Home / Romance / Married a Secret Billionaire / Chapter 1141 - Chapter 1150

All Chapters of Married a Secret Billionaire: Chapter 1141 - Chapter 1150

1219 Chapters

Kabanata 1141

“Kailangan ko ba ng dahilan para puntahan ka, Madame Krys?” Umalingawngaw ang paos na boses ng lalaki, at ang bawat isang salita niya ay parang kasing purol ng isang mapurol na kutsilyo. “Heh, narinig kong may mga hiyas ka rito at gusto ko sanang magtingin!”Hindi sigurado si Lina, pero pakiramdam niya ay para bang sinasadyang harangan ni Krystal ang paningin ng lalaki. Sinusubukan niya ba silang protektahan? Mahirap makasiguro. May katusuhan ang babaeng ito. Kung sasabihin ito ni Lina, para bang mas interesado si Krystal sa pagprotekta sa sarili niyang interes kaysa protektahan sila. Nagsalita si Krystal nang nakapatong ang isang braso sa dibdib at tinutungtungan ng kabila. Dahan-dahang nasunog and sigarilyo sa pagitan ng mga daliri niya at naglabas siya ng nakakaakit na karisma. “Justin, magkahati man tayo sa barkong ito sa pagpapasok mo ng droga at sa pagpapadala ko ng tao, pero dapat tayong hindi nangingialam sa isa't-isa. Bakit ka naghahanap ng kayamanan mula sa'kin?”“Iyon
Read more

Kabanata 1142

Narinig na ni Justin ang tungkol sa kabangisan ni Krystal. Alam niyang hindi siya magdadalawang-isip na isakripisyo ang mga tao niya para tuluyang burahin ang mga kalaban niya. Baka nga hilahin pa niya ang iba kasama niya kung kailangan. Walang nagtangkang hamunin si Madame Krys sa underworld dahil gusto bang mabuhay ng lahat sa linya ng trabahong ito. Nang dahan-dahang binitawan ni Justin si Lina, nanatiling nakatitig ang mga mata niya kay Krystal at isang malamig na ngisi ang lumitaw sa mukha niya. Bumilis ang tibok ng puso ni Krystal. Napansin niyang magkakaroon ng matinding kahihinatnan sa hinaharap niya ang paghamon niya kay Justin. Kahit na hindi niya siya kayang harapin nang harapan, alam niyang kaya niyang gumawa ng gulo sa likod ng eksena. Gayunpaman, sa sitwasyong ito, kailangan niya siyang harapin. Hindi para kay Lina, kundi para sa sarili niya. Habang nilapitan siya ni Justin, lumakas ang tawa niya at simple niya siyang tinapik sa balikat. “Galing tayong lahat sa
Read more

Kabanata 1143

Naningkit ang mga mata ni Krystal at kuminang ito nang mabangis nang narinig niya ang pangalang “Melvin Thompson.”“Oo,” kumpirma ni Gabby, sabay iniabot ang naka-record na usapan. “Ang mga usapang ito ay kuha isang araw bago dinala ang dalawang babae rito.”Hindi napigilang ngumisi ni Krystal. Tinawagan siya ni Melvin noon at nangakong dadalhan niya siya ng dalawang babaeng may matataas na kalidad. Habang sangkot sa kaduda-dudang trabaho, maingat si Krystal sa mga ginagawa niya. Sa maingat na pagsisiyasat, inilahad ni Melvin na ang totoo, ang dalawang babaeng ito ay ang anak ni Nicholas at ang sarili niyang anak!Nagulat si Krystal sa rebelasyon. Kahit ang isang mabangis na tigre ay hindi sasaktan ang sarili nitong kuting, pero napatunayan ni Melvin na mas malala siya kaysa sa hayop!Mas lalong pinakita ng naka-record na usapan ang mapanlokong pagkatao niya. Pagkatapos ng transaksyon nila, kaagad niyang pinakalat ang impormasyon kay Justin. Nang napansin niya ito, naintindihan
Read more

Kabanata 1144

Nagkulong sina Zuko at Toph sa study nang limang araw sa walang kapagurang paghahanap ng kahit na anong record ng mga eroplano, tren, at barkong papasok at lalabas sa Centrolis. Tinignan nila ang immigration records at pinanood ang highway surveillance cameras papunta sa ibang probinsya sa pag-asang may mahahanap silang impormasyon tungkol sa posibleng ginamit na sasakyan ni Melvin. Gayunpaman, madalas na nauwi sa dismaya ang pagsisikap nila. Habang lumipas ang mga araw, pareho silang mukhang pumayat nang may magulong buhok at madidilim na ilalim ng mata. Nakaapekto sa pag-iisip nila ang patuloy na paghahanap nila at kinatakutan nila ang mawala ang pinakamamahal nila. Pagkatapos ng isa na namang pagkabigo, kumulo ang inis ni Toph at hinampas niya ang mesa. Kahit na walang ekspresyon si Zuko, tinitigan niya ang computer screen nang may namumulang mga mata habang pinakita ng mga hindi mapakaling daliri niya ang tinatago niyang kaba. Lumingon si Toph sa kanya para may sabihin, nguni
Read more

Kabanata 1145

Sinamantala nina Lina at Renee ang pagpapalit ng shift sa communication room at maraming beses silang pumuslit doon. Hindi sila masyadong nagtagal doon, sandali lang para maging pamilyar sila sa kagamitan o naghahanap sila ng manual. Nakaramdam sila ng takot at kaba sa bawat isang beses, pero ang kakaiba roon, hindi sila kailanman nahuli. Kahit nang narinig nila ang papalapit na mga yabag, nagawa nilang makaiwas sa panaginip na para bang may hindi nakikitang pwersang gumagabay sa kanila. May magandang pag-unawa si Lina sa layout ng barko habang natural na magaling si Renee sa numero. Sa pagtutulungan nila, madali silang nakakuha ng sapat na impormasyon tungkol sa communication room pagkatapos ng maraming subok. Sa gabing ito, nakita nila ang mga sarili nila sa deck ng malaking barko at dahan-dahang umusad sa malawak na asul na karagatan. Inilawan ng buwan ang madilim na langit nang parang isang walang kupas na perlas at malagkit sa pakiramdam ang maalat na simoy ng dagat. Naghi
Read more

Kabanata 1146

Sa sandaling iyon, napagtanto ni Lina na mukhang may sama siya ng loob tungkol kay Gia noon. Tinignan sandali ni Renee ang kwintas at mabilis itong ibinalik kay Lina. “Ang ganda talaga nito,” sabi niya nang nakangiti at inulit, “At hugis bituin ito. Talagang napakabuti ni Zuko sa'yo!”“Kapag hiningan mo si Toph, bibigyan ka rin niya.”“Hindi, hindi, ayaw ko ng sobrang mamahalin!” Mabilis na kumaway si Renee. “Ano palang gusto mo?” tanong ni Lina. Nag-isip sandali si Renee at matapat na sumagot, “Basta't kasama ko siya, wala akong ibang gusto!”Nagngitian ang dalawang dalaga sa isa't-isa nang may kumikinang na mga mata habang pinag-uusapan nila ang mga taong gusto nila. Pinaglaruan ni Lina ang kwintas habang nakatingala sa langit. Ngayong gabi, bilog ang buwan at walang nakikitang bituin sa langit. Nang itinaas niya ang kwintas, nangibabaw ang star pendant sa madilim na asul na langit at kuminang kasama ng buwan na para bang magkaisa ang mga bituin at buwan. “Sabi ni Zuko
Read more

Kabanata 1147

Huminga nang mabilis si Lina at namanhid ang binti niya sa pagtatago. Nagawa niyang suportahan ang sarili niya at tumayo, ngunit dumilim ang paningin niya nang bumagsak ang blood pressure niya at muntik na siyang bumagsak sa lapag. "Lina..."Mabilis na tumayo si Renee para suportahan siya ngunit nahilo siya pagkatapos umupo nang matagal. Pagkatapos, isang kamay ang sumuporta sa kanilang dalawa. Tumingala sina Lina at Renee at tumawag nang may nanginginig na boses, “Madame Krys.”Pinagpatong ni Krystal ang mga braso niya sa harapan ng dibdib niya. May halong galit at tawa sa ekspresyon niya. Nakasuot pa rin siya ng madilim na hapit na bestida. Bahagyang nakabukas ang kwelyo nito kung saan nakikita ang maputi niyang leeg at magandang collarbone. Tumingin siya sa kanila at siminghal. “Sumama kayo sa'kin.”Sumunod ang dalawang babae sa kanya at sinabayan ang mga hakbang niya. Nanghina ang mga binti ni Lina ngunit tumatakbo nang mabilis ang isipan niya. Kahit na maikling lakad
Read more

Kabanata 1148

Higit pa roon, naintindihan ni Krystal na ang mga usapin sa underworld ay hindi isang bagay na mauunawaan ng isang inosenteng babae kagaya ni Lina. Naalala niya kung paano siya iniligtas ni Nicholas noong nasa bingit siya ng kamatayan. Isa itong simpleng kabutihan para kay Krystal, pero sa bata at mapagpasalamat na si Krystal, si Nicholas ay isang bayaning para bang bumaba mula sa langit. Matagal na niyang gustong makabawi sa kanya, pero sa halip, hindi niya sinasadyang natulungan ang mga kalaban dalawampung taon ang nakaraan. Ginambala siya ng pagsisisi simula noon. Sa wakas, mayroon na siyang pagakakataon ngayon…Ngumisi si Krystal at tumingin kay Lina na handa nang magsalita, ngunit nagpatuloy si Krystal bago siya makapagtanong ng kahit na ano. “Siya mga pala, ipaalam ko kay Nicholas na pakiramdam ni Krys ay nadismaya niya siya. Sa kabila ng lahat, sangkot pa rin ako sa maduming trabahong to sa halip na maglakad sa daang makatarungan.”Huminto sandali si Lina, pinakalma ang isip
Read more

Kabanata 1149

Bigla na lang, tumunog ang phone ni Zuko. Napagaan ang sipa niya sa kaunting gulat nang nakita niya sa screen ang pangalang pinakapinag-aalala niyang makita nitong nagdaang ilang araw—si Melissa. Huminga nang malalim si Zuko at naglakad palabas ng kwarto para sagutin ang tawag. Binati niya si Melissa nang may kalmadong tono, “Ma'am.”Natawag siyang “Zeke” ni Melissa pero mabilis niyang tinama ang sarili niya at naging maingat at mahinhin. “Mr… Mr. Hamerton, kumusta.”“Ma'am, di niyo kailangang maging pormal sa'kin. Tawagin mo na lang akong Zeke. Bakit di kayo nagpaalam sa'kin noong umalis kayo ng Centrolis?”“Oh…” Pinilit na ngumiti ni Melissa at nagsabing, “Hindi ka namin gustong abalahin. Kaya pa naman namin… Ano… Si Lina… Ayos lang ba siya?”Nag-alangan siya bago nakapagtanong sa wakas. …Ang totoo, sa nagdaang dalawang araw, pinag-isipan niyang mabuti ang tawag na ito. Sa sandaling nalaman niyang si Lina ang nag-iisang anak ng mga Thompson, isang tunay na tagapagmana, alam
Read more

Kabanata 1150

Samantala, nanood si Nicholas nang malamig at walang pakialam. Puno ng nagliliyab na galit ang mga madidilim na mata niya.Kahit na puno siya ng sugat, nagpatuloy si Melvin na galitin si Nicholas gamit ng mga bastos na salita. Determinado siyang makakuha ng reaksyon sa kanya. “Sinasabi ko sa'yo… Nagsasaya na siguro ang anak mo kasama ng ibang lalaki ngayon! Hahaha… Zuko Hamerton! Binabati kita! Kahit na mahanap mo si Lina, isa lang siyang walang kwentang p*ta na ginalaw ng mga lalaki! Hahaha…” “Tama na ang kalokohan mo! Tabi!”Ilang gwardya ang namagitan at sapilitang kinaladkad si Melvin habang dahan-dahang sumara ang bakal na pinto na nagpahina sa mga sigaw ni Melvin. Tumunog ulit ang phone ni Zuko at pinutol ang mabigat na ere. “Zeke?” Narinig ang natatarantang boses ni Melissa. “A-Anong nangyari? Sino yung sumisigaw? May kinalaman ba ito kay Lina?”Hinilot ni Zuko ang sentido niya para subukang pakalmahin ang isipan niya, pagkatapos ay mahinang sumagot, “Ma'am, wag kang
Read more
PREV
1
...
113114115116117
...
122
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status