Home / Romance / Married a Secret Billionaire / Chapter 691 - Chapter 700

All Chapters of Married a Secret Billionaire: Chapter 691 - Chapter 700

1219 Chapters

Kabanata 691

Huminto ang puso ni Cordelia habang binalot niya ang braso niya sa balikat ni Trinity. Sinundan ni Zephyr ang pulis sa first floor sa underground. Mabagal silang sinundan nina Cordelia at Trinity. Para bang gawa sa bakal ang mga paa nila at napakabigat ng bawat isang hakbang nila. Bumuntong-hininga ang pulis at nagsabi kay Zephyr, “Ikaw na ang tumingin. Hindi dapat pumasok dito ang buntis.”Tumango si Zephyr at lumingon kay Cordelia. “Maghintay ka rito. Lalabas din ako kaagad.”Dumilim ang mga mata ni Trinity habang nanatili siya sa likuran niya. Dumating sila sa basement pababa ng hagdan. Isa itong madilim at makitid na espasyo. Binuksan ng pulis ang pinto at ang lalaking nakahiga sa loob ay natatakpan ng puting tela. Nakakapangilabot ang fluorescent light na umilaw sa espasyo. Nanatili si Trinity malapit sa pinto. Hindi siya makahakbang pa paharap na para bang naubos ang lahat ng lakas niya. Tinaas ng pulis ang kamay niya para sumenyas. “Mr. Hamerton, pakikilala siya.”
last updateLast Updated : 2024-01-12
Read more

Kabanata 692

Hindi nagtangka si Fredric na kumilos masyado at maingat na tinaas ang kumot para tignan ang sarili niya. Hindi napalitan ang damit niya at nasa ng dugo at pawis ang pang-itaas niya. Napakadumi na nito. Naka-bandage na ang sugat niya, pero hindi propesyonal ang pagkakabalot dito. Tumingin siya sa babae at nagtanong pagkatapos ng ilang sandali, “Ni… Niligtas mo ako?”Nang kumurap at ngumisi ang babae, mukha siyang isang anghel sa mural ng simbahan. “Bakit? Babayaran mo ba ako sa pagligtas ko sa'yo?”Huminto si Fredric, medyo nahihilo pa siya dahil sa lagnat niya. Pinag-isipan niya ang nangyari sa kanila ng blangkong isipan niya. Nagpunta siya ng Melorian para kay Trinity, at napasakay siya sa isang kaduda-dudang taxi pagkatapos lumapag ng flight niya. Umikot nang ilang beses ang kotse sa isang tahimik na eskinita, tapos pinakita ng driver ang masamang intensyon niya, at nagtawag pa nga siya ng kasabwat. Pagkatapos… nasaksak siya. Hinimatay siya pagkatapos nito at nandito n
last updateLast Updated : 2024-01-12
Read more

Kabanata 693

Walang pagbabago sa kung paano kumilos at sa itsura ni Zephyr nitong nagdaang ilang araw nang walang balita tungkol kay Fredric, pero alam ni Cordelia ang hirap na pinagdadaanan niya. Hindi niya alam kung paano pagagaanin ang loob niya. Gustong maging sobrang lakas ng lalaki na hindi niya dadalhin ang kahit na anong negatibong emosyon sa kanya. Palagi siyang ang malumanay at nakangiting asawa sa harapan niya. Kumikirot nga lang ang puso ni Cordelia sa bawat isang beses na nakita niya siyang ngumiti. Nakikita niya ang pagod sa ngiti niya. Tinawagan ni Neil si Cordelia para sabihing babalik siya sa Southeast Aciatic para magbakasyon at bisitahin ang mga magulang niya. Walang sigla at parang tuliro ang sagot ni Cordelia. “Anong nangyari sa'yo?” tumawa si Neil. “Parang tulala ka. Wala ka naman sigurong prenatal depression?”“Kalokohan!” Pagkatapos, sinabi sa kanya ni Cordelia ang lahat ng nangyari nitong ilang araw. Nanahimik sandali si Neil bago mahinang sumagot, “Pupunta ako s
last updateLast Updated : 2024-01-12
Read more

Kabanata 694

May humila kay Fredric bago niya maidilat ang mga mata niya. Napasigaw siya ng ilang mura sa hapdi ng sakit niya kahit na maginoo siya kadalasan. “Oh, sorry, sorry!” Mabilis na humingi ng tawad si Aurelia. “Nakahanap ako ng magandang gamit at sa sobrang saya ko ay nakalimutan kong sugatan ka…”Huminga nang malamig si Fredric. Masyadong madalas nang nakakalimutan ang tungkol sa sugat niya nitong mga nakaraang araw. Kung tatanungin siya, sasagutin niya na hindi siya kailanman tumanggap ng kahit na anong suhol bilang isang abogado. Palagi niyang pinanatili ang hustisya at pinaglaban ang mga tao. Hindi pa siya nakagawa ng kahit na anong labag sa konsensya niya! Bakit pinadala ng langit sa kanya ang ganitong klaseng tao para “gamutin” siya?Tumawa si Fredric at walang nagawa kundi sumuko nang nakita niya ang inosenteng itsura ng babae. “Hindi pa ako nag-alaga ng iba noon,” mahinang sabi ni Aurelia habang inabutan siya ng tubig at gamot. “Ikaw ang unang lalaki ko!”“Pft!” Nabuga
last updateLast Updated : 2024-01-12
Read more

Kabanata 695

Interesado si Fredric kung saan nagmula ang kinita niya. Lumingon si Aurelia sa kanya para maingat siyang tignan at tahimik niyang itinabi ang maliit na kahon. “Wag kang mag-alala. Hindi ko gagalawin ang pera mo.” Nabasa ni Fredric ang nasa isip niya. “Pero pwede mo ba akong tulungang tawagan ang kaibigan ko? Nangangako akong bibigyan kita ng malaking halaga ng pera—”“Hindi pwede!” Pinutol siya ni Aurelia. “Aurelia, pakiusap!”“Wag mo nang isipin yan. Hindi ako tatawag ng pulis!”Naging galit ang hiya sa maganda niyang mukha at dahil sa mabangis niyang itsura, para ba siyang ibang tao kumpara sa babaeng nag-alaga kay Fredric. Nabahala si Fredric. “Hindi ako tatawag ng pulis. Gusto ko lang tawagan ang kaibigan ko…”“Tatawag ng pulis ang kaibigan mo!” Sigaw ni Aurelia, “Kapag sinira mo ang buhay ko, hindi rin kita hahayaang mabuhay nang payapa!”Tinitigan niya siya nang masama sabay lumabas. Binagsak niya nang malakas ang pinto sa likuran niya. Narinig ni Fredric ang pami
last updateLast Updated : 2024-01-13
Read more

Kabanata 696

Huminto si Trinity at bumagsak sa plato ang kubyertos na hawak niya. Sobra ba siyang mag-aalala? Hindi niya iyon naisip. Ang alam niya lang ay hindi siya mapakali nitong mga nagdaang araw, kulang siya sa tulog at walang ganang kumain nang hindi man lang nagpapalit ng damit. Hindi pa siya umiyak nang ganito katindi buong buhay niya. Ang ginawa niya lang ay hawakan ang lucky charm na hawak niya. Iyon ay ang binigay sa kanya ni Fredric, at pakieamdam niya ay naroon pa rin ang init niya. Sinabi niya sa kanya na umaasa siyang bibigyan siya ng swerte ng lucky charm nang binigay niya ito sa kanya, pero ngayon, mas gugustuhin niyang gamitin ang lahat ng swerte niya kapalit ng kaligtasan niya. Nagkalat ang isipan ni Trinity. Binuksan niya ang bibig niya pero wala siyang mabanggit na ni-isang salita. “Ako…”“Sige na, alam ko!” Malaki ang ngiti ni Neil. “Tiyak mag-aalala ka. Sinong magiging bidang lalaki ko kapag nawala ako?”Pagkatapos ng mahabang sandali, yumuko si Trinity at nags
last updateLast Updated : 2024-01-13
Read more

Kabanata 697

Nanlaki ang mga mata ni Aurelia sa takot. Tinitigan niya si Neil at kinilabutan siya. Maayos ang pananamit ng lalaki at naglabas siya ng marangal na ere, ngunit matalim ang titig niya at mukhang hindi mabuti ang intensyon niya. Hinawakan ni Neil ang braso niya at di niya napigilang higpitan ang hawak niya. Napasigaw si Aurelia sa sakit. “Mister, bitawan mo ko!”“Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko.”“Anong tanong?” Kumurap si Aurelia. “Oh, kung saan nagmula ang jacket na'to? Hah, kasi…”Lumapit siya sa kanya—may bakas ng pang-aakit sa inosente niyang ngiti at mapaglaro ang titig niya. “Bitawan mo ko at sasabihin ko sa'yo!”Hindi napigilan ni Neil na luwagan ang hawak niya sa kanya. Ngumiti sa sumunod na segundo, itinulak siya ni Aurelia at tumakbo sa kanilang direksyon na parang isang tumatakbong kuneho. ‘Pulis! Pulis siguro siya!’Kumabog ang puso ni Aurelia. Bakit siya may kakaibang ekspresyon kung hindi siya pulis? Isa lang itong sirang jacket. Kailangan ba niyang
last updateLast Updated : 2024-01-13
Read more

Kabanata 698

Naging blangko ang isipan ni Aurelia. Hindi pa siya nakaranas ng ganitong sitwasyon. Nabuhay siya na parang daga sa kanal sa unang 18 taon ng buhay niya. Hindi siya nanakit ng ibang tao sa sarili niyang kagustuhan, pero kinailangan niyang talikuran ang ilang bagay para sa pera at iligtas ang sarili niya—mga bagay kagaya ng kaalaman ng isang regular na tao. Nang nakita niya ang nasaksak na si Fredric, ang unang relasyon ng regular na tao ay ang tumawag ng pulis at dalhin siya sa ospital. Hindi niya iyon magawa. Hindi niya siya kayang iwan para mamatay pero hindi niya gustong mapahamak ang sarili niya dahil dito. Ang pinakamagandang magagawa niya ay ang hilahin si Fredric pauwi para gamutin ang sugat niya at pigilan siyang mamatay sa kalsada dahil sa kawalan ng dugo. Kumabog ang puso ni Aurelia habang nawalan siya ng panimbang. Lumitaw ang isang masamang kaisipan sa utak niya. Kua niyang tumalikod, umalis, at isara ang pinto para hayaan ang lalaking mabuhay nang mag-isa sa loob
last updateLast Updated : 2024-01-13
Read more

Kabanata 699

Sumugod sina Zephyr at Cordelia sa ospital sa sandaling natanggap nila ang balita. Maraming tao ang nagtipon sa labas ng operation ward. Nakaupo si Trinity sa bench nang may nag-aalalang itsura habang hawak ang lucky charm. Tinapik ni Cordelia ang likod ni Zephyr. Binubulong niya sa kanya na magiging ayos lang ang lahat. Binantayan ng mga bodyguard mula sa Southeast Aciatic ang bawat isang labasan ng palapag nang may seryosong ekspresyon. Hindi lang ang isang buhay na tao, kahit langaw ay mahihirapang makaalis. Nakatayo si Aurelia malapit sa pader habang maingat niyang tinignan ang mga grupo ng tao sa harapan niya. Nanatili malapit sa kanya ang bakal na kahon niya. Mukhang mayaman at makapangyarihan na may matataas na katayuan ang mga taong ito. Kaibigan nila si Fredric… Ano palang gagawin nila sa kanya?Hindi nagtangkang mag-isip si Aurelia. Kinilabutan siya at niyakap niya nang mas mahigpit ang bakal na kahon. Gusto niyang ipadala si Fredric sa ostpial gamit nito, pero muk
last updateLast Updated : 2024-01-14
Read more

Kabanata 700

Pinigilan ni Aurelia ang paghinga niya. Nanginig ang braso't binti niya at tinitigan niya sandali ang pulis bago biglaang iniwasan ang titig niya. Ang sabi niya mukha siyang pamilyar… Baka madalas siyang magpatrol sa iskwater at binabantayan ang mga nomad. Mahirap makalimutan ang mukha ni Aurelia. Kinagat niya ang labi niya at kinurap ang bilugan niyang mga mata. Madalas siyang punong-puno ng mga ideya, pero ngayon ay wala siyang naisip. Lumakas ang pagkakahawak sa balikat niya habang narinig ang malumanay at malalim na boses ng lalaki. “Pamilyar?” Tumawa si Neil at niyakap siya nang mas mahigpit. “Sinabi ko na sa'yo, artista ako. Pati rin ang fiancee ko. Umarte na kami sa iisang pelikula noon!” Tumaas ang kilay ng pulis sa pagdududa. “Ang ilan sa mga pelikula namin ay isinalin sa Chaisene at pinalabas sa ibang bansa. Hindi kakaiba na inisip niyong pamilyar siya, officer. Palagi siyang nasa telebisyon. Kilala siya ng lahat!”“Talaga…?”Nagdalawang-isip ang pulis at ibin
last updateLast Updated : 2024-01-14
Read more
PREV
1
...
6869707172
...
122
DMCA.com Protection Status