Home / Romance / Married a Secret Billionaire / Chapter 701 - Chapter 710

All Chapters of Married a Secret Billionaire: Chapter 701 - Chapter 710

1219 Chapters

Kabanata 701

“Mister…” Nanginginig ang boses ni Aurelia. “Maaari ko bang malaman kung ano ang mga ‘taong kagaya namin’ para sa'yo?”Ang nakakabastos na pag-uugali at namumuhing titig ni Neil ay ibang-iba sa lalaking nagligtas sa kanya sa mga pulis kanina lang. Para bang may matalim na bagay na tumusok sa kulay rosas na bula sa loob niya at pumutok ito. Oo, ang mga “taong kagaya niya” ay hindi siguro nararapat na tignan ng isang kagaya niya. “Ms. Chilton, wag kang magalit,” malumanay na sabi ni Cordelia, “Kaibigan namin si Fredric at nag-aalala kami sa kanya ngayong napahamak siya. Nakakaduda rin ang buong sitwasyon kaya sana masabi mo sa'min ang totoo.”Yumuko si Aurelia para damputin ang bakal na kahon sa lapag at niyakap ito. Ano bang katotohanan ang dapat niyang sabihin? Ilang libong beses na niyang inulit ang katotohanan, pero di sila naniwala sa kanya!“Nagpapanggap ka na namang pipe?” Tinaas ni Neil ang boses niya habang hinablot ang braso niya. Napasigaw si Aurelia sa sakit. Hind
last updateLast Updated : 2024-01-14
Read more

Kabanata 702

Nanigas si Aurelia. Ang kamay sa harapan niya ay maputi at malambot, hindi kagaya ng maraming pares ng magagaspang na kamay na nakita niya sa basement. Para bang may halo sa paligid ng may-ari ng kamay. Maganda siya at malumanay, pero may determinasyon sa titig niya. Dahil dito ay gusto ng mga taong mapalapit sa kanya. Alam nga lang ni Aurelia na ang mga “taong kagaya niya” ay hindi pwedeng dungisan ang napakalinis na kamay. Tumingin siya sa baba, huminga nang malalim, at tumayo nang mag-isa. Si Cordelia ang nagkusa na hawakan ang kamay niya. Para bang may tumusok sa puso ni Aurelia habang nakatulala siyang tumingin kay Cordelia. Pagkatapos ng ilang sandali, nagtanong siya, “N-Naniniwala ka sa'kin? Gagawin ng mga ‘taong kagaya ko’ ang lahat mula sa panloloko hanggang sa pagnanakaw. Baka umaarte lang ako.”Tumawa si Cordelia at ihinawi ang buhok niya sa likod ng tainga niya. “Hindi mo alam kung paano umarte. Pero meron talaga kaming premyadong aktor dito. Pwede mo siyang tanu
last updateLast Updated : 2024-01-14
Read more

Kabanata 703

Nilipat si Fredric sa VIP hospital ward at inaalagaan siya ni Trinity nitong mga nagdaang araw. Pambihira ang biyahe niya papuntang Chaiseland ngayon. Pakiramdam niya ay nananaginip pa rin siya. Maganda nga lang ang panaginip. Sa tuwing binubuksan niya ang mga mata niya, nakikita niya si Trinity sa tabi niya. “Hindi mo kailangang magpakapagod,” mahinang sabi ni Fredric. May mga doktor at nurse dito. Masyadong nakakapagod para sa'yong manatili rito araw-araw.”“Bakit? Ayaw mong samahan kita?”Nagdala si Trinity ng mga sariwang strawberry na mukhang malaman at makatas. Nag-abot siya sa harapan ni Fredric, ngunit ngumiti lang siya nang hindi kumikilos. Huminto si Trinity. “Ayaw mo nito?”“Hindi.” Tumingin si Fredric sa kanya at nag-aalangang tumingin palayo kahit isang segundo. “Sa'yo ang matamis na dulo ng strawberry. Akin ang tuktok!”Ngumiti si Trinity nang may naluluhang mga mata. “Trinity…” Nilagay ni Fredric ang kamay niya sa likod ng kamay ni Trinity. “Sinisisi mo pa r
last updateLast Updated : 2024-01-15
Read more

Kabanata 704

“Sige, walang problema,” pumayag kaagad si Fredric. Napatunganga si Trinity. ‘B-Bakit siya hindi kumikibo kagaya ng inaasahan?’Dapat ang mangyayari ay sasabihin niyang gusto niyang halughugin ang bag niya, tapos pipigilan niya siya nang buong lakas. Pagkatapos, tatayo siya at kukunin ang bag para halukayin ito sa harapan niya tapos matataranta siya at hahablutin niya ito. Habang naghihilahan sila, hihilahin niya siya, tapos… magdidikit ang mga labi nila, at magiging kulay rosas ang buong mundo!Ito ang unang beses sa karera niya bilang direktor na may kumilos nang hindi ayon sa daloy ng kwento!Ngumiti si Fredric. “Nandiyan lang ang bag ko. Dalhin mo to rito para sa'kin.”Namula ang mukha ni Trinity at nanghihina niya siyang tignan bago ipinasa sa kanya ang bag. “Buksan mo, yung pinakaloob na bulsa.”Ginawa ni Trinity ang sinabi sa kanya. Parisukat ang bag ng abogado na may tatlong bulsa sa loob at tatlo pa sa labas na nagdadala ng importanteng case materials. Kinapa niya
last updateLast Updated : 2024-01-15
Read more

Kabanata 705

“Alam kong nagkamali ako noon.” Hinawakan ni Fredric ang kamay niya. “Trinity, may bloopers at retakes ka sa paggawa ng pelikula. Kung hindi maganda ang kondisyon ng artista, marami silang retakes… Pwede mo rin ba akong bigyan ng retake?“Pangako, isang beses lang,” seryosong sabi ni Fredric nang nakangiti. “Magiging one-game na lang to mula ngayon. Ako ang magiging pinakamagaling na male lead mo!”Natulala si Trinity habang tumulo ang isang luha, pero bumalik ang ngiti niya. Hinalikan niya ang noo ni Fredric at pareho silang ngumiti sa isa't-isa, nang may mga matang kumikinang sa ligaya. “Sige,” mahina siyang sumagot. “Ikaw ang nag-iisang male lead sa script ko mula ngayon. Pero kailangan mong makinig sa direktor at hindi mo pwedeng baguhin ang daloy ng storya nang mag-isa, okay?”Ngumiti si Fredric. “Kahit ano pang sabi ni Director Trinity!”…Sa gabi, nakahiga si Cordelia sa tabi ni Zephyr habang inalala niya ang nangyari kamakailan. Dalawang linggo na simula nang nalaman n
last updateLast Updated : 2024-01-15
Read more

Kabanata 706

Sumugod sina Cordelia at Zephyr sa venue kung saan gaganapin ang bagong launching kahit gabi na. Gaganapin ang event sa susunod na araw, pero nalaman ng mga staff na higit sa sampung haute couture dresses ay may iba-ibang lebel ng sira nang dumaan ito sa regular check ngayong gabi. Hindi masyadong malaki ang mga butas, pero naapektuhan nito ang itsura nito at halos hindi magamit ang mga damit. Kailangan mong tumingin sa mga damit at malalaman mong sinadya itong sirain. Kalmado si Cordelia at maingat niyang tinignan ang bawat isang piraso ng damit bago siya nagtanong, “Hindi ba pinadala ang mga damit na'to tatlong araw bago ang lahat? Hindi ba tinignan nito to nang maayos noon?”“Personal silang pinadala ng head designer ng bawat brand, at bulletproof ang mga sasakyang nagdala ng mga ito. Detalyado itong tinignan ng mga tao namin nang dumating ito at walang kahit na anong problema!”Sumama ang mukha ni Zephyr at nagpadala ng tao para kunin ang surveillance recording. “Cordelia
last updateLast Updated : 2024-01-15
Read more

Kabanata 707

Nagulat si Trinity at mabilis niyang hinawakan si Cordelia. “Wag kang masyadong masabik. Ingatan mo ang baby mo!”Ngumiti si Cordelia at bumalik sa meeting room para pag-usapan ang pagbabago sa disenyo kasama ang mga designer. Hindi malaki ang pinsala sa mga palda. Baka magdalala ng hindi inaasahang resulta ang ilang pagbabago at ang paghahalo ng kultural na elemento rito. Pumayag ang mga designer at sumigla ang mga mata nila sa pag-iisip kung kailan matatapos ang disenyo. Ang pagiging elegante at misteryoso ng mga kultural na elemento ay mas lalong nagpakinang sa mga dress. “Ang ganda ng draft!” sabi ng isa sa mga designer. “Pero baka mahirap itong maisagawa.”Nanahimik ang meeting room. Tumango sa pagsang-ayon ang mga designer. “Oo, mano-mano naming tinahi ang lahat ng mga dress namin. Ganun din ang parteng to.”“Para magburda ng kultural na elemento rito, maganda ang ideya, pero hindi namin alam kung paano. Aabot ba kami kung matuto kami ngayon?”Kumunot ang noo ni C
last updateLast Updated : 2024-01-16
Read more

Kabanata 708

“Ang tapang mo ring maglakad sa kalye nang ganito, ha? Alam mo ba para kang masarap na steak sa harapan ng mga taong yun? Baka kahit underwear mo ay kunin nila sa suot mo!”Huminto si Neil at hindi napigilang matawa. “Ganun ba yun kaseryoso?”Seryosong tumingin si Aurelia. “Hindi pa ba sapat ang nangyari kay Fredric para mag-ingat ka?”“Pero gabi nun nang nangyari yun sa kanya—”“Manong.” Pinagpatong ng babae ang braso niya sa harapan niya. “Walang may pake kung umaga o gabi rito kapag gumawa sila ng krimen sa kalyeng to!”“Ano!?” Hindi makapaniwala si Neil. Hindi siya nagulat sa mga krimen, pero ang salitang pinili niyang itawag sa kanya—”manong”! Manong!?Anong tinawag niya kay Fredric? Fredric! Ano? Mukha ba siyang matanda para sa kanya para tawagin niya siyang manong?Dumilim ang tingin ni Neil habang hinigpitan niya ang mga kamao niya. Maingat na inobserbahan ni Aurelia ang ekspresyon niya at napansin niyang para bang hindi siya natutuwa. Totoo ngang kakaiba kung
last updateLast Updated : 2024-01-16
Read more

Kabanata 709

Nakatayo si Cordelia sa labas ng hotel room habang nag-aalala tungkol sa nangyayari sa loob. Ito ang VIP suite ni Neil at dalawang araw nang nasa loob si Aurelia. Hindi pumasok si Neil sa kwarto nitong dalawang araw at kumikilos lang siya sa sala. Nakasarang maigi ang kwarto—kinulong niya si Aurelia sa loob. Mayroon siyang mga bodyguard na nagbabantay sa pinto at lumalabas kung kailan nila gusto araw-araw. Kapag wala siyang ginagawa, uupo siya sa sofa sa sala at itataas ang mahabang binti niya sa mesa habang iniikot ang isang baso ng wine. Nasa pinto ng kwarto ang mga mata niya habang may matagumpay na ngiti sa mukha niya. Narinig ni Cordelia mula sa bodyguards na dalawang bagay lang ang sinabi ni Neil sa araw na nahuli niya si Aurelia. Ang unang pangungusap ay: “Pumasok ka!”Pagkatapos ay initsa niya ang mga dress at design drafts sa kanya at sinabi ang pangalawang pangungusap: “Wag mong isiping kumain kapag di mo pa tapos burdahan ang mga yan!”Tumawa si Cordelia. Syempre
last updateLast Updated : 2024-01-16
Read more

Kabanata 710

Kumunot ang noo ni Aurelia. Gusto niyang dumilat pero nagdadalawang-isip siya. Nag-aalala ang gwapong mukha ni Neil at tinapik niya ang mukha niya nang nakita niyang hindi siya kumikibo. Gayunpaman, pinigilan siya ng doktor. “Sir, masyado lang siyang pagod at kailangan niyang magpahinga. Hayaan mo siyang matulog at magiging ayos din siya paggising niya.”“Matulog? 12 oras na siyang tulog!” Kinakabahang tinignan ni Neil ang relo niya. “Hindi naman siguro siya mababaliw sa sobrang haba ng tulog niya, di ba?”Tumawa ang doktor at tumalikod para umalis. Binunton ni Neil ang galit niya sa bodyguards sa pinto. “Bakit nakatayo kayong lahat diyan? Di ba alam niyo kung paano kumuha ng iba pang doktor!?”“Pero Mr. Harris…” Wala ring nasabi ang mga bodyguard. Panlimang doktor na ito at pareho lang ang sinabi ng bawat isa sa kanila. Dalawang araw na hindi natulog si Aurelia. Syempre kailangan niya ng sapat na tulog. Napakapangkaraniwan nito, pero bakit sobrang kinakabahan si Neil?
last updateLast Updated : 2024-01-16
Read more
PREV
1
...
6970717273
...
122
DMCA.com Protection Status