Nataranta si Hannah.Sa umpisa, hindi siya pumayag sa kagustuhan ni Ava na gumawa ng gulo sa launch. Sa lahat ng mga taong ikinasal siya sa pamilya, kabisado niya ang mala-impiyernong pag-uugali ni Zephyr. Gayunpaman, inisip niyang gamitin ang swerte niya. Lalo na't mayroon siyang alas—si Noah.Kung kaya't hinayaan niya si Ava na gumawa ng gulo. Hindi niya inasahang hindi lang siya mabibigong gumawa ng problema, hindi pa nila sinasadyang mapasikat si Cordelia. Dahil sa malikhaing launch, mas mataas nang nakatayo ang Baker Group sa fashion industry ngayon. At lahat ng ito ay dahil kay Cordelia!Huminga nang malalim si Hannah at umiral. Ngumiti siya kay Zephyr. “Anong sinasabi mo, Zen? Hindi ko maintindihan! Ha… Mukhang masyado na akong matanda para maintindihan ang mga bata ngayon! Hindi maganda ang pakiramdaman ng tito mo. Iuuwi ko muna siya. Kami—”Nang hihilahin na niya patayo si Noah, tinitigan siya nang masama ni Zephyr. Sumugod sa kanya ang mga bodyguard na nakapalibot sa
Ngayong malaki na si Zephyr, paanong nagbago ang lahat?“Zen!” Nataranta si Noah. “H-Hindi mo pwedeng gawin to kay Hannah. T-Tita mo siya!“Zen, pwede nating pag-usapan to! Pinagbintangan lang siguro siya ng dalawang lalaking to!”Kumunot ang noo ni Zephyr. Malalim ang tingin ng mga mata niya. Nilabas ni Janine si Franklin. Alam niyang kahit na desidido ang lolo niya, mag-aalinlangan ang nanay niya dahil sa pagsisisi. Sumandal si Hannah kay Noah at umiyak nang malakas. “Wala akong pakialam, k-kahit na anong mangyari, hindi mo pwedeng pahirapan ang asawa ko!” Nagsimulang magwala si Noah. “Zephyr, k-kapag sinaktan mo ang tita mo, lalabanan kita!”Hinigpitan ni Zephyr ang mga kamao niya. Walang ekspresyon sa malamig niyang mukha. “Pasensya na, tito.” Tumingin siya kay Noah. “Ilang beses kang nakipag-away sa nanay ko para sa babaeng ito, at palagi ka niyang hinahayaan. Pero ngayon, hindi ka mapoprotektahan kahit ng nanay ko!“Ha! Pinoprotektahan mo ang asawa mo, pero ganun r
Natulala rito si Aurelia. “Bakit…? Ayaw niya?”“Hindi!” Nagmadaling nagsabi si Cordelia, “Interesado lang ako. Pinsan ko siya at isang premyadong aktor na may maraming tagahanga sa Centrolis. Bakit siya isang manong pagdating sa'yo?”Bahagyang yumuko si Aurelia nang namumula ang mukha. Hinawakan niya ang baso at hinimas ito gamit ng daliri niya nang kinakabahan, pero palihim na umaangat ang gilid ng mga labi niya. Bakit niya siya tinatawag na manong? Iyon ay dahil si Neil ay isang lalaking mature, matibay ang loob, at medyo malamig sa unang impresyon niya, kagaya ng mga… walang awang assassin sa mystery novels. Noon, inisip niya talagang isa siyang manong na hindi niya malalapitan. Hindi nagtagal, ang pagtawag niyang iyon ay naging espesyal niyang paraan para tawagin siya. Tinawag niya ang lahat sa pangalan nila. Siya lang ang naiiba. Ang salitang “manong” ay nagbigay ng distansya sa pagitan nila at nakaiwas sa pagdududa mula sa iba. Kakaiba ang pakiramdam niya. Gusto n
Galit na galit si Ava, ngunit wala siyang lakas ng loob upang ipakita ito sa harap ni Cordelia. Natatakot din siya kay Zephyr. Mas malaking problema kapag nakita siya ni Zephyr.Tiningnan niya si Aurelia, na nasa tabi ni Cordelia, at inilabas niya ang lahat ng galit niya sa kanya.“Hah, sabi mo e, mauuna na akong umalis. Bibisitahin na lang kita sa susunod! Pero, Cordelia, dapat kang mag-ingat. Malayo na ang narating mo at dapat maging maingat ka sa iba’t ibang aspeto, lalo na tungkol sa mga taong hindi mo kilala sa paligid mo!”“Anong sinabi mo?” Napahinto sa paglalakad si Cordelia at lumingon siya kay Ava.Tuso ang ngiti ni Ava at sinadya niyang tumingin kay Aurelia.“Lagi lang akong nandito kung kailangan mo ng kasama, Cordelia! Pero hindi mo alam kung saan nagmula ang ibang tao diyan, at hinahayaan mo silang tumira sa bahay niyo? Nagtitiwala ka sa kanya dahil lang marunong siyang magburda at mag-model?”Nanigas si Aurelia. Namula siya at tahimik niyang binitawan ang braso ni
Ang seryosong sinabi ni Cordelia, “Hindi ko alam kung anong klaseng mga tao ang tinutukoy mo, Ava. Ang tanging alam ko lang ay may mga tao na hindi pinalad noong ipinanganak sila, ngunit ang mga puso at karakter nila ay marangal. Gusto kong makasama ang mga taong ganito! “Pero, may mga taong hindi marunong lumugar kahit na umaasa lang sila sa iba at wala silang ibang ginagawa kundi puro masasamang bagay. Ang mga taong gaya nito na mga ahas sa pamilya ay dapat hulihin!”Ngumisi si Cordelia. “Ava, tama ba ako?”Hindi man lang nakalaban si Ava sa sitwasyon at tumalikod siya upang tumakas. “Isara niyo ang pinto,” ang sabi ni Cordelia sa mga butler. “Palayasin niyo siya kapag narinig niyo ulit yung mga aso sa susunod. Bakit hinintay niyo pa akong dumating at makipag-away?”Nagkatinginan ang mga butler at sinubukan nilang pigilan ang mga tawa nila. Talagang kakaiba ang madam nila—ni hindi niya kailangang magmura upang kagalitan ang isang tao. “Betty!” Natawa si Cordelia. “Paki gawa
Nabigla si Aurelia. Yung totoo, hindi niya naisip ang tungkol sa hinaharap.Para sa mga taong gaya niya, ang isa pang araw na buhay siya ay isa pang araw na biyayang ipinagkaloob sa kanya. Ang mabuhay ang pinakamahalaga sa lahat.Para naman sa kung ano ang gagawin niya sa hinaharap, anong klaseng bahay ang titirhan niya, o maging kung magpapakasal ba siya o hindi, ang mga bagay na ito ay mistulang ibang mundo para sa kanya."Ang iyong pinakamalaking problema mo dito ay hindi ka dokumentado." Pinag-isipan ito ni Cordelia. "Babalik kami sa Centrolis pagkatapos kong manganak. Kung ayos lang sa’yo, pwede kang sumama sa’kin pabalik. Maaaring may paraan si Zephyr upang maasikaso ang dokumentasyon ng iyong pagkatao.""Hindi, hindi..." Ikinumpas ni Aurelia ang kanyang kamay. “Hindi ko na kayo pwedeng abalahin! Sa totoo lang, wala akong ginawa para sa inyo, pero napakabait mo sa’kin…”Naramdaman ni Cordelia ang kirot sa kanyang puso.Ilang gabing hindi natulog ang babaeng ito sa pagbuburd
Habang nakikinig si Cordelia sa kanya, lalo siyang nag-aalala."Aurelia, mas mabuting magpadala ako ng ilang bodyguard para samahan ka..."“Ayos lang talaga ako!” Ngumisi si Aurelia. "Pamilyar ako sa lugar na iyon. At saka, mas madali akong makakakilos ng mag-isa. Maliban sa pagkuha ng gamit ko, gusto kong magpaalam sa matandang nomad na babae at sa iba pa. Hindi ako magiging komportable kung sinusundan ako ng mga bodyguard!"“Kung ganun—”“Bye-bye, Cordelia!” Bago natapos ni Cordelia ang kanyang sasabihin, tumakbo si Aurelia na parang usa, at lumingon siya upang tumingin sa kanya. “Hindi ako babalik mamayang gabi. Magpapaalam ako sa kanila! Kita na lang tayo bukas!"Mabagal kumilos si Cordelia at hindi siya agad nakatawag ng mga bodyguard. Mabilis ding tumakbo si Aurelia at naglaho sa isang kisap-mata.Pagbalik ni Zephyr kinagabihan, humiga sila sa kama. Nagtatrabaho siya sa laptop habang si Cordelia ay umiikot sa kama at hindi makatulog.“Honey, anong problema?” Maingat siya
Ngumiti ng matamis si Cordelia. "Sabi ko na nagugutom ka, darling!"Hindi makaimik si Zephyr.“Anong gusto mong kainin, honey?”Isang multiple-choice na tanong ang lumitaw sa isipan ni Zephyr, ngunit ang pinakamahalaga ay ang pagpili ng tamang sagot. Naisip niya na ang kasambahay nila ang nag-aalaga kay Cordelia araw-araw mula noong dumating siya sa Melorian, kaya sapat na siguro ang kakayahan ni Betty sa pagluluto..."Bakit hindi tayo kumain ng steak at bun?"Nanatiling tahimik si Cordelia, at nakatingin sa kanya."Hindi, hindi, ako ang may gusto nun!" Mabilis na binawi ni Zephyr ang sinabi niya.Tahimik pa rin si Cordelia.“Kung ganun... gusto ko ng spaghetti? Mac and cheese? Pritong manok at fries?"Kumurap ang makikintab na matang nasa harap ni Zephyr, wala pa ring ekspresyon ang kanyang mukha.Biglang may napagtanto si Zephyr. “Ah, alam ko na! Gusto ko ng Acian food!”Napangiti si Cordelia. "Anong klase?"Mukhang papalapit na si Zephyr sa tamang sagot! Natuwa siya at p