Luther POV"How is she? ' Agad kong tanong kay Doctor Mendez pagkatapos nitong suriin si Abby. Masyado akong nag-aalala sa kalagayan nito kaya naman agad ko itong pinatawag kay Lester upang personal na tingnan si Abby na noon ay wala pa ring malay."Dont Worry Mr. Sarmiento. Masyado lang naalala ni Mrs. Sarmiento ang nakaraan kaya siya nag-panic ng makita ka. Siguro ang kailangan mong gawin sa ngayun ay iparamdam mo sa kanya na hindi ka threat sa buhay niya. Kailanga mo siyang suyuin upang magbalik ang tiwala niya sa iyo." sagot naman ni Doctor Mendez."Paano kung lalo siyang magpanic pagkagising niya? Ano ang gagawin ko?" tanong ko ulit sa Doctor. Bumuntong hininga naman ito."Luther huwag kang mag-expect na agad babalik ang tiwala niya sa iyo. Hangang ngayun nakatatak pa rin sa isip niya ang masalimoot na nangyari sa mga kamay mo five years ago. Siguro kailangan mo lang habaan ang iyong pasensya. Pasasaan ba at muli ding lalambot ang puso niya sa iyo. Sa ngayun, pilitin mong sundin
AbbyAalis na po ako." paalam ko kay Nay Nilda bago pa makarating ng dining area. Inililibot ko pa rin ang aking paningin sa paligid. Naninigurado na wala na si Luther. Agad naman napatingin sa akin ang matanda. Saglit itong nag-isip at ngumiti sa akin."Ayaw mo man lang bang tikman ang inhanda kong pagkain para sa iyo Abby? Kung ganoon, ihahatid na kita sa ibaba." sagot nito sa akin at muling bumalik ng kwarto. Bitbit na nito ang aking bag ng muling lumabas at inabot sa akin. "Pasensiya na po kayo Nay Nilda. Baka po kasi hinahanap na ako sa bahay eh. Ayaw ko pong mag-alala ng sobrang ang mga kasamahan ko." hinging paumanhin ko sa matanda."ahhh...ehhh Sige!! kung ano ang mas makabubuti Abby.." Pero sana magkita tayo ulit at makapagkwentuhan man lang. Matagal ka din nawala at sobrang namimiss din kita." nakangiti nitong sagot sa akin."Hayaan niyo po Nay Nilda. Kapag may libreng oras po ako, tatawagan ko po kayo..' nakangiti kong sagot dito. Kung tutuusin, hindi na iba sa akin si Nan
Abby"Iha saan ka ba nagpunta kagabi? Alam mo bang ilang beses kang tinawagan ng mga bata ......hindi ka man lang sumasagot sa aming tawag. Masyado mo kaming pinag-aalala." agad na tanong sa akin ni Mama Charito pagkaupo ko sa dining table. Tanghali na ako nagising dahil napasarap ang tulog ko. Wala na sa tabi ko ang mga anak ko at nadatnan ko silang kumakain dito sa dining area kasama si Mama Charito."Pasensiya na po Ma. Masyado lang kasi akong abala kagabi. Ang dami po kasing customer at hindi ko maiwan-iwan ang mga staff." sagot ko kay Mama Charito at bahagyang sinulyapan ang mga bata na abala sa kanilang kinakain."Alam mo ba MOm, Iyak ng iyak kagabi si Lorraine, hindi daw po kasi siya maka-sleep hangat wala po kayo." sumbong naman ni Carl habang abala sa kaniyang kinakain. Agad naman itong pinandilatan ni Lorraine." Hindi kaya.!!...... Ikaw nga diyan ang nagagalit eh.....kasi hindi sumasagot si Mommy sa phone.",sagot naman ni Lorraine. Agad ko namang natapik ang noo ko ng maala
ABBYKahit naririndi na ako sa malditang si Pamela Torres Alejo ay pinilit ko pa ring huminahon. Hindi ako pwedeng magpaapekto sa ganitong ka-maldita na babae. Kailangan kong habaan ang aking pasensya sa mga ganitong klaseng customer. Ayaw kong maapektuhan ang aking negosyo dahil lang sa walang kwenta nitong complain.Akmang babalik na ako ng kusina para magfollow-up sa order ni Pamela ng makita kong may nagsipasukan na mga tao. Dalawang babae at tatlong lalaki. Pare-pareho ang kulay ng mga suot nito. ..Kulay Itim. Marahil ay ito ang kanilang uniform at nagtatrabaho sa iisang kompanya. Kapansin-pansin ang tikas ng mga ito at kaseryosohan ng mga ekspresiyon. Mukha silang nakakatakot. Akmang sasalubungin na ito ng aking mga staff ng bigla silang natigilan. Diri-diritso kasing lumapit ang mga ito sa table nila Pamela. Napalapit naman ako dahil sa matinding pagkagulat. Sersoyo ang mga mukha nitong habang nakatitig kay Pamela."Miss Pamela, hindi po kayo pwede sa lugar na ito." agad na w
LUTHER POVPagkababa pa lang ng NInoy Aquino International Airport ay agad akong sinalubong ng aking mga tauhan. Nagmamadali akong naglakad patungo sa naghihintay kong sasakyan. Agad akong sumakay at nagkanya-kanyang sakay naman ang aking mga bodyguards sa kani-kanilang dalang sasakyan. Ipinikit ko ang mga mata habang nasa byahe kami. SA Paradise ako ngayun didiritso. GUsto kong makita si Abby kahit sa malayuan.Halos tatlong linggo din akong nag-stay sa Russia. Maraming mga gusot na dapat ayusin tungkol sa negosyo kaya naman kailangan kong matutukan lahat. Buti na lang at naayos agad bago matapos ang buwan kaya naman nagmamadali na akong bumalik ng Pilipinas. Nakakapagod ang biyahe at pakiramdam ko babalik lang ang lakas ko kapag masilayan ko ulit ang mahal ko...Si Abby...Kahit sa malayo lang.Kailangan ko din humingi ng update sa aking mga tauhan na nagbabantay kay Abby sa mga panahong wala ako. Nagpahayag na ang mga ito na may importanteng ibabalita sa akin pero dahi abala ako ay s
ABBY Biglang kumabog ang aking dibdib ng makita ko si Luther na diri-diritsong pumasok sa loob ng opisina. Nakaramdam ako ng matinding takot lalo na ng mapansin ko ang galit sa mga mata nito habang nakatitig sa mag-asawang Reyes. Ilang beses akong pumikit para pakalmahin ang aking sarili. Hindi ko dapat pairalin ang takot na nararamdaman ng puso ko. Kailangan kong maging matatag kahit para na lang sa mga anak ko. Nagmamasid sila at ayaw kong isipin nila na isa akong mahinang ina. Na hindi ko sila kayang ipagtanggol sa ganitong klaseng sitwasyon. Na hangang ngayun patuloy pa rin akong kinakain ng takot ng nakaraan.Lalong napuno ng pangamba ang puso ko ng maisip kung bakit nandito ito ngayun. SInusundan niya ba kami? Alam na ba nito ang tungkol sa aming anak? Alam na ba nito ang tungkol sa kambal? Bigla akong nakaramdam ng agam-agam sa isiping pinamanmanan ako nito sa kanyang mga tauhan. Kailan pa niya alam ang tungkol sa mga anak namin? TIyak na may laging nakabuntot sa amin dahil bi
ABBY"Abby ikaw ba iyan? Naku buti naman at dumalaw ka dito sa mansion." bahagya akong natigilan ng marinig ko ang isang pamilyar na boses. Agad kong nilingon at laking tuwa ko ng makita ko si Nanay Nilda."Nay....kumusta po?" masaya kong wika sabay yakap dito. Kahit papaano gumaan ang aking kalooban sa isiping nandito si Nanay Nilda. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Napakaganda ng lugar. Maaliwalas at ibang-iba sa Mansion na tinirhan namin noon. Sobrang yaman nga ni Luther. Walang imposible dito kapag pera ang pag-uusapan."Diyos ko ito na ba ang mga bata? Kay gagandang mga bata. Naku naalala ko tuloy ang hitsura ni Luther noong bata pa. Kamukhang-kamukha ng mga anak niyo Abby." Masayang wika ni Nanay Nilda at nilapitan pa nito si Lorraine at Carl na noon at nagpapalipat-lipat ng tingin sa amin. Sandali naman kaming iniwan ni Luther dahil narinig kong may tumatawag dito kanina."Lorraine, Carl, say hello to Nanay Nilda." wika ko sa dalawa kong anak.Agad naman lumapit ang mag
ABBYNaging maayos naman ang mga sandali na kasama namin si Luther sa mansion. Nakita ko naman ang unti-unting pagkahulog ng loob ni Carl sa kanyang ama na labis kong ipinagpasalamat. Ayaw ko kasing makita itong kinamumuhian ang sariling ama. Ayaw kong lumaki ito na may galit sa puso. Marahil ay napansin nito na maayos naman ang pakikitungo ni Luther sa akin sa buong oras na magkasama kami sa mansion. Pero hindi ibig sabihin na pwede na ulit kaming magsama tulad ng dati. Iba na kasi ang noon at ngayun. Marami na ang nagbago sa aming buhay mag-asawa. Hihintayin ko na lang ang divorce paper na ibibigay nito sa akin dahil alam kung malapit na itong ikasal kay Pamela. Tangap ko naman na hindi talaga kami para sa isat-isa. Masyado ng maraming nangyari sa aming buhay at hindi ko na din talaga nakikita pa ang aking sarili na kasama ito sa iisang bubong. Siguro natakot na din ang aking puso na muling umibig at magtiwala dito. Tama na nagkaroon kami ng anak. Hindi na magkakaroon pa ng panibag