Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Chapter 951 - Chapter 960

All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 951 - Chapter 960

2769 Chapters

Kabanata 952

Pinatayo na rin si Nollace mula sa sahig at naglakad sila papunta sa villa.Sa loob ng kwarto..Makikita sa screen ang isang matandang babae na may kulay abong buhok na inaayusan ang alaga nitong poodle.Pumasok ang babae, at ang isa pang babae na nakatayo sa gilid ng computer ay walang iba kung hindi si Zeta Yanev.Lumapit ang babae sa screen. “Madam, dinala namin si Young Mr. Knowles fito, pero may batang babaeng sumunod. Mukhang hindi ordinaryo ang pagkatao niya.”Huminto si Madam Knowles at tumingala, hindi pa rin mabait tingnan ang matanda na niyang mukha. “Sino ang batang babae?”Umiling ang babae at sinabi lang na kaibigan ito ni Nollace mula sa school.Kumunot agad ang noo ni Zeta. “Anak siya ni Mr. Goldmann. Bakit mo siya sinama?”Natigilan ang babae. “H-hindi ko alam kung sino siya. Nagpumilit siyang sumama kay Nollace.”May gustong sabihin si Zeta, pero inunahan siya ni Madam Knowles. “Hmph, natrap ka. Kung may kaugnayan si Tristan sa mga Goldmann, ibig sabihin ay a
Read more

Kabanata 953

Biglang nakatanggap si Nolan ng tawag mula kay Tristan na nagtanong, “Kinuha si Nollace at ang anak mong babae?”Hinawakan ni Nolan ang kaniyang panga. “Huli ka na. Nasa port sila ng seaside township.”Bumulong si Tristan, “Port ng seaside township…” Bigla siyang may naintindihan. “Hindi, dadalhin sila sa Cliffords!”…Pumuslit si Daisie sa loob ng villa sa gitna ng kaguluhan at biglang nagtago sa likod ng pader. Dalawang lalaking nakaitim ang naglabas kay Nollace sa villa. Nagsimula siyang mataranta. Anong dapat niyang gawin?Hindi niya napagtanto na mayroon ng taong nakasunod sa kaniya.Biglang narinig ni Nollace ang sigaw ni Daisie. Tumalikod siya at nakita ang isang lalaking nakaitim na buhat-buhat si Daisie.Nagpumiglas si Daisie pero hindi sapat ang lakas para makatakas.“Ikaw bata ka, nahuli rin kita. Ikaw ba ang nagsimula ng sunog sa warehouse?” Sinigawan siya ng lalaki.Hindi aamin si Daisie. “Paano ko naging kasalanan ang pagkasunog ng warehouse niyo—-Aah!”Hinagis
Read more

Kabanata 954

Mas humigpit ang hawak ni Maisie sa bag niya, matalim ang kaniyang tingin. “Alam mo bang spy ng nanay mo si Zeta?”“Oo.”“Kung ganoon, nilagay mo lang sa panganib ang mga bata?”Pagkatapos ng ilang segundo, tumingala si Tristan at tiningnan si Maisie. “Mrs. Goldmann, may mga bagay na wala sa kontrol ko. Noong una, naghihinala ako kay Zeta, at hindi ko makumpirma kung nagtatrabaho siya sa akin bilang spy. Sinet-up ko ang nangyari nung Christmas at nalaman kong may kinalaman siya.“Inaamin kong dinamay ko si Nolan dahil sa Bassburgh hindi sila basta-basta kikilos habang nandito ang mga Goldmann, pero hindi ko inaasahang kikilos sila ngayon at dadalhin sa Octavia ang mga bata.”Hindi siya diyos. Anumang plano na gawin niya ay pinag-iisipan niya, at gagawin niya ang lahat para matupad yun. Gayunpaman, hindi niya inaasahang kikilos ang mga taong yun ngayon. Nagpadala siya ng tao na magbabantay kay Zeta at nalaman niyang nagpunta sila sa seaside Township, pero hindi siya ang sumundo sa
Read more

Kabanata 955

Nabigla si Daisie at agad na naawa para kay Nollace.Huminga siya nang malalim at tinapik ang dibdib. “Huwag ka mag-alala, kaibigan mo na ako simula ngayon. Pati na rin ang mga kapatid ko. Hindi ka na malulungkot.”Ngumiti si Nollace.Makulit na bata si Daisie Goldmann pero mabait ito.….Nagsimulang bumalot ang kadiliman sa langit.Lumabas ng kotse si Maisie suot ang isang brown trenchcoat na may belt at boots, ang mahaba at mala-seaweed niyang buhok ay nakalugay. Wala siyang suot na makeup, tanging lipstick lang. Mayroon din siyang kasamang dalawang bodyguards.Dinala siya ng server papunta sa VIP room, binuksan ang pinto at sabay na lumingon si Tristan at kasama nitong lalaki.Si Jackie na iinom sana ng wine ay napahinto at napatingin sa mukha ni Maisie. Pamilyar ito sa kaniya kaya nagtagal ang kaniyang tingin.Ngumiti si Tristan. “Mr. Clifford, siya si Ms. Maisie Vanderbilt.“Maisie Vanderbilt.” Kumunot ang noo ni Jackie.Sa sandaling ito, lumakad si Maisie papunta sa me
Read more

Kabanata 956

Napahinto si Jackie sa paglalakad.Tumalikod siya, tumingin kay Maisie at nagtanong, “Anong ibig mong sabihin?”Sumimsim si Maisie ng wine sa baso niya, tinaas ang tingin kay Jackie at sinabing, “Muntik na maaksidente ang anak ko sa school dahil sa isang assassination attempt, at nasa school ang kotse mo nang araw na yun. Kaya naman, inimbestigaha kita.”Nagngalit ang mga ngipin ni Jackie, at nagdilim ang mukha niya.Palihim na binasa ni Maisie ang ekspresyon nito. Wala pa lang alam si Jackie tungkol doon. Gayunpaman, imposibleng hindi niya alam kung sino ang nagmamaneho ng kotse niya.Binaba niya ang baso niya at tumayo. “Dahil dahil naman tayong magkaklase, nagpunta ako dito para makipag-usap sa iyo nang buong puso.”Pumalatak ang dila ni Jackie. Mukha man siyang gentleman sa itsura niya, pero alam niya sa sarili niyang pagpapanggap lang yun.“Paano kung hindi natin yun mapag-uusapan?”Tinitigan siya ni Maisie at sinabing, “Kung hindi natin ito mapag-uusapan, titingnan na lan
Read more

Kabanata 957

Walang ekspresyon na sumagot si Thomas, “Pumunta lang ako dito para sumilip.”Lumabas sina Zeta at ang babae nang papunta siya sa wine cellar. Nang makita nila si Thomas, nag-bow sa kaniya si Zeta at bumati, “Elder Master Clifford, pasensya na sa abalang nadulot ko sa inyo.”“Hmph, alam niyo rin pa lang inaabala niyo ako.” Madilim ang mukha ni Thomas. “Bakit niyo dinamay ang mga Goldmann dito?”Mahinang sumagot ang isang babae, “Hindi niyo kami masisisi dun, Elder Master Clifford. Ang batang babae mismo ang kusang sumama sa amin. Naisip namin na hindi magpapadalus-dalos ang mga Goldmann kung nasa mga kamay namin ang bata.”Tiningnan siya ni Thomas at sinabing, “Kayong mga taga-East Winston ay masiyadong minaliit ang mga Goldmann. Narinig niyo na ba ang mga ginawa nila sa Stoslo?”Napayuko at natahimik si Zeta at ang babae. Pagkatapos ng lahat, wala silang ideya kung gaano kalaki ang problemang dinulot nila.Nagsalita si Zeta, “Ihahatid namin ang batang babae bukas.”Hindi nagsal
Read more

Kabanata 958

Nagkibit-balikat si Thomas. “Hindi ko kilala ang tatay mo. Isang dagat ang nasa pagitan namin ng tatay mo, kaya anong silbi para sa akin na makilala ang tatay mo?”Kumurba ang mga labi ni Daiise.Nang makita niyang parehong nag-aalinlangan na kumain ang mga bata, kumunot ang noo ni Thomas at dinagdag, “Huwag kang mag-alala. Kung ayaw niyong mamatay sa gutom, kumain kayo.”Pagkatapos marinig ni Daisie ang sinabi ni Thomas, bago pa makakilos si Nollace, kumuha siya ng isang piraso ng karne at kinain yun.Hindi nakapagsalita si Nollace.‘Bakit nakakakain ng napakarami ang batang ‘to sa bahay ng iba?’Pinanood ni Thomas na kainin ni Daisie ang pagkain. Hindi lang ito hindi nagwala, pero hindi rin ito sumagot sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit, pero hindi niya magawang magalit sa batang ‘to.Kakaibang pakiramdam yun para sa kaniya. Hindi niya mapigilang bigyang atensyon ang bata dahil sa kaniyang pagkamangha.Nagtanong si Thomas, “Hija, anong pangalan mo?”Mayroong hawak na drum
Read more

Kabanata 959

Tumayo si Maisie sa living room at nagpalinga-linga bago lumakad papunta sa couch at naupo. “Bakit hindi ka muna magbihis bago tayo mag-usap, Mr. Clifford?”Lumapit si Jackie sa kaniya at naupo sa kaniyang tabi, tila gusto nitong dumikit sa kaniya. “Sa tingin ko ay ayos lang naman ang suot ko.”Tumingala si Maisie at makahulugang ngumiti. “Mukhang hindi ka makikipag-usap sa akin dahil dito mo ako pinapunta, Mr. Clifford.”Habang inaamoy ang buhok ni Maisie, pinaikot ni Jackie ang ilang hibla nito sa kaniyang daliri at nagtanong, “Pero bakit dumating ka pa din?”Hinila ni Maisie ang buhok niya mula sa daliri ni Jackie at pinatong ang siko sa likod ng couch. Napakaganda niya habang nginingitian si Jackie. “Kung ayaw mong magsalita, ako ang magpapasalita sa iyo, Mr. Clifford.”Nilapit ni Jackie ang mga labi niya sa labi ni Maisie. Pinigilan ni Maisie ang papalapit nitong labi gamit ang palad niya at nagtanong, “Sigurado ka bang gusto mo itong gawin, Mr. Clifford?”“Nakasuot ka ng pe
Read more

Kabanata 960

Tumawa si Maisie, nagkibit-balikat at walang ekspresyong sinabi, “Bakit hindi? Mas maganda kung dumiretso na sa akin ang mga Clifford. Kilala ka ng lahat sa Bassburgh, Mr. Clifford, isa kang playboy. Kapag lumabas ang video mo na nakikipagtalik sa lalaki, kahihiyan lang ang madudulot nun sa mga Clifford. Hindi ako natatakot sa anuman, sa tingin mo ba ay matatakot ako sa iyo at sa pamilya mo?”“Lumalabag ka sa batas!”Nawala ang ngiti sa mukha ni Maisie habang sinasabi, “Pwede natin yan pag-usapan mamaya. Lahat kayo, hubarin niyo ang damit niya.”Nag-aalinlangan ang apat na bodyguards na gawin yun, pero wala silang ibang magagawa. Nang lalapit na sila kay Jackie, sumigaw ito, “Sandali!”Puno ng malamig na pawis ang noo niya habang mabigat ang paghinga. “Hindi ba’t gusto mo akong kausapin, Maisie? Ano yung gusto mong pag-usapan?”Kinaway ni Maisie ang kamay at sinabihan ang mga bodyguard na umatras. Lumapit siya at pinisil ang pisngi ni Jackie. “Ikaw ang nag-utos kay Zeta na imaneho
Read more

Kabanata 961

Tinitigan ni Maisie ang wine sa loob ng baso. “Anong klaseng benepisyo ang binibigay ni Madam Knowles sa lolo mo para tulungan siya nito?”“Paano ko malalaman? Sinabi ko na sa iyo lahat ng nalalaman ko.” Suminghal si Jackie at tiningnan si Maisie. “Bakit hindi mo na lang tanungin mismo ang lolo ko?”“Hindi ko kailangan na puntahan siya nang personal. May ginawa na ang asawa ko. Pero kung masaktan ang anak ko habang nasa Octavia siya…” Tiningnan siya ni Maisie, tinaas ang wine glass at bigla itong binitawan.Nahulog ang wine glass mula sa ere papunta sa carpet, at nabasag ang stem nito mula sa katawan. “Isang pamilya lang ang mga Clifford, at papantayin ko sila hanggang sa ugat.Nagulat si Jackie.‘S-sino siya sa tingin niya para magbigay ng ganiyang kalaking banta?’Tinanong siya nito, “Sino ka ba?”Nilagay ni Maisie ang mga kamay sa kaniyang bulsa, tumayo at ngumiti. “Siyempre, ako si Maisie Vanderbilt.”Nagpatuloy sa pagtatanong si Jackie. “Ikaw ba talaga si Maisie Vanderbilt
Read more
PREV
1
...
9495969798
...
277
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status