Ngumiti si Zuko habang hinawakan niya ang kamay ni Lina. Alam niyang haharapin niya nang mag-isa ang araw na ito. Hindi niya siya kayang palitan, pero pwede siyang maging palaging nandiyan para sa kanya. “Ito ang tahanan mo, Lina,” sabi niya habang pinaglalaruan ang buhok niya. “Pauwi na ang mga magulang mo. Isa itong bagong simula para sa'yo.”Sabi ni Lina nang puno ng pag-aalala ang boses, “Pero ako—”“Alam ko,” marahan siyang pinutol ni Zuko at tumitig sa mga mata niya. “Wag kang mag-alala. Dadalhin ko rito ang mga magulang mo mula Jangasas pagkatapos ko rito.”Napuno ng pasasalamat ang mga mata ni Lina. Siya lang ang nag-iisang taong gagawin ang lahat para sa kanya. Nag-aalala pa rin siya, kaya yumuko siya at nag-alangan. “Pero paano kung di sila magpunta?”“Anak ka nila kahit anong mangyari,” pinagaan ni Zuko ang loob niya nang may malumanay na mga mata. “Lina, nangako akong hindi ka mahihiwalay sa pamilya mo.”Habang dahan-dahang tumango, binitawan ni Lina ang kamay niya
Pagkalipas ng dalawang araw, hinuli kaagad ng mga awtoridad si Melvin pagkatapos makatanggap ng report. Sa kasamaang palad, ang nagdaang dalawang araw ay puno ng kalungkutan para sa lahat ng sangkot dito. Natuklasan ng mga pulis ang sira-sirang kotse ng mga Thompson malapit sa dagat at sugatan nang malakas ang driver. Sa huli ay hindi niya nakayanan ang mga sugat niya at namatay sa biyahe papunta sa ospital. Matiyagang tinignan ni Nicholas ang surveillance footage sa iba't-ibang lokasyon pero hindi niya mahanap sina Lina at Renee. Kahit ang taong responsable sa pagdukot sa kanila ay naglaho, kaya lahat ng daliri ay tumuro kay Melvin. Gamit ng mga koneksyon nila, nagawa nila Zuko at Toph na makapasok sa interrogation room kung nasaan si Melvin. Nang nakita niya sila, nagpakita si Melvin ng tusong ngisi at isang malagim na kinang ang kumislap sa hugis tatsulok niyang mga mata. Hindi napigilan ni Toph ang galit niya at hinigpitan niya ang kamao niya para manuntok. Gayunpaman,
“Sige lang… saktan mo ko!” Lumura ng dugo si Melvin at bumulong. “Ha… Wala kayong magagawa kahit patayin niyo ako! Kapag ginawa niyo yun… isasama ko silang dalawa sa impyerno!”Sumigaw si Toph at tinulak nilang magkapatid si Melvin sa pader. Humigpit ang mapuputla at nanginginig na mga kamay ni Zuko sa leeg ni Melvin. Pinapahirapan siya ng katotohanan hindi niya pwedeng patayin ang kalaban niya. Bigla na lang, bumukas ang pinto ng interrogation room at bumaha ang liwanag papasok. Ilang pulis ang pumasok at sinabihan silang huminto. May nakatayo sa likuran nila. Dahan-dahan siyang naglakad paharap habang ang bawat isang hakbang niya ay mabigat na bumagsak sa lapag. Napakabigat ng presensya niya. Binitawan ni Zuko si Melvin at nilingon ang bagong dating. “Tito Nicholas…”Lumitaw ang kalungkutan sa pagod na mukha ni Nicholas. Marami nang uban sa gilid ng buhok niya. Naalala ni Zuko kung paanong namuti ang buhok ni Nicholas sa isang magdamag nang natanggap niya ang malungkot na
Sumandal sina Lina at Renee sa isa't-isa. Bakas sa kanila ang pagkataranta nila. Inabot ni Lina ang bulsa niya at napansin niyang nawawala ang phone niya, na kumumpirma sa suspetsa niya. Gamit ng isang senyas mula sa Mars niya, ipinahayag niya ang mensahe kay Renee. Samantala, nag-isip nang maigi si Renee. Inalala niya ang insidente ng pag-inom ng juice mula sa katulong bago dumating. “Insan, yung juice!” Sabi ni Renee at nabigla si Lina na nakaramdam pa rin ng pamamanhid sa dulo ng dila niya. Hinawakan ni Renee ang braso ni Lina at sinubukang magmukhang kalmado sa kabila ng problema nila. “Insan… Anong dapat nating gawin ngayon?”Huminga nang malalim si Lina, pero nakakahilo ang ere sa kulob na lugar. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili niya. Tinuro ni Renee ang maliit na bintana sa malapit. Yumuko si Lina para tumingin at nakita niya ang malawak na karagatang nababalot ng hamog. Imposible nilang malaman ang direksyon nila. Wala silang paraan para makausap ang mundo sa
Nahirapang tumayo si Lina at kumikirot ang katawan niya. Gumapang siya papunta kay Renee gamit ang buong lakas niya. Mahigpit nilang hinawakan ang kamay ng isa't-isa para maghanap ng kaligtasan at suporta. Ang mga lalaking pumasok sa kwarto ay may striktong ekspresyon, ngunit nagliliyab ang mga mata nila. Nang umalingawngaw ang mga tunog ng takong, hinilera nila ang mga sarili nila sa magkabilang gilid at gumawa ng daan sa masikip na espasyo. “Ano sa tingin mo ang ginagawa niyo? Nababaliw na ba kayo!?” Narinig sa ere ang boses ng isang babae at tumunog ito nang parang isang malakas na kampana. Nanatiling hindi kumikilos ang mga babae habang pinakawalan niya ang galit niya. Para bang ang hirap huminga sa buong cabin sa bigat ng presensya ng babaeng iyon. Habang magkapatong ang mga braso niya, nagtanong siya nang may malamig na tono, “Sinong nagsimula nito? Ipakita niyo ang sarili niyo!”Wala sa kanilang nagsalita, pero lahat ng mga mata nila ay lumipat sa babaeng nagsimula ng g
Nabigla si Krystal hawak ang kalahating sigarilyo sa pagitan ng mga daliri niya habang naglaho ang mga usok. Maingat niyang tinignan si Lina mula ulo hanggang paa. Napansin niya ang magulong itsura ng babae ngunit naramdaman niya ang walang takot na ereng nagmumula sa kanya. Na parang mga makislap na pilak na bituin, kuminang ang determinasyon sa mga mata ni Lina na kagaya ng sa isang taong pamilya kay Krystal.Habang nakatulala, hindi napansin ni Krystal na naubos na ang sigarilyo niya. Nahimasmasan lang siya nang napaso nito ang kamay niya at napasigaw siya. Mabilis siyang kumalma, sabay inayos niya ang paghinga niya at pinakita ang kaninang kampanteng ngiti niya. “Iha, hindi ba parang ang dami mo namang tanong?” tanong niya. “Kahit na nangangahulugan ito ng kamatayan ko, gusto kong mamatay nang may kalinawan,” mahinang sagot ni Lina. “Heh, walang nagsasabi sa inyong mamatay. Mahalaga kayong dalawa para sa'kin,” sagot ni Krystal. “Mahalaga para ibenta?” Humakbang paharap si
“Kailangan ko ba ng dahilan para puntahan ka, Madame Krys?” Umalingawngaw ang paos na boses ng lalaki, at ang bawat isang salita niya ay parang kasing purol ng isang mapurol na kutsilyo. “Heh, narinig kong may mga hiyas ka rito at gusto ko sanang magtingin!”Hindi sigurado si Lina, pero pakiramdam niya ay para bang sinasadyang harangan ni Krystal ang paningin ng lalaki. Sinusubukan niya ba silang protektahan? Mahirap makasiguro. May katusuhan ang babaeng ito. Kung sasabihin ito ni Lina, para bang mas interesado si Krystal sa pagprotekta sa sarili niyang interes kaysa protektahan sila. Nagsalita si Krystal nang nakapatong ang isang braso sa dibdib at tinutungtungan ng kabila. Dahan-dahang nasunog and sigarilyo sa pagitan ng mga daliri niya at naglabas siya ng nakakaakit na karisma. “Justin, magkahati man tayo sa barkong ito sa pagpapasok mo ng droga at sa pagpapadala ko ng tao, pero dapat tayong hindi nangingialam sa isa't-isa. Bakit ka naghahanap ng kayamanan mula sa'kin?”“Iyon
Narinig na ni Justin ang tungkol sa kabangisan ni Krystal. Alam niyang hindi siya magdadalawang-isip na isakripisyo ang mga tao niya para tuluyang burahin ang mga kalaban niya. Baka nga hilahin pa niya ang iba kasama niya kung kailangan. Walang nagtangkang hamunin si Madame Krys sa underworld dahil gusto bang mabuhay ng lahat sa linya ng trabahong ito. Nang dahan-dahang binitawan ni Justin si Lina, nanatiling nakatitig ang mga mata niya kay Krystal at isang malamig na ngisi ang lumitaw sa mukha niya. Bumilis ang tibok ng puso ni Krystal. Napansin niyang magkakaroon ng matinding kahihinatnan sa hinaharap niya ang paghamon niya kay Justin. Kahit na hindi niya siya kayang harapin nang harapan, alam niyang kaya niyang gumawa ng gulo sa likod ng eksena. Gayunpaman, sa sitwasyong ito, kailangan niya siyang harapin. Hindi para kay Lina, kundi para sa sarili niya. Habang nilapitan siya ni Justin, lumakas ang tawa niya at simple niya siyang tinapik sa balikat. “Galing tayong lahat sa
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala