Home / Romance / Married a Secret Billionaire / Chapter 1091 - Chapter 1100

All Chapters of Married a Secret Billionaire: Chapter 1091 - Chapter 1100

1219 Chapters

Kabanata 1091

Natigilan si Zuko ng biglaang pagtunog ng phone niya. Pinakita sa screen ang isang linya ng mga numero na nagpabigla kay Lina. Gayunpaman, napansin niya ang kalmadong ngiti sa mukha ni Zuko. “Ang nakababata kong kapatid,” paliwanag niya. “Tanda ko ang number niya kaya di ko sinasave.”Tatanggihan na sana ni Zuko ang tawag, pero pinigilan siya ni Lina. “Meron siguro siyang mahalagang sasabihin sa'yo kung tumatawag siya.”“Ano namang mahalagang bagay ang sasabihin—”“Bilisan mong sumagot!” Malumanay na nakangiti si Lina. “Kakatapos ko lang maglaba ng ilang damit. Isasampay ko to sa balkonahe!”Inobserbahan ni Zuko ang mahinhing itsura ni Lina nang may kumplikadong emosyon. Pagkatapos mag-alangan, lumabas siya ng kwarto para sagutin ang tawag. Bago siya makapagsalita nang may sama nang loob at magtanong nang, “Ano bang gusto mo?”, napuno ang kabilang linya ng mabilis na pananalita ni Toph. “Bro, kahit ano pang ginagawa mo ngayon, kailangan mo kong patapusin…” Narinig ang boses n
last updateLast Updated : 2024-04-12
Read more

Kabanata 1092

“Anong problema?” Bahagyang bumukas ang pinto at sinilip ni Lina ang ulo niya. “Bakit ka nagtatago sa labas para tumawag?”Inayos ni Zuko ang ngiti niya para magmukhang natural at inakbayan niya siya para gabayan papasok. “Lina, mayroon akong kailangang sabihin sa'yo.”Natigilan si Lina at sinalubong niya ang tingin niya. Habang hawak niya ang kamay niya, naramdaman niya ang init ng lakas niya, pero naguluhan siya sa kaseryosohan ng mga mata niya. Napahinto ang puso niya at para bang nanahimik ang lahat ng nasa paligid nila. Dinilaan ni Zuko ang labi niya nang may mahina at malalim na boses habang humihinto sa bawat isang salita. “Hindi Zeke Hamerton ang pangalan ko, at lahat ng kakaibang pangyayaring nangyari sa'yo pagkatapos mong dumating sa Southeast Aciatic ay konektado sa'kin…“Lina, prinoprotektahan kita sa sarili kong paraan.”Marahang hinaplos ng kamay niya ang mukha niya at gumawa ng linya papunta sa collarbone niya, kung saan niya hinawakan ang kwintas na may star pen
last updateLast Updated : 2024-04-12
Read more

Kabanata 1093

“Lina, hindi ako nagsisinungaling sa'yo,” paos ang boses ni Zuko habang pinanatili niya ang distansya nila sa pag-aalangang lapitan siya. “Kung di ka naniniwala sa'kin, may ipapakilala ako sa'yo.”Pagkatapos ng isang sandali, kumalma si Lina at napansin niyang naghandang umalis si Zuko. Nagmadali siyang kumuha ng jacket at sinundan niya siya. May ilang taxi na naghihintay sa labas ng hotel at isa ang huminto sa harapan nila. Binuksan ni Zuko ang pinto ng kotse, pero umupo siya sa harapan sa halip na tumabi sa kanya sa likuran. Mula sa upuan sa likuran, inobserbahan ni Lina ang gwapong itsura, malalim at determinadong mga mata, at malapad na likod ni Zuko mula sa rearview mirror. Alam niyang nakaupo siguro siya sa harapan nang magkapatong ang braso kagaya ng kadalasan. Para bang pamilyar ngunit naiiba ang lahat na nagbigay ng hindi maipaliwanag na emosyon sa loob ng Lina. Bigla na lang, naalala niya ang sinabi ni Gia noon. Pumasok si Gia sa university para makahanap ng mayamang
last updateLast Updated : 2024-04-12
Read more

Kabanata 1094

Kinakabahang hinawakan ni Lina ang laylayan ng damit niya habang kumukurap nang mas madalas kumpara sa kadalasan. Marahang hinawakan ni Zuko ang balikat niya na nagpanginig sa kanya nang bahagya. Tahimik siyang tumingin sa kanya at hinayaan niya ang malaking kamay niya sa balikat niya nang hindi kumikilos. “Lina…” Gustong magsalita ni Zuko pero nahirapan siyang maghanap ng tamang salita. Sinubukan niyang abutin ang maliit na kamay niya. “Maggagabi na. Umuwi na tayo?”Nabigla si Lina. Nagsalita siya nang may pataas na tono sa huli. Maingat niya siyang tinanong imbes na direkta niya siyang inutusan. Natunaw kaagad ang puso niya. Lumitaw sa isipan niya ang mga eksena simula nang nakilala niya si Zuko nang parang isang pelikula. Hindi siya kailanman nagsalita nang malakas sa kanya. Ang malamig na ekspresyon na pinapakita niya sa iba ay nagiging isang maliwanag na ngiti kapag nakita niya siya. Sinunod niya siya at inaalagaan na parang pinakapaborito niya. Nang narinig niyang muntik n
last updateLast Updated : 2024-04-12
Read more

Kabanata 1095

Sumigla si Zuko na parang araw at pinakawalan niya ang sarili niya na parang naging isip-bata siya. Pero bago nakatanggi si Lina, mabilis na nilagay ni Zuko ang mga braso niya sa manipis na baywang niya at hinalikan siya nang para bang isa siyang mabangis na hayop. Natunaw si Lina sa yakap niya at sumuko siya sa malalim na halik niya. Nang naramdaman niyang humina ang depensa ni Lina, nag-aalangan niya siyang binitiwan, sabay marahang inayos ang magulo niyang buhok. Nakakita siya ng bakas ng gulat at matamis na lambing sa mga mata niya. Nang medyo nanghina siya, hinayaan ni Lina na buhatin siya ni Zuko na parang prinsesa habang nagpatuloy silang maglakad sa ilalim ng buwan. "Zuko."“Ano yun?”“Pwede ba kitang matanong?”Yumuko si Zuko, tumitig sa kanya, at mahinang sumagot, “Sige lang.”“Bakit mo biglang sinasabi sa'kin ang tunay mong pagkatao?”Huminto si Zuko at naging kumplikado ang ekspresyon niya. Hindi siya sumagot kaagad. Dumating sila sa isang maliit at liblib na
last updateLast Updated : 2024-04-12
Read more

Kabanata 1096

“Zuko, anong iniisip mo?” tanong ni Lina. “Hmm?” Bumalik ang atensyon ni Zuko at hinaplos niya ang buhok niya. “Wala lang.”“Narinig mo ba ang sinabi ko?” tanong niya. Nang nagtataka, kitang-kita sa ekspresyon ni Zuko na wala siyang narinig. Ngumiti si Lina at inulit ang sinabi niya, “Ang sabi ko, wag mo ring ipapaalam sa mga kaklase ko ang tungkol sa pagkatao mo, okay?”"Oh..."“Nag-aalala ako na baka magdala to ng problema para sa'yo…”Lumingon palayo si Lina para magmukhang walang pakialam, pero mahina at halos di marinig ang boses niya. Anong ibig sabihin niya sa “problema?”Sa madaling salita, kapag nalaman ng mga babaeng kaklase niya ang pagkatao ni Zuko, walang dudang hahabulin nila siya. Kahit ang anak ni Mrs. Nash ay kinukuntsaba siya, hindi ba?Mas maganda para sa kanyang panatilihin ang imahe ng isang pangkaraniwang tao!Sumimangot si Lina at nakita ni Zuko ang maliit na plano niya. Marahan niya siyang niyakap at hinila pabalik sa mga braso niya. “Wag kang mag
last updateLast Updated : 2024-04-12
Read more

Kabanata 1097

Nang unang nakita ni Toph si Lina, hindi niya napigilang titigan siya. Hindi lang siya tumitig, direkta niya pa siyang nilapitan para tignan siyang maigi. Gayunpaman, nang papalapit na siya, isang malaking kamay ang biglang humawak sa kanya sa likod ng leeg niya! Isang strikto at malamig na boses ang sumunod. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”Bumalik si Toph sa kinauupuan niya nang may nahihiyang ngiti habang kinamot niya ang ulo niya. “Hindi, hindi… Zuko, bitawan mo ko!”Sumali si Lina nang nakangiti at bahagyang umubo para mabawasan ang nakakailang na ere.Lumingon si Zuko sa kapatid niya at hinila ang bangko ni Lina papalapit sa kanya. Hindi pa niya nakitang ganito kaseloso ang kuya niya noon. Tumawa siya at tumayo, tapos ay nagkusang nagpakilala, “Ako si Toph, ang paborito niyang kapatid!”Suminghal si Zuko. “Hindi na ngayon.”“Kuya, sumakay ka naman!”Tumingin si Zuko kay Toph at nagtagpo ang mga mata nila, kung kaya't natawa sila nang malakas. “Siya si Renee Thompso
last updateLast Updated : 2024-04-12
Read more

Kabanata 1098

May pumasok sa isipan ni Zuko. ‘Siguro hindi sila “parang magkapatid,” sa halip…’“Zuko, anong problema?” Kumaway si Toph sa harapan ni Zuko. “Bakit ka nakatulala? Tara na. Pumunta sila roon para bumili ng ice cream!”“Oh.” Bumalik sa realidad si Zuko at tumingin sa kapatid niya. “Anong problema sa pagbili ng ice cream? Gusto yun ni Lina.”“Pero di pwede si Renee ngayon!”“Hindi pwede?”Napahinto si Toph at namula ang mukha niya. Mabilis niyang hinablot ang braso ni Zuko at nagmadaling sumunod sa kanila. ...Mabilis na natapos ang masiglang araw. Nakauwi sina Zuko at Lina nang sakto para sa hapunan. Puno ang mesa ng mga espesyal na luto ni Melissa. “Zeke, Lina! Maghapunan na kayo!” Masaya silang hinainan ni Melissa. Bilang isang ina, palagi siyang nag-aalala na hindi kumakain nang sapat ang mga anak niya. Ang malaking mangkok na gamit ni Zuko ay madaling ilagay sa ulo ni Lina na parang sumbrero. Ngumiti na lang si Zuko at hinimas ang tiyan niya. Nag-aalala siyang ang pinagh
last updateLast Updated : 2024-04-12
Read more

Kabanata 1099

“Zeke, kung… Kung hindi ka naniniwala, patutunayan ko sa'yo!” Hinila ni Jesse ang manggas ni Melissa para paupuin siya at kumain, pero hindi niya ito pinansin at nagpumilit na pumunta sa kwarto para kalkalin ang mga kabinet. Hindi nagtagal, may hawak na siyang manipis na birth certificate at nilapag niya ito sa harapan ni Zuko. “Tignan mo, ito ang birth certificate ni Lina!” Nanginig ang boses ni Melissa nang tinuro niya ang pangalan dito. “Ama: Jesse Jenner, Ina: Melissa Jones. Anong mali diyan!? Ang ospital ang nagbigay nito!”Mabilis na tumayo si Zuko. “Tita, kumalma kayo. Hindi ko pinagdudahan—”“Wag kang makikinig sa kalokohan ni Mary!” Nanginig si Melissa habang galit niya siyang pinagalitan at binalik ang birth certificate sa kwarto niya. Ayaw na niyang tapusin ang hapunan niya. Pagkatapos ng hapunan, tinawagan ni Zuko si Toph sa bukana ng eskinita. “May tanong ako sa'yo,” sabi niya nang may mahinang boses. “Anong magiging reaksyon mo kung may anak ka, pero sinasabi ng l
last updateLast Updated : 2024-04-12
Read more

Kabanata 1100

Tumingin si Zuko kay Lina na punong-puno ng saya na kasama niya ang pamilya niya, at naantig ang puso niya sa dalisay niyang ngiti. Kung bigla-bigla niyang sisirain ang kapayapaang ito, makikita niya pa rin kaya ang ganito dalisay na kagandahan sa ngiti niya?At saka hindi pa dumadating sa huling kongklusyon ang lahat. Paano kung isa lang itong hindi pagkakaunawaan?Bumuntong-hininga si Zuko na ang nakaramdam siya ng bigat sa puso niya. ...Sa gitna ng tahimik na gabi, nakasarang maigi ang pinto ng kwarto nina Jesse at Melissa. May mahinang sinag ng liwanag na lumabas mula sa bintana nila. Tumingin si Jesse sa asawa niya ang may mabigat na puso. Pagkatapos mag-alangan, sa wakas ay nagsalita na siya nang may matigas na tono. “Sa susunod… wag mo nang ipapakita ang birth certificate ni Lina sa kanya.”Biglang nanigas si Melissa na nagtitingin ng mga lumang larawan ni Lina noong kabataan niya. Huminto ang daliri niya sa isang larawan kung saan hawak nila si Lina sa piyer. “Peke a
last updateLast Updated : 2024-04-12
Read more
PREV
1
...
108109110111112
...
122
DMCA.com Protection Status