Share

Kabanata 710

Kumunot ang noo ni Aurelia. Gusto niyang dumilat pero nagdadalawang-isip siya.

Nag-aalala ang gwapong mukha ni Neil at tinapik niya ang mukha niya nang nakita niyang hindi siya kumikibo.

Gayunpaman, pinigilan siya ng doktor. “Sir, masyado lang siyang pagod at kailangan niyang magpahinga. Hayaan mo siyang matulog at magiging ayos din siya paggising niya.”

“Matulog? 12 oras na siyang tulog!” Kinakabahang tinignan ni Neil ang relo niya. “Hindi naman siguro siya mababaliw sa sobrang haba ng tulog niya, di ba?”

Tumawa ang doktor at tumalikod para umalis.

Binunton ni Neil ang galit niya sa bodyguards sa pinto.

“Bakit nakatayo kayong lahat diyan? Di ba alam niyo kung paano kumuha ng iba pang doktor!?”

“Pero Mr. Harris…” Wala ring nasabi ang mga bodyguard.

Panlimang doktor na ito at pareho lang ang sinabi ng bawat isa sa kanila.

Dalawang araw na hindi natulog si Aurelia. Syempre kailangan niya ng sapat na tulog.

Napakapangkaraniwan nito, pero bakit sobrang kinakabahan si Neil?
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status