“Alam kong nagkamali ako noon.” Hinawakan ni Fredric ang kamay niya. “Trinity, may bloopers at retakes ka sa paggawa ng pelikula. Kung hindi maganda ang kondisyon ng artista, marami silang retakes… Pwede mo rin ba akong bigyan ng retake?“Pangako, isang beses lang,” seryosong sabi ni Fredric nang nakangiti. “Magiging one-game na lang to mula ngayon. Ako ang magiging pinakamagaling na male lead mo!”Natulala si Trinity habang tumulo ang isang luha, pero bumalik ang ngiti niya. Hinalikan niya ang noo ni Fredric at pareho silang ngumiti sa isa't-isa, nang may mga matang kumikinang sa ligaya. “Sige,” mahina siyang sumagot. “Ikaw ang nag-iisang male lead sa script ko mula ngayon. Pero kailangan mong makinig sa direktor at hindi mo pwedeng baguhin ang daloy ng storya nang mag-isa, okay?”Ngumiti si Fredric. “Kahit ano pang sabi ni Director Trinity!”…Sa gabi, nakahiga si Cordelia sa tabi ni Zephyr habang inalala niya ang nangyari kamakailan. Dalawang linggo na simula nang nalaman n
Sumugod sina Cordelia at Zephyr sa venue kung saan gaganapin ang bagong launching kahit gabi na. Gaganapin ang event sa susunod na araw, pero nalaman ng mga staff na higit sa sampung haute couture dresses ay may iba-ibang lebel ng sira nang dumaan ito sa regular check ngayong gabi. Hindi masyadong malaki ang mga butas, pero naapektuhan nito ang itsura nito at halos hindi magamit ang mga damit. Kailangan mong tumingin sa mga damit at malalaman mong sinadya itong sirain. Kalmado si Cordelia at maingat niyang tinignan ang bawat isang piraso ng damit bago siya nagtanong, “Hindi ba pinadala ang mga damit na'to tatlong araw bago ang lahat? Hindi ba tinignan nito to nang maayos noon?”“Personal silang pinadala ng head designer ng bawat brand, at bulletproof ang mga sasakyang nagdala ng mga ito. Detalyado itong tinignan ng mga tao namin nang dumating ito at walang kahit na anong problema!”Sumama ang mukha ni Zephyr at nagpadala ng tao para kunin ang surveillance recording. “Cordelia
Nagulat si Trinity at mabilis niyang hinawakan si Cordelia. “Wag kang masyadong masabik. Ingatan mo ang baby mo!”Ngumiti si Cordelia at bumalik sa meeting room para pag-usapan ang pagbabago sa disenyo kasama ang mga designer. Hindi malaki ang pinsala sa mga palda. Baka magdalala ng hindi inaasahang resulta ang ilang pagbabago at ang paghahalo ng kultural na elemento rito. Pumayag ang mga designer at sumigla ang mga mata nila sa pag-iisip kung kailan matatapos ang disenyo. Ang pagiging elegante at misteryoso ng mga kultural na elemento ay mas lalong nagpakinang sa mga dress. “Ang ganda ng draft!” sabi ng isa sa mga designer. “Pero baka mahirap itong maisagawa.”Nanahimik ang meeting room. Tumango sa pagsang-ayon ang mga designer. “Oo, mano-mano naming tinahi ang lahat ng mga dress namin. Ganun din ang parteng to.”“Para magburda ng kultural na elemento rito, maganda ang ideya, pero hindi namin alam kung paano. Aabot ba kami kung matuto kami ngayon?”Kumunot ang noo ni C
“Ang tapang mo ring maglakad sa kalye nang ganito, ha? Alam mo ba para kang masarap na steak sa harapan ng mga taong yun? Baka kahit underwear mo ay kunin nila sa suot mo!”Huminto si Neil at hindi napigilang matawa. “Ganun ba yun kaseryoso?”Seryosong tumingin si Aurelia. “Hindi pa ba sapat ang nangyari kay Fredric para mag-ingat ka?”“Pero gabi nun nang nangyari yun sa kanya—”“Manong.” Pinagpatong ng babae ang braso niya sa harapan niya. “Walang may pake kung umaga o gabi rito kapag gumawa sila ng krimen sa kalyeng to!”“Ano!?” Hindi makapaniwala si Neil. Hindi siya nagulat sa mga krimen, pero ang salitang pinili niyang itawag sa kanya—”manong”! Manong!?Anong tinawag niya kay Fredric? Fredric! Ano? Mukha ba siyang matanda para sa kanya para tawagin niya siyang manong?Dumilim ang tingin ni Neil habang hinigpitan niya ang mga kamao niya. Maingat na inobserbahan ni Aurelia ang ekspresyon niya at napansin niyang para bang hindi siya natutuwa. Totoo ngang kakaiba kung
Nakatayo si Cordelia sa labas ng hotel room habang nag-aalala tungkol sa nangyayari sa loob. Ito ang VIP suite ni Neil at dalawang araw nang nasa loob si Aurelia. Hindi pumasok si Neil sa kwarto nitong dalawang araw at kumikilos lang siya sa sala. Nakasarang maigi ang kwarto—kinulong niya si Aurelia sa loob. Mayroon siyang mga bodyguard na nagbabantay sa pinto at lumalabas kung kailan nila gusto araw-araw. Kapag wala siyang ginagawa, uupo siya sa sofa sa sala at itataas ang mahabang binti niya sa mesa habang iniikot ang isang baso ng wine. Nasa pinto ng kwarto ang mga mata niya habang may matagumpay na ngiti sa mukha niya. Narinig ni Cordelia mula sa bodyguards na dalawang bagay lang ang sinabi ni Neil sa araw na nahuli niya si Aurelia. Ang unang pangungusap ay: “Pumasok ka!”Pagkatapos ay initsa niya ang mga dress at design drafts sa kanya at sinabi ang pangalawang pangungusap: “Wag mong isiping kumain kapag di mo pa tapos burdahan ang mga yan!”Tumawa si Cordelia. Syempre
Kumunot ang noo ni Aurelia. Gusto niyang dumilat pero nagdadalawang-isip siya. Nag-aalala ang gwapong mukha ni Neil at tinapik niya ang mukha niya nang nakita niyang hindi siya kumikibo. Gayunpaman, pinigilan siya ng doktor. “Sir, masyado lang siyang pagod at kailangan niyang magpahinga. Hayaan mo siyang matulog at magiging ayos din siya paggising niya.”“Matulog? 12 oras na siyang tulog!” Kinakabahang tinignan ni Neil ang relo niya. “Hindi naman siguro siya mababaliw sa sobrang haba ng tulog niya, di ba?”Tumawa ang doktor at tumalikod para umalis. Binunton ni Neil ang galit niya sa bodyguards sa pinto. “Bakit nakatayo kayong lahat diyan? Di ba alam niyo kung paano kumuha ng iba pang doktor!?”“Pero Mr. Harris…” Wala ring nasabi ang mga bodyguard. Panlimang doktor na ito at pareho lang ang sinabi ng bawat isa sa kanila. Dalawang araw na hindi natulog si Aurelia. Syempre kailangan niya ng sapat na tulog. Napakapangkaraniwan nito, pero bakit sobrang kinakabahan si Neil?
Nabigla si Neil. Inisip niyang manghihingi ng malaking bagay si Aurelia. Lumabas na gusto niya lang kumain ng masarap na pagkain. Naisip niya ang kalyeng puno ng mga kriminal. Ang marumi at maliit na basement, ang mga nomad na sumasayaw at kumakanta sa square… Hindi niya naisip na may mga taong mabubuhay nang ganun sa mundo. Sinisikap nilang mabuhay. Sumama ang pakiramdam niya. Malumanay niyang tinaas ang mukha niya at tinignan ang mga mata ni Aurelia na puno ng sabik. Iniunat niya ang braso niya para haplusin ang ulo niya at nagbitaw ng isang salita. “Sige.”Tuwang-tuwa si Aurelia. Kakain siya pagkatapos niyang matulog nang maayos. Ang sarap mabuhay!Hindi nagtagal, may nagpadala ng pagkain sa kwarto niya. Niluto ito ng top chef ng hotel. Mas masarap pa ang pagkaing ito kumpara sa kinain niya sa dalawang araw na nagtatrabaho siya. Hindi nakapagpigil si Aurelia at sumigla ang mga mata niya. Nang dinampot niya ang kubyertos niya para kumain, bigla siyang huminto. Maingat s
Sinabihan ni Zephyr si Neil na manatili muna sa kanila. Nagpanggap si Neil na nahihiya pero kaagad niyang binitbit ang bag niya at lumipat sa villa. Nakaupo ang dalawang lalaki sa karpet nang umiinom habang nakaupo si Cordelia sa sofa at nakikinig ng prenatal music. Tumutugtog sa vinyl player ang Tchaikovsky’s symphony. Elegante at masigla ang engrandeng musika. Gayunpaman, nakakunot ang noo ni Neil. Iniisip niya ang tungkol sa square. Walang maayos na musical instruments ang mga nomad. Hindi nila kayang tumugtog ng symphonies. Gayunpaman, kayang gawing isang party ng tambourine at gitara ang buong malaking square. Nakakamulat ito. Iniisip niya kung anong magiging itsura ng babae kapag sumayaw siya nang nakasuot ng dress. Parang isang nightingale ang boses biya—tiyak na kaya niyang kumanta. Pagkatapos, papalibutan siya ng mga lalaki…Nakaramdam si Neil ng kirot sa puso niya pinisil niya ang wine glass hanggang sa pumutla ang daliri niya. “Anong ginagawa mo?” Pinaalal