Luther POVHalos isang linggo na din ang nakalipas simula ng inutusan ko ang aking mga tauhan at si Lester para hanapin si AB Tevez. Maaaring nababaliw na nga ako pero hangang ngayun hindi pa rin ako mapakali. Kailangan ko itong makita ng personal upang matapos na ang hinala na bumubuo sa aking isipan.Sa tuwing tinititigan ko kasi ang larawan ni AB Tevez hindi talaga ito lumalayo sa hitsura ni Abby. Hindi ko alam pero sa kaloob-looban ng isip at puso ko may isang hinala na nabuo. Kaya naman sa ayaw at gusto ng AB Tevez na iyun, kailangan niyang makipagkita sa akin at ipakita ang kanyang tunay na hitsura.Tiningnan ko na din lahat ng CCTV dito sa Site kung saan dumaan si AB Tevez. Kahit saang angulong tingnan...kuhang kuha talaga nito ang akad at mannerism ng namayapa ko ng asawa. Alam ko sa akin sarili na posibleng may magkakamukhang tao sa mundo pero imposible naman kung pati kilos at mannersm ng isang tao ay kaya din nitong kopyahin.Agad akong napukaw mula sa malalim na pag-iisip
ABBY POVFIVE YEARS LATERTahimik akong nakaupo sa loob ng eroplano pabalik ng Pilipinas. Parang kailan lang pero ang bilis lumipas ng panahon. Nakalimang taon na pala kami sa Amerika pero ngayun pabalik na kami sa Pilipinas para doon ituloy ang buhay. Nagdesisyon kaming umuwi na lang ng bansa dahil gusto kong sa Pilipinas pa rin lumaki at mag-aral ang aking mga anak. At isa pa may magandang negosyo kaming naitayo sa Pilipinas. Actually, fully operation na ang negosyo at malakas kung kumita kaya wala ng dahilan para magpatumpik-tumpik pa kami na bumalik ng bansa. Meron kaming itinayong restaurant sa Quezon City at Bake shop naman sa isang kilalang mall sa Pasay. Sobrang trending daw ang aming mga produkto kaya naman malaki ang kinikita araw-araw. Balak namin magtayo ng iba pang mga branches o di kaya ay mag-open ng mga franchise kaya lang sabi ni Mama Charito kailangan personal kong asikasuhin ang lahat ng iyun. Mahirap naman kasi kung ipagkatiwala ko sa iba. Hindi na din daw kasi k
ABBYTulak ang aming cart na puno ng aming bagahe habang nagplinga-linga ako sa paligid. HInahanap ko ang aming sundo. Nakasuond naman sa akin ang kambal na noon ay manghang-mangha sa mga nakikita sa paligid. Tagaktak agad ang pawis ng mga ito dahil sa matinding init paglabas ng airport. Nakaramdam din ako ng panlalagkit pero hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin. Abala ang aking mga mata habang inisa-isa ang bawat tao sa paligid. Nasaan na ba kasi ang aming sundo?"Abby!!! Abby! narinig kong sigaw ni Erika. Agad ko naman itong hinanap sa kompolan ng mga tao. Masaya akong napangiti ng makita ko ito. Patakbo pa itong lumapit sa amin at mahigpit akong niyakap."Naku, I miss you Abby! Halos isang taon din tayong hindi nagkita." Maarte nitong wika habang pumipilantik ang mga daliri. Pagkatapos ay binalingan nito ang mga anak ko." Hello Babies? Naku ang lalaki niyo na..Bakit ang bilis niyo namang tumangkad! Namiss niyo ba si Tita Erika?" wika nito sa mga anak ko. Sinimangutan naman ito ni
ABBYMabils na lumipas ang isang linggo. Nandito ako ngayun sa isa sa mga retaurant na pag-aari namin ni Mama Charito. Masyadong abala ang lahat kaya naman tumulong-tulong na din ako sa aming mga staff upang magserve ng mga orders ng customer. Fine dining restaurant ito kaya kailangan talaga ng dagdag effort para mapagsilbihan ng maayos ang mga customers. Nagseserve kami ng American at Asian foods kaya naman hindi na ako nagtataka kung bakit sobrang busy namin.Siguro kailangan na talaga namin magtayo ng mga branches sa ibat-ibang lugar. Masyadong maraming customer at nahihirapan na kaming iaccomodate lahat. Nagpapa-advnce reservation din kami online at nanghihinayang ako sa mga walk-ins na hindi na namin kaya pang i-accomodate.'Abby magpahinga ka muna doon sa opisina. Alam kong pagod ka na at hayaan mo na lang kami dito na pagtulungan ang mga trabaho. Sanay na naman ang mga staff sa sobrang busy araw-araw kaya ....kaya na namin itong ihandle." Wika sa akin ni Erika. Nakangiti naman
Luther POVNakaramdam ako ng gutom kaya naman dali-dali akong lumabas ng penthouse. Balak ko kasing sa isa sa mga restaurant sa ibaba kakain. Papunta din si Lester dahil may importante kaming pag-uusapan kaya naman sa baba ko na lang ito kakausapin. Pagkababa ko ay agad kong inilibot ang aking paningin sa paligid upang maghanap ng restaurant na pwedeng kainan habang naghihintay kay Lester. Agad na naagaw ang aking pansin sa isang restaurant kung saan nakita kong pumasok kanina ang bata. Curious akong lumapit dito at nakita ko na maraming kumakain sa loob. Agad naman akong binati ng isang staff na nag-aasisist ng mga bagong customer."Hello Sir. For dine-in po ba? May mga availbale pa pong table sa loob." wika nito sa akin. Tumango ako kaya naman agad akong inassist papasok sa loob ng restaurant. Sinamahan ako hangang sa makaupo sa isang bakanteng lamesa. Pagkatapos ay agad na ibinigay sa akin ang menu book. Pagkatapos kong sabihin dito ang aking order ay agad din naman umalis ang wa
Luther POV"How is she? ' Agad kong tanong kay Doctor Mendez pagkatapos nitong suriin si Abby. Masyado akong nag-aalala sa kalagayan nito kaya naman agad ko itong pinatawag kay Lester upang personal na tingnan si Abby na noon ay wala pa ring malay."Dont Worry Mr. Sarmiento. Masyado lang naalala ni Mrs. Sarmiento ang nakaraan kaya siya nag-panic ng makita ka. Siguro ang kailangan mong gawin sa ngayun ay iparamdam mo sa kanya na hindi ka threat sa buhay niya. Kailanga mo siyang suyuin upang magbalik ang tiwala niya sa iyo." sagot naman ni Doctor Mendez."Paano kung lalo siyang magpanic pagkagising niya? Ano ang gagawin ko?" tanong ko ulit sa Doctor. Bumuntong hininga naman ito."Luther huwag kang mag-expect na agad babalik ang tiwala niya sa iyo. Hangang ngayun nakatatak pa rin sa isip niya ang masalimoot na nangyari sa mga kamay mo five years ago. Siguro kailangan mo lang habaan ang iyong pasensya. Pasasaan ba at muli ding lalambot ang puso niya sa iyo. Sa ngayun, pilitin mong sundin
AbbyAalis na po ako." paalam ko kay Nay Nilda bago pa makarating ng dining area. Inililibot ko pa rin ang aking paningin sa paligid. Naninigurado na wala na si Luther. Agad naman napatingin sa akin ang matanda. Saglit itong nag-isip at ngumiti sa akin."Ayaw mo man lang bang tikman ang inhanda kong pagkain para sa iyo Abby? Kung ganoon, ihahatid na kita sa ibaba." sagot nito sa akin at muling bumalik ng kwarto. Bitbit na nito ang aking bag ng muling lumabas at inabot sa akin. "Pasensiya na po kayo Nay Nilda. Baka po kasi hinahanap na ako sa bahay eh. Ayaw ko pong mag-alala ng sobrang ang mga kasamahan ko." hinging paumanhin ko sa matanda."ahhh...ehhh Sige!! kung ano ang mas makabubuti Abby.." Pero sana magkita tayo ulit at makapagkwentuhan man lang. Matagal ka din nawala at sobrang namimiss din kita." nakangiti nitong sagot sa akin."Hayaan niyo po Nay Nilda. Kapag may libreng oras po ako, tatawagan ko po kayo..' nakangiti kong sagot dito. Kung tutuusin, hindi na iba sa akin si Nan
Abby"Iha saan ka ba nagpunta kagabi? Alam mo bang ilang beses kang tinawagan ng mga bata ......hindi ka man lang sumasagot sa aming tawag. Masyado mo kaming pinag-aalala." agad na tanong sa akin ni Mama Charito pagkaupo ko sa dining table. Tanghali na ako nagising dahil napasarap ang tulog ko. Wala na sa tabi ko ang mga anak ko at nadatnan ko silang kumakain dito sa dining area kasama si Mama Charito."Pasensiya na po Ma. Masyado lang kasi akong abala kagabi. Ang dami po kasing customer at hindi ko maiwan-iwan ang mga staff." sagot ko kay Mama Charito at bahagyang sinulyapan ang mga bata na abala sa kanilang kinakain."Alam mo ba MOm, Iyak ng iyak kagabi si Lorraine, hindi daw po kasi siya maka-sleep hangat wala po kayo." sumbong naman ni Carl habang abala sa kaniyang kinakain. Agad naman itong pinandilatan ni Lorraine." Hindi kaya.!!...... Ikaw nga diyan ang nagagalit eh.....kasi hindi sumasagot si Mommy sa phone.",sagot naman ni Lorraine. Agad ko namang natapik ang noo ko ng maala
ABBY POVPakiramdam ko bigla akong nabingi at hindi naririnig ang palahaw ng babaeng pinaparusahan ko ngayun.. Ilang beses itong nagmamakaawa sa akin pero hindi ko pinansin. Gusto ko lang naman siyang turuan ng leksyon para hindi niya na ulitin pa ang ginawang paglalapit-lapit sa asawa ko. Mahirap na...ayaw ko ng maulit ang nakaraan."Abby! Tama na iyan. Halos makalbo na siya oh and what is that? Bakit may dugo ang kamay mo?" Ang nag-aalalang boses ni Luther ang biglang nagpabalik sa aking hewesyo. Wala sa sariling napatitig ako dito at hinayaan siyang agawin sa akin ang gunting na hawak ko. Tama nga ito..may dugo na ako sa aking kamay at may nakita akong sugat sa aking daliri. HIndi ko maiwasang mapangiwi ng maramdaman ko na humahapdi iyun."Belinda! Get out! Sabihin mo sa Boss mo na ngayun pa lang pinuputol ko na ang lahat ng ugnayan ng dalawang kumpanya." narinig ko pang wika ni Luther. Galit ang boses nito kaya naman hindi ko maiwasang mapatitig dito.So, Belinda pala ang pangalan
ABBY POVHalos isang taon lang din ang nakalipas ng mabalitaan namin na namatay na din si Pamela. Naawa man sa naging kapalaran nito wala na kaming nagawa pa kundi ang bigyan na lang ito ng desenteng libing. Wala ni isa mang kamag-anak ang nag-claim sa kanyang bangkay kaya kami na ang nag-arrange ng lahat-lahat hangang sa maihatid ito sa huling hantungan.Sa dami ng nangyari sa buhay ko hindi ko akalain na heto pa rin ako. Nakatayo at masaya! Kung ano man ang mga nangyari nang nakaraan mananatili na lang na mapait na alaala ang lahat ng iyun.Masalimoot man ang mga nangyari sa buhay ko laking pasasalamat ko pa rin dahil nalagpasan ko lahat ng iyun. Hindi ko akalain na pagkatapos ng unos may magandang umaga pa palang naghihintay sa akin. Muling nabuo ang pamiya ko na akala ko noon wala ng pag-asa pa. Nagbago ang pananaw ko sa buhay at maging mas matapang pa ako para ipaglaban ko kung ano man ang karapatan ko dito sa mundo.Sa lipunan kung saan ako kabilang, dapat lang talaga na maging
ABBY POVNagtataka man kung saan ako dadalhin ngayun ni Luther nanahimik na lang ako. Malaki ang tiwala ko sa kanya at alam kung may dahilan ang pagyayaya nito sa akin kung saan man kami pupunta ngayun.Katakot-takot na bilin ang sinabi ko kina Carl at Lorraine bago namin sila iniwan sa mall kasama ang mga Yaya's nila at ilang mga bodyguards. Alam kong safe naman sila doon dahil masyadong mahigpit ang security ng mall kaya panatag ang kalooban ko habang tinatahak ng sasakyan ang kalsada papunta sa aming patutunguhan."Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko kay Luther."Malalaman mo mamaya. Alam kong hanggang ngayun, may mga katanungan sa isip mo na hindi mo maisatinig dahil gusto mo ng ibaon sa limot ang lahat. Pero gusto kong tuldukan iyun ngayung araw." nakangiti nitong sagot. Nagtataka akong napatitig sa kanya. Nginitian lang ako nito at mabilis akong kinabig pasandal sa kanyang balikat. Kaagad naman akong nagpaubaya.Halos isang oras din ang itinagal ng pagbyahe namin bago kami p
ABBY POVKatulad ng napag-usapan namin ni Luther sa mansion namin ginugol ang buong araw ng aming honeymoon. Mas lalong masaya dahil kasama namin ang aming mga anak. Ang kambal na si Carl at Lorraine at ang bunso namin na si Kristelle! Sobrang saya namin dahil wala kaming ginawa sa mansion kundi magbonding at sulitin ang oras na magkakasama kami.Alam kong mabilis lang lumipas ang mga araw. Ilang taon na lang ang bibilangin namin magdadalaga na si Lorraine at magbibinata na si Carl. Darating ang panahon na bihira na lang din sila uuwi na mansion dahil magkakaroon na din sila ng kanya-kanyang prioirity. Of course kung saan masaya ang mga anak susuportahan ko sila."Happy?" Nagulat pa ako ng biglang nagsalita si Luther mula sa likuran ko. Nakangiti ko itong nilingon."Super! Pagkatapos ng mahabang unos na nangyari sa ating dalawa hindi ko akalain na may magandang umaga pa pala na darating sa atin. Thank you Luther! Ni sa hinagap, hindi na sumagi sa isip ko na magkakaroon tayo ng happy e
FIVE YEARS LATER ABBY POV Halos hindi mapatid ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Ito ang araw na pinakahihintay naming dalawa ni Luther. Ang araw ng aming pangalawang kasal.Kung noon ikinasal ako sa kanya na walang kahit ni isang pamilya sa tabi ko iba ng ngayun. Saksi sila Mommy at Daddy sa masayang pagsasama naming dalawa ni Luther sa loob ng ilang taon na muli kaming nagkabalikan. Alam nila kung gaano pinahahalagahan ni Luther ang aming pagsasama at ang buong pamilya.Naglalakad ako sa Isle habang maghigpit ang pagkakawahak ko sa aking wedding bouquet. Parang wala akong ibang nakikita kundi ang asawa ko na matiyagang naghihintay sa harap ng altar.Ang lalaking sa kanya ko naranasan ang impyerno ng buhay at hindi ko akalain na muli akong nakakaalis sa impyernong iyun sa pamamagitan niya. Ang lalaking pinalasap sa akin ang walang kapantay na sakit at ang walang hanggang kaligayahan. Hindi ko akalain na darating pa ang araw na muli kaming maging masaya dahil ako na mismo ang su
ABBY POVNaging masaya ang mga sumunod na araw sa aming pamilya. Sa wakas, naging maayos na din ang pagsasama namin ni Luther. Tinupad nito ang pangako sa akin na magiging mabuting asawa at ama ng mga anak namin na siyang lalo kong ikinatuwa. Iniiwasan na din namin na mapag-usapan ang tungkol sa mga nangyari. Hanggat maari gusto ko ng kalimutan ang mga masasakit na alaala na nagyari sa aming dalawa. Basta ang importante sa ngayun masaya kaming nagsasama ni Luther kasama ng aming mga anak. Sila Lorraine at Carl.Mabilis na lumipas ang mga araw at mga buwan. Naayos na din ang nasirang mukha ni Luther sa pamamagitan ng surgery. Parang wala lang nangyari dito. Normal ang lahat at ang pagsasama namin. Masaya ang kambal at balik iskwela na samantalang si Giselle naman ay balik iskwela din para maging Doctor. Nag-level up na siya...Ayaw na daw nyang maging nurse...Doctor na lang daw para malubos-lubos ang pagtulong nya sa mga taong may sakit.Balita nito nagkaayos na daw sila ng kanyang mga
ABBY POV"Why? May masakit ba sa iyo?" agad itong napalapit sa akin ng mapansin nito na naiyak ako. Agad naman akong umiling."No! Masaya lang ako dahil nandito ka na. Akala ko talaga patay ka na eh. Bakit ka ba naglihim? Handa naman akong alagaan ka eh. Ang daming luha tuloy ang nasayang sa akin." kunwari ay nagtatampo na wika ko dito. Agad kong napansin ang paguhit ng masayang ngiti sa labi nito. Pagkatapos ay masuyong hinaplos ang aking pisngi. Agad naman akong napapikit at naramdaman ko ang paglapat ng labi nito sa labi ko. Sandali lang naman iyun pero kakaibang saya sa puso ko ang aking naramdaman."I really miss you asawa ko! Gustong gusto ko ang paglalambing mo ngayun. Parang gusto ko tuloy sundan na ang kambal." wika nito. Agad naman akong napadilat at napatitig dito. Kita ko ang nakakalukong ngiti sa labi nito. Hindi ko napigilan na hampasin ito sa balikat. Talaga naman, masyadong mapagbiro ang asawa ko. Buntisan kaagad ang naiisip gayung kakauwi nya lang."Hmmmp mahirap man
ABBY POVHumupa na ang init sa pagitan naming dalawa ni Luther pero heto pa rin ako. Dilat na dilat at hindi pa rin makapaniwala na nandito sa tabi ko ang taong pinaniwalaan ko ng patay na at ilang buwan ko din ipinagluksa.Gosh...gaano ba kadaming luha ang nailabas ko noon? Paanong nangyari na buhay pa pala si Luther? Alam ba ito ng lahat ng mga taong nakapaligid sa amin? Muli kong tinitigan ang nahihimbing na mukha ni Luther sa tabi ko. May peklat ang kabilang bahagi ng mukha nito. Gayundin ang ibang bahagi ng kanyang katawan. Gayunpaman hindi pa rin nakakabawas sa aking paningin kong gaano ito kagandang lalaki. Siya pa rin ang dating Luther na nakilala ko. Siya pa rin ang Luther na minahal ko at ama ng aking mga anak. Mahina akong napabuntong hininga. Maraming katanungan na naglalaro sa isipan ko. Bakit ngayun lang siya nagpakita. May kinalaman ba siya sa pagbagsak nila Shiela at ang grupo nito? Alam ba ito nila Lester?Mahigpit itong nakayakap sa akin. Gustong gusto ko din madam
ABBY POVSa sobrang takot ko agad akong nagtalukbong ng kumot sa buo kong katawan. Kung multo man ang nakikita ko sana lubayan nya na ako. Baka kahit wala akong sakit sa puso, aatakihin ako dahil sa takot.Napaigtad pa ako ng biglang lumundo ang kama sa gilid ko. Diyos ko, mukhang pati dito sa higaan sinusundan nya ako. At isa pa...ano ito bakit naamoy ko sya? Hindi ako maaring magkamali.....amoy ni Luther ang naamoy ko ngayun. Bakit bigla-bigla na lang siya nagpaparamdam sa akin? Hindi ba siya matahimik sa kabilang buhay? May gusto ba siyang sabihin sa akin? Kailangan ko na bang tumawag ng ispiritista para kausapin siya at malaman kung ano ang dahilan ng bigla nyang pagpaparamdam?"Abby? Tulog ka na ba?" narinig ko pang wika nito. Hindi ko mapigilan ang biglang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Pasimple ko pang kinurot ang sarili ko para masiguro kong gising pa ba ako. Baka kasi panaginip lang ang lahat. Pero hindi eh..nasaktan ako sa pagkurot ko sa sarili ko. Kung ganoon gising n