Home / Romance / Married a Secret Billionaire / Chapter 1111 - Chapter 1120

All Chapters of Married a Secret Billionaire: Chapter 1111 - Chapter 1120

1219 Chapters

Kabanata 1111

Umubo nang dalawang beses si Zuko nang nagngingitngit ang ngipin, “Ang dami mong sinasabi.”Ngumiti si Toph at nagtanong, “Zuko, nag-aalala ka bang hindi matatanggap ni Pammy ang katotohanan? Lalo na't mabuti ang trato sa kanya ng bago niyang pamilya.”Huminto sandali si Zuko at umamin, “Ganun nga ang pinag-aalala ko.“Nag-aalala ri ako na baka ayaw bumalik ni Lina sa mga Thompson, sobrang masasaktan nun sina Tito Nicholas at Tita Linda.”“Oo, totoo yan.” Tumango si Toph. “Kaya kailangan nating magdahan-dahan.”…Samantala, naglakad nang pabalik-balik si Melvin sa villa. Napansin niya ang isang bagay sa pasemano na nagpainis sa kaya at ibinato niya ito sa pader. “Ang p*tang yun!”Hindi kumilos ang mga katulong at tagapagsilbi at takot silang lumapit sa kanya. Hindi sila sigurado kung sino ang tinutukoy niya. Huminga nang mabilis si Melvin. Wala siyang masisi para sa bagay na ito. Minaliit niya ang sarili niyang anak!Hindi niya inasahang magkatulad pala si Renee at ang n
last updateLast Updated : 2024-04-16
Read more

Kabanata 1112

Napahinto si Lina nang nakilala niya ang plaka—sa kotse ito ni Gia. Kinagat niya ang labi niya at handa niya siyang harapan, pero mabilis na umandar ang kotse papalayo, lumiko sa kanto, at naglaho. Naririnig ni Zuko ang ingay at nagmadali siyang lumabas. Nang nakita niyang basang-basa si Lina, nalungkot at nagsisi siya. “Dapat sinundo kita sa ospital!”“Ayos lang.” Mahinang tumawa si Lina. “Sinong mag-aakalang may biglang lumitaw na kotse sa katitikan ng araw?’”“Nakita mo ba ang plaka?”Dumilim ang mga mata ni Lina at bumulong siya, “Ang kotse ni Gia.”Nabigla si Zuko at nagtaka siya. Sinusubukan bang puntiryahin ni Gia si Lina? Sapat na ba sa kanyang basain niya siya ng tubig? Malamang ay may iba pang dahilan sa likod nito!“Zuko, di ko talaga maintindihan… Bakit niya ko tinatrato nang ganito?” Kahit na hindi na nalulungkot si Lina kagaya noon, nagdala pa rin ng dilim sa kanya ang insidenteng ito at hindi niya ito malimutan. Trinato niya nang mabuti si Gia bilang isang kaibiga
last updateLast Updated : 2024-04-16
Read more

Kabanata 1113

Dinala ni Toph si Renee pabalik ng Centrolis at inihatid siya hanggang sa bahay niya. Nagpaalam lang siya sa kanya sa pintuan ng Thompson residence. Gusto niya sanang magtagal pa sa mga Thompson kaso kailangan niyang maghapunan kasama ng mga magulang niya. Sinabihan siya ni Toph bago umalis, “Renee, wag ka munang magsasabi kina Tito Nicholas at Tita Linda tungkol kay Pammy. Sabi ng kuya ko kailangan nating mag-ingat.”“Sige, naiintindihan ko.” Kinagat ni Renee ang labi niya. Alam niya ang pakiramdam na ito. Nang biglang lumitaw si Melvin at nagpakilalang ama niya, para ba siyang tinamaan ng kidlat. Kung ganun katindi ang gulat niya sa paglitaw pa lang ng ama niya, hindi niya maisip kung gaano kasakit para kay Pammy na malamang hindi talaga sa kanya ang tahanan niya nang dalawampung taon. “Sige, umuwi ka na!” Ngumiti si Toph nang may mga matang puno ng pag-aalangan. Ilang beses siyang kinawayan ni Renee bago dahan-dahang pumasok sa gate ng mansion. Gayunpaman, sa sandaling umapak
last updateLast Updated : 2024-04-16
Read more

Kabanata 1114

Alam ng kawawang bavae ang lugar niya—ang salitang ito ang pinakamalakas na sandata niya. “Papa!” Desperadong nagmakaawa si Renee. “Papa, gagawin ko ang lahat ng sasabihin mo… Pakiusap, iligtas mo ang nanay ko!”“Gagawin mo ba talaga ang kahit na anong sabihin ko?”“Oo…”“Kung ganun, tulungan mo kong makuha ang gusto ko!”Malamig na binagsak ni Melvin ang mga salitang ito at sinipa siya bago naglakad palabas ng kwarto. Habang tinitiis ang sakit ng tuhod niya, pinilit ni Renee na tumayo. Pinunasan niya ang mga luha niya, pinakalma ang sarili niya, at dahan-dahang naglakad papunta sa sala. Nakapaglatag na si Lina ng isang mesang puno ng mga pagkain para salubungin siya. “Pamela!”Huminto si Renee, sabay pinilit ang sarili niyang ngumiti nang natural. Mainit na lumapit si Linda at iniunat ang mga kamay niya, ngunit yumuko si Renee at iniwasan siya. Para bang binuhusan ng malamig na tubig si Linda. Nanigas sa ere ang mga braso niya at isang bakas ng kalungkutan ang lumitaw s
last updateLast Updated : 2024-04-17
Read more

Kabanata 1115

“Oo.” Ngumiti si Linda. “Hindi namin gustong magkulang sa anak namin, pero siya…”“Pamela, nagkakamali ka!” Naningkit ang mga mata ni Melvin. “Dapat mong tanggapin ang binibigay sa'yo ng mga magulang mo. Pagrespeto ito sa kanila bilang anak!”Mahigpit na sinara ni Renee ang mga kamao niya, pagkatapos ay dahan-dahan itong pinakalma. Nanatili siyang tahimik nang isang sandali bago dahan-dahang tinanggap ang dokumento. Kuminang ang mga mata ni Linda at masaya siyang ngumiti. “Pipirmahan ko ito,” mahinang sabi ni Renee. “Pero pwede ko ba muna tong basahing maigi?”“Syempre!” Mabilis na pumayag si Linda. “Pwede kang bumalik sa kwarto mo at suriin ito nang maigi pagkatapos ng hapunan. Ayos lang kung matagalan ka. Kung kailangan mo ng tulong ng isang abogado, mayroon akong naaayong tao rito!”“Linda, may kilala akong ilang magagaling na abogadong kayang—”“Hindi na kailangan!” Biglang tinaas ni Renee ang mukha niya. Nabigla si Melvin. Kahit na mukha siyang mahinhin, malinaw niyang
last updateLast Updated : 2024-04-17
Read more

Kabanata 1116

Nagtanong si Toph nang may mahinang boses, “Sigurado ka ba talagang si Lina si Pammy?”“Oo,” kampanteng sagot ni Zuko. Alam ni Toph na palaging sigurado ang mga sinasabi ng kuya niya. “Noon, nang nagpunta si Lina sa Southeast Aciatic, may medical report sa lugar ni Tito Carter,” sabi ni Zuko. “Ano?” Nabiglang sabi ni Toph. “Nagkataon lang ito. Ilang araw ang nakaraan, sumailalim si Tito Nicholas sa isang medical examination sa joint hospital dahil sa stress sa trabaho at burnout. Palihim akong nagsabing magtabi ng isang sample ng test niya, at…”Gulat na nakinig si Toph mula sa kabilang linya. “Kung ganun, tunay silang mag-ama?”“99.99%,” kalmadong sabi ni Zuko. “Sa tingin mo may isang pares ng hindi tunay na mag-ama na magdadala ng ganitong resulta?”Nanatiling nakatulala si Toph nang isang sandali. Pagkatapos niyang bumalik sa realidad, namangha siya sa takbo ng tadhana, ang hindi maunawaang kapalaran, at ang pagsasaayos ng buhay. Pagkatapos ibaba ang tawag, pinag-isipa
last updateLast Updated : 2024-04-17
Read more

Kabanata 1117

Lumabas ng opisina ng doktor si Jesse nang para bang naglalakad siya sa bulak sa bawat hakbang niya. Sa sandaling binuksan niya ang pinto, nakita niya si Melissa na nakatayo sa labas at nanlaki ang mga mata niya. Nang hindi masyadong nag-iisip, mabilis siyang ngumiti at nagsabing, “Honey, bakit ka nandito? Normal ang resulta ng pagsusuri sa'yo, ikaw…”Namumula ang mga mata ni Melissa at nanginig ang boses niya habang tinanong niya ang doktor, “Gaano katagal na lang ang natitira sa'kin?”Inayos ng doktor ang salamin niya at matapat na sumagot, “Kumplikado kondisyon ang breast cancer, at kumalat na ang cancer cells mo. Pwede mong pahahabain nang limang taon ang buhay mo gamit ng surgery at chemotherapy.”“Limang taon?” Napahinto si Melissa sa kinatatayuan niya. Sa pag-aalalang hindi niya ito kayanin, nagmadaling lumapit si Jesse at niyakap siya, sabay sabing, “Hindi, ayos lang yun… Maliit na operasyon lang yun. Pwede nating tanggalin ang cancer cells mula sa katawan mo, at magiging
last updateLast Updated : 2024-04-18
Read more

Kabanata 1118

“Pero…”“Kahit ano pa yan? Hindi niya dapat malaman! Ilihim natin to hanggang sa opisyal na niyang mapakasalan si Lina!” Palaging nakikinig si Jesse sa asawa niya, at hindi naiiba ang bagay na ito. Ililihim niya kung hindi niya siya papayagang sabihin ito sa iba. Baka nga pigilan niya siya sa operating table kapag tumanggi siyang magpagamot para pigilan ang mga doktor sa pagsasagawa ng operasyon. Ang magagawa niya lang ngayon ay alagaan siya at manatili sa tabi niya sa huling paglalakbay niya para tiyaking mabubuhay siya nang masaya at walang pag-aalinlangan. Kumirot ang puso ni Jesse at mahigpit niyang sinara ang mga kamao niya. Hindi nagtagal, dumating sina Zuko at Lina. Pagpasok ni Lina, malambing siyang tumawag, “Ma!”Sinalubong siya ni Melissa nang nakangiti na para bang walang problema. “Sabi ko sa'yo hindi mo kailangang pumunta at sunduin ako sa ospital. Nakapag-impake na ko,” sabi ni Melissa. “Si Zeke ang nagpumilit na puntahan ka!” Bumulong si Lina sa tainga ni Mel
last updateLast Updated : 2024-04-18
Read more

Kabanata 1119

Pagkalipas ng tatlong araw, hinatid sina Jesse at Melissa papuntang paliparan sakay ng luxury cars at ginabayan papunta sa isang kumikinang na private plane ng mga propesyonal at masiglang flight attendants. Para ba itong isang panaginip para sa kanila. Ang di nila alam, ito pa lang ang umpisa ng pantasya nila. Pagpasok nila sa Hamerton Manor, parang naubos ang mga salita nila sa paglarawan sa karangyaang nasa harapan nila. Pinangunahan ng isang nakakurbatang butler ang daan at sumunod sila nang manghang-mangha. "Honey...""Sweetheart?"“Dali, kurutin mo ako!”“Kinukurot na kita…”“Bakit pala di ako nakakaramdam ng sakit?”Sandaling naguluhan si Jesse bago siya biglang nakaramdam ng hapdi sa likod ng kamay niya! Napansin niyang kinukurot niya ang kanang kamay niya gamit ng kaliwa at halos napasigaw siya!“Pa, ma!” Pakiramdam ng nakasunod na si Dave ay naglalakad siya sa ulap sa bawat isang hakbang niya. “Ikakasal ba si Lina… sa isang mayamang pamilya?”“Narinig ko hindi Ze
last updateLast Updated : 2024-04-18
Read more

Kabanata 1120

Kumurap si Lina at tumango nang may magaan na ngiti. “Syempre naman.”“Kung ganun, ayos lang sa'yong magkaroon ng dagdag na pares ng mga magulang na magmamahal sa'yo?” tanong ni Zuko. “Anong ibig mong sabihin?” Namula si Lina habang hinawakan ang braso niya at mahinang nagsalita. “Alam ko mabait ang mga magulang mo, pero hindi ako umaasang mamahalin nila ako nang parang sarili nilang anak.”“Lina, hindi iyon ang ibig kong sabihin…” Huminto si Zuko. “Naiintindihan ko! Wag lang mag-alala,” tuso niyang sabi. “Rerespetuhin at igagalang ko sila na para bang mga sarili kong magulang kahit na anong mangyari!”Medyo napagod si Zuko nang napansin niyang walang epekto ang mga sinasabi niya. Bigla na lang, magalang na lumapit ang butler at inimbitahan sila sa main building. Kalmado ang ere sa hapunan nila. Nang hindi nila alam kung saan uupo sa umpisa, kinabahan sina Jesse at Melissa at nahirapan silang hawakan ang kubyertos nila. Pero nang naimpluwensyahan sila ng simpleng pag-uugal
last updateLast Updated : 2024-04-19
Read more
PREV
1
...
110111112113114
...
122
DMCA.com Protection Status