kang mag-alala.. Pagkatapos nito uuwi agad tayo ng Visayas." wika ni Erika. Napansin marahil nito ang pag-urong sulong ko."Hindi ko alam Erika. Natatakot ako." sagot ko dito."Huwag kang mag-alala.Sandali lang ito... Heto, isuot mo ito para naman huwag kang mag-isip ng kung ano diyan." wika nito sa akin sabay abot ng facemask.Sakto naman na naisuot ko ang facemask ng may kumatok sa ho
last updateHuling Na-update : 2023-08-28
Magbasa pa

Kabanata 14

ABBYNakapagcheck -in na kami ni Erika at nandito kami sa isang restaurant habang hinihintay ang oras ng aming flight pabalik ng Visayas. Kahit papaano ay naging panatag ang loob ko dahil ilang oras na lang ay makakapiling ko na ulit ang aking mga anak."OH my Gosh!" narinig kong wika ni Erika habang nakatingin sa aking likuran. Takang-taka naman ako habang nakatingin dito. Para kasi itong nakakita ng anghel sa klase ng ekpresyon ng mukha nito."Ang pogi!!!!!" bulong pa nitong wika sa akin at inginuso ang kung sino man ang nasa likuran ko. Kaya naman dahan-dahan akong lumingon. Para naman akong panawan ng ulirat ng makita ko kung sino ang nasa likuran ko. Si Lester! Ang matalik na kaibigan ni Luther. Gulat din itong nakatitig sa akin. Kitang-kita sa mga mata nito ang hindi makapaniwala habang mataman akong tinitigan...agad naman akong tumayo at mabilis na naglakad palayo."Abby! Abby! Wait!!!" narinig kong tawag nito sa akin..hindi ko ito pinansin at binilisan ko ang aking hakbang...
last updateHuling Na-update : 2023-08-30
Magbasa pa

Kabanata 15

Luther POVHalos isang linggo na din ang nakalipas simula ng inutusan ko ang aking mga tauhan at si Lester para hanapin si AB Tevez. Maaaring nababaliw na nga ako pero hangang ngayun hindi pa rin ako mapakali. Kailangan ko itong makita ng personal upang matapos na ang hinala na bumubuo sa aking isipan.Sa tuwing tinititigan ko kasi ang larawan ni AB Tevez hindi talaga ito lumalayo sa hitsura ni Abby. Hindi ko alam pero sa kaloob-looban ng isip at puso ko may isang hinala na nabuo. Kaya naman sa ayaw at gusto ng AB Tevez na iyun, kailangan niyang makipagkita sa akin at ipakita ang kanyang tunay na hitsura.Tiningnan ko na din lahat ng CCTV dito sa Site kung saan dumaan si AB Tevez. Kahit saang angulong tingnan...kuhang kuha talaga nito ang akad at mannerism ng namayapa ko ng asawa. Alam ko sa akin sarili na posibleng may magkakamukhang tao sa mundo pero imposible naman kung pati kilos at mannersm ng isang tao ay kaya din nitong kopyahin.Agad akong napukaw mula sa malalim na pag-iisip
last updateHuling Na-update : 2023-08-31
Magbasa pa

Kabanata 16

ABBY POVFIVE YEARS LATERTahimik akong nakaupo sa loob ng eroplano pabalik ng Pilipinas. Parang kailan lang pero ang bilis lumipas ng panahon. Nakalimang taon na pala kami sa Amerika pero ngayun pabalik na kami sa Pilipinas para doon ituloy ang buhay. Nagdesisyon kaming umuwi na lang ng bansa dahil gusto kong sa Pilipinas pa rin lumaki at mag-aral ang aking mga anak. At isa pa may magandang negosyo kaming naitayo sa Pilipinas. Actually, fully operation na ang negosyo at malakas kung kumita kaya wala ng dahilan para magpatumpik-tumpik pa kami na bumalik ng bansa. Meron kaming itinayong restaurant sa Quezon City at Bake shop naman sa isang kilalang mall sa Pasay. Sobrang trending daw ang aming mga produkto kaya naman malaki ang kinikita araw-araw. Balak namin magtayo ng iba pang mga branches o di kaya ay mag-open ng mga franchise kaya lang sabi ni Mama Charito kailangan personal kong asikasuhin ang lahat ng iyun. Mahirap naman kasi kung ipagkatiwala ko sa iba. Hindi na din daw kasi k
last updateHuling Na-update : 2023-09-01
Magbasa pa

Kabanata 17

ABBYTulak ang aming cart na puno ng aming bagahe habang nagplinga-linga ako sa paligid. HInahanap ko ang aming sundo. Nakasuond naman sa akin ang kambal na noon ay manghang-mangha sa mga nakikita sa paligid. Tagaktak agad ang pawis ng mga ito dahil sa matinding init paglabas ng airport. Nakaramdam din ako ng panlalagkit pero hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin. Abala ang aking mga mata habang inisa-isa ang bawat tao sa paligid. Nasaan na ba kasi ang aming sundo?"Abby!!! Abby! narinig kong sigaw ni Erika. Agad ko naman itong hinanap sa kompolan ng mga tao. Masaya akong napangiti ng makita ko ito. Patakbo pa itong lumapit sa amin at mahigpit akong niyakap."Naku, I miss you Abby! Halos isang taon din tayong hindi nagkita." Maarte nitong wika habang pumipilantik ang mga daliri. Pagkatapos ay binalingan nito ang mga anak ko." Hello Babies? Naku ang lalaki niyo na..Bakit ang bilis niyo namang tumangkad! Namiss niyo ba si Tita Erika?" wika nito sa mga anak ko. Sinimangutan naman ito ni
last updateHuling Na-update : 2023-09-02
Magbasa pa

Kabanata 18

ABBYMabils na lumipas ang isang linggo. Nandito ako ngayun sa isa sa mga retaurant na pag-aari namin ni Mama Charito. Masyadong abala ang lahat kaya naman tumulong-tulong na din ako sa aming mga staff upang magserve ng mga orders ng customer. Fine dining restaurant ito kaya kailangan talaga ng dagdag effort para mapagsilbihan ng maayos ang mga customers. Nagseserve kami ng American at Asian foods kaya naman hindi na ako nagtataka kung bakit sobrang busy namin.Siguro kailangan na talaga namin magtayo ng mga branches sa ibat-ibang lugar. Masyadong maraming customer at nahihirapan na kaming iaccomodate lahat. Nagpapa-advnce reservation din kami online at nanghihinayang ako sa mga walk-ins na hindi na namin kaya pang i-accomodate.'Abby magpahinga ka muna doon sa opisina. Alam kong pagod ka na at hayaan mo na lang kami dito na pagtulungan ang mga trabaho. Sanay na naman ang mga staff sa sobrang busy araw-araw kaya ....kaya na namin itong ihandle." Wika sa akin ni Erika. Nakangiti naman
last updateHuling Na-update : 2023-09-03
Magbasa pa

Kabanata 19

Luther POVNakaramdam ako ng gutom kaya naman dali-dali akong lumabas ng penthouse. Balak ko kasing sa isa sa mga restaurant sa ibaba kakain. Papunta din si Lester dahil may importante kaming pag-uusapan kaya naman sa baba ko na lang ito kakausapin. Pagkababa ko ay agad kong inilibot ang aking paningin sa paligid upang maghanap ng restaurant na pwedeng kainan habang naghihintay kay Lester. Agad na naagaw ang aking pansin sa isang restaurant kung saan nakita kong pumasok kanina ang bata. Curious akong lumapit dito at nakita ko na maraming kumakain sa loob. Agad naman akong binati ng isang staff na nag-aasisist ng mga bagong customer."Hello Sir. For dine-in po ba? May mga availbale pa pong table sa loob." wika nito sa akin. Tumango ako kaya naman agad akong inassist papasok sa loob ng restaurant. Sinamahan ako hangang sa makaupo sa isang bakanteng lamesa. Pagkatapos ay agad na ibinigay sa akin ang menu book. Pagkatapos kong sabihin dito ang aking order ay agad din naman umalis ang wa
last updateHuling Na-update : 2023-09-04
Magbasa pa

Kabanata 20

Luther POV"How is she? ' Agad kong tanong kay Doctor Mendez pagkatapos nitong suriin si Abby. Masyado akong nag-aalala sa kalagayan nito kaya naman agad ko itong pinatawag kay Lester upang personal na tingnan si Abby na noon ay wala pa ring malay."Dont Worry Mr. Sarmiento. Masyado lang naalala ni Mrs. Sarmiento ang nakaraan kaya siya nag-panic ng makita ka. Siguro ang kailangan mong gawin sa ngayun ay iparamdam mo sa kanya na hindi ka threat sa buhay niya. Kailanga mo siyang suyuin upang magbalik ang tiwala niya sa iyo." sagot naman ni Doctor Mendez."Paano kung lalo siyang magpanic pagkagising niya? Ano ang gagawin ko?" tanong ko ulit sa Doctor. Bumuntong hininga naman ito."Luther huwag kang mag-expect na agad babalik ang tiwala niya sa iyo. Hangang ngayun nakatatak pa rin sa isip niya ang masalimoot na nangyari sa mga kamay mo five years ago. Siguro kailangan mo lang habaan ang iyong pasensya. Pasasaan ba at muli ding lalambot ang puso niya sa iyo. Sa ngayun, pilitin mong sundin
last updateHuling Na-update : 2023-09-05
Magbasa pa
PREV
123456
...
8
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status