Home / Romance / Married a Secret Billionaire / Chapter 1081 - Chapter 1090

All Chapters of Married a Secret Billionaire: Chapter 1081 - Chapter 1090

1219 Chapters

Kabanata 1081

Hindi masabi ni Zuko na di niya kayang kontrolin ang sarili niya. Marahan niyang hinawakan ang maliit na kamay niya, hinaplos ang likod nito gamit ng hinlalaki niya, at tumingin sa mga mata niya nang may malumanay na ngiti. “Hindi kita gustong abalahin.” Gumawa siya ng palusot. “Pagbalik natin, nakasalubong natin si Gia. Baka magkalat siya ng tsismis tungkol sa pagsasama natin rito.”Nagbago ang ekspresyon ni Lina at seryoso siyang tumango. May punto ang sinabi niya. Nagbago na ang pakikitungo sa kanya ni Gia at kailangang maging maingat ni Lina. Kapag nalaman na dalawa sila sa kwarto nang walang maayos na rehistrasyon, pwede itong gumawa ng malaking kaguluhan at madamay pa ang mga pulis. Gayunpaman…Tumingin si Lina sa kanya. Lumipat ang pag-aalala niya sa magiging kalagayan ni Zeke. Mas nag-aalala siya sa kanya at wala siyang lugar na tutuluyan.Naintindihan ni Zuko ang nasa isip niya. Marahan niyang hinaplos ang buhok niya at bumulong, “Wag kang mag-alala. Nagbibiro lang ako
last updateLast Updated : 2024-04-12
Read more

Kabanata 1082

Matagal nang narinig ni Heidi na ikinasal na si Lina, at ang malala pa roon, ikinasal siya sa isang mahirap na truck driver. Ngayon, nang nakita niya siya sa personal, mukha nga siyang mahirap. Ngumiti si Heidi at kaagad na gumamit ng masungit na tono nang nakita niya si Lina sa loob ng kwarto. Nilakasan niya ang boses niya, “Naghahati kayo sa kwarto pero isang passport lang ang gamit niyo para sa registration. Iligal ito sa Southeast Aciatic!“Lina Jenner, ang dami mong dinalang problema para sa'kin sa trip na'to! Hindi kita palalampasin ngayong nagtatago ka pala ng tao sa kwarto mo!”“Ms. Lister, hindi ito kagaya ng iniisip mo!” Humakbang si Lina paharap at hinarangan si Zuko sa likuran niya at sumenyas na umatras siya. Nabigla si Zuko. Naramdaman niya ang pag-aalala at kaunting takot ng dalaga habang nanginig ang mga balikat niya. Pero, nakita niya rin ang determinasyon niyang protektahan siya. Isa itong kakaibang pakiramdam at may nabuong ngiti sa gilid ng bibig niya. “Ms
last updateLast Updated : 2024-04-12
Read more

Kabanata 1083

“Oo, tama ka,” naiinis na sumagot ang general manager habang sandaling sinulyapan si Heidi. “Pinahahalagahan ng hotel namin ang mga panauhin nito.”“Pero silang dalawa—”“Narinig ko ang sinabi ng dalagang ito kanina,” sumingit ang lobby manager. “Mag-asawa sila!”“Ah…” Nagpanggap na nag-isip ang general manager habang tumatango. “Kung ganun, madali lang ang solusyon dito! Dahil ligal silang mag-asawa, natural lang na magsama sila sa isang kwarto.”Nanigas si Heidi sa kinatatayuan niya nang gulat na gulat habang si Gia, na nakatayo sa likuran niya, ay nakangiwi.“General manager, hindi naman yata tama ang sinasabi mo.” Sinubukang iligtas ni Heidi ang sitwasyon. “Hindi ba sabi sa batas ng Southeast Aciatic na—”Lumingon ang manager sa kanya. “Miss, ikaw ba ang mas nakakaalam sa batas ng Southeast Aciatic o ako?”“Ano…”“Hindi man tamang gumamit ng ID ng isang tao para sa registration para magpatuloy ng dalawang tao, pero hindi ganito ang sitwasyon sa mag-asawa. Itinuturing na isa
last updateLast Updated : 2024-04-12
Read more

Kabanata 1084

Marahang pinisil ni Zuko ang balikat niya nang nakangiti para sabihan siyang manatiling tahimik. Pagkatapos ay lumingon siya sa manager nang mayroon pa ring kalmadong ekspresyon at nagtanong, “Hindi ako sigurado sa ibig mong sabihin sa ‘paghingi ng tawad’.”“Ano…” tumingin ang manager kay Heidi at tinaas ang boses niya, “Bilang isa sa highest-rated hotels sa Southeast Aciatic, nabigo kaming alamin ang pinagmulan ng mga panauhin namin at hinayaan naming manatili rito ang ilang mga magugulong tao. Talagang naging pabaya kami!”“Anong sabi mo!?” Kaagad na sumigaw si Heidi nang lumalakas ang boses, “Sino ang tinutukoy mo? Sino!?”Pinagpatong ng manager ang mga braso niya sa dibdib niya at tinignan siya nang naiinis. Mabilis na kumibo ang mga bodyguard at hinawakan ang mga braso ni Heidi para dalhin siya palabas. Nanlaki ang mga mata ng mga estudyante at nagbulungan sa gulat. “Pasensya na, Ms. Lister,” singit ng manager habang nagtitingin ng impormasyon sa iPad niya. May bakas ng pag
last updateLast Updated : 2024-04-12
Read more

Kabanata 1085

Pinigilan ni Gia ang paghinga niya nang nakaramdam siya ng lamig mula sa mga titig ni Zuko. Naglaho ang ngiti ni Zuko na napalitan ng kinang ng bangis sa mga mata niya. “Binalaan na kita,” sabi niya. “Kung may magtangkang manakit sa babae ko, tinitiyak ko sa'yong mas masaklap pa sa kamatayan ang mangyayari sa kanila. Ms. Chapman, akala mo ba nagbibiro ako?”Nautal si Gia at sinubukang ipagtanggol ang sarili niya nang tumindi ang sitwasyon. “M-Mr. Hamerton… Wala akong masamang intensyon sa'yo o kay Lina. Hindi ko alam kung paano kumalat ang impormasyon ng pananatili mo sa kwarto ni Lina—”Pinutol siya ni Zuko nang may malamig na pananalita. “Heh! Siguro may p*tang hindi maisara ang bibig niya at nagpakawala ng ilang tahol.”Nanlaki ang mga mata ni Gia sa gulat. Nagpatuloy si Zuko. Puno ng pagbabanta ang boses niya. “Gia Chapman, nasira ang mukha ni Violet, at pinalayas naman si Heidi. Sa isang tango lang mula sa'kin, baka maging isa sa mga nawawalang tao sa Southeast Aciatic ang
last updateLast Updated : 2024-04-12
Read more

Kabanata 1086

“Toph, hindi mo kailangang gawin ulit ang lahat ng ito.” Sabi ni Renee nang may boses na puno ng sinseridad. Tumingin siya sa mga mata ni Toph at nagtapat, “Hindi ako si Pamela.”Nanginig ang mga kamay ni Toph at muntik matapon ang instant noodles. Kahit na inihanda na niya ang isipan niya, nagulat pa rin siya nang narinig niya ang pag-amin direkta mula kay Renee. Iniunat ni Renee ang kamay niya at nagpatuloy. “Kilalanin natin ulit ang isa't-isa. Renee Thompson ang pangalan ko. Thompson…”Huminto siya sabay kinagat ang labi niya bago nagpatuloy, “Ang Thompson ni Melvin Thompson.”Nagkaroon ng katahimikan sa ere bago bumulong si Toph, “Kung ganun, anak ka pala talaga ni Melvin.”Nagtanong si Renee, “Pala talaga?”Tinaas ni Toph ang mga mata niya at nagpaliwanag, “Matagal na naming nararamdamang kamukha mo siya, kaya nanghula kami at lumalabas na totoo pala ito.”Yumuko si Renee nang may malumanay na ngiti sa mga labi niya. “Sana hindi ko na lang siya naging kamukha.”Pagkatapos
last updateLast Updated : 2024-04-12
Read more

Kabanata 1087

“Ano?” Kuminang ang mga mata ni Fred sa sabik nang ipinahayag niya ang gulat niya. Lumapit si Zuko nang may maliit na ngiti sa gilid ng labi niya. “Ang sabi ko, tutulungan kitang maging makapangyarihan! Pero may isang kondisyon kang dapat sang-ayunan.”Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Fred habang nagkainteres siya sa alok ni Zuko. Sa kabila ng agwat ng edad nila, ang binatang nakatayo sa harapan ni Fred ay naglabas ng isang klase ng ere na mas malakas kaysa sa kanya. Alam na alam ni Fred ang pinagmulan ni Zuko bilang isang Hamerton, at simula nang dumating siya sa Southeast Aciatic, nalaman niya ang tungkol sa koneksyon sa pagitan ng mga Hamerton at ng royal family sa rehiyon. Binigyan si Zuko ng dakilang titulo simula pagkabata. Bilang isang taong nasa katwiran, napansin ni Fred na wala siyang ibang magagawa kundi makipagtulungan sa young Count. Huminga siya nang malalim at tumango. “Susundan kita, Mr. Hamerton!”“Magaling.” Nagsalin ng kape si Zuko sa baso nang kalmado at
last updateLast Updated : 2024-04-12
Read more

Kabanata 1088

“Una, ayusin natin ang isyu tungkol sa maanomalyang inumin ng Grist Group,” sabi ni Zuko.Nabigla si Fred sa suhestiyon niya. “Ang ‘Rose Dew’ beverage, ang kilalang produkto niyo. Binago niyo ang balot nito at binenta niyo ulit, tapos iisipin niyo walang mangyayaring problema?” Tanong ni Zuko. “Ah, hindi, hindi.” Nanlulumong ngumiti si Fred. “Ang totoo, hindi ako pumayag na maibenta ang produktong ito sa merkado sa simula pa lang. Pero wala akong magawa. Hindi karamihan ang mga tao ko sa board of directors kaya hinayaan nila silang gawin ang gusto nila.”“Alam mo kung anong susunod mong gagawin, tama?” Tanong ni Zuko. Seryosong tumango si Fred. Naintindihan niya ang hakbang na kailangan niyang gawin. Ibibigay niya ang formula ng inumin, aaminin sa publiko ang pagkakamali, at tatanggapin ang parusa mula sa kaugnay na kawanihan. Higit pa roon, titiyakin niyang haharapin ng mga responsable rito ang kahihinatnan nito. Alam na ni Fred na ang motibasyon ni Zuko ay malamang na par
last updateLast Updated : 2024-04-12
Read more

Kabanata 1089

“Gia Chapman?” Nabigla si Toph.“Oo.” Binunyag ni Renee ang nalalaman niya. “Narinig kong binanggit ng tatay ko ang pangalan niya nang ilang beses sa tawag, sabi niya gusto niya siyang burahin. Bago ako pumunta sa Centrolis, binigyan ako ng tatay ko ng pera, at palihim ko tong ginamit para manuhol ng tao sa ospital para sa DNA testing. Si Gia ang nagbigay ng sample na pinadala ng tatay ko para sa testing.”Nanlaki ang mga mata ni Toph sa gulat. Malinaw na hindi siya nakatuon sa pangalang Gia. Tumingin siya kay Renee at ngumiti nang malaki. “Hindi ko inasahan to!”Nabigla si Renee. “Anong di mo inasahan?”“Hindi ko inasahang kaya mong manuhol ngayong napakainosente at napakahinhin mong tignan,” sabi ni Toph. “Ako…” Walang nasabi si Renee. Namula siya at nagmadaling lumingon palayo. Lumapit si Toph habang inoobserbahan ang mahahabang pilikmata at kaaya-ayang pekas sa maputing mukha niya. Hindi niya napigilang ngumiti. Pakiramdam niya ay parang nakatutok sa kanya ang sinag ng araw
last updateLast Updated : 2024-04-12
Read more

Kabanata 1090

Hindi pa nakakalayo ang kamay ni Renee nang mabilis itong hinawakan ni Toph at kalmado itong ibinalik sa braso niya. "Toph—"“Marami akong alam na magagandang restaurants sa Jangasas. Tara, ililibre kita ng masasarap na pagkain!” Sabi ni Toph habang hila-hila siya. Sandaling nabigla si Renee bago lumitaw ang isang ngiti sa mukha niya na para bang napunta sa kanya ang buong mundo. “Renee, alam mo bang sa Jangasas nagkita ang mga magulang ko?” Nagpatuloy na nagsalita si Toph habang naglakad sila. “Ang hotel kung saan sila unang nag-date ay sa Regalia Hotel, at kumain sila ng lobster risotto…”...Nang bumalik si Zuko sa presidential suite, nag-iimpake si Lina at hindi niya siya kinausap simula nitong hapon. Medyo kakaiba ang pakiramdam sa ere. Malinaw niyang nararamdamang lumalayo sa kanya si Lina. May ilang sandaling nagtagpo ang mga mata nila at tumingin si Lina sa kanya nang may pagdududa. Nilapitan siya ni Zuko para kausapin siya, pero hindi niya mahanap ang mga salit
last updateLast Updated : 2024-04-12
Read more
PREV
1
...
107108109110111
...
122
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status