Diniin ni Zuko si Lina sa pader at naglabas ng mapanganib at nakakaakit na aura. “Alam mo ba kung gaano ako katagal naghintay sa'yo ngayong araw?” tanong niya nang may bakas ng kalungkutan sa paos niyang boses na nagpangiti kay Lina. “10 oras, 32 minuto, at 56 segundo!” deklara ni Zuko. “Eksaktong-eksakto naman,” komento ni Lina. “Syempre.” Tinagilid ni Zuko ang mukha niya. “Di ba sa tingin mo dapat mong bumawi sa'kin?”Nang papalapit na ang mga labi ni Zuko kay Lina, bigla niya siyang pinigilan gamit ng isang daliri at natigil ang halik nila. “Babawi ako sa'yo,” sabi ni Lina nang may misteryosong ngiti. “Isasama kita para makakita ng alitaptap!”“Huh?” Tanong ni Zuko.“Yung lugar na nabanggit ko kahapon,” paliwanag ni Lina. Nabigla si Zuko. Kaya ba talagang pasukin ni Lina ang lugar na kwinento niya kahapon?Hinawakan ni Lina ang leeg niya gamit ng dalawang kamay niya at nasasabik na bumulong, “Sabi sa'kin ng kaklase ko, kahit na isa itong pribadong hardin, mayroong daan
Last Updated : 2024-04-10 Read more