Sumigaw si Mary at bumagsak sa pader. Sa gulat, gusto siyang puntahan at tulungan ni Zuko, pero patuloy niya siyang iniwasan habang nanginginig sa takot.“P-Patawad!” utal niya na humihingi ng tawad. “Hindi ko sinasadya! Nangangako ako di ko na ulit sasabihin yun, di na mauulit!”Nagsalubong ang kilay ni Zuko at naramdaman niya may nalalaman si Mary. Dahan-dahan siyang lumuhod habang lumamig ang mga mata niya at diniin ang bawat isang salita. “Mrs. Nash, may tinatago ka ba sa'kin?”"Huh?"“Nag-away na naman ba kayo ng mother-in-law ko tungkol sa kapanganakan ni Lina?” Tanong ni Zuko habang ginagabayan siya ng kutob niya. Namutla ang mukha ni Mary habang yumuko siya. Hindi niya kayang tumingin sa mga mata niya. Nagpatuloy si Zuko nang naniningkit ang mga mata. “Kung hindi ako nagkakamali, nakita mo ang mother-in-law ko at kinutya mo ang katotohanang ampon si Lina, na nauwi sa away sa pagitan niyong dalawa.”Pagkatapos ng isang sandali, tahimik na tumango si Mary. Naging seryo
Umubo nang dalawang beses si Zuko nang nagngingitngit ang ngipin, “Ang dami mong sinasabi.”Ngumiti si Toph at nagtanong, “Zuko, nag-aalala ka bang hindi matatanggap ni Pammy ang katotohanan? Lalo na't mabuti ang trato sa kanya ng bago niyang pamilya.”Huminto sandali si Zuko at umamin, “Ganun nga ang pinag-aalala ko.“Nag-aalala ri ako na baka ayaw bumalik ni Lina sa mga Thompson, sobrang masasaktan nun sina Tito Nicholas at Tita Linda.”“Oo, totoo yan.” Tumango si Toph. “Kaya kailangan nating magdahan-dahan.”…Samantala, naglakad nang pabalik-balik si Melvin sa villa. Napansin niya ang isang bagay sa pasemano na nagpainis sa kaya at ibinato niya ito sa pader. “Ang p*tang yun!”Hindi kumilos ang mga katulong at tagapagsilbi at takot silang lumapit sa kanya. Hindi sila sigurado kung sino ang tinutukoy niya. Huminga nang mabilis si Melvin. Wala siyang masisi para sa bagay na ito. Minaliit niya ang sarili niyang anak!Hindi niya inasahang magkatulad pala si Renee at ang n
Napahinto si Lina nang nakilala niya ang plaka—sa kotse ito ni Gia. Kinagat niya ang labi niya at handa niya siyang harapan, pero mabilis na umandar ang kotse papalayo, lumiko sa kanto, at naglaho. Naririnig ni Zuko ang ingay at nagmadali siyang lumabas. Nang nakita niyang basang-basa si Lina, nalungkot at nagsisi siya. “Dapat sinundo kita sa ospital!”“Ayos lang.” Mahinang tumawa si Lina. “Sinong mag-aakalang may biglang lumitaw na kotse sa katitikan ng araw?’”“Nakita mo ba ang plaka?”Dumilim ang mga mata ni Lina at bumulong siya, “Ang kotse ni Gia.”Nabigla si Zuko at nagtaka siya. Sinusubukan bang puntiryahin ni Gia si Lina? Sapat na ba sa kanyang basain niya siya ng tubig? Malamang ay may iba pang dahilan sa likod nito!“Zuko, di ko talaga maintindihan… Bakit niya ko tinatrato nang ganito?” Kahit na hindi na nalulungkot si Lina kagaya noon, nagdala pa rin ng dilim sa kanya ang insidenteng ito at hindi niya ito malimutan. Trinato niya nang mabuti si Gia bilang isang kaibiga
Dinala ni Toph si Renee pabalik ng Centrolis at inihatid siya hanggang sa bahay niya. Nagpaalam lang siya sa kanya sa pintuan ng Thompson residence. Gusto niya sanang magtagal pa sa mga Thompson kaso kailangan niyang maghapunan kasama ng mga magulang niya. Sinabihan siya ni Toph bago umalis, “Renee, wag ka munang magsasabi kina Tito Nicholas at Tita Linda tungkol kay Pammy. Sabi ng kuya ko kailangan nating mag-ingat.”“Sige, naiintindihan ko.” Kinagat ni Renee ang labi niya. Alam niya ang pakiramdam na ito. Nang biglang lumitaw si Melvin at nagpakilalang ama niya, para ba siyang tinamaan ng kidlat. Kung ganun katindi ang gulat niya sa paglitaw pa lang ng ama niya, hindi niya maisip kung gaano kasakit para kay Pammy na malamang hindi talaga sa kanya ang tahanan niya nang dalawampung taon. “Sige, umuwi ka na!” Ngumiti si Toph nang may mga matang puno ng pag-aalangan. Ilang beses siyang kinawayan ni Renee bago dahan-dahang pumasok sa gate ng mansion. Gayunpaman, sa sandaling umapak
Alam ng kawawang bavae ang lugar niya—ang salitang ito ang pinakamalakas na sandata niya. “Papa!” Desperadong nagmakaawa si Renee. “Papa, gagawin ko ang lahat ng sasabihin mo… Pakiusap, iligtas mo ang nanay ko!”“Gagawin mo ba talaga ang kahit na anong sabihin ko?”“Oo…”“Kung ganun, tulungan mo kong makuha ang gusto ko!”Malamig na binagsak ni Melvin ang mga salitang ito at sinipa siya bago naglakad palabas ng kwarto. Habang tinitiis ang sakit ng tuhod niya, pinilit ni Renee na tumayo. Pinunasan niya ang mga luha niya, pinakalma ang sarili niya, at dahan-dahang naglakad papunta sa sala. Nakapaglatag na si Lina ng isang mesang puno ng mga pagkain para salubungin siya. “Pamela!”Huminto si Renee, sabay pinilit ang sarili niyang ngumiti nang natural. Mainit na lumapit si Linda at iniunat ang mga kamay niya, ngunit yumuko si Renee at iniwasan siya. Para bang binuhusan ng malamig na tubig si Linda. Nanigas sa ere ang mga braso niya at isang bakas ng kalungkutan ang lumitaw s
“Oo.” Ngumiti si Linda. “Hindi namin gustong magkulang sa anak namin, pero siya…”“Pamela, nagkakamali ka!” Naningkit ang mga mata ni Melvin. “Dapat mong tanggapin ang binibigay sa'yo ng mga magulang mo. Pagrespeto ito sa kanila bilang anak!”Mahigpit na sinara ni Renee ang mga kamao niya, pagkatapos ay dahan-dahan itong pinakalma. Nanatili siyang tahimik nang isang sandali bago dahan-dahang tinanggap ang dokumento. Kuminang ang mga mata ni Linda at masaya siyang ngumiti. “Pipirmahan ko ito,” mahinang sabi ni Renee. “Pero pwede ko ba muna tong basahing maigi?”“Syempre!” Mabilis na pumayag si Linda. “Pwede kang bumalik sa kwarto mo at suriin ito nang maigi pagkatapos ng hapunan. Ayos lang kung matagalan ka. Kung kailangan mo ng tulong ng isang abogado, mayroon akong naaayong tao rito!”“Linda, may kilala akong ilang magagaling na abogadong kayang—”“Hindi na kailangan!” Biglang tinaas ni Renee ang mukha niya. Nabigla si Melvin. Kahit na mukha siyang mahinhin, malinaw niyang
Nagtanong si Toph nang may mahinang boses, “Sigurado ka ba talagang si Lina si Pammy?”“Oo,” kampanteng sagot ni Zuko. Alam ni Toph na palaging sigurado ang mga sinasabi ng kuya niya. “Noon, nang nagpunta si Lina sa Southeast Aciatic, may medical report sa lugar ni Tito Carter,” sabi ni Zuko. “Ano?” Nabiglang sabi ni Toph. “Nagkataon lang ito. Ilang araw ang nakaraan, sumailalim si Tito Nicholas sa isang medical examination sa joint hospital dahil sa stress sa trabaho at burnout. Palihim akong nagsabing magtabi ng isang sample ng test niya, at…”Gulat na nakinig si Toph mula sa kabilang linya. “Kung ganun, tunay silang mag-ama?”“99.99%,” kalmadong sabi ni Zuko. “Sa tingin mo may isang pares ng hindi tunay na mag-ama na magdadala ng ganitong resulta?”Nanatiling nakatulala si Toph nang isang sandali. Pagkatapos niyang bumalik sa realidad, namangha siya sa takbo ng tadhana, ang hindi maunawaang kapalaran, at ang pagsasaayos ng buhay. Pagkatapos ibaba ang tawag, pinag-isipa
Lumabas ng opisina ng doktor si Jesse nang para bang naglalakad siya sa bulak sa bawat hakbang niya. Sa sandaling binuksan niya ang pinto, nakita niya si Melissa na nakatayo sa labas at nanlaki ang mga mata niya. Nang hindi masyadong nag-iisip, mabilis siyang ngumiti at nagsabing, “Honey, bakit ka nandito? Normal ang resulta ng pagsusuri sa'yo, ikaw…”Namumula ang mga mata ni Melissa at nanginig ang boses niya habang tinanong niya ang doktor, “Gaano katagal na lang ang natitira sa'kin?”Inayos ng doktor ang salamin niya at matapat na sumagot, “Kumplikado kondisyon ang breast cancer, at kumalat na ang cancer cells mo. Pwede mong pahahabain nang limang taon ang buhay mo gamit ng surgery at chemotherapy.”“Limang taon?” Napahinto si Melissa sa kinatatayuan niya. Sa pag-aalalang hindi niya ito kayanin, nagmadaling lumapit si Jesse at niyakap siya, sabay sabing, “Hindi, ayos lang yun… Maliit na operasyon lang yun. Pwede nating tanggalin ang cancer cells mula sa katawan mo, at magiging
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala