Semua Bab The Three Little Guardian Angels: Bab 961 - Bab 970

2769 Bab

Kabanata 962

Pinatawag ni Thomas ang isa sa mga tauhan niya. “Ipakuha mo ang batang babae.”Nagulat ang tauhan, pero hindi na siya nagtanong pa at lumabas na lang.Tiningnan ulit ni Thomas si Nolan at kumunot ang noo. “Ikaw ba si Nolan Goldmann ng mga Goldmann?”Narinig niya na ang tungkol kay Nolan, pero hindi niya pa ito nakita sa personal, at bihira niyang bigyang pansin ang mga balita mula sa mainland.Inayos ni Nolan ang damit niya, at bahagyang nabawasan ang lamig sa mga mata niya. “Opo, Elder Master Clifford. At sana maintindihan niyo na hindi ko intensyon na saktan ang mga tauhan niyo sa pagpunta ko dito.”Bigla naman nagtanong si Thomas, “Anong pangalan ng nanay mo?”Naningkit ang mga mata ni Nolan. “Malapit naman ang relasyon niyo kay Madam Knowles. Hindi niya ba sinabi sa inyo ang pangalan ng nanay ko?”Hindi sumagot si Thomas.Pinagpagan ni Nolan ang manggas niya. “Ampon ng mga Knowles ang nanay ko, siya si Natasha Knowles.”Natigilan ulit si Thomas at natulala. Bigla siyang na
Baca selengkapnya

Kabanata 963

Gayunpaman, nang mapansin na kahit ang ama ay hindi sinusuyo ang anak. Tiniis ni Thomas ang nararamdman.Napakalakas ng iyak ni Daisie at umaabot ito hanggang sa labas ng manor. Pinisil at kiniskis ni Nolan ang tungki ng ilong niya, pinakalma ang sarili at gusto sanang magsalita.Gayunpaman, tinulak ni Daisie ang kamay niya, tumalikod at tumakbo paalis. “Ayaw na kitang makita! Ayaw ko na sa iyo!”“Daisie….” Inunat ni Nolan ang kamay pero hindi niya ito naabutan.Tiningnan siya ni Quincy. “Mr. Goldmann, sasamahan ko siya para mabantayan.”Hinabol niya si Daisie.Binaba ni Thomas ang tasa niya. “Dahil ayaw sumama ng bata sa iyo pabalik, wala naman problema sa akin kung mananatili ka ng ilang araw sa Octavia, Mr. Goldmann.”Bahagyang naningkit ang mga mata ni Nolan at saka lumingon kay Thomas. “Anong pinaplano niyo, Elder Master Clifford?”Tumawa si Thomas. “Bisita ka pa rin namin, at sisiguraduhin kong tatratuhin kitang isa. Kaya huwag kang mag-alala, hindi ko gagamitin ang batan
Baca selengkapnya

Kabanata 964

Walang masabi si Nolan.Pagkatapos ng ilang sandali, hinaplos niya ang ulo niya at seryosong pinaliwanag, "Daisie, kailangan mong maintindihan na hindi ko 'to teritoryo, at pumunta lang ako rito para iligtas ka."'Hindi parte ng mainland ang Octavia, bukod pa sa Bassburgh. Hindi madali at maganda na makialam ang Goldmann sa nangyayari doon. Wala ring alitan sa pagitan ng dalawang pamilya, kaya hindi niya kailangan na magsimula ng gulo ng walang dahilan.'Maiintindihan ko kung magagalit ako sa Clifford dahil kinuha nila si Daisie, at pumunta lang ako dito para iligtas ang anak niya.'Si Nollace lang ang gusto ni Elder Master Clifford at handang pakawalan si Daisie, ibig sabihin ay binibigyan niya ako ng pabor dahil sa respeto.'Umiyak si Daisie. "Mamamatay ba si Nolly?"Inangat ni Nolan ang kamay niya para punasan ang luha na tumutulo sa mga mata ni Daisie. "Daisie, alam ko na mabait kang bata at ayaw mong iwan ang kaibigan mo, pero bata ka pa. May mga bagay na hindi magagawa ng
Baca selengkapnya

Kabanata 965

Binaba ni Maisie ang tingin niya at walang sinabi.Hindi naramdaman ni Tristan ang pagmamahal mula sa nanay niya. Sinasabi na magkadugo sila, pero galit sa kaniya ang mom niya at pati sa buong pamilya.Ang dahilan ng galit niya ay tanging ang mga kabilang lang ang nakakaalam.Hindi nanatili si Maisie at nagpaalam na kay Tristan pagkatapos ng usapan.Sa loob ng sasakyan…Sinabihan ng bodyguard si Maisie na nahanap na ni Nolan si Daisie, at sinabi na mananatili muna sila sa Octavia ng ilang araw.Napakunot si Maisie. "Anong ibig mong sabihin sa mananatili sila doon ng ilang araw?"Naiilang na nagpaliwanag ang bodyguard, "Dahil sa ayaw pa bumalik ng young lady. Pinilit niya si Mr. Goldmann na iligtas si Young Master Knowles ngayong nandoon siya, pero hindi yun magagawa ni Mr. Goldmann."Tinanong ni Maisie, "Pinapahirapan ba ng mga Clifford ang mga bagay kay Mr. Goldmann?"Umiling ang bodyguard. "Hindi. Pumunta mismo si Mr. Goldmann at iba pa sa Clifford manor para kunin ang youn
Baca selengkapnya

Kabanata 966

Akala ng ilang netizens na inosente si Michelle.#Nagpasalamat siya kay Mr. Boucher pero tinanggihan siya. Babastusin niya lang ba ang pasasalamat niya?"#Nakakainis ang mga fans ni Helios Boucher. Anong ginawang mali ng babae? Niligtas niya, at nagpapasalamat lang naman siya. Anong mali doon?#Ito ang mga komento online—ang iba ay nasa panig ni Helios, habang ang iba naman ay na kay Michelle. Mainit na usapin 'yun.Inaabangan ng mga fans ang magiging sagot ni Helios sa sitwasyon, pero nang dumating ang tanghali, walang nagbigay bg pahayag, kahit mula kay Helios, sa studio niya, o kaniyang assistant.Kinabukasan ng ma-discharge si Helios, naghihintay ang media at paparazzi para mag interview sa labas ng hospital entrance, at lahat 'yun ay tungkol sa pagliligtas niya sa harap ng maraming tao.Hinarangan ni Nina at mga bodyguard ang paparazzi, na nagpupumilit na lumapit. Nakasuot ng black coat na may grayish-white na scarf si Helios, nakakaaya pa rin tingnan sa ilaw, pero maputla d
Baca selengkapnya

Kabanata 967

Pinagpatuloy ni Maisie ang pagbabasa ng impormasyon tungkol sa mga Knowles at napatigil siya sa kaniyang nakita dahil sa pagkagulat.#Tumalon sa building ang first love ng tagapagmana ng mga Knowles na si Sam Knowles, malungkot na pumayag si Sam Knowles sa arrange marriage.##Nakita si Luna na umiinom sa bar sa gabi ng kasal ni Sam Knowles. Sinabi noon ni 'Luna' na nagkagusto siya sa lalaki, parang ito ay si Sam Knowles, pero sa halip ay kinasal siya kay Elder Master Knowles, na 20 taon ang tanda sa kaniya.#Ang dalawang dyaryo na 'to ay isa sa mga unang usap-usapang papel sa Yaramoor. Kung hindi ito ibinunyag, walang makakaalam.Kinuhanan ng litrato ni Maisie ang mga article na 'yun at pinadala kay Quincy. Nang makita ni Quincy 'yun, nagulat siya.Kumatok si Quincy sa kwarto ni Nolan at pumasok nang makakuha ng permiso. "Mr. Goldmann, pinadala 'to sa akin ni Mrs. Goldmann. Nakita niya ang ilang sa scandal ng mga Knowles.Sinara ni Nolan ang kaniyang libro, kinuha ang phone ni Qu
Baca selengkapnya

Kabanata 968

Nahulog si Thomas sa kaniya sa loob ng isang taon na kasama siya, at nagkaroon sila ng relasyon.Dalawang taon na nag-aaral si Thomas, at kasama niya siya sa buong oras na yun. Nang makakuha na siya ng degree sa civil engineering, kailangan niyang umuwi agad dahil may nangyari sa Clifford family, kaya bumalik siya sa kaniyang bansa. Nangako siya kay Simmone na magpapakasal siya sa kaniya kapag maayos na ang problema.Naging malungkot ang mata niya nang kaniyang maalala 'yun. "Kung bumalik lang ako agad sa kaniya… hindi sana siya namatay."Tumingin siya kay Nolan na nakatayo sa gilid niya. "Siya fraternal twin sister ni Olga, kaya hindi sila gaano magkamukha. Ang mga Knowles ang nasa likod ng pagkamatay niya, at dahil doon kaya ko siya gustong tulungan."Kung pinatay ang pinakamamahal mo, sa tingin ko ganoon din ang gagawin mo. Hindi mo lang basta hahayaan, hindi ba?"Nagulat si Nolan.Nakikita niya sa mga mata ni Thomas ang galit niya sa Knowles, kasama ang pagsisisi at panghihi
Baca selengkapnya

Kabanata 969

Matapos umalis ni Quincy, tumayo si Nolan, umupo sa tapat ng single couch, naka de kwatro, at tinitigan si Daisie.Tiningnan ni Daisie lahat maliban sa kaniyang dad. Nakakatakot ang dad niya kapag hindi nagsasalita. Nami-miss niya na ang mom niya!Pinigilan ni Nolan ang galit niya at hindi sumabog. "Daisie, alam ko na ayaw mong iwan ang kaibigan mo, pero pwede ka makipagkaibigan sa kahit sino maliban kay Nollace.""Bakit?" Nagtataka na tumingin si Daisie at tinagilid ang ulo niya. "Dad, mabuting tao po si Nolly. Bakit ayaw niyo sa kaniya?"Hinaplos ni Nolan ang buto ng kaniyang ilong dahil sumasakit na ang ulo niya. "Nagmamanipula ang batang 'yun. Masyado kang inosente."Naguguluhan si Daisie. "Anong ibig sabihin nun?"Hindi alam ni Nolan kung ano ang sasabihin. Ang tinutukoy niya ay tyngkol sa bagay na hindi maiintindihan ng isang 8 taong gulang. Hindi niya maiintindihan.Bumuntong hininga siya. "Makinig ka na lang sa akin. Hindi siya simple katulad ng iniisip mo.""Hindi rin
Baca selengkapnya

Kabanata 970

Si Yorrick ay isang lobo na nasa kasuotan ng tupa sa mundo ng negosyo. Akala ng tao na isa lang siyang mayaman pero hindi nila na ang pagmamaliit sa kalaban mo ay ang pinaka 'nakamamatay' na bagay sa mundo ng negosyo.Tiningnan ni Nolan ang mga file na binigay sa kaniya ni Yorrick, at may mga larawan doon ng lumang dyaryo ng Yaramoor, at ilang dekada na ang petsa noong nangyari yun.Bumagsak ang nyene sa bintana ng Yaramoor. Ang mga confers sa kalsada ay natatakpan ng nyebe at yelo.Naglakad si Madam Knowles sa nursing home at may hawak na poodle sa kaniyang kamay habang katabi niyang naglalakad ang bodyguard na may hawak na payong.Nang makarating sila sa pinto, sinara ng bodyguard ang payong at binigay sa staff. Masaya silang tinanggap ng mga tao at dinala siya sa kwarto sa first floor.Hinayaan niyang maghintay ang bodyguard sa labas. Nang binuksan ng nurse ang pinto, isang tao ang nakahiga sa higaan, humihinga gamit ang ventilator.Mapayat ang mukha ng lalaki, pinapahirapan n
Baca selengkapnya

Kabanata 971

’Si Madam Knowles ang in charge sa mga Knowles. Baka gusto niyang ikulong si Rick at ang asawa nito dahil ayaw niyang mangialam sila sa plano niya. Ngayong patay na si Sam, siguradong si Rick at asawa nito ang susunod niyang target. Walang awa talaga ang matandang yun. Nagsimula muna siya sa mga Knowles bago magpadala ng tao para ibalik si Nollace sa mga Knowles. Mayroong tsansa na baka magset-up siya ng aksidente o anuman para patayin si Nollace, at walang maghihinala kapag nangyari yun,” Tahimik na napaisip si Nolan.Makalipas ang ilang sandali, sinabi niya, “Umikot ka. Pumunta tayo sa Clifford manor.”Nang makarating si Nolan sa Clifford manor, sinabi sa kaniya ng kasambahay na nakaalis na si Thomas, at doon siya sinamaan ng kutob.Naisip niyang nagpunta si Thomas sa wine cellar, at mukhang may pinadala si Madam Knowles para ibalik si Nollace sa Yaramoor.Bigla naman tumunog ang phone niya. Sinagot niya yun at nilapit sa kaniyang tainga. Bago pa siya makapagsalita, natatarantang
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
9596979899
...
277
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status