ABBY Biglang kumabog ang aking dibdib ng makita ko si Luther na diri-diritsong pumasok sa loob ng opisina. Nakaramdam ako ng matinding takot lalo na ng mapansin ko ang galit sa mga mata nito habang nakatitig sa mag-asawang Reyes. Ilang beses akong pumikit para pakalmahin ang aking sarili. Hindi ko dapat pairalin ang takot na nararamdaman ng puso ko. Kailangan kong maging matatag kahit para na lang sa mga anak ko. Nagmamasid sila at ayaw kong isipin nila na isa akong mahinang ina. Na hindi ko sila kayang ipagtanggol sa ganitong klaseng sitwasyon. Na hangang ngayun patuloy pa rin akong kinakain ng takot ng nakaraan.Lalong napuno ng pangamba ang puso ko ng maisip kung bakit nandito ito ngayun. SInusundan niya ba kami? Alam na ba nito ang tungkol sa aming anak? Alam na ba nito ang tungkol sa kambal? Bigla akong nakaramdam ng agam-agam sa isiping pinamanmanan ako nito sa kanyang mga tauhan. Kailan pa niya alam ang tungkol sa mga anak namin? TIyak na may laging nakabuntot sa amin dahil bi
ABBY"Abby ikaw ba iyan? Naku buti naman at dumalaw ka dito sa mansion." bahagya akong natigilan ng marinig ko ang isang pamilyar na boses. Agad kong nilingon at laking tuwa ko ng makita ko si Nanay Nilda."Nay....kumusta po?" masaya kong wika sabay yakap dito. Kahit papaano gumaan ang aking kalooban sa isiping nandito si Nanay Nilda. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Napakaganda ng lugar. Maaliwalas at ibang-iba sa Mansion na tinirhan namin noon. Sobrang yaman nga ni Luther. Walang imposible dito kapag pera ang pag-uusapan."Diyos ko ito na ba ang mga bata? Kay gagandang mga bata. Naku naalala ko tuloy ang hitsura ni Luther noong bata pa. Kamukhang-kamukha ng mga anak niyo Abby." Masayang wika ni Nanay Nilda at nilapitan pa nito si Lorraine at Carl na noon at nagpapalipat-lipat ng tingin sa amin. Sandali naman kaming iniwan ni Luther dahil narinig kong may tumatawag dito kanina."Lorraine, Carl, say hello to Nanay Nilda." wika ko sa dalawa kong anak.Agad naman lumapit ang mag
ABBYNaging maayos naman ang mga sandali na kasama namin si Luther sa mansion. Nakita ko naman ang unti-unting pagkahulog ng loob ni Carl sa kanyang ama na labis kong ipinagpasalamat. Ayaw ko kasing makita itong kinamumuhian ang sariling ama. Ayaw kong lumaki ito na may galit sa puso. Marahil ay napansin nito na maayos naman ang pakikitungo ni Luther sa akin sa buong oras na magkasama kami sa mansion. Pero hindi ibig sabihin na pwede na ulit kaming magsama tulad ng dati. Iba na kasi ang noon at ngayun. Marami na ang nagbago sa aming buhay mag-asawa. Hihintayin ko na lang ang divorce paper na ibibigay nito sa akin dahil alam kung malapit na itong ikasal kay Pamela. Tangap ko naman na hindi talaga kami para sa isat-isa. Masyado ng maraming nangyari sa aming buhay at hindi ko na din talaga nakikita pa ang aking sarili na kasama ito sa iisang bubong. Siguro natakot na din ang aking puso na muling umibig at magtiwala dito. Tama na nagkaroon kami ng anak. Hindi na magkakaroon pa ng panibag
ABBYNagulantang ako sa mga sinabi ni Mama Charito. Halos hindi ako makapaniwala sa mga narinig dito. Halos magsikip ang dibdib ko sa matinding awa na nararamdaman. Hindi ko akalain na sa kabila ng pagiging positibo nito sa buhay may malalim pala itong lihim na pinagdaanan."Walang kasing-sakit ang ginawa niya sa akin anak! Kinimkim ko ito sa napakahabang panahon sa pag-aakalang magiging maayos din ang lahat. Gusto ko na sanang baunin sa hukay ang lahat ng mga nangyari sa akin noon at hayaan na lang kita sa iyong paniniwala na isang santo ang iyong ama! Ayaw na kitang saktan pa! Pero nagkamali ako! Nagkamali ako Luther. Sa ginawa kong pananahimik hindi ko akalain na may malaking epekto pala sa iyo ang pilit na sinisiksik sa utak mo ng sarili mong ama. HIndi ko akalain na naging malupit ka pala sa mga nagiging babae mo. Hindi ko akalain na naging sarado ang isip mo dahil sa mga mali mong paniniwala."IM Sorry Luther! Pero Hindi ko na kayang makita kang ganiyan! Matagal ng panahon akong
ABBYHalos hindi ako makapaniwala sa aking nalaman. Kung ganoon matagal ng tinatago ni Mama Charito sa akin ang tungkol sa sakit niya? Hindi ko man lang napansin na may dinaramdam na pala ito. Ayon sa Doctor nasa Critical na kondisyon na si Mama Charito at ano mang sandali ay posible na kami nitong iiwan. HIndi ko alam pero sobrang sakit. Bakit kong saan huli na ang lahat tsaka ko pa ito nalaman."Im sorry Ms. Tevez. Masyado ng kumalat ang cancer sa kanyang buong katawan katawan. Apektado na din ang kanyang kidney at iba pang organs kaya wala na tayong magagawa pa." Paulit -ulit na pumapasok sa isip ko ang mga katagang sinabi ng Doctor. ANo mang sandali ay maari ng mawala sa amin si Mama Charito. Kaya pala nangangayayat na ito ng sobra. HIndi man lang ako nag-abalang magtanong dito kung kumusta ang kalagayan nito. Napakamasayahin kasi niya at parang walang kahit na anong problema. Sa nakalipas na limang taon naming pagsasama hindi man lang ako nito pinakitaan ng hindi maganda. Itinur
LutherNagmamadali akong bumaba papuntang ground floor ng building. Sobrang excited ako dahil sa maagang pagbisita sa akin ni Abby. Hindi ko alam kung ano ang kailangan nito pero ayaw kong mag-isip ng ano pa man. Ang importante nandito siya dahil halos hilahin ko na ang oras para lang mapuntahan ito mamaya sa bahay nila o di kaya sa restaurant. Pagdating sa lobby ay agad ko itong nakita na nakatayo malapit sa reception area. Bahagya pa akong nakaramdam ng inis dahil hindi man lang pinagkaabalahan ng mga staff na bigyan ito na upuan. Lalapit na sana ako dito ng natigilan ako. Nagtataka akong napatitig dito. Naalala ko kasi na ito pa rin ang damit na suot nito kahapon. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba. Nang lumingon ito sa akin ay doon ko napagtanto ang lahat na may mali. Bigla akong kinabahahan lalo na ng mapansin ko na namamaga at namumula ang mga mata nito. Halata din sa awra nito ang pagod at puyat."Abby?" agad kong sambit sa pangalan nito ng makalapit. Lalo akong naguluh
ABBYAgad namin naisaayos ang burol ni Mama Charito. Namili kami ng komportableng lugar kung saan ito ibuburol. Dalawang araw na din hindi nagpapakita sa amin si Luther. Buti na lang at nandiyan si Lester na laging nakaagapay. Kasama nito ang kanyang asawa na si Laarni."Hindi ko alam kung nasaan ngayun si Luther. Hindi ko alam kung nagluluksa ito sa pagkamatay ng Ina o talagang wala itong pakialam. Bibigyan pa namin ito ng tatlong araw, kapag hindi pa rin ito magpakita kami na ang magdedesisyon sa libing ni Mama Charito. Mahirap man tangapin pero kailangan na namin mag moved-on. Gusto na din namin na madala na ito sa huling hantungan. Napakasakit para sa amin na nakikitai itong nasa loob ng kabaong."Abby, Sigurado ka bang ayos ka lang? Pwede ka naman magpahinga na muna. Kami na bahala ni Lester dito. Nandiyan din naman si Erika kaya wala kang dapat na ipag-alala." wika sa akin ni Laarni. Napansin marahil nito na halos dalawang araw ng wala akong maayos na tulog. Sumasakit na din kas
LUTHER POV"Daddy! Kinurot po ng badgirl si Carl sa labas." Bigla akong napatayo ng pumasok si Lorraine sa loob ng opisina. Kakagaling lang ng mga ito sa School at pinasundo ko na lang muna kina Giselle dahil marami akong dapat tapusin na trabaho ngayung araw. Simula namatay si Mommy tatlong buwan na ang nakakaraan hindi ako pumapalya sa paghatid sundo sa mga ito sa School. Gusto kong makabawi sa mga anak ko. Gusto ko din patunayan kay Abby na nagbago na ako at isa akong responsableng ama sa aming mga anak. Masyadong busy din si Abby sa kanyang restaurant kaya pabor sa akin ang ganitong bagay upang lalong mahulog ang loob ng mga bata sa akin. Natatakot din kasi ako. Feeling ko lumalayo na ang loob ni Abby sa akin. Hindi na siya katulad noon na kumikislap ang mga mata sa tuwa kapag nakikita ako. Iba na ngayun, kaswal ang pakikitungo nito kaya naman nagkakaroon ako ng agam-agam. Natatakot ako na baka may iba na ito kaya feeling ko minsan iniiwasan ako nito. Akala ko pagkatapos ng libi
ABBY POVPakiramdam ko bigla akong nabingi at hindi naririnig ang palahaw ng babaeng pinaparusahan ko ngayun.. Ilang beses itong nagmamakaawa sa akin pero hindi ko pinansin. Gusto ko lang naman siyang turuan ng leksyon para hindi niya na ulitin pa ang ginawang paglalapit-lapit sa asawa ko. Mahirap na...ayaw ko ng maulit ang nakaraan."Abby! Tama na iyan. Halos makalbo na siya oh and what is that? Bakit may dugo ang kamay mo?" Ang nag-aalalang boses ni Luther ang biglang nagpabalik sa aking hewesyo. Wala sa sariling napatitig ako dito at hinayaan siyang agawin sa akin ang gunting na hawak ko. Tama nga ito..may dugo na ako sa aking kamay at may nakita akong sugat sa aking daliri. HIndi ko maiwasang mapangiwi ng maramdaman ko na humahapdi iyun."Belinda! Get out! Sabihin mo sa Boss mo na ngayun pa lang pinuputol ko na ang lahat ng ugnayan ng dalawang kumpanya." narinig ko pang wika ni Luther. Galit ang boses nito kaya naman hindi ko maiwasang mapatitig dito.So, Belinda pala ang pangalan
ABBY POVHalos isang taon lang din ang nakalipas ng mabalitaan namin na namatay na din si Pamela. Naawa man sa naging kapalaran nito wala na kaming nagawa pa kundi ang bigyan na lang ito ng desenteng libing. Wala ni isa mang kamag-anak ang nag-claim sa kanyang bangkay kaya kami na ang nag-arrange ng lahat-lahat hangang sa maihatid ito sa huling hantungan.Sa dami ng nangyari sa buhay ko hindi ko akalain na heto pa rin ako. Nakatayo at masaya! Kung ano man ang mga nangyari nang nakaraan mananatili na lang na mapait na alaala ang lahat ng iyun.Masalimoot man ang mga nangyari sa buhay ko laking pasasalamat ko pa rin dahil nalagpasan ko lahat ng iyun. Hindi ko akalain na pagkatapos ng unos may magandang umaga pa palang naghihintay sa akin. Muling nabuo ang pamiya ko na akala ko noon wala ng pag-asa pa. Nagbago ang pananaw ko sa buhay at maging mas matapang pa ako para ipaglaban ko kung ano man ang karapatan ko dito sa mundo.Sa lipunan kung saan ako kabilang, dapat lang talaga na maging
ABBY POVNagtataka man kung saan ako dadalhin ngayun ni Luther nanahimik na lang ako. Malaki ang tiwala ko sa kanya at alam kung may dahilan ang pagyayaya nito sa akin kung saan man kami pupunta ngayun.Katakot-takot na bilin ang sinabi ko kina Carl at Lorraine bago namin sila iniwan sa mall kasama ang mga Yaya's nila at ilang mga bodyguards. Alam kong safe naman sila doon dahil masyadong mahigpit ang security ng mall kaya panatag ang kalooban ko habang tinatahak ng sasakyan ang kalsada papunta sa aming patutunguhan."Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko kay Luther."Malalaman mo mamaya. Alam kong hanggang ngayun, may mga katanungan sa isip mo na hindi mo maisatinig dahil gusto mo ng ibaon sa limot ang lahat. Pero gusto kong tuldukan iyun ngayung araw." nakangiti nitong sagot. Nagtataka akong napatitig sa kanya. Nginitian lang ako nito at mabilis akong kinabig pasandal sa kanyang balikat. Kaagad naman akong nagpaubaya.Halos isang oras din ang itinagal ng pagbyahe namin bago kami p
ABBY POVKatulad ng napag-usapan namin ni Luther sa mansion namin ginugol ang buong araw ng aming honeymoon. Mas lalong masaya dahil kasama namin ang aming mga anak. Ang kambal na si Carl at Lorraine at ang bunso namin na si Kristelle! Sobrang saya namin dahil wala kaming ginawa sa mansion kundi magbonding at sulitin ang oras na magkakasama kami.Alam kong mabilis lang lumipas ang mga araw. Ilang taon na lang ang bibilangin namin magdadalaga na si Lorraine at magbibinata na si Carl. Darating ang panahon na bihira na lang din sila uuwi na mansion dahil magkakaroon na din sila ng kanya-kanyang prioirity. Of course kung saan masaya ang mga anak susuportahan ko sila."Happy?" Nagulat pa ako ng biglang nagsalita si Luther mula sa likuran ko. Nakangiti ko itong nilingon."Super! Pagkatapos ng mahabang unos na nangyari sa ating dalawa hindi ko akalain na may magandang umaga pa pala na darating sa atin. Thank you Luther! Ni sa hinagap, hindi na sumagi sa isip ko na magkakaroon tayo ng happy e
FIVE YEARS LATER ABBY POV Halos hindi mapatid ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Ito ang araw na pinakahihintay naming dalawa ni Luther. Ang araw ng aming pangalawang kasal.Kung noon ikinasal ako sa kanya na walang kahit ni isang pamilya sa tabi ko iba ng ngayun. Saksi sila Mommy at Daddy sa masayang pagsasama naming dalawa ni Luther sa loob ng ilang taon na muli kaming nagkabalikan. Alam nila kung gaano pinahahalagahan ni Luther ang aming pagsasama at ang buong pamilya.Naglalakad ako sa Isle habang maghigpit ang pagkakawahak ko sa aking wedding bouquet. Parang wala akong ibang nakikita kundi ang asawa ko na matiyagang naghihintay sa harap ng altar.Ang lalaking sa kanya ko naranasan ang impyerno ng buhay at hindi ko akalain na muli akong nakakaalis sa impyernong iyun sa pamamagitan niya. Ang lalaking pinalasap sa akin ang walang kapantay na sakit at ang walang hanggang kaligayahan. Hindi ko akalain na darating pa ang araw na muli kaming maging masaya dahil ako na mismo ang su
ABBY POVNaging masaya ang mga sumunod na araw sa aming pamilya. Sa wakas, naging maayos na din ang pagsasama namin ni Luther. Tinupad nito ang pangako sa akin na magiging mabuting asawa at ama ng mga anak namin na siyang lalo kong ikinatuwa. Iniiwasan na din namin na mapag-usapan ang tungkol sa mga nangyari. Hanggat maari gusto ko ng kalimutan ang mga masasakit na alaala na nagyari sa aming dalawa. Basta ang importante sa ngayun masaya kaming nagsasama ni Luther kasama ng aming mga anak. Sila Lorraine at Carl.Mabilis na lumipas ang mga araw at mga buwan. Naayos na din ang nasirang mukha ni Luther sa pamamagitan ng surgery. Parang wala lang nangyari dito. Normal ang lahat at ang pagsasama namin. Masaya ang kambal at balik iskwela na samantalang si Giselle naman ay balik iskwela din para maging Doctor. Nag-level up na siya...Ayaw na daw nyang maging nurse...Doctor na lang daw para malubos-lubos ang pagtulong nya sa mga taong may sakit.Balita nito nagkaayos na daw sila ng kanyang mga
ABBY POV"Why? May masakit ba sa iyo?" agad itong napalapit sa akin ng mapansin nito na naiyak ako. Agad naman akong umiling."No! Masaya lang ako dahil nandito ka na. Akala ko talaga patay ka na eh. Bakit ka ba naglihim? Handa naman akong alagaan ka eh. Ang daming luha tuloy ang nasayang sa akin." kunwari ay nagtatampo na wika ko dito. Agad kong napansin ang paguhit ng masayang ngiti sa labi nito. Pagkatapos ay masuyong hinaplos ang aking pisngi. Agad naman akong napapikit at naramdaman ko ang paglapat ng labi nito sa labi ko. Sandali lang naman iyun pero kakaibang saya sa puso ko ang aking naramdaman."I really miss you asawa ko! Gustong gusto ko ang paglalambing mo ngayun. Parang gusto ko tuloy sundan na ang kambal." wika nito. Agad naman akong napadilat at napatitig dito. Kita ko ang nakakalukong ngiti sa labi nito. Hindi ko napigilan na hampasin ito sa balikat. Talaga naman, masyadong mapagbiro ang asawa ko. Buntisan kaagad ang naiisip gayung kakauwi nya lang."Hmmmp mahirap man
ABBY POVHumupa na ang init sa pagitan naming dalawa ni Luther pero heto pa rin ako. Dilat na dilat at hindi pa rin makapaniwala na nandito sa tabi ko ang taong pinaniwalaan ko ng patay na at ilang buwan ko din ipinagluksa.Gosh...gaano ba kadaming luha ang nailabas ko noon? Paanong nangyari na buhay pa pala si Luther? Alam ba ito ng lahat ng mga taong nakapaligid sa amin? Muli kong tinitigan ang nahihimbing na mukha ni Luther sa tabi ko. May peklat ang kabilang bahagi ng mukha nito. Gayundin ang ibang bahagi ng kanyang katawan. Gayunpaman hindi pa rin nakakabawas sa aking paningin kong gaano ito kagandang lalaki. Siya pa rin ang dating Luther na nakilala ko. Siya pa rin ang Luther na minahal ko at ama ng aking mga anak. Mahina akong napabuntong hininga. Maraming katanungan na naglalaro sa isipan ko. Bakit ngayun lang siya nagpakita. May kinalaman ba siya sa pagbagsak nila Shiela at ang grupo nito? Alam ba ito nila Lester?Mahigpit itong nakayakap sa akin. Gustong gusto ko din madam
ABBY POVSa sobrang takot ko agad akong nagtalukbong ng kumot sa buo kong katawan. Kung multo man ang nakikita ko sana lubayan nya na ako. Baka kahit wala akong sakit sa puso, aatakihin ako dahil sa takot.Napaigtad pa ako ng biglang lumundo ang kama sa gilid ko. Diyos ko, mukhang pati dito sa higaan sinusundan nya ako. At isa pa...ano ito bakit naamoy ko sya? Hindi ako maaring magkamali.....amoy ni Luther ang naamoy ko ngayun. Bakit bigla-bigla na lang siya nagpaparamdam sa akin? Hindi ba siya matahimik sa kabilang buhay? May gusto ba siyang sabihin sa akin? Kailangan ko na bang tumawag ng ispiritista para kausapin siya at malaman kung ano ang dahilan ng bigla nyang pagpaparamdam?"Abby? Tulog ka na ba?" narinig ko pang wika nito. Hindi ko mapigilan ang biglang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Pasimple ko pang kinurot ang sarili ko para masiguro kong gising pa ba ako. Baka kasi panaginip lang ang lahat. Pero hindi eh..nasaktan ako sa pagkurot ko sa sarili ko. Kung ganoon gising n