Share

Kabanata 701

“Mister…” Nanginginig ang boses ni Aurelia. “Maaari ko bang malaman kung ano ang mga ‘taong kagaya namin’ para sa'yo?”

Ang nakakabastos na pag-uugali at namumuhing titig ni Neil ay ibang-iba sa lalaking nagligtas sa kanya sa mga pulis kanina lang. Para bang may matalim na bagay na tumusok sa kulay rosas na bula sa loob niya at pumutok ito.

Oo, ang mga “taong kagaya niya” ay hindi siguro nararapat na tignan ng isang kagaya niya.

“Ms. Chilton, wag kang magalit,” malumanay na sabi ni Cordelia, “Kaibigan namin si Fredric at nag-aalala kami sa kanya ngayong napahamak siya. Nakakaduda rin ang buong sitwasyon kaya sana masabi mo sa'min ang totoo.”

Yumuko si Aurelia para damputin ang bakal na kahon sa lapag at niyakap ito.

Ano bang katotohanan ang dapat niyang sabihin? Ilang libong beses na niyang inulit ang katotohanan, pero di sila naniwala sa kanya!

“Nagpapanggap ka na namang pipe?” Tinaas ni Neil ang boses niya habang hinablot ang braso niya.

Napasigaw si Aurelia sa sakit. Hind
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status