Ngumiti si Zephyr at marahan itong hinimas. “Anak, pwede mo ba akong tulungan?”Kumilos uli ang bata. “Sabihin mo kay mommy para sa'kin…” Malalim ang boses ni Zephyr. “Kahit ano pa ang itsura niya, siya pa rin ang pinakamaganda para sa'kin. Mahal ko siya habangbuhay.”Umikot si Cordelia at napahinto si Zephyr habang pinipigilan ang paghinga niya. Maingat niya siyang kinumutan at bumalik sa kama niya. Sa sumunod na araw, tinawagan ni Zephyr ang biyenan niya para manghingi ng tulong. “Mom, masama ang timpla ni Cordelia nitong mga nakaraan.”Kaagad itong naintindihan ni Xyla na ito ay ang pabago-bagong emosyon ng mga buntis. “Hindi niya ako pinapalapit sa kanya nitong mga nakaraang araw at nagbibihis siya nang nakatalikod sa'kin,” mahinang sabi ni Zephyr. “Hindi na nga niya ako hinahayaang paliguan siya…“Mom, pwede ka bang pumunta rito at samahan siya?”“Agad-agad!” Nag-book ng flight si Xyla papuntang Chaiseland sa araw ding iyon. Nang nagising si Cordelia sa siesta niy
Nanatiling tahimik si Cordelia. Mapayat ang mga balikat ng nanay niya, pero sobrang gumaan ang loob niya habang tinandayan niya ito. Pinakalma rin siya ng bango ng nanay niya at unti-unti siyang kumalma. Mahinang nagsabi si Xyla, “Cordelia, napakaswerte talaga nating dalawa. Nakilala ko ang ama mo at nakilala mo si Zephyr.”Ngumiti si Cordelia. Oo, pareho silang lalaking tunay na napakabuti sa kanila. “Kung ganun, ano ang pagiging mababa mo sa harapan niya?” Tumingin si Xyla sa mga mata niya. “Ang taong tunay na nagmamahal sa'yo ay hindi ka kaaayawan dahil lang sa maliit na pagkakamali. Sa halip, kikirot ang puso nila para sa'yo.”“Pero…” Sinara ni Cordelia ang labi niya. “Marami akong nakasalubong na posts na nagsasabing naging malamig ang mga asawa nila sa kanila at hindi man lang sila tinitignan, ang ilan ay hindi umuuwi sa gabi simula noong nabuntis sila at nagkastretch marks. “Mom, baka talagang nakakawala ng pag-ibig ang maliliit na detalye sa buhay.”Natatawa si Xyl
“Isa tong friendly charity match,” mahinang paliwanag ni Zephyr. “Hindi mahalaga ang resulta. Ang mahalaga ay ang kikitain mula sa match na ito ay ido-donate sa charity.”“Oh…” tumango si Cordelia. “Marami bang star players na sasali?”“Oo, mga pinakamagagaling.” Ngumisi si Cordelia. Nang natapos si Zephyr, pumasok sa field ang mga manlalaro at nagsigawan ang mga tao. Maraming nakitang mga mukha si Cordelia na nakikita niya lang sa telebisyon. Hindi niya masyadong pinansin ang mga soccer match, sumisilip lang siya kapag nanonood si Zephyr kaya limitado ang kaalaman niya. Kagaya ng karamihang mga babaeng football fan, hindi niya maalala ang husay ng mga star player—tanging ang mukha lang nila ang naaalala niya. “Ah, siya…” Natutuwang nagulat si Cordelia. “Nandito rin siya!”Kumunot ang noo ni Zephyr habang pinanood niya ang pagtingin niya sa field. Parang hindi sapat ang dalawang mata niya. Nauunawaan niya ito. Sa dami ng star players na nagtipon sa isang lugar, isa nga i
Nagsimula ang second half ng laban. Nagkaroon ng maliit na kaguluhan sa pagdating ni Zephyr. Nang pinasa sa kanya ang bola, sumugod siya at naka-iskor ng goal pagkatapos makalampas sa kalabang defender. Naghiyawan ang mga manonood at hindi rin napigilan ni Cordelia na mapatayo at sumigaw. Hinubad ni Zephyr ang jersey niya at winasiwas ito. Pinakita niya ang maskulado niyang katawan na lalaking-lalaki. “Ahh!”Nawala na ang pagiging mahinhin ng mga socialite sa tabi ni Cordelia. Nang tumingin siya sa kanila, kuminang ang mga mata ng mga babae na para bang susugod sila sa field at lalamunin si Zephyr. Tumingin siya sa mas malayo at nakita niyang nagwawalang sumayaw ang mga babaeng tagahanga na nakasuot ng maigsing palda sa stage. “Uy!” Biglang may tumapik sa balikat niya. “Nakita mo ba? Nakita mo? Ang galing ni Mr. Hamerton!”“Oo nga! Mas magaling pa siya kaysa sa star players!”“Ah, nagpunta na naman siya sa goal area kasama ang bola!”Kinagat ni Cordelia ang mga labi niy
“Hindi naman masakit.“Pero…”Istrikto ang pamilya ni Zephyr. Parehong pinagbabawalan ng mga Hamerton at ng mga Baker ang mga anak nila sa pagkakaroon ng tato sa katawan nila. “Pero sa dibdib ko lang naman. Ayos lang yun.” Marahan siyang nagpatuloy. “Ilalaan ko lang ang puso ko sa nag-iisang tao.“Kaya Cordelia…“Kahit ano pang oras o kung anomang mangyari, nakaukit ang pangalan mo sa puso ko. “Ikaw lang ang nilalaman ng puso ko.”Hinawakan niya ang mukha niya at hinalikan siya nang malalim. May mga paputok sa langit sa likuran nila. Ang bawat isa sa mga ito ay isang makinang na puso. Nailawan ng mga kislap ang magandang mukha ni Cordelia. Dahan-dahan niyang pinikit ang mga mata niya habang yakap-yakap niya siya at hinahalikan. Tumulo ang isang patak ng luha mula sa gilid ng mata niya. …Hindi tumigil sa panginginig ang kamay ni Ava na nakahawak sa phone niya. Pinapanood niya ang live stream ng friendly match. Nanginginig siya sa galit at namutla ang mukha niya. Kasu
Nagbago ang ekspresyon ni Hannah. Natulala siya nang higit sa sampung segundo. “Madam? Madam! Nandiyan ka pa ba?”Huminga nang malalim si Hannah at nanginginig na nagtanong, “A-Anong sabi mo? Sa'kin ang order! Kinausap ko ang ilang malalaking brands. Ang pagpirma sa kontrata ang huling hakbang! Paanong nangyaring kinuha ito ni Zephyr?”“Oo nga, naisip ko rin na kakaiba ito!” Sabi ng secretary nang naiinis, “Pero narinig kong pumirma ng kontrata ang malalaking brands kay Mr. Z. At saka…”“Ano pa?”“Mukhang may nagregalo sa kanya ng order!”“Ano!?”Napabitaw si Hannah at bumagsak ang phone niya sa lapag. Nabasag ang screen nito. “Anong nangyari, mom?”Sa sandaling sinabi iyon ni Ava, simpleng naglakad si Noah mula sa balkonahe. Hawak niya ang hawla ng ibon sa isang kamay habang pinaglalaruan ang beeswax bracelet sa kabilang kamay. “Anong problema, Hannah?”“Dad!” Kaagad na nanghingi ng tulong si Ava. “Kay kumuha sa order ng fashion week ni mom!”“Order?” Kumunot ang noo ni
“Ang sabi ni mom, lumayas ka. Hindi mo ba siya narinig?” Nagalit si Ava. Dumiretso siya sa kanya at tinulak siya. “Layas, bobo!”Natulala si Noah. Pakiramdam niya ay para bang may malakas na ingay na sumabog sa tainga niya. Nakaramdam siya ng kirot sa puso niya. Hindi niya alam kung anong nagawa niyang mali. Sila ang naunang trumato sa kanya nang masama. Ano naman kung maghiganti siya?Pero ngayon… sinisi siya ng asawa niya, at sinigawan siya ng anak niya. Para bang hindi siya kailangan sa pamilyang ito. Namula ang mga mata niya at nanginginig ang mga kamao niya. Dahan-dahan lang siyang tumalikod pagkatapos ng mahabang sandali at bumalik sa kwarto niya. “Mom, ano nang gagawin natin ngayon?” Natatarantang nagtanong si Ava. Pinilit ni Hannah na pakalmahin ang sarili niya. Alam ng halos lahat ang tungkol sa order. Alam ng lahat na siya ang hahawak sa proyekto. Ngayong kinuha ito ni Zephyr sa kanya, saan niya ilalagay ang dignidad niya?Gayunpaman, kung magagawa niyang makip
Napaisip si Cordelia at naunawaan niya kaagad kung sino ang papunta. “Hindi ba siya susuko?”Tumawa si Zephyr. “Ano sa tingin mo?”Tinaas niya ang mga kilay niya at nagpakita ng may napapagod na ekspresyon. Naiintindihan niya ito. Diborsiyada si Hannah at May anak, pero nagawa niyang ikasal sa mga Baker. Hindi siya mapupunta sa kung nasaan siya ngayon kung madali siyang sumuko. Tumango si Cordelia at nagsabi, habang hinahawakan ang mukha ni Zephyr, “Kung ganun, iidlip muna ako. Hahayaan ko na lang si Superman Mr. Z na hawakan ang lahat!”Ngumiti siya at nagsabing, “Ma’am, yes, ma'am.”Nangyari ang lahat kagaya ng inaasahan niya. Nang bumalik si Cordelia sa kwarto niya, tumunog ang doorbell. Hindi nagtagal ay dumating ang butler para mag-ulat. “Sir, nandito sina Mrs. Hannah at Ms. Hannah. Gusto mo ba silang makita?”Tumingala si Zephyr at ngumiti. Naghihintay sila sa sala sa ibaba. Nang bumaba siya, nakita niya ang pagkataranta at pag-aalala sa mga mukha nila. Nagdala