Home / Romance / Married a Secret Billionaire / Chapter 1121 - Chapter 1130

All Chapters of Married a Secret Billionaire: Chapter 1121 - Chapter 1130

1219 Chapters

Kabanata 1121

“Ninakawan natin siya ng tahanan noon! Sa totoo lang, dapat nagsumbong tayo sa pulis para matulungang mahanap ang pamilya ni Lina pagkatapos lumubog ng barko…” Tinapik ni Jesse ang balikat niya at bumuntong-hininga. “Binabangungot ako kamakailan.” Humikbi si Melissa at nanginig ang boses niya. “Napanaginipan kong ayaw sa'kin ni Lina, sinasabi niyang hiniwalay ko siya sa mga magulang niya…”“Wag kang ganyan!” Nagmamadaling sabi ni Jesse. “Kabaligtaran ng katotohanan ang panaginip!” “Pero pinaalala sa'kin ng panaginip na'to… Masyado ba akong naging makasarili sa nagdaang dalawampung taon? Karma ba ang sakit ko?”“Ikaw…”Hindi magaling si Jesse na magpatahan ng iba at natakot siyang baka maging mali ang kahit na anong sabihin niya sa kritikal na sandaling ito. Ang totoo, wala nang mas mahihirapan kaysa sa kanya ngayon. May malubhang karamdaman ang asawa niya at walang kaalam-alam ang mga anak nila. Araw-araw, kailangang niyang magsuot ng matapang na ngiti. Kapag nahanap talag
last updateLast Updated : 2024-04-19
Read more

Kabanata 1122

Sasabihin na dapat ni Zuko ang totoo nang naistorbo sila ng isang katok sa pinto. Nakangiting pumasok ang butler kasama nina Jesse at Melissa nang nagpaliwanag ito, “Naligaw sina Mr. at Mrs. Jenner sa hardin. Inihatid namin sila sa guest room, pero gusto raw nila kayong makita.”Magalang na nagngitian sina Zephyr at Cordelia at sinenyasan si Zuko na umalis muna. Naghanda ng floral tea si Cordelia para sa lahat. Napansin niya pawis sa mga noo nila at napansin nilang mayroon sila sigurong importanteng pag-uusapan. “Sige lang, magsalita lang kayo,” sabi niya nang may maamong ngiti. “Magiging pamilya na tayo kaya wag kayong mahiya.”“Kung ganun, hindi na ko magpapaligoy-ligoy,” sabi ni Melissa habang bumunot ng isang larawan. Pinakita rito silang dalawa na hawak ang batang Lina, na kinunan sa isang barkong may daungan sa likuran nang bibili na sila ng merienda para sa kanya. Nakaligtas sila sa malaking trahedya dahil dito. Nagbago ang mga mata ni Cordelia nang nakita niya ang muk
last updateLast Updated : 2024-04-19
Read more

Kabanata 1123

Noong bata pa si Pammy, mukhang seryoso si Nicholas sa panlabas, pero sobra-sobra niya talaga siyang kinagigiliwan. Sa tuwing lumilingon siya sa kanya para kumuha ng larawan, kaagad siyang nagpapadala ng isang kopya kay Zephyr para pilitin siyang tignan ito nang magkasama. Gayunpaman, katakataka ang kakayahan niya sa pagkuha ng larawan at wala siyang magandang kuha. Nagpatuloy ito hanggang sa bigla itong natigil pagkatapos ng unang kaarawan ni Pammy dahil sa isang hindi inaasahang insidente. Maingat na itinabi ni Zephyr ang mga larawang iyon, at ngayong inilabas niya ang mga iyon, bumaha ang halo-halong emosyon sa loob niya. Lalo na ang katawan ni Pamela noong isang taong gulang siya na nakasuot ng isang princess dress na gawa sa organza at may maliit na korona. Napakaganda at napakakaaya-aya niyang tignan. Kinuha niya ang larawan mula sa kamay ni Cordelia, tinignan ito nang ilang beses, at nakumpirmang si Pammy nga ang hawak ni Melissa!“Para bang nahanap mo na ang isang bagay
last updateLast Updated : 2024-04-20
Read more

Kabanata 1124

Nakatayo roon si Renee habang nakatulala sa dalawang taong lumitaw sa harapan niya na para bang nagmula sila sa langit. Napuno siya ng halo-halong emosyon at tumulo ulit ang mga luha sa mukha niya. Sinubukang magsalita ni Renee. “Mr. at Mrs. Hampton, ang totoo—”“Wag ka munang magsalita ngayon. Mas importanteng mailigtas natin siya,” pinigilan siya ni Cordelia, humakbang paharap, at hinawakan ang kamay ni Renee. Nilalamig ang maliit na kamay ni Renee at di niya napigilang manginig nang bigla siyang nakaramdam ng malumanay na init. Pagkatapos magawa ang lahat ng kailangang paghahanda, tumayo si Toph sa tabi ni Renee sa labas ng operating room at tahimik na naghintay. Pinadala na ni Zephyr ang mga pinakamagagaling na eksperto at mawawala na sa panganib ang nanay ni Renee. Pagkatapos, umubo nang malakas si Cordelia at makahulugang tinitigan si Toph habang lumapit si Zephyr. “Toph, tawagan mo ang kuya mo at sabihin mo siyang pumunta kaagad sa ospital!”“Uh, ano…”“Makinig ka
last updateLast Updated : 2024-04-20
Read more

Kabanata 1125

Nagpatuloy si Cordelia nang napansin niya ang ekspresyon ni Renee. “Zennie, kung hindi niya kailangan ng kidney transplant, ibig sabihin ba nito ay gagaling na siya sa kondisyon niya?”“Hindi ganun kabilis,” kalmadong sagot ni Zennie. “Ang kidney dysfunction ay isang pabalik-balik at pangmatagalang kondisyon na maaaring maging hamon. Sa mahinang pangangatawan ng pasyente, makokontrol lang natin to sa pamamagitan ng conservative treatments.”“May solusyon ka ba?”“Oo.” Tumango si Zennie nang nakangiti. “May napakaepektibong gamit na inilabas kamakailan sa Eropah. Sumailalim ito sa clinical trials at pinupuntirya nito ang mismong kondisyon na ito… Gayunpaman, mataas ang presyo nito at kailangan itong pag-isipang mabuti ng pamilya ng pasyente.”Pinagalaw ni Renee ang mga labi niya at mukha siyang namroblema. Sa tabi, sumingit si Cordelia nang nakangiti. “Walang problema. Kung may epektibong gamot, maghahanap kami ng paraan para mabili ito sa joint hospital namin!”“Tita Cordelia…”
last updateLast Updated : 2024-04-20
Read more

Kabanata 1126

“Makikipagtalo ka pa?” Hindi man lang nabigyan ng pagkakataon si Zuko na magsalita bago siya napigilan ng striktong sigaw ng tatay niya. Dumiretso ng tayo ang nakangiting si Toph. Hindi na siya mukhang isang pinarusahang estudyante mula sa elementary. Mukha siyang isang taong naipagtanggol ang sarili. Pagkatapos, nagsimula ang tunay na palabas. Nagsalit-salit na pinagalitan ng mga magulang nila si Zuko.Pinagalitan siya ni Cordelia, “Dapat matagal mo nang sinabi ang tungkol dito!”Dagdag ni Zephyr, “Oo nga, bakit di ka nagsabi!?”Nagpatuloy si Cordelia. “Malaking bagay ito, tapos hindi ka bumalik para pag-usapan ito kasama namin? Sana nakapag-isip tayo ng plano!”Sumang-ayon si Zephyr. “Ganun na nga! Nabigla mo kami!”Suminghal si Cordelia. “Yumabang ka na, tinago mo ang lahat sa'min!”Sumingit si Zephyr. “Tama! Kung ganun kalakas ang pakpak mo, babaliin namin yan para sa'yo!”Nanatiling tahimik si Zuko. Pinigilan ni Toph ang tawa niya at namula ang mukha niya. Gayunpaman,
last updateLast Updated : 2024-04-21
Read more

Kabanata 1127

Sa maulang araw na ito, sa pambihirang sandali ng lamig, magkadikit sina Zuko at Lina sa kwarto nila habang gumagawa ng sari-saring gawain kagaya ng pagpipinta, pagbabasa, at paglalaro ng chess. Sinusulit nila ang presensya ng isa't-isa. “Zuko, nabanggit ng mga magulang ko na binabalak nilang umuwi kaagad,” sabi ni Lina. “Ano?” Sabi ni Zuko sa pagkabigla. “Bakit naman biglaan?”“Hindi yun biglaan!” Tusong ngumiti si Lina at gumawa ng estratehiya bakitong isang itim na chess pieces. “Mukhang mananalo ako!”Tumawa si Zuko at sumuko para sakyan ang plano niya. “Ang ibig kong sabihin, bakit di sila magtagal nang ilan pang araw? Marami pang lugar sa Centrolis na hindi pa nila nabibisita.”“Siguro… baka pakiramdam nila masyado na silang nagtagal dito, tapos aalagaan pa nila ang supermarket,” sagot ni Zuko habang bahagyang dumilim ang mga mata niya. Naging kumplikado ang ekspresyon niya. Isinantabi niya ang chessboard at dinala si Lina sa bookshelf at kumuha ng isang photo album. N
last updateLast Updated : 2024-04-21
Read more

Kabanata 1128

Umugong ang tainga ni Lina. Nagduda siya kung nagkamali lang ba siya ng dinig. Tumitig siya kay Zuko, kumikilos ang mga labi niya pero hindi siya nakagawa ng ingay. “Lina…” Naawa si Zuko nang nakita niya ang naguguluhang reaksyon niya. Hindi niya alam kung paano siya dadamayan, yayakapin, o papaliwanagan. “Nag… nagbibiro ka, di ba?” Nanginig ang mga labi ni Lina. “Zuko, wag kang gumawa ng kwento…”“Totoo yun.” Tinitigan siya ni Zuko sa mata. “Hindi ka si Lina Jenner. Ikaw si Pamela Thompson.”“Paanong nangyari yun!?”“Kung di ka naniniwala sa'kin, ilipat mo pa ang mga pahina.”Nilipat ni Zuko ang pahina ng album sa bandang dulo. Habang lalo silang naglilipat, mas lalong lumilinaw ang imahe ng batang babae. Sa pagdiriwang ng unang buwan niya, dinekorasyunan siya ng kamusmusan na parang isang bagong silang na sanggol. Sa unang kaarawan niya, masaya siyang tumawa sa ginagawa ng isang tao. Sa edad na dalawang taong gulang, nakaupo siya, pinapalakpak ang maliliit na kamay ni
last updateLast Updated : 2024-04-21
Read more

Kabanata 1129

“Alam kong mahirap tanggapin, pero nasa tabi mo lang ako kahit anong mangyari,” pinagaan ni Zuko ang loob ni Lina. “Hindi… Hindi!” Umatras nang umatras si Lina habang nagblangko ang utak niya. Iisang bagay lang ang lumitaw sa isipan niya: ‘Ang mga… Nasaan ang mga magulang ko? Gusto ko silang mahanap!’“Lina!” Nagmadaling sumunod si Zuko sa kanya nang tumakbo siya palabas ng kwarto. Hinabol niya siya nang walang pag-aalangan at nahabol niya siya sa sandaling nakalapit siya sa guest room kung saan tumutuloy sina Jesse at Melissa. Gayunpaman, nang hinihingal na kumatok si Lina sa pinto, sumalubong sa kanya ang eksena ng isang katulong na naglilinis sa loob. Tumayo siya sa tapat ng pinto nang nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa walang lamang kwarto at bumagsak ang puso niya. Nakilala siya ng ilang katulong bilang ang magiging young mistress at nagmadali silang pumalibot sa kanya at marespetong yumuko. Nang nakatulala, tumayo roon si Lina pansamantala bago tinawagan ang pho
last updateLast Updated : 2024-04-22
Read more

Kabanata 1130

Huminto sandali si Toph, pero ngumiti siya pagkatapos at nagsabing, “Makikinig ako sa'yo!”Hindi niya lang siya hinayaang pumili ng lokasyon, pati rin ang kung anong kakainin. Umorder si Renee ng mga croissant at kape, sabay espesyal na humiling ng smoked salmon. Naalala niya ang panahong may limang plato ng smoked salmon noon si Toph para sa agahan niya sa mga Thompson at palihim niya itong itinabi sa isipan niya. Medyo nagulat si Toph pero masaya siyang ngumiti. Nang dumating ang smoked salmon, masayang-masaya niya itong kinain. “Tiyak na… hindi ito kasing sarap ng nasa bahay,” mahinang sabi ni Renee. Nang puno ang bibig, bumulong si Toph, “Mm, masarap!”Tumingin si Renee sa kanya. Hindi siya sigurado kung saan ilalapag ang kamay niya. Kahit na matagal na panahon na silang magkakilala at dahan-dahan nilang nilinaw ang relasyon nila, palaging kakabahan at matatakot ang isang babae na mapahiya sa harapan ng taong gusto niya. Naglagay din si Toph ng salmon sa plato niya at h
last updateLast Updated : 2024-04-22
Read more
PREV
1
...
111112113114115
...
122
DMCA.com Protection Status