Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Kabanata 931 - Kabanata 940

Lahat ng Kabanata ng The Three Little Guardian Angels: Kabanata 931 - Kabanata 940

2769 Kabanata

Kabanata 932

Dahil sa paliwanag ng taong namumuno sa production crew, maraming tao ang pumuri kay Helios dahil sa katapangan niya. Ang ibang tao ay nililigtas ang sarili nila samantalang siya naman ay inaalala ang kaligtasan ng ibang tao. Nakuha nito ang puso ng mga tao at naging fans na rin niya.Nakita na ang pagkakakilanlan at impormasyon sa artista na niligtas ni Helios at kinalat ito ng mga tao. Bago siyang artista na ginaganap ang ilan sa mga supporting roles sa “The Dream From the Past”.Matapos malaman kung sino siya, ilang haters ng pinuntahan ang kaniyang twitter profile at sinabihan siya na isa siyang tanga na salarin kaya nagkaroon ng injury si Helios—ang iba ay sinabihan pa siyang isang salot. Pero ang iba sa mga taong hindi kayang tiisin ang ganung pagtatrato ay nakipag-away sa mga haters.Pero, biglang nagkaroon ng sandamakmak na atensyon ang bagong artista dahil sa mga sinabi sa kaniya. At nagsimula na rin siyang magkaroon ng maraming followers sa Twitter dahil sa nangyaring iyon
Magbasa pa

Kabanata 933

Pumasok si Ryleigh hawak ang bouquet, kinamot ang ulo niya, at ngumiti. "Teehee, hindi ba halata na nandito ako para bisitahin si Helios?"Lumakad naman siya papuntang cabinet sa tabi ng kama, nilagay ang bouquet doon, tumalikod para tingnan si Helios, at kumindat.Naningkit ang mata ni Helios at walang sinabi.Tumalikod si Ryleigh at lumapit sa tabi ni Christina. "Tita, p'wede naman na ako muna magbantay kay Helios kung marami kang gagawin."Ilang sandali na nag isip si Christina. "Pero hindi naman ako busy.""Mom, nandito ka na buong gabi. Dapat umuwi ka na at magpahinga. Hayaan mo na si Ryleigh samahan ako. Matagal ko na siyang hindi nakikita, kaya kakauspin ko siya habang nandito pa."Tiningnan ni Christina si Helios at binuksan ang kaniyang bibig pero wala siyang sinabi. At tumayo siya. "Sige, basta hindi mo iniisip na makulit ako. Hayaan ko na so Ryleigh na bantayan ka. Huwag kalimutan na tawagan ako pag may nangyari."Kumaway si Ryleigh kay Christina habang pinapanuod ni
Magbasa pa

Kabanata 934

Nakatayo lang si Nina nang may nakita siya bago pa man siya makapagsalita, habang agad na nilayo ni Barbara ang sarili niya kay Helios at umupo.Agad din na inalis ni Helios ang kamay niya. "Anong problema?"Umiling si Nina nang mabalik siya sa katotohanan at nahihiyang sumagot, "Oh… tama, gusto ni Michelle na magpasalamat sayo ng personal kasi niligtas mo siya."'Buti na lang hindi ko dinala ng direkta rito si Michelle. Kung hindi, talagang magiging usapin na naman ito bukas kung makikita ito ng babaeng yun.'Bahagyang kumunot ang noo ni Helios. "Wala lang yun. Sabihin mo sa kaniya na hindi na niya kailangan magpasalamat.""Pero naghihintay na siya sa labas." Pagpapatuloy ni Nina. "Nasaktan ka nung nililigtas mo siya, at napunta na itong nangyari sa mga balita. Kung iiwasan mo ang pagpapasalamat niya ngayon, hindi mo alam ang sasabihin ng media sayo kung malalaman nila ito."Kinamot ni Helios ang ilong niya. "Edi papasukan mo na siya.""Lalabas muna ako." Gusto tumayo ni Barbar
Magbasa pa

Kabanata 935

Pinisil ni Helios ang pisngi niya, "Hindi ka matanda, mature ka."Kahit ano pa man ang itsura niya at ang ugali niya, hindi talaga mukhang inosenteng batang babae si Barbara. Lagi siyang may mature na itsura at eleganteng ganda, at ang mukha niya ay pang-maharlika, at mabilis na maalala. Ang mga artista na ganito ang itsura sa entertainment industry ay madalas napupunta sa sovereign at sexy na character ang setting at style.Si Michelle naman, 20 years old la lang siya, bata pa siya, at nasa fair, bata, at mga energetic na style. Pero, ang mga artista na may ganitong karakter ay sagana sa entertainment industry.Pero mukhang iniisip pa rin ito ni Barbara at iniba niya ang kaniyang tingin. "Ang pagiging mature ay isa na ring matanda sa dictionary ko."Binalot ni Helios ang kamay niya kay Barbara. Nagulat si Barbara at tumalikod para tingnan siya. Sa kabilang banda, bahagyang ngumiti si Helios. "Pero gusto ko yun, at ayun lang ang importante."Nagulat ulit si Barbara. Talagang n
Magbasa pa

Kabanata 936

Nakatingin si Daisie sa kapatid niya at hindi napansin ng nangyayari sa likod niya.Hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Be a good girl.”"Hindi, pag hindi ka pumayag." Kinuha niya ang kamay niya at tumalikod.Kinamot ni Nolan ang noo niya at nilabas ang kamay niya hilain si Maisie. "Pag-usapan natin ito mamaya."Si Maisie na nakasandal sa kamay niya ay magiliw na ngumiti.Magsisimula na ang play. Nakatayo si Colton sa stage, pero hindi napansin ng mga estudyante ng ibang klase at mga magulang na lalaki pala ang prinsesa.Ginanapan ng isa pang batang lalaki ang pagiging prinsipe sa klase nila, habang isang babae na estudyante ang gumanap sa evil dragon rider.Lahat ng ilaw ay nakatutok sa stage at napaka-exciting ng performance na lahat ng mata ay nakatutok sa kanila.Na-kidnapped ng evil dragon ang prinsesa, at nang kuhanin sila pataaa ng wires, dahan-dahan silang lumutang.Nang biglang, namatay lahat ng ilaw at nang lahat ay nagulat, sumigaw ang babae.Nilabas ng lahat ang ph
Magbasa pa

Kabanata 937

Lumabas ng building si Daisie at tinago niya ang sarili sa likod ng pader nang makita ang isang taong kahina-hinalang lumabas.Tumakbo siya sa flowerbed, nag squat, at nakita ang tao na naglalakad palapit sa kotse na naka-parada sa school compound at tumayo roon.Tumingin si Daisie. Nakababa ang bintana sa kotse, may nakita siyang babae sa loob pero hindi niya nakita ang mukha nito.Nang biglang, tinakpan ng kamay mula sa likod ang bibig niya. Gusto niya sumigaw pero pinatahimik siya ng tao. "Ako ito."Huminti Daisie at tumalikod. Nakatayo sa likod niya si Nollace."Nolly, ikaw—Ouch!" Tinakpan ulit ang bibig niya habang nilagay naman ni Nollace ang isa niyang daliri sa labi niya. "Huwag ka mag-ingay."Tumango si Daisie.Binitawan niya na ang bibig ni Daisie, ay pareho silang tumalikod para tumingin.May sinabi ang lalaki sa babae sa kotse at umupo sa passenger side. Tumingin ang babae sa bintana, at diniin ni Nollace ang ulo ni Daisie pababa. Tiningnan niya ang kotse sa pag-a
Magbasa pa

Kabanata 938

Nagulat si Nolan. "Anong sinabi mo?""Nakita ko yung lalaki na kahina-hinalang tumakbo, kaya sumunod ako. Sumakay sila ng sasakyan."Bumagsak ang mukha ni Nolan nang marinig ang sinabi ni Daisie, at sumigaw siya pagkatapos ng mahabang sandali, "Daisie Vanderbilt! Sinong nagsabi sa'yo na pwede mong gawin yun!?"Nagulat si Daisie dahil hindi pa siya napagtaasan ng boses ng kaniyang tatay at hindi rin siya nito kinwestyon noon.Kinagat niya ang kaniyang labi at nakakunot. "Hindi ko kayang hayaan na saktan ng mga tao na yun si Colton, kahit… Kahit na hindi naman talaga siya balak saktan ng tao na yun."Hindi niya sinubukang tumingin sa kaniyang Dad dahil alam niyang galit ito.Huminga ng malalim si Nolan at sinabihan ang principal at vice principal na umalis. Nang umalis na sila, ilang tao na lang ang naiwan sa breakroom.Nakayuko pa rin ang ulo ni Daisie, nakatikom din ang labi niya.Hinawakan ni Nolan ang buto ng kaniyang ilong. "Daisie, kapag may nangyari ulit na ganito, sabihin
Magbasa pa

Kabanata 939

Tumagilid si Nollace, tiningnan sa mga mata si Daisie, at malungkot na ngumiti.Kinagat ni Daisie ang labi niya, tumalikod, at tumakbo palabas.Sinabihan ni Nolan si Tristan na kunin si Nollace pagkatapos ng insidente kay Colton. Alam ni Tristan ang tungkol doon at nanatiling tahimik bago nagpadala ng tao para sunduin si Nollace.Ilang araw na hindi pumasok sa paaralan sina Nollace at Colton.Tiningnan ni Daisie ang dalawang bakanyeng desk, at humigpit ang daliri niyang nakahawak sa lapis.Sa Goldmann mansion…Naglakad si Maisie sa study at sumilip sa bahagyang nakasarang pinto. Nakita niya si Nolan na nakatayo sa harap ng bintana.Humalukipkip si Maisie at sumandal sa pinto. "Pinalato mo ba yung bata dahil iniisip mo na na-set up niya si Colton?"Mabagal na humarap si Nolan kay Maisie. Pagkatapos ng ilang sandali, sinabi na, "Magulo ang nakaraan ng batang yun. Mas mabuting hindi siya makasama ng matagal ng mga anak natin."Yumuko si Maisie. "May tinatago ka sa akin."Nakakun
Magbasa pa

Kabanata 940

Kung kasama sa plano ni Nollace ang pagligtas kay Colton, mas lalo siyang naging katakot-takot kung nilagay niya sa kapahamakan si Colton pagkatapos niya itong iligtas.Ang ganoong maingat at mautak na pagpaplano ay hindi dapat nagagawa ng isang 8-year-old na bata.Kaya, hindi naniniwala si Maisie na kasama sa plano ni Nollace ang pagligtas kay Colton dahil walang sinuman ang nakakaalam ng mangyayari sa hinaharap. Mas lalo na sa bata.Tumayo si Nolan, naglakad paikot sa desk, at huminto sa harapan ni Maisie. "Alam kong hindi mo kaya na ilagay sa kapahamakan ang isang bata, pero wala akong magagawa. May tatlo tayong anak, at hindi ko sila ilalagay sa panganib."Tumingin sa paligid si Maisie habang nag-iisip ng malalim.…Bumalik si Nolan sa Blackgold, at matapos niyang makabalik sa office, kumatok si Quincy, pumasok, at binigay ang detalye mula sa imbestigasyon sa kaniya. "Mr. Goldmann, ito yung kahina-hinalang sasakyan na nakita na malapit sa school noong Pasko."Kinuha ni Nolan
Magbasa pa

Kabanata 941

Hindi yun ngiti ng magkapatid. Parang isang couple. Posible kaya hindi siya kapatid ni Mr. Boucher? Baka mali ako ng akala?'Pagkatapos nilang umalis, umupo si Barbara sa gilid ng kama habang nakahalukipkip at sinabing, "Kaya mo naman pala na tanggihan ang ibang tao, Mr. Boucher."Kumakain si Helios ng dalang pagkain ni Barbara at tumawa. "Naramdaman ko yung selos mo hanggang dito, kaya malamang, kailangan ko siyang tanggihan."Lumapit sa kanya si Barbara at nagpatuloy. "Parang ang dating sa akin ay gustong gusto ka niya at gusto niyang pakasalan ka."Habang naniningkit ang mata, nanatili ang tingin ni Helios sa kaniya habang tumatawa. "Sa'yo na ako."Bahagyang nagulat si Barbara. Pagkatapos nun, nag-iwas siya ng tingin at sinabi, "Hmph. Huwag mo isipin na makakaalis ka ng ganoon lang."Lumaki ang ngiti sa mukha ni Helios habang nilalayo ang meal box. Lumapit siya kay Barbara at niyakap niya habang sinasabi, "Hindi ba't dahil nakita na kita?"Lumingon sa kaniya si Barbara at tin
Magbasa pa
PREV
1
...
9293949596
...
277
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status