AbbyPagkatapos ng mainit na sandali naming dalawa ni Luther ay sabay na kaming lumabas ng kwarto. Halos ala-una na ng tanghali. Naabutan namin si Nanay Nilda kasama ng mga bata na nanonood sa living room. Ng makita kami ay agad na nagsipagtayo ang mga ito at masayang lumapit sa amin."Mommy, Daddy, Kanina pa po namin kayo hinihintay." Agad na wika ni Carl sa amin. Agad ko itong hinalikan sa pisngi."Sorry baby, napasarap ang tulog namin ni Mommy mo." sagot naman ni Luther. Parang gusto ko naman mahiya sa sinagot nito sa mga anak namin. Si Nanay Nilda naman ay nakangiti lang na nakatingin sa amin."Is that so? Kanina pa namin kayo gustong pasukin sa kwarto eh. Kaya lang sabi ni Nanay Nilda hindi kami pwedeng pumasoks sa loob kasi may ginagawa daw po kayo.' sabat naman ni Lorraine at yumakap pa sa akin."No baby, napasarap lang talaga ang tulog namin. Hindi namin namalayan ang oras. ' sagot ko dito."Ok..pero gusto namin mamasyal tayo today Mommy, Daddy! Gusto namin bumili ng new toys.
ABBYMabilis na lumipas ang mga araw. Halos isang buwan ng wala si Luther. Although lagi naman itong tumatawag sa amin pero hindi maikakailang miss na miss na namin ito. Ganito pala ito kapag may mga business trip. Hindi basta-basta makakabalik agad ng Pilipinas sa sobrang hectic ng schedule nito. Pero sinigurado naman nito na uuwi na ito ng Pilipinas next week.Pagkagaling ko ng School para ihatid ang mga bata ay napagpasyahan ko na lang munang tumambay sa living room. Halos alas 10 na ng umaga at balak kong ipagluto ng meryenda ang mga bata para pag-uwi nila may makakain sila. Nagpasya akong dumiritso ng kusina para tingnan kung may mga ingredients pa ba sa gusto kong lutuin. Gusto ko kasing magbake ng cookies para sa mga bata kasi favorite nila ang meryendang iyun. Papasok na sana ako sa loob ng kusina kaya lang napansin ko ang ilang kasambahay na abala sa panonood ng telebisyon. Yes, may tv kami dito sa kusina para naman may mapaglilibangan sila. May mga tv din naman sila sa kani
ABBYHindi ko alam kung paano ako nakauwi ng mansion. Basta nakita ko na lang ang aking sarili na nasa loob ng aming silid ni Luther. Umiiyak at hindi maalis sa aking isipan ang aking nasaksihan kanina sa mall. Sobrang sakit? Halos dalawang araw akong naghintay sa tawag niya pero nandito lang pala siya sa Pilipinas. Hindi man lang nito nagawang mag-mensahe sa akin. Halos mabaliw na ako sa pag-aalala pero nakita ko na lang na kasama niya pala si Pamela. Akala ko tutuparin niya ang pangako sa akin pero ano ito? BAkit ganito?Dapat talaga hindi na ako naniwala sa kanyang mga sinabi noon. Dapat hindi ako nagpadala sa bugso ng aking damdamin. Mahirap na talagang magtiwala. Yung akala mo hindi ka lolokohin ng taong lubos mong pinagkatiwalaan pero bigla mo na lang siyang makikita sa isang lugar na may kasamang iba! Sobang sakit! Hindi ko matangap ang lahat ng ito! Ngayun pa? Ngayun pa na buong puso ko ng ipinagkatiwala kay Luther pati kaluluwa ko. Isa akong talunan habang buhay. Wala na sig
LUTHER POVNanginginig ang buo kong kalamnan dahil sa matinding galit. Nakaupo ako dito sa aming hideout at hinihintay ang pagdating ng tauhan ko na inutusan para hanapin si Pamela at dalhin sa harap ko. Alam ko ang dahilan kung bakit galit na galit sa akin si Abby kanina. Kahit busy ako sa kabi-kabilang meetings sa Europe alam na alam ko kung paano nagkalat si Pamela. Alam kong isa ito sa matinding dahilan kung bakit nagwala ng husto si Abby. Sinadya kong huwag itong tawagan sa loob ng dalawang araw dahil gusto ko itong isurpresa. Binili ko lang naman ang pinakamahal na diamond ring at balak ko itong sorpresahin sa pamamagitan ng pagpapakasal ulit dito. Kaya lang umeksena na naman si Pamela. Ang mali ko lang una kong inatupag si Pamela pagdating pa lang dito sa Pilipinas. Nalaman ko kasing nasa Mall ito at gusto kong komprontahin dahil hindi ito sumunod sa bilin ko na bawiin ang gawa-gawang relasyon at kasalan naming dalawa. Wala naman talagang katotohanan ang bagay na iyun pero hin
LUTHER POVHinintay kong muling makatulog si Abby bago nagpasyang bumalik sa aming hideout. Mahigpit ang bilin ko kay Giselle na bantayan niyang mabuti si Abby. Naabutan kong mugtong-mugto na ang mata ni Pamela sa kakaiyak. Nakagapos ito kaya sininyasan ko si Nestor na pakawalan na ito. Medyo humupa na ang galit ko dito kaya bahagya na din akong kumalma. Mabuti na lang at naagapan si Abby sa tangkang pagpapakamatay nito kung hindi baka mapatay ko din si Pamela"Luther anong ginagawa mo? Bakit nagawa mo akong ipadukot at saktan?" umiiyak na wika nito. Seryoso ko itong tinitigan."Hindi mo pa nga ako masyadong kilala Pamela. Siguro naman magtatanda ka na ngayun? Hindi na importante sa akin kung susundin mo ang iniutos ko sa iyo o hindi. Ako na ang gagawa ng paraan para matapos ang kasinungalingan mo. Pero hindi ako papayag na hindi ka maparusahan para magtanda ka sa kasalanan mong nagawa." seryoso kong wika dito. Nagtataka naman itong tumitig sa akin"Anong ibig mong sabihin? Luther, su
LUTHERTulala akong naglakad pabalik sa private room ni Abby. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng Doctor nito tungkol sa sakit ng asawa ko. Merong tumutubong tumor sa utak nito at kailangan nito ng masusing observation para magamot kaagad ang karamdaman nito kung hindi magiging sanhi ito ng kanyang kamatayan. Maswerte pa din daw si Abby dahil nakita agad ang problema sa loob ng ulo nito. Ang iba daw kasi kung kailan malala na tsaka pa nila nalalaman na may sakit pala silang ganoon.Hindi ko alam kung ito na ba ang karma ko. Pero hindi ko kayang nakikita na nahihihrapan siya ngayun. Ayun kay Doctor Mendoza hindi basta basta ang sakit na ito. Maraming komplikasyon at malaki ang porsyento na hindi kakayanin ni Abby ang gamutan."Kumusta? Anong sabi ng Doctor? Pwede na daw ba kayong lumabas ng hospital?" agad na salubong sa akin ni Lester ng makapasok ako sa loob ng kwarto ni Abby. Malungkot kong sinulyapan ang tulog pa ring si Abby at nanghihinang napaupo sa isang bakanteng upuan."Hindi
ABBYNasunod din ang gusto kong mangyari. Kinabukasan agad kaming nakauwi ng mansion. Sumalubong sa amin ang masayang mukha ng mga anak namin na sina Carl at Lorraine. Halos maluha-luha ako habang nakayakap sa mga ito. Pagkatapos ay masaya kaming nagsalo sa pagkain. Nagiging maayos naman ang aking kalagayan buong araw. Laging nakaalalay sa akin si Luther kahit saan man ako magpunta. HIndi ko din kinaliligtaan ang pag-inom ng gamot.Mabilis na lumupas ang mga araw. Kakatapos ko lang maligo at halos maluha ako habang nakaharap dito sa salamin. Hindi maikakaila na may karamdaman ako dahil nag-iba na ang hitsura ko. Sobrang putla ko na at nangangayayat na din ako. Ilang araw o buwan pa ba ang bibilangin ko at tuluyan ng mawawala ang taglay kong ganda. Napaluha ako. Nakakaramdam na ako ng anxiety sa isiping kapag tuluyan na akong pumangit baka iiwan na ako ni Luther. Baka tuluyan na itong maghanap ng iba.Kinahapunan ay bisita ko si Erika. Tuluyan ko ng ibinigay sa kanya ang pamamahala sa
ABBYMom, bakit wala po akong mga pictures noong maliit pa ako. Bakit hindi niyo ako kasama sa mga larawan kapag may special occasions ang pamilya?" tanong ko kay Mommy habang tinititigan ang mga photo albums sa harap ko. Natigilan naman si Mommy. Pagkatapos ay marahan itong bumuntong hininga."Pasensya ka na Abberry...Akala ko hindi ka na magtatanong pa tungkol dito. Siguro kahit nawalan ka ng ala-ala kailangan ko pa rin ikwento sa iyo ang mga nangyari noon. Siguro kailangan ko pa rin ikwento sa iyo kung bakit wala kang mga pictures habang lumalaki ka."Ang totoo, kailan ka lang din namin muling natagpuan anak. Matagal kang nawalay sa amin at kahit anong gawin namin hindi ka mahanap-hanap. Tinangay ka ng Yaya mo noong baby ka pa lang. Naging abala kami ng Daddy mo sa negosyo kaya ipinagkatiwala namin kayong dalawa ng Kuya Damian mo sa iyong Yaya..."Tandang tanda ko pa ang mga nangyari noon....Nasa isang taon ka pa lang at may biglaan kaming business trip ng Daddy mo. Nangako ang tag