Home / Romance / Married a Secret Billionaire / Chapter 1101 - Chapter 1110

All Chapters of Married a Secret Billionaire: Chapter 1101 - Chapter 1110

1219 Chapters

Kabanata 1101

Tumawa si Melissa, sabay tinikom ang labi niya habang nag-isip siya. “Madali lang yan. Gagana to basta't tatratuhin natin sila nang mabuti.”“Paano natin gagawin yan?” tanong ni Jesse. Nakagawa na siya ng plano para diyan. Nagsikap sila para patakbuhin ang maliit na supermarket nang maraming taon. Kahit na hindi sila mayaman, ang pamumuhay nila ay mas mataas sa katamtaman sa lungsod. Dagdag pa sa lumang bahay nila sa kalye, bumili sila ng bagong condo sa city center. Ang plano niya ay iwan ang supermarket at ang lumang bahay kay Lina at titira sila sa condo kasama ng anak nila. Basta't may ipon sila, magiging ayos lang ang lahat. Matitiyak ang kabuhayan ni Lina dahil makukuha niya ang supermarket at may matitirahan siya dahil ibinigay din nila sa kanya ang lumang bahay. Higit pa roon, nasa magandang pwesto ang bahay na may malapit na paaralan. Tataas ang halaga nito paglipas ng panahon at magiging madali para sa kanila kapag nagkaanak siya. Ngumiti si Melissa habang hawa
last updateLast Updated : 2024-04-12
Read more

Kabanata 1102

Tumingin si Renee sa magkapatid sa gulat at lumitaw ang inggit sa mga mata niya. “Napakaswerte ni Lina,” mahina niyang sabi. Sinenyasan ni Zuko ang kapatid niya, at hinawakan kaagad ni Toph ang kamay niya habang nagsalita nang may karisma. “Ganun rin ang gagawin ko kung mangyari sa'yo yun.”“Toph…” Nag-alangan siya, kinagat ang labi niya, at marahang inalis ang kamay niya. Ang totoo, gusto niyang lumayo sa kanya. Siya ang anak ni Melvin, ang taong responsable sa pananakit sa mga Thompson. Paano siya maging nararapat na makasama si Toph?Kahit na hindi niya siya tanggihan, baka hindi siya mapatawad ng mga Hamerton. Gayunpaman, kakaiba ang pag-ibig. Habang lalo mo itong kinokontrol, mas lalo itong dumudulas sa hawak mo. Palihim siyang lumingon sa kanya, pagkatapos ay mabilis na lumingon palayo. Pinagkiskis niya ang mga kamay niya habang hawak ang laylayan ng damit niya. “Oo nga pala, tungkol sa paglapit ni Renee kay Gia…” Huminto si Zuko. “Renee, ako nang bahala sa lahat
last updateLast Updated : 2024-04-13
Read more

Kabanata 1103

Pagkatapos kumpirmahing nahanap niya ang tamang tao, ngumiti si Renee at magalang na nagtanong, “Isa tong public elective class, pero di ko nadala ang libro ko… Pwede ko bang tignan ang sayo?”Tinitigan siya nang masama ni Gia at itinulak ang librong hawak niya papunta sa direksyon niya. Wala naman na siyang pakialam dito. Ngumiti si Renee at pinasalamatan siya. Pagkatapos, bigla na lang siyang sumigaw. “Anong ginagawa mo?” Nabigla si Gia. “Ano namang problema ngayon?”“Naku, hindi ito ang libro ng year ko!” Nagpanggap si Renee na nataranta. “Ibig sabihin, hindi ito ang klase ko… Dapat tinawag kitang senior!”Umirap si Gia at mas lalo siyang nainis. Mayaman ang lahat ng tao sa university na ito, pero para bang kulang sa utak ang mga anak-mayaman. Kagaya nitong nakatayo sa harapan niya. Paano siya nakapasok sa university kung hindi man lang niya alam kung paano kumilala ng klase?Napahinto si Renee sa pagkataranta habang hawak ang laylayan ng damit niya nang luhaan ang mga mat
last updateLast Updated : 2024-04-13
Read more

Kabanata 1104

Hinigpitan ni Gia ang mga kamao niya nang may kampanteng ngiti sa mukha niya. Napuno ang isipan niya pagkatapos mapansing may kuya si Ms. Rene. May malaking negosyo ang pamilya ni Renee at kung makakasama ni Gia ang anak na lalaki ng pamilyang iyon, wala na lang sa kanya si Zuko.Huminga nang malalim si Gia. Mayroon siyang malakas na kagustuhang makipaglaban kay Lina sa lahat ng bagay, kahit na pagdating sa alami. Gusto niya siyang malampasan at apak-apakan. Nang natutuwang nakangisi, dinampot niya ang libro niya at nagmadaling umalis ng klase. …Sa Further Mathematics class, na kilala sa pagiging mahirap na klase kahit sa maraming kalalakihan, nakahanap ng saya si Renee. Naintindihan niya ang subject bago pa man ito ipaliwanag ng guro at madali niyang naintindihan ang mga konseptong kagaya ng calculus. Gayunpaman, nanatili lang sa papel ang pag-unawa niya at nahirapan siyang sumagot ng tanong kapag tinatawag siya. Naluluha siya sa pagkataranta na pinagtatawanan ng mga kaklase
last updateLast Updated : 2024-04-13
Read more

Kabanata 1105

“Tama ka! Ang talino mo talaga, kuya!” Kuminang ang mga mata ni Toph at halos ibato niya ang sarili niya kay Zuko para yakapin siya. Gayunpaman, tumingin sa kanya si Zuko nang nakakunot ang noo at tinaas ang kamay niya para harangan siya nang may pandidiri sa ekspresyon niya. “Ano!” Para bang inapi ang pangalawang apo ng mga Hamerton. “Madalas tayong magyakapan noong mga bata pa tayo. Nakalimutan mo na ba?”“Anong kalokohan ang sinasabi mo!?” Tinitigan siya nang masama ni Zuko. “Lumayo ka sa'kin!”“Ayoko!” Ngumisi si Toph at nagpatuloy na isubsob ang sarili niya sa kuya niya. Hindi maiwasang mag-away ang magkapatid sa huli na nagpatawa kay Renee. Doon lang ito napansin ni Zuko. Ginawa ito ng hayop na'to sa kapatid niya para lang pasayahin ang nobya niya! Umarte ba siya para sa kanya?“Sige, tama na!” Ginamit ni Zuko ang awtoridad niya bilang nakatatandang kapatid. “Ang pinakamahalagang bagay ngayon ay ipadala ito sa ospital! Mayroon akong alam na ospital sa Jangasas. Magkaki
last updateLast Updated : 2024-04-14
Read more

Kabanata 1106

Kinamot ni Zuko ang tungki ng ilong niya bago hinawakan ang kamay ni Lina at nagpunta sa tindahan. Hindi maipahayag sa salita ang mga emosyong nararanasan niya sa sandaling ito. Pakiramdam niya ay para bang natapon at naghalo-halo ang lahat ng mga spices na akala niya ay sa libro lang nangyayari. Naniniwala si Zuko na isa siyang taong kayang kontrolin ang mga emosyon niya. Gayunpaman, sa sandaling iyon, sobra siyang natuwa ngunit nadaganan ng hindi maipaliwanag na kalungkutan at sakit. Habang naglakad sila, bumaha ang mga alaala sa isipan ni Zuko. Naalala niyang hinawakan niya ang mga kamay ni Pammy noong bata pa siya para gabayan siya sa mga unang hakbang niya. Nagkahiwalay sila nang dalawampung taon, at hindi niya inakalang babalik siya sa kanya sa ganitong paraan. Umalingawngaw ang mga ito sa isipan niya at naalala niya ang komento ng iba tungkol kay Lina. “Kuya, napansin kong kamukha ni Tita Linda si Lina mula sa ibang anggulo!”“Tignan mo sila, ngayon lang sila nagkita, p
last updateLast Updated : 2024-04-14
Read more

Kabanata 1107

Sumikip ang lalamunan ni Zuko at dinilaan niya ang mga tuyo niyang labi. Pagkatapos ng isang sandali ng katahimikan, nagsalita na siya sa wakas. “May… May gusto akong itanong sa'yo,” sabi niya nang humihina ang boses. “Mm-hmm, sige lang, magtanong ka,” sagot ni Lina. “Lina… masaya ka ba sa bahay na'to?” Tanong ni Zuko. Puno ng hindi kasiguraduhan ang ekspresyon niya. Nabigla si Lina. Napansin niyang may kakaiba kay Zuko ngayon, pero hindi niya ito maintindihan. Para bang naging mas misteryoso ang mga mata niya at parang ayaw niya minsang tumingin sa mga mata niya. Hindi kaya mayroon pang mga lihim sa pagkatao niya?“Anong ibig mong sabihin, Zuko?” taong niya nang may maingat na tono. Marahang hinawakan ni Zuko ang mga balikat niya at nagmakaawa, “Sagutin mo nang matapat ang tanong ko.”“Bakit mo kailangang tanungin yan? Syempre masaya ako!” Sagot ni Lina habang naghanap ang mga mata niya ng ipag-alala niya sa mukha niya. “Pero anong mararamdaman mo kung kailangan mo sil
last updateLast Updated : 2024-04-14
Read more

Kabanata 1108

Inalala ni Zuko ang kawalan ng takot ni Lina sa pang-aapi ni Violet at ang tibay nang loob niya nang trinaydor siya ni Gia. Iniugnay niya ang tapang at determinasyon niya sa walang kupas na suporta ng pamilya niya. Sa suporta ng mga magulang, kayang lumipad ng mga kabataan kagaya ng mga agila sa langit nang walang takot at malaya. Marahang hinaplos ni Zuko ang mukha ni Lina gamit ng hinlalaki niya habang malambing na nakangiti. “Hoy, sinusubukan mo ba ako sa lahat ng mga sinabi mo?” tanong niya. “Ano? Hindi!” Sumimangot si Lina. “Hmph, akala ko kinukumbinsi mo akong lumipat sa Centrolis at hindi na bumalik sa Jangasas pagkatapos kitang pakasalan!”Ngumiti nang pilit si Zuko. “Bakit ko gagawin yan…?”Seryosong tumingin si Lina sa kanya. “Zuko, gagawa ako ng patakaran! Pagkatapos kitang pakasalan, hindi mo ko pwedeng pigilang umuwi rito!”“Syempre naman,” tiniyak niya ito sa kanya habang hawak ang kamay niya. “Hindi mo kailangang magparoo’t-parito… Pagdating ng oras na yun, il
last updateLast Updated : 2024-04-15
Read more

Kabanata 1109

“K-Kasi…” Nautal si Jesse. Nahirapan siyang hanapin ang tamang salita. Lalabas ang katotohanan kapag nalaman nila ang blood type ni Lina. Hindi nila tunay na anak si Lina. Isang malalim na boses ang biglang nagsalita at sumira sa mabigat na katahimikan. Tumingala si Jesse at nakita niya ang madidilim na mata ni Zuko. Nanikip ang dibdib niya. “Lina, medical knowledge yun,” sabi ni Zuko nang may magaan na boses. “Mas mataas ang posibilidad ng graft-versus-host disease sa blood transfusions sa pagitan ng malalapit na magkakamag-anak.“Kaya hindi lang ikaw ang hindi pwedeng magbigay ng dugo sa nanay mo, hindi mo rin pwedeng gawin yun, Dave.”Nataranta si Lina. “Ano palang gagawin natin?”Pinagaan ni Zuko ang loob niya. “Pwede nating gamitin ang akin,” sabi niya nang may nagpapakalmang mga mata. “Type B din ang dugo ko.”“Tama siya,” kumpirma ng nars. “Sumama ka sa'kin para sa blood test. Kung mag-match kayo, pwede tayong magpatuloy kaagad sa transfusion.”“Sige,” pumayag si Li
last updateLast Updated : 2024-04-15
Read more

Kabanata 1110

Sumigaw si Mary at bumagsak sa pader. Sa gulat, gusto siyang puntahan at tulungan ni Zuko, pero patuloy niya siyang iniwasan habang nanginginig sa takot.“P-Patawad!” utal niya na humihingi ng tawad. “Hindi ko sinasadya! Nangangako ako di ko na ulit sasabihin yun, di na mauulit!”Nagsalubong ang kilay ni Zuko at naramdaman niya may nalalaman si Mary. Dahan-dahan siyang lumuhod habang lumamig ang mga mata niya at diniin ang bawat isang salita. “Mrs. Nash, may tinatago ka ba sa'kin?”"Huh?"“Nag-away na naman ba kayo ng mother-in-law ko tungkol sa kapanganakan ni Lina?” Tanong ni Zuko habang ginagabayan siya ng kutob niya. Namutla ang mukha ni Mary habang yumuko siya. Hindi niya kayang tumingin sa mga mata niya. Nagpatuloy si Zuko nang naniningkit ang mga mata. “Kung hindi ako nagkakamali, nakita mo ang mother-in-law ko at kinutya mo ang katotohanang ampon si Lina, na nauwi sa away sa pagitan niyong dalawa.”Pagkatapos ng isang sandali, tahimik na tumango si Mary. Naging seryo
last updateLast Updated : 2024-04-15
Read more
PREV
1
...
109110111112113
...
122
DMCA.com Protection Status