Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Chapter 941 - Chapter 950

All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 941 - Chapter 950

2769 Chapters

Kabanata 942

Ngumiti si Maisie."Ngayong binanggit mo, engage na silang dalawa three years ago. Noong una, gusto ko silang ikasal agad, pero nag-aalala ako na baka hindi talaga gusto ni Louis si Ryleigh. Dahil nagkasundo naman silang dalawa sa loob ng tatlong taon, sa tingin ko oras na para isipin ang kasal nila," sabi ni Larissa.Tiningnan niya si Maisie at nagpatuloy. "Kung gusto niyong dalawa na hintayin sila, gawin natin ng sabay sa sunod na taon. Siguardo akong magiging masaya yun."Tumawa si Maisie at sinabi, "Baka maging tatlong pamilya."Bago pa man maintindihan ni Larissa ang sinasabi ni Maisie, nakatanggap siya ng tawag mula kay Christina. Sinagot niya yun at sinabing, "Christina?"Hindi alam ni Maisie kung ano ang sinabi ni Christina. Nakita niya na napatigil si Larissa bago gulat ang boses na sumagot, "Talaga!?"Halos isang minuto silang nag-usap na dalawa. Matapos nun, tumawa ni Larissa at pinatay ang tawag. "Mukhang may magandang bagay din ang nangyayari sa Boucher. May girlfrie
Read more

Kabanata 943

Sinamahan ng katulong si Nolan sa loob. "Mr. Knowles, nandito ang bisita mo."Kinaway ni Tristan ang kamay niya para palabasin sila. Pagkatapos ay naglagay siya ng red wine sa baso at sinabing, "Mukhang may nahanap ka na tungkol sa nangyari noong pasko."Mabagal na tinanggal ni Nolan ang pagkakabutones ng sleeve niya at sumagot, "Pwede mo ba ipakita sa akin ang sinseridad mo?"Napatigil ang kamay ni Tristan sa ere. Inangat niya ang kaniyang ulo para tingnan si Nolan at ngumiti. "Anong klaseng sinseridad ang tinutukoy mo?"Tumayo si Nolan sa harap ng pool at sinabing, "May tinatago ka sa akin."Itinabi ni Tristan ang baso sa gilid at umahon sa pool. Nagsuot siya ng bathrobe, at habang tinatali niya ang belt, tinanong niya, "Anong nahanap mo?"Lumingon si Nolan para tingnan siya. "Ang bagay na ginawa ng nanay mo sa batang 'yun."Binagsak ni Tristan ang sarili niya sa couch. Kumuha siya ng sigarilyo sa kahon at humithit. "Sa tingin mo ba ay aksidente 'yun?"Pinaglaruan niya ang l
Read more

Kabanata 944

Tumawa si Tristan. "Sa tingin mo ba gagawin ko 'yun kung hindi ako sigurado? Kung ko pinatay ang power, hindi lang sana sirang wire ang nangyari."Napakunot si Nolan. "Hindi sila ang pumutol ng power?"Ngumiti si Tristan at sumagot, "Ang gusto nilang gawin ay gumawa ng aksidente, kaya bakit nila papatayin ang ilaw? Ang mga taong abot ang wire ay kailangang siguraduhin na walang aksidente bago nila ituloy ang plano. Dahil matalino ka, sigurado akong malalaman mo ang sagot, Mr. Goldmann."Napatahimik si Nolan.Matapos ang ilang sandali, tumunog ang phone. Kinuha niya ang phone at tiningnan. Galing yun sa school. Sinagot ni Nolan ang tawag at nilagay ang phone sa kaniyang tainga. Walang may alam kung ano ang pinag uusapan nila, pero biglang nanlamig ang mukha ni Nolan.Nang patayin niya ang tawag, sinabi ni Tristan na, "Mukhang nahanap mo na ang rason kung bakit naputol ang wire?"Tumayo si Nolan at tumalikod. Nang aalis na siya, may naisip siya at tumigil sa paglalakad. Tinanong
Read more

Kabanata 945

Habang iniikot ang ulo niya, tinanong ni Daisie, "Bakit? Dahil ba may nainis si Nolly, at gusto nilang saktan siya?"Hindi alam ni Maisie kung paano ipapaliwanag kay Daisie. Biglang binuksan ni Colton ang bibig niya at nakisali, "Magulo ang background ni Nollace, hindi ba? May mga taong gusto siyang patayin."Binuksan ni Maisie ang bibig niya, pero binaba ni Colton ang tinidor at kutsara bago pa siya makapagsalita. "Ako ang may gustong makipagpalit ng role sa kaniya. Siya dapat ang gagawa ng role na yun noong gabi na yun. Nang una ay gusto niya makipagpalit sa ibang estudyante, pero ayaw makipagpalit sa kaniya ng estudyante na yun, kaya tinulungan ko siya."Tiningnan siya ni Daisie at tinanong, "Anong klase ng background mayroon si Nolly? Bakit may gustong pumatay sa kaniya?"Walang sinabi si Colton.Ibubunyag niya na na narinig niya ang usapan ng mga magulang niya sa study room kung magsasalita siya?Tiningnan sila ni Maisie at ngumiti. "Pagkatapos ayusin lahay ng Tito niya, ma
Read more

Kabanata 946

Nilagay ni Maisie ang ledger sa desk at tiningnan si Lucy. "Napag-isipan ko na ang tungkol dito. Bumili pa tayo ng dalawa pang shop lot."Nagulat si Lucy. "Plano mo bang gawin na chain brand ang Soul Jewelry?"Tumango si Maisie. "Gagawin ko 'tong national chain. Susunod naman ang global kapag nanatiling maayos ang brand sa banda."'Ang orihinal kong ideya ay gawin ang Soul bilang isa sa mga top contender sa jewelry industry at umabot sa international, pero nagbago ang isip ko. Hindi ko lang plano na palakarin ang reputasyon ng Soul sa global market. Darating din ang brand sa international jewelry industry.""Naniniwala akong magiging matagumpay 'to." Ngumiti si Lucy at binigyan ang sarili niya ng pep talk. "Mananatili ako sa Soul Jewelry at papanoorin ang pag angat ng brand natin. Wala ng magsasabi na maliit lang tayong kumpanya sa hinaharap."Tumawa si Maisie at maluwag na huminga. "Alam ko na ngayon kung bakit pinili ka ni Tito Kennedy bilang assistant niya. Mabuti kung ang laha
Read more

Kabanata 947

Tumawa si Madam Nera. "Hindi mo kailangan magpakumbaba kapag kasama mo ako. Ang ginawa ko lang naman ay bigyan ka ng mga channel. At kay Mr. Goldmann, kung gusto mo talagang umasa sa kaniya, tinulungan ka na sana niya na gawing top gun sa industry ang Soul noon pa."Nilagay niya ang kaniyang kamay sa likod ng kamay ni Maisie. "Malaki ang tiwala ko sa'yo dahil, bukod sa abilidad mo, napaka mapagkumbaba mo at pinanatili mo maging low profile, na kakaiba sa mga malalaking pangalan na nakilala ko noon."Hindi naman mapipigilan sa ilang designer ma maging mayabang pagkatapos magkaroon ng pagkakakilanlan at reputasyon na pinapangarap nila. Syempre, marami silang ginawa para makuha 'yun, kaya kahit na hindi sila kasing mapagkumbaba mo kahit na sana ay ganoon sila, napatunayan na nila ang sarili nila dahil sa naabot nila. Talagang nagbago lang sila."Kapag nagkaroon na ang isang tao ng kasikatan, estado, at kapangyarihan, minsan lang at mahalaga kapag hindi nila nakalimutan ang intensyon ni
Read more

Kabanata 948

'Kung mahal nila ang isa't isa, bakit naman aayawan ni Madam Knowles ang anak niya? Nandoon lang talaga siya para sa benepisyo na makukuha niya sa mga Knowles?'Pero kung may plano siya laban sa mga Knowles para sa mga assets nito at ari-arian, dapat ay pinahalagahan niya ang kaniyang anak. Ang tanging bagay na naghihintay sa kaniya sa hinaharap ay ang masaya at masaganang buhay kung sinamahan niya ang anak niya na manahin ang mga Knowles. Pero, sinabi sa akin ni Nolan na hindi lang sa ayaw ng mom ni Tristan na makita siya, hindi rin niya naisip na hayaan ang anak na magmana sa mga Knowles.'Siya ang nasa kapangyarihan sa lahat ng mga Knowles, at lahat ng nasa Knowles ay kailangan dumaan sa kaniya. Anong klaseng babae ang mangangarap na kunin ang ari-arian ng yumao niyang asawa at pigilan ang lahat ng tagapagmana ng mga Knowles?'Umiling si Madam Nera. "Hindi ko alam kung mahal nila ang isa't isa, pero base sa narinig ko, naging magulo ang mga Knowles mula ng mamumo si Madam Knowles
Read more

Kabanata 949

Mahigpit na nakatikom ang labi ni Tristan at binaba ang pana. "Bakit mo naisip na alam ko?"Ngumiti si Nolan. "Kahit na hindi mo alam 'yan, panigurado na alam yan ni Madam Knowles. Galing sa East Winston ang pamilya niya, hindi ba?"Hindi nagsabi ng kahit isang salita si Tristan.Sumandal si Nolan sa likod ng upuan at tinapik ang mesa gamit ang daliri niya. "Sa totoo lang, matagal mo na pinagdududahan na may spy ang mom mo sa tabi mo. Sa tingin ko ay imposible na hindi mo 'yun alam."Matapos ang ilang sandali, mahinang tumawa si Tristan. Diniretso niya ang kaniyang postura at tiningnan si Nolan. "May mga problema sa mundo na hindi madaling solusyonan.""Kahit na alam mo na si Madam Knowles ang nasa likod ng pakana na 'yun, nanay mo siya, at hindi mo kayang na tapatan siya. Kaya natural lang na mahirapan ka."Nabasa siya agad ni Nolan sa unang tingin pa lang. Nakipagpalitan ng tingin si Tristan kay Nolan ng ilang sandali at masama ang loob na sinabi, "Gusto ko lang malaman kung ba
Read more

Kabanata 950

Ang isa sa kanila ay mukhang introvert at mahiyain, habang ang isa naman ay mukhang regal at malakas ang loob.Napakunot si Maisie at hindi napigilan na bumulong, "Bakit siya ini-imbestigahan ni Nolan?"Binalik niya ang dokumento si folder habang ang isang dokumento ay nalaglag mula roon. Sandali siyang nagulat, pinulot ang dokumento, tiningnan 'yun, at natulala sa kaniyang pwesto."Anong tinitingnan mo?" Dumating si Nolan sa labas ng pinto.Bahagyang nagpipigil ang ekspresyon ni Maisie, at binalik niya ang dokumento. "Tinitingnan ko ang mga nahanap mo sa imbestigasyon mo."Nilagay ni Nolan sa likod ng upuan ang coat na nakasabit sa kaniyang braso at lumapit kay Maisie. "Bakit ka sobrang interesado sa tao na 'to?"Saglit na tumigil si Maisie, inangat ang kaniyang ulo, nakita niya ang bahagyang madilim na ekspresyon ni Nolan, at hindi niya napigilan na tumawa. "Sa tingin ko ay napagbintangan ako."Nilapitan niya si Maisie. "Bakit mo gustong malaman ang iba pa tungkol sa kaniya? D
Read more

Kabanata 951

Bumaba ang tingin ni Nollace. Isang babae ang dumating bago pa siya makapagsalita. “Young Master Knowles.”Lumingon si Nollace at nakita niyang papalapit ang babae. Kumunot ang noo niya at tinitigan niya lang ito nang hindi gumagalaw.Ngumiti ang babae. “Nandito ako para sunduin kayo.”Alerto si Nollace at tumayo sa harapan ni Daisie. “Hindi pa kita nakita sa bahay ng tito ko.”Bahagyang naglaho ang ngiti ng babae. “Napakatalino mo. Ang great-grandma mo ang nagpadala sa akin.”Naintindihan yun ni Daisie at lumabas mula sa likuran ni Nollace. “Nagsisinungaling ka siguro. Hindi hahayaan ni Tito Tristan na mayroong sumundo sa kaniyang ibang tao. Siya mismo ang pupunta dito.”“Daisie, bumalik ka na.” Hinila siya ni Nollace papunta sa likuran niya.Tila nawalan na ng pasensya ang babae. “Young Master Knowles, pakiusap, huwag niyo na akong pahirapan.”Sasama na sana si Nollace sa kaniya nang biglang nagsalita si Daisie, “Sasama ako sa iyo.”Nagulat si Nollace. “Daisie?” Pagkatapos a
Read more
PREV
1
...
9394959697
...
277
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status