AbbyPagkatapos ng mainit na sandali naming dalawa ni Luther ay sabay na kaming lumabas ng kwarto. Halos ala-una na ng tanghali. Naabutan namin si Nanay Nilda kasama ng mga bata na nanonood sa living room. Ng makita kami ay agad na nagsipagtayo ang mga ito at masayang lumapit sa amin."Mommy, Daddy, Kanina pa po namin kayo hinihintay." Agad na wika ni Carl sa amin. Agad ko itong hinalikan sa pisngi."Sorry baby, napasarap ang tulog namin ni Mommy mo." sagot naman ni Luther. Parang gusto ko naman mahiya sa sinagot nito sa mga anak namin. Si Nanay Nilda naman ay nakangiti lang na nakatingin sa amin."Is that so? Kanina pa namin kayo gustong pasukin sa kwarto eh. Kaya lang sabi ni Nanay Nilda hindi kami pwedeng pumasoks sa loob kasi may ginagawa daw po kayo.' sabat naman ni Lorraine at yumakap pa sa akin."No baby, napasarap lang talaga ang tulog namin. Hindi namin namalayan ang oras. ' sagot ko dito."Ok..pero gusto namin mamasyal tayo today Mommy, Daddy! Gusto namin bumili ng new toys.
Huling Na-update : 2023-09-23 Magbasa pa