Home / Romance / Married a Secret Billionaire / Kabanata 711 - Kabanata 720

Lahat ng Kabanata ng Married a Secret Billionaire: Kabanata 711 - Kabanata 720

1219 Kabanata

Kabanata 711

Nabigla si Neil. Inisip niyang manghihingi ng malaking bagay si Aurelia. Lumabas na gusto niya lang kumain ng masarap na pagkain. Naisip niya ang kalyeng puno ng mga kriminal. Ang marumi at maliit na basement, ang mga nomad na sumasayaw at kumakanta sa square… Hindi niya naisip na may mga taong mabubuhay nang ganun sa mundo. Sinisikap nilang mabuhay. Sumama ang pakiramdam niya. Malumanay niyang tinaas ang mukha niya at tinignan ang mga mata ni Aurelia na puno ng sabik. Iniunat niya ang braso niya para haplusin ang ulo niya at nagbitaw ng isang salita. “Sige.”Tuwang-tuwa si Aurelia. Kakain siya pagkatapos niyang matulog nang maayos. Ang sarap mabuhay!Hindi nagtagal, may nagpadala ng pagkain sa kwarto niya. Niluto ito ng top chef ng hotel. Mas masarap pa ang pagkaing ito kumpara sa kinain niya sa dalawang araw na nagtatrabaho siya. Hindi nakapagpigil si Aurelia at sumigla ang mga mata niya. Nang dinampot niya ang kubyertos niya para kumain, bigla siyang huminto. Maingat s
last updateHuling Na-update : 2024-01-16
Magbasa pa

Kabanata 712

Sinabihan ni Zephyr si Neil na manatili muna sa kanila. Nagpanggap si Neil na nahihiya pero kaagad niyang binitbit ang bag niya at lumipat sa villa. Nakaupo ang dalawang lalaki sa karpet nang umiinom habang nakaupo si Cordelia sa sofa at nakikinig ng prenatal music. Tumutugtog sa vinyl player ang Tchaikovsky’s symphony. Elegante at masigla ang engrandeng musika. Gayunpaman, nakakunot ang noo ni Neil. Iniisip niya ang tungkol sa square. Walang maayos na musical instruments ang mga nomad. Hindi nila kayang tumugtog ng symphonies. Gayunpaman, kayang gawing isang party ng tambourine at gitara ang buong malaking square. Nakakamulat ito. Iniisip niya kung anong magiging itsura ng babae kapag sumayaw siya nang nakasuot ng dress. Parang isang nightingale ang boses biya—tiyak na kaya niyang kumanta. Pagkatapos, papalibutan siya ng mga lalaki…Nakaramdam si Neil ng kirot sa puso niya pinisil niya ang wine glass hanggang sa pumutla ang daliri niya. “Anong ginagawa mo?” Pinaalal
last updateHuling Na-update : 2024-01-17
Magbasa pa

Kabanata 713

Natulala si Zephyr at wala siyang nasabi. Ano ang pinakanakakatakot na bagay sa mundo?Hindi iyon ay ang maging biktima ng isang plane-accident scheme o maging alerto sa panganib simula noong bata pa siya. Iyon ay ang matalino niyang asawang nasa tabi niya…Palagi siyang nagbabato ng mga patibong na tanong na nagpapapawis sa kanya sa kaba!“Sabihin mo sa'kin!” Nilapit niya ang mukha niya sa kanya at ikinurap ang mga bilugan niyang mata. May misteryosong ngiti sa mukha niya. “Naisip mo ba yun o hindi?”Pinag-isipan ito ni Zephyr at nagpasya siyang sumagot na lang. Hinawakan niya ang mga kamay niya at tumingin sa kanya nang maigi. Malalim at nakakakilig ang boses niya. “Inaamin kong naisip ko yun noon, pero ang dali nitong nawala. “Dahil…“Ang bilis kong nahulog sa'yo kumpara sa inaasahan ko!“Wifey, para bang may hukbo sa ulo ko. Sa sandaling lumitaw ang isipang iyon, pinigilan ito ng hukbo!” Ngumiti siya. “Pagkatapos, nalaman ko kung bakit napakalakas ng hukbo na yun, ka
last updateHuling Na-update : 2024-01-17
Magbasa pa

Kabanata 714

Nabigla si Aurelia. Hindi niya alam kung bakit nakatingin sa kanya nang ganito si Cordelia. Naiilang siyang ngumiti at nagtanong sa pasubok na paraan, “A-Anong problema, ate?”Hinila siya ni Cordelia bago siya natapos magsalita. Kasunod nito, pinalibutan siya ng mga makeup artist at stylist. “Dalhin niyo ang short dress!” Tinignan siyang maigi ni Cordelia at nag-utos. “Hmm… Hindi sapat ang taas niya. Hindi niya makukuha ang taas ng isang pangkaraniwang model kahit na magtakong siya. Kung ganun, wag natin siyang palakasin. Papaupuin natin siya sa float!”“Opo, ma'am!”“Tapos yung makeup niya, nipisan niyo lang.”Ang dahilan nito ay ang natatanging ganda ni Aurelia. Matatakpan ng makapal na makeup ang natatanging kagandahan niya. Kaagad na kumilos ang mga makeup artist. Mabilis na dinala ng stylists ang dress. Sinukat nila ang katawan niya at kuntentong tumango. Kahit na maliit siya, maganda ang katawan niya. Malaki ang dibdib niya at mahaba ang binti niya. Perpekto ang pro
last updateHuling Na-update : 2024-01-17
Magbasa pa

Kabanata 715

Walang nagawa si Cordelia kundi sukuan ito dahil hindi siya makahanap ng papalit na model. Tumango siya. Sa sandaling iyon, ilang staff members ang nag-alis ng hindi kailangang props. Nilagay nila ang lahat sa isang malaking kahon. Tinignan niya ang mga ito at isang maskara ang nakatawag ng pansin niya! “Ano to?” Humakbang siya paharap at kinuha ito. Napakaganda ng maskara. Makaluma at elegante ang disenyo nito. Matatakpan lang nito ang itaas na bahagi ng mukha kapag sinuot ito ng isang tao. “Isa tong prop na hiniram namin sa teatro,” paliwanag ni Fan. “Ang sabi nila ginamit ng mga aktor to sa isang palabas ni Shakespeare.“Gawa ito ng isang sikat na designer.” Naglabas si Fan ng isa pa mula sa kahon. “Ma'am, isang pares ang maskara. Isang maliit at isang malaki. Suot ito ng lalaki at babaeng bida. Ang ganito nito. Tignan mo, may mga mamahaling batong nakadikit dito.”Hinawakan ni Cordelia ang dalawang maskara. Mabilis ang tibok ng puso niya. Maganda ang hipo ng maskara.
last updateHuling Na-update : 2024-01-17
Magbasa pa

Kabanata 716

Walang nasabi si Neil. Gumalaw ang mga labi niya pero di siya makapagsalita. Kinakabahan si Aurelia dahil aapak siya sa stage, pero nasasabik din siya. Tumingin siya sa salamin pagkatapos isuot ang maskara. Magsisimula ang event sa susunod na sampung minuto. Inayos ni Cordelia ang buhok niya habang tumatawa. “Wag kang mag-alala. Ikaw ang mahuhuling pupunta sa stage. Ang kailangan mo lang gawin ay umupo sa float.”“Mm-hmm!”“Gusto ko rin sa float!” Biglang sabi ni Neil. Nabigla si Cordelia. Pinanood niya siyang kunin ang mas malaking maskara mula sa prop box at isinuot ito sa mukha niya. “Tigilan mo yan!” sabi ni Cordelia. “Hindi kami naghanda ng lalaki na sasakay sa float…”“Magkakaroon na ng lalaki kapag sumakay ako, di ba?”“Ikaw…”Hindi niya gustong sumakay sa float. Nag-aalala lang siya sa taong nasa float. Gusto niya sigurong harangan siya para di siya makita ng mga tao!Nagmamatigas na hinila ni Neil si Aurelia. Basa ng malamig na pawis si Cordelia habang nanati
last updateHuling Na-update : 2024-01-17
Magbasa pa

Kabanata 717

“Heto ang statistics sa fashion week orders. Mayroon ring real-time records sa event,” sabi ni Zephyr nang may malalim na boses. “Kumpara sa mga competitors natin, sa tuktok ng ranggo ang kinita natin sa mga tela at damit. Hindi lang tayo gumawa ng damit para sa mga artista, tumawa pa tayo ng pasadyang kasuotan para sa mga maharlika ng Eropah.”Ngumiti ang board members at pinuri siya. Kalahati sa kanila ay tapat, habang ang kalahati ay sumisipsip lang sa matanda. Tuwang-tuwa si Janine. Hindi niya nakalimutang pasalamatan ang isa pang tao. “Oh, gawa tong lahat ni Zephyr! Maswerte siyang magkaroon ng mahusay na assistant! Haha… Si Cordelia ang may hawak sa fashion project!”“Tama!” Mabilis itong sinundan ng isa. “Nakita namin siya. Malumanay at mapagbigay siya. Magaling siya sa trabaho niya! Kagaya mo siya, Madam Baker!”“Tama siya! Sinong mag-aakalang daughter-in-law mo siya kung di mo sinabi sa'min? Iisipin namin ay sarili mo siyang anak!”“Hahaha!” Tumawa si Janine nang buong p
last updateHuling Na-update : 2024-01-18
Magbasa pa

Kabanata 718

Nataranta si Hannah.Sa umpisa, hindi siya pumayag sa kagustuhan ni Ava na gumawa ng gulo sa launch. Sa lahat ng mga taong ikinasal siya sa pamilya, kabisado niya ang mala-impiyernong pag-uugali ni Zephyr. Gayunpaman, inisip niyang gamitin ang swerte niya. Lalo na't mayroon siyang alas—si Noah.Kung kaya't hinayaan niya si Ava na gumawa ng gulo. Hindi niya inasahang hindi lang siya mabibigong gumawa ng problema, hindi pa nila sinasadyang mapasikat si Cordelia. Dahil sa malikhaing launch, mas mataas nang nakatayo ang Baker Group sa fashion industry ngayon. At lahat ng ito ay dahil kay Cordelia!Huminga nang malalim si Hannah at umiral. Ngumiti siya kay Zephyr. “Anong sinasabi mo, Zen? Hindi ko maintindihan! Ha… Mukhang masyado na akong matanda para maintindihan ang mga bata ngayon! Hindi maganda ang pakiramdaman ng tito mo. Iuuwi ko muna siya. Kami—”Nang hihilahin na niya patayo si Noah, tinitigan siya nang masama ni Zephyr. Sumugod sa kanya ang mga bodyguard na nakapalibot sa
last updateHuling Na-update : 2024-01-18
Magbasa pa

Kabanata 719

Ngayong malaki na si Zephyr, paanong nagbago ang lahat?“Zen!” Nataranta si Noah. “H-Hindi mo pwedeng gawin to kay Hannah. T-Tita mo siya!“Zen, pwede nating pag-usapan to! Pinagbintangan lang siguro siya ng dalawang lalaking to!”Kumunot ang noo ni Zephyr. Malalim ang tingin ng mga mata niya. Nilabas ni Janine si Franklin. Alam niyang kahit na desidido ang lolo niya, mag-aalinlangan ang nanay niya dahil sa pagsisisi. Sumandal si Hannah kay Noah at umiyak nang malakas. “Wala akong pakialam, k-kahit na anong mangyari, hindi mo pwedeng pahirapan ang asawa ko!” Nagsimulang magwala si Noah. “Zephyr, k-kapag sinaktan mo ang tita mo, lalabanan kita!”Hinigpitan ni Zephyr ang mga kamao niya. Walang ekspresyon sa malamig niyang mukha. “Pasensya na, tito.” Tumingin siya kay Noah. “Ilang beses kang nakipag-away sa nanay ko para sa babaeng ito, at palagi ka niyang hinahayaan. Pero ngayon, hindi ka mapoprotektahan kahit ng nanay ko!“Ha! Pinoprotektahan mo ang asawa mo, pero ganun r
last updateHuling Na-update : 2024-01-18
Magbasa pa

Kabanata 720

Natulala rito si Aurelia. “Bakit…? Ayaw niya?”“Hindi!” Nagmadaling nagsabi si Cordelia, “Interesado lang ako. Pinsan ko siya at isang premyadong aktor na may maraming tagahanga sa Centrolis. Bakit siya isang manong pagdating sa'yo?”Bahagyang yumuko si Aurelia nang namumula ang mukha. Hinawakan niya ang baso at hinimas ito gamit ng daliri niya nang kinakabahan, pero palihim na umaangat ang gilid ng mga labi niya. Bakit niya siya tinatawag na manong? Iyon ay dahil si Neil ay isang lalaking mature, matibay ang loob, at medyo malamig sa unang impresyon niya, kagaya ng mga… walang awang assassin sa mystery novels. Noon, inisip niya talagang isa siyang manong na hindi niya malalapitan. Hindi nagtagal, ang pagtawag niyang iyon ay naging espesyal niyang paraan para tawagin siya. Tinawag niya ang lahat sa pangalan nila. Siya lang ang naiiba. Ang salitang “manong” ay nagbigay ng distansya sa pagitan nila at nakaiwas sa pagdududa mula sa iba. Kakaiba ang pakiramdam niya. Gusto n
last updateHuling Na-update : 2024-01-18
Magbasa pa
PREV
1
...
7071727374
...
122
DMCA.com Protection Status