Home / Romance / Married a Secret Billionaire / Chapter 671 - Chapter 680

All Chapters of Married a Secret Billionaire: Chapter 671 - Chapter 680

1219 Chapters

Kabanata 671

”At huwag mong isipin na hindi ko alam kung gaano karaming problema ang palihim mong ibinigay sa anak kong babae sa mga nakalipas na taon!”Gustong ibunyag ni Franklin ang lahat-lahat, ngunit pinigilan siya ni Janine—hindi para kay Hannah kundi upang hindi mapahiya ang nakababata niyang kapatid sa harap ng publiko. Matapos ang lahat, nag-aalala pa rin si Janine tungkol sa kanyang kapatid. “Dad, hindi mo na kailangang magpatuloy.” Natawa siya. “Ang party na ito ay para ipagdiwang ang pagbabalik ko. Hindi ka dapat magalit. Mag-enjoy na lang tayo at mag-relax!”“Oo nga, Lolo,” ang nakangiting sinabi ni Cordelia. “Nagkamali din ako kanina. Hindi ako dapat nagmaktol at sinabi na gusto kong umuwi sa mga magulang ko. Pinakasalan ko si Zephyr, mananatili ako sa kung nasaan ang asawa ko!”“Mm, napakahusay ng aming Cordelia!” Masayang ngumiti si Franklin. “Pero… Ang dinig ko sinabi ng matandang Hamerton na ‘yun na ikinasal daw si Zephyr sa mga Irwin? Dapat pala umuwi siya sa mga magulang
last updateLast Updated : 2024-01-07
Read more

Kabanata 672

Ipinadyak ni Hannah ang kanyang paa sa galit at sinundan ang kanyang anak pagkatapos ng mabilisang pakikipag-usap kay Noah.Si Noah na lang ang naiwan sa kanyang kinatatayuan sa gitna ng gabi. Ang kulay-pilak na liwanag ng buwan ay nagpahaba sa kanyang anino. Bahagyang nanginig ang kanyang mga balikat, at kumibot ang kanyang mga mata at bibig.Medyo kumirot ang puso niya, ngunit mas nakaramdam siya ng galit.Ilang sandali pa ay inilabas niya ang kanyang phone at tinawagan niya ang isang number pagkatapos niyang magtanong sa ilang tao.“Hello, ito ba si Ms. Trinity Lulham?”Nanahimik ang tao sa kabilang dulo ng linya bago mahinang nagtanong, "Ikaw si?""Ako si Noah Baker, ang nakababatang kapatid ni Janine Baker!"Kumurap ang mga mata ni Trinity, at nablangko ang isip niya.Anong nangyayari? Wala silang kinalaman sa isa’t isa!"Uh, uh... Kailangan mo ba ng pera para sa pelikula mo?"Napangiwi si Trinity, hindi alam kung paano ito sasagutin."Ms. Lulham m-may pera ako!" Sumiga
last updateLast Updated : 2024-01-07
Read more

Kabanata 673

"Huh... Uh, ang sabi ko maaraw ngayong gabi!" Mabilis na sumagot si Trinity at ibinaba ang tawag.Ibinalik ni Zephyr ang phone kay Cordelia ng may seryosong mukha at hinaplos ang kanyang baba.Matagal siyang nanahimik, at naisip ni Cordelia na nagalit siya. Itinagilid niya ang ulo para maglambing sa kanya at susuyuin na sana niya siya nang marinig niya ang malalim na boses ng lalaki.“Lalong lumalakas ang loob ni Trinity!”“Hmm?”"Mukhang may taong kailangang magbantay sa kanya!" Sinalubong ni Zephyr ang mga mata ni Cordelia.Hindi maintindihan ni Cordelia ang kanyang misteryosong tingin ngunit naisip niya na mukhang isang matandang soro si Zephyr sa kanyang ngiti. Wala siyang ideya sa kasalukuyang pinaplano ni Zephyr.May business trip si Fredric sa Chaiseland, kaya pwede niya siyang papuntahin dito sa loob ng ilang araw. Panahon na rin para paghusayin ni Neil ang kanyang sarili, kaya pwede siyang ikuha ni Zephyr ng lugar sa film school.O... pwede niyang papuntahin silang dal
last updateLast Updated : 2024-01-07
Read more

Kabanata 674

"Sino ka ba sa tingin mo!?" Napabuntong-hininga si Ava, "Tuta ka lang ng mga Baker...""Anong sinabi mo!?" Biglang lumabas si Trinity at tiningnan siya ng masama.Natigilan si Ava, namutla siya, at nataranta. Gusto niyang ipaliwanag ang sarili niya ngunit walang lumabas sa bibig niya matapos gumalaw ang mga labi niya. Paano niya nagawang iparinig kay Trinity ang mga nasa isip niya!?Ngumisi si Trinity. "Ms. Baker, normal ba para sa’yo na magsalita ng walang paggalang sa sarili mo?"Nataranta si Ava. Androgynous ang itsura ni Trinity at nakakatakot siyang tingnan kapag hindi siya nakangiti."Tutal umabot na tayo sa ganito, mabuti pang tapatin na natin ang isa’t isa at huwag na nating itago ang mga bagay-bagay."Hinawakan ni Trinity ang bonsai sa tabi niya ng nakangiti."Sa tingin mo ba pinipigilan kita na makakuha ng role?""Ano?" Natigilan si Ava."Ito ang kahilingan ng investor!" Binigyang-diin ni Trinity ang salitang "investor"."Ginagawa ko ang casting, ngunit hindi ko maa
last updateLast Updated : 2024-01-07
Read more

Kabanata 675

Maasikaso at maalalahanin si Ava noong namimili sila. Napakamaalalahanin niya sa buong oras na magkasama sila.Nang mapadaan sila sa isang lingerie shop, nagpumilit siyang pumasok at tingnan ito kasama si Cordelia.“Cordelia, kilala ang brand na ito sa Chaiseland! Maganda ang mga disenyo, at komportable ang materyal! Pumasok tayo at subukan natin ang mga ‘to?""Ava, medyo pagod na ako." Buti na lang tumanggi si Cordelia. “Susunduin ako ni Fan maya-maya. Titigil na ako sa pamimili at hihintayin ko siya dito."“Huh?” Mukhang dismayado si Ava. “Cordelia, inimbitahan kita para mamili tapos pinapunta mo si Fan. Wala ka bang tiwala sa’kin?”“Huwag mong masyadong isipin ito. Gusto ko lang—”“Pasensya na, Cordelia. Hindi pa sapat ang ginawa ko."Sumama ang loob ni Cordelia nang makita ang nakayuko si Ava. Sa pag-aakalang may sampung minuto pa bago dumating si Fan, mabuti pang pumasok na lang siya sa loob at magtingin-tingin.Natuwa si Ava at tinulungan niya si Cordelia papasok sa shop.
last updateLast Updated : 2024-01-08
Read more

Kabanata 676

Maputla si Ava habang nakatayo siya roon nang nanginginig. “Fan Lee… Hindi ko kailangan ang awtoridad mo rito! Ano bang ginawa ko kay Cordelia ngayon lang? Ang bait ko nga para ayain siyang magshopping, tapos ganito mo ko sisiraan!?”“Mabait ka?” Tinitigan siya nang masama ni Fan. “Ava Baker, mahiya ka naman! Baka mainsulto kita!”“Ikaw…”“Ibalik niyo ang babaeng to!” Sabi ni Fan sa mga bodyguard gamit ng perpektong Chaisene. Matangkad at maskulado ang mga bodyguard na may malalaking mata na mukhang nakakatakot. Napakasok na ng mga tao ni Zephyr ang mall at tumayo malapit sa pader ang sales assistants ng lingerie shop nang hindi nagtatangkang kumilos. Kukunin na ng mga bodyguard si Ava nang nakabihis na lumabas si Cordelia ng changing room. “Mrs. Hamerton!” Lumapit si Fan para tulungan siya. Malamig ang mga kamay ni Cordelia habang pinagpawisan ang tungki ng ilong niya. Para bang napakabigat ng paa niya sa bawat isang hakbang niya. “Mrs. Hamerton, ayos ka lang ba?” Nag
last updateLast Updated : 2024-01-08
Read more

Kabanata 677

Ngumiti si Zephyr at marahan itong hinimas. “Anak, pwede mo ba akong tulungan?”Kumilos uli ang bata. “Sabihin mo kay mommy para sa'kin…” Malalim ang boses ni Zephyr. “Kahit ano pa ang itsura niya, siya pa rin ang pinakamaganda para sa'kin. Mahal ko siya habangbuhay.”Umikot si Cordelia at napahinto si Zephyr habang pinipigilan ang paghinga niya. Maingat niya siyang kinumutan at bumalik sa kama niya. Sa sumunod na araw, tinawagan ni Zephyr ang biyenan niya para manghingi ng tulong. “Mom, masama ang timpla ni Cordelia nitong mga nakaraan.”Kaagad itong naintindihan ni Xyla na ito ay ang pabago-bagong emosyon ng mga buntis. “Hindi niya ako pinapalapit sa kanya nitong mga nakaraang araw at nagbibihis siya nang nakatalikod sa'kin,” mahinang sabi ni Zephyr. “Hindi na nga niya ako hinahayaang paliguan siya…“Mom, pwede ka bang pumunta rito at samahan siya?”“Agad-agad!” Nag-book ng flight si Xyla papuntang Chaiseland sa araw ding iyon. Nang nagising si Cordelia sa siesta niy
last updateLast Updated : 2024-01-08
Read more

Kabanata 678

Nanatiling tahimik si Cordelia. Mapayat ang mga balikat ng nanay niya, pero sobrang gumaan ang loob niya habang tinandayan niya ito. Pinakalma rin siya ng bango ng nanay niya at unti-unti siyang kumalma. Mahinang nagsabi si Xyla, “Cordelia, napakaswerte talaga nating dalawa. Nakilala ko ang ama mo at nakilala mo si Zephyr.”Ngumiti si Cordelia. Oo, pareho silang lalaking tunay na napakabuti sa kanila. “Kung ganun, ano ang pagiging mababa mo sa harapan niya?” Tumingin si Xyla sa mga mata niya. “Ang taong tunay na nagmamahal sa'yo ay hindi ka kaaayawan dahil lang sa maliit na pagkakamali. Sa halip, kikirot ang puso nila para sa'yo.”“Pero…” Sinara ni Cordelia ang labi niya. “Marami akong nakasalubong na posts na nagsasabing naging malamig ang mga asawa nila sa kanila at hindi man lang sila tinitignan, ang ilan ay hindi umuuwi sa gabi simula noong nabuntis sila at nagkastretch marks. “Mom, baka talagang nakakawala ng pag-ibig ang maliliit na detalye sa buhay.”Natatawa si Xyl
last updateLast Updated : 2024-01-08
Read more

Kabanata 679

“Isa tong friendly charity match,” mahinang paliwanag ni Zephyr. “Hindi mahalaga ang resulta. Ang mahalaga ay ang kikitain mula sa match na ito ay ido-donate sa charity.”“Oh…” tumango si Cordelia. “Marami bang star players na sasali?”“Oo, mga pinakamagagaling.” Ngumisi si Cordelia. Nang natapos si Zephyr, pumasok sa field ang mga manlalaro at nagsigawan ang mga tao. Maraming nakitang mga mukha si Cordelia na nakikita niya lang sa telebisyon. Hindi niya masyadong pinansin ang mga soccer match, sumisilip lang siya kapag nanonood si Zephyr kaya limitado ang kaalaman niya. Kagaya ng karamihang mga babaeng football fan, hindi niya maalala ang husay ng mga star player—tanging ang mukha lang nila ang naaalala niya. “Ah, siya…” Natutuwang nagulat si Cordelia. “Nandito rin siya!”Kumunot ang noo ni Zephyr habang pinanood niya ang pagtingin niya sa field. Parang hindi sapat ang dalawang mata niya. Nauunawaan niya ito. Sa dami ng star players na nagtipon sa isang lugar, isa nga i
last updateLast Updated : 2024-01-09
Read more

Kabanata 680

Nagsimula ang second half ng laban. Nagkaroon ng maliit na kaguluhan sa pagdating ni Zephyr. Nang pinasa sa kanya ang bola, sumugod siya at naka-iskor ng goal pagkatapos makalampas sa kalabang defender. Naghiyawan ang mga manonood at hindi rin napigilan ni Cordelia na mapatayo at sumigaw. Hinubad ni Zephyr ang jersey niya at winasiwas ito. Pinakita niya ang maskulado niyang katawan na lalaking-lalaki. “Ahh!”Nawala na ang pagiging mahinhin ng mga socialite sa tabi ni Cordelia. Nang tumingin siya sa kanila, kuminang ang mga mata ng mga babae na para bang susugod sila sa field at lalamunin si Zephyr. Tumingin siya sa mas malayo at nakita niyang nagwawalang sumayaw ang mga babaeng tagahanga na nakasuot ng maigsing palda sa stage. “Uy!” Biglang may tumapik sa balikat niya. “Nakita mo ba? Nakita mo? Ang galing ni Mr. Hamerton!”“Oo nga! Mas magaling pa siya kaysa sa star players!”“Ah, nagpunta na naman siya sa goal area kasama ang bola!”Kinagat ni Cordelia ang mga labi niy
last updateLast Updated : 2024-01-09
Read more
PREV
1
...
6667686970
...
122
DMCA.com Protection Status