“Alam kong mahirap tanggapin, pero nasa tabi mo lang ako kahit anong mangyari,” pinagaan ni Zuko ang loob ni Lina. “Hindi… Hindi!” Umatras nang umatras si Lina habang nagblangko ang utak niya. Iisang bagay lang ang lumitaw sa isipan niya: ‘Ang mga… Nasaan ang mga magulang ko? Gusto ko silang mahanap!’“Lina!” Nagmadaling sumunod si Zuko sa kanya nang tumakbo siya palabas ng kwarto. Hinabol niya siya nang walang pag-aalangan at nahabol niya siya sa sandaling nakalapit siya sa guest room kung saan tumutuloy sina Jesse at Melissa. Gayunpaman, nang hinihingal na kumatok si Lina sa pinto, sumalubong sa kanya ang eksena ng isang katulong na naglilinis sa loob. Tumayo siya sa tapat ng pinto nang nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa walang lamang kwarto at bumagsak ang puso niya. Nakilala siya ng ilang katulong bilang ang magiging young mistress at nagmadali silang pumalibot sa kanya at marespetong yumuko. Nang nakatulala, tumayo roon si Lina pansamantala bago tinawagan ang pho
Huminto sandali si Toph, pero ngumiti siya pagkatapos at nagsabing, “Makikinig ako sa'yo!”Hindi niya lang siya hinayaang pumili ng lokasyon, pati rin ang kung anong kakainin. Umorder si Renee ng mga croissant at kape, sabay espesyal na humiling ng smoked salmon. Naalala niya ang panahong may limang plato ng smoked salmon noon si Toph para sa agahan niya sa mga Thompson at palihim niya itong itinabi sa isipan niya. Medyo nagulat si Toph pero masaya siyang ngumiti. Nang dumating ang smoked salmon, masayang-masaya niya itong kinain. “Tiyak na… hindi ito kasing sarap ng nasa bahay,” mahinang sabi ni Renee. Nang puno ang bibig, bumulong si Toph, “Mm, masarap!”Tumingin si Renee sa kanya. Hindi siya sigurado kung saan ilalapag ang kamay niya. Kahit na matagal na panahon na silang magkakilala at dahan-dahan nilang nilinaw ang relasyon nila, palaging kakabahan at matatakot ang isang babae na mapahiya sa harapan ng taong gusto niya. Naglagay din si Toph ng salmon sa plato niya at h
Lumingon si Toph at pinilit na ngumiti kay Renee. “Hindi ito seryoso, pero… Para maimbestigahan si Melvin, tinignan ng tatay ko ang mga kumpanyang nasa ilalim ng pangalan niya! Nakuha ko na ngayon ang data at kailangan ko tong suriin kaagad,” paliwanag ni Toph. Lumapit si Renee nang bakas ang interes sa mukha niya. Kahit nasa ilalim ng pangalan ni Melvin ang mga kumpanya, mga distraksyon lang ang mga ito. “Ang tunay na kumpanya…” Kinagat ni Renee ang labi niya at bumulong, “Toph, wala kang masyadong mahahanap kapag sinuri mo ang mga ito. Tuso talaga si Melvin. Mayroon siyang kumpanyang tinatawag na Mel Construction, at dito siya kumikita ng pera.”“Mel Construction?” Inulit ito ni Toph habang pinoproseso ang bagong impormasyon. “Mm-hmm! Dahil ginamit ako ni Melvin bilang pamalit sa tunay na Pammy, kailangan kasama ko siya palagi. Sinimulan kong obserbahang maigi ang mga kilos niya at natuklasan ko ang Mel Construction, isang shell corporation!”Nagpatuloy si Renee nang may
Nabigla si Cordelia, sabay tahimik na tumingin kay Linda. “Hmm… Mayroon bang kakaiba sa kanya?”Nag-isip sandali si Linda. “Hindi siya malapit sa'kin, sa halip, masyado siyang magalang sa'min ni Nic. Sa umpisa, naisip kong nahihirapan lang siyang masanay sa bahay namin. Pero nakita ko siyang nakikipag-usap at nakikipagtawanan kay Toph nang dumating siya sa bahay, tapos kaagad siyang naging maingat nang nakita niya kami… Hindi ko maintindihan ang batang ito.”Bumuntong-hininga si Linda. Nitong mga nakaraang, namomroblema siya tungkol sa sitwasyong ito. “Cordelia, marami na akong sinubukan, ibinaba ko pa nga ang sarili ko para matuwa siya… Pero bakit pa rin siya lumalayo? Anak ko siya! Hindi ko siya inabandona nang sadya. Kung maibabalik ko ang oras, ipagpapalit ko ang buhay ko para sa kaligtasan niya…”“Kalma ka lang, Linda.” Mabilis na hinawakan ni Cordelia ang mga kamay niya. Malamig at nanginginig ang mga kamay ni Linda. Hindi niya nakontrol ang mga emosyon niya nang pinag-usapa
“Nag-aalala ako kung ikaw ang gagawa nun.” Umiling si Zephyr. Pagdating sa estratehiya at lakas, hindi maikukumpara ang pangalawang anak niya sa panganay niya sa pagiging kalmado sa hindi inaasahang pangyayari. Gayunpaman, may sariling lakas si Toph—masigla siya, palakaibigan, at mabait, at palaging may tawanan bago siya dumating. Higit pa roon, hindi lang niya kayang kumain at matulog nang maayos, inaalagaan niya rin nang maayos ang pamilya niya at tinitiyak na ganun din ang gagawin nila. Hindi nababagay sa frontline operations ang positibong katangian niya, pero perpekto siya sa logistical support. “Hindi na maitatanggi ngayon ang ebidensya laban kay Melvin,” sabi ni Zephyr nang may malalalim na boses. “Zuko, ayusin mo to hanggang mamayang gabi. Bukas, samahan mo kong isumbong ito sa awtoridad.”“Sige, naiintindihan ko.”“Toph, magpakabait ka sa bahay. Alagaan mo ang nanay mo at si Renee… Oh, at saka bantayan mo sina Nic at Linda.”“Sige, naiintindihan ko!” Isinenyas ni
Nakits ni Linda ang sarili niyang naglalakad sa isang walang-hangganang daang napapalibutan ng kadiliman sa magkabilang gilid. Nang naghanap siya ng liwanag, narinig niya ang tunog ng mga alon at ang mahinang pagtawag ng “Mommy, mommy…”Bumilis ang tibok ng puso niya nang nakita niya ang isang maliit na batang tumakbo papunta sa kanya nang nakaunat ang mga braso. Mukha siyang isang lumilipad na ibon. “Pammy!” sigaw niya habang tumakbo siya paharap. Pero nang inabot niya siya, umapak siya sa kawalan at napasigaw siya. Biglang gumising si Linda, at napansin niyang nasa sarili niya siyang kama sa bahay niya. Napalibutan siya ng mga doktor ng pamilya nila at ang isang luhaang si Nicholas na hawak nang mahigpit ang kamay niya. Habang nahihirapang magsalita, nagawa niya siyang tawagin, “Nic…” “Alam ko.” Nasamid siya. “Sinabi sa'kin ni Zen ang lahat.”Napuno ng kalungkutan at galit ang mga mata ni Linda. “Hindi natin… siya mapapatawad!”“Alam ko.” Tumango siya. “Wag kang mag-alala. A
Ngumiti si Zuko habang hinawakan niya ang kamay ni Lina. Alam niyang haharapin niya nang mag-isa ang araw na ito. Hindi niya siya kayang palitan, pero pwede siyang maging palaging nandiyan para sa kanya. “Ito ang tahanan mo, Lina,” sabi niya habang pinaglalaruan ang buhok niya. “Pauwi na ang mga magulang mo. Isa itong bagong simula para sa'yo.”Sabi ni Lina nang puno ng pag-aalala ang boses, “Pero ako—”“Alam ko,” marahan siyang pinutol ni Zuko at tumitig sa mga mata niya. “Wag kang mag-alala. Dadalhin ko rito ang mga magulang mo mula Jangasas pagkatapos ko rito.”Napuno ng pasasalamat ang mga mata ni Lina. Siya lang ang nag-iisang taong gagawin ang lahat para sa kanya. Nag-aalala pa rin siya, kaya yumuko siya at nag-alangan. “Pero paano kung di sila magpunta?”“Anak ka nila kahit anong mangyari,” pinagaan ni Zuko ang loob niya nang may malumanay na mga mata. “Lina, nangako akong hindi ka mahihiwalay sa pamilya mo.”Habang dahan-dahang tumango, binitawan ni Lina ang kamay niya
Pagkalipas ng dalawang araw, hinuli kaagad ng mga awtoridad si Melvin pagkatapos makatanggap ng report. Sa kasamaang palad, ang nagdaang dalawang araw ay puno ng kalungkutan para sa lahat ng sangkot dito. Natuklasan ng mga pulis ang sira-sirang kotse ng mga Thompson malapit sa dagat at sugatan nang malakas ang driver. Sa huli ay hindi niya nakayanan ang mga sugat niya at namatay sa biyahe papunta sa ospital. Matiyagang tinignan ni Nicholas ang surveillance footage sa iba't-ibang lokasyon pero hindi niya mahanap sina Lina at Renee. Kahit ang taong responsable sa pagdukot sa kanila ay naglaho, kaya lahat ng daliri ay tumuro kay Melvin. Gamit ng mga koneksyon nila, nagawa nila Zuko at Toph na makapasok sa interrogation room kung nasaan si Melvin. Nang nakita niya sila, nagpakita si Melvin ng tusong ngisi at isang malagim na kinang ang kumislap sa hugis tatsulok niyang mga mata. Hindi napigilan ni Toph ang galit niya at hinigpitan niya ang kamao niya para manuntok. Gayunpaman,
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala