Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Chapter 971 - Chapter 980

All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 971 - Chapter 980

2769 Chapters

Kabanata 972

Nakaupo si Daisie sa isang mahabang bench habang nakasandal naman ang likuran sa ceiling-to-floor-window, mukhang malungkot.Mabilis na lumapit si Nolan, napakunot ang noo niya nang makita ang sugat sa mga tuhod nito.Nilapitan niya ang anak at hinawakan ang bunbunan ng ulo nito.Tumingala si Daisie, at ang kaniyang malalaki at magagandang mata ay napuno agad ng luha. Pinunasan yun ni Nolan at binuhat siya agad.“Dad, bahh…” Hindi na napigilan pa ni Daisie ang sarili at umiyak na nang malakas. Marahang hinaplos ni Nolan ang buhok niya para mapagaan ang kaniyang loob.Nang pabalik na sila sa kotse, sumandal si Daisie kay Nolan at nakatulog.Sinilip ni Quincy si Daisie sa rear mirror at saka bumuntong-hininga. “Matagal na malulungkot si Ms. Daisie.”Tumatagos sa bintana ng sasakyan ang sinag ng araw na mula sa kanluran. Tumagilid ang ulo ni Nolan at saka tiningnan ang batang babae na natutulog sa tabi niya. “Bata pa siya. Sigurado akong makakalimutan niya rin siya kapag nagkaroon
Read more

Kabanata 973

“Kaya sinabi kong hindi siya ordinaryong bata,” Mahinang sabi ni Nolan. “Pagkatapos patayin ang mga kidnappers na yun gamit ang lason, maaaring mangyari ulit sa kaniya yun kapag bumalik siya sa mga Knowles.“Kahit na isa siyang bata, alam niyang si Madam Knowles ang kumidnap sa kaniya, kaya nagtago siya sa lugar na yun ng isang buwan. Nang hanapin siya ng mga pulis, akala ni Madam Knowles ay mayroong nakaalam tungkol sa nangyari at niligtas siya, hindi nagpadalus-dalos si Madam Knowles.”Natigilan si Quincy. Hindi pa rin siya makapaniwala. Kung lahat ng sinabi ni Nolan ay totoo, kung ganoon, isa nga talagang henyo si Nollace. Akala ni Quincy ay matalino na ang mga anak ni Nolan, pero hindi niya akalain na napakagaling ng utak ni Nollace at kaya nitong makapag-isip ng ganoong estratehiya sa murang edad.Dito lang niya naintindihan kung bakit ayaw ni Nolan na mapalapit si Daisie kay Nollace. Kung suswertehin si Nollace at tumanda, magiging tuso siyang kalaban balang-araw.Kinabukasan
Read more

Kabanata 974

Hindi na alam ni Thomas kung ano ang sasabihin.Samantala, dumukot si Nolan ng isang litrato mula sa bulsa niya. “Sa tingin ko ay walang nabanggit si Madam Knowles sa inyo tungkol sa nanay kong si Natasha, tama?”Nilapag niya ang litrato sa mesa at tinulak yun papunta kay Thomas.“I-ito ay….” Natigilan si Thomas.“Siya ang nanay ko. Inampon siya ni Madam Knowles,” Sabi ni Nolan habang nakatingin nang diretso kay Thomas.Kinuha ni Thomas ang litrato, nanginginig ang kaniyang mga kamay. Ang babae sa litrato, lalo na ang features ng mukha nito ay katulad ng kay Simmone noong bata pa sila.“Kung bakit inampon ni Madam Knowles ang nanay ko, sa tingin ko ay walang ibang nakakaalam sa pagkatao ng nanay ko bukod sa kaniya. Ngayong nalaman ko na ang buong katotohanan, malakas ang loob kong sasabihin sa inyo na baka anak niyong dalawa ni Simmone ang nanay ko.”Gumalaw nang kusa ang kamay ni Thomas at napatingin kay Nolan. Binuksan niya ang tuyo niyang mga labi, pero walang lumabas na mga
Read more

Kabanata 975

Pabalik-balik nang lakad si Morgan sa harapan ng mesa habang nasa likod niya ang mga kamay. Bigla siyang huminto, tumingala sa kisame at bumuntong-hininga, “Well, nararamdaman kong balak ni Helios na mag-retiro sa entertainment industry. Hay, ako ang nagdala sa kaniya sa industriya, pinasikat siya, at pinanood siyang makakuha ng 12 film awards. Sa totoo lang, ayaw ko siyang mag-retiro.”Yumuko si Morgan. Namumula ang gilid ng kaniyang mga mata, gusto niyang umiyak.Lumapit si Nina at tinapik siya sa balikat. “Mr. Lynch, kailangan niyo na lang isipin na lahat ng magagandang bagay ay nagtatapos, at hindi tayo magkakaroon ng bagong dugo kung lahat ng matatandang artista ay ayaw magbigay daan.”Tinakpan ni Morgan ang mukha at sinabing, “Nalulungkot pa din ako. Parang anak ko na siya. Bakit hindi siya pwedeng manatili ng sampung taon pa? Maganda ang market ng matatandang artista ngayon.”Nakatayo si Helios sa harapan ng opisina ngayon. Kumatok siya sa pinto at binasag ang malungkot na h
Read more

Kabanata 976

Isang babaeng reporter ang tumayo. “Mr. Boucher, plano mo bang mag-retiro?”Tumango si Helios. “Lagi dapat tayong magbigay ng oportunidad sa mga baguhan sa entertainment industry.”Nagtanong ang reporter, “Pero bakit niyo napiling gawin yun?”Sumagot siya, “Malapit na rin naman mangyari yun. Mas gusto kong bigyan ng atensyon ang career ko sa likod ng mga eksena at iwanan ang silver screen sa mga baguhan. Siyempre, kung mayroong script na kailangan kong ganapan, pag-iisipan ko pa rin.”Sinundan agad ito ng ibang tanong ng reporter, “Umalis ka ba sa industriya dahil sa girlfriend mo?”Kumurap si Helios, pinagmasdan ang buong silid at saka tumawa. “Kahit ano man ang maging desisyon ko, sa tingin ko ay susuportahan pa rin niya ako, at siguradong maiintindihan ng fans ko ang dahilan sa likod ng desisyon ko. Sa ngayon, hinihiling ko rin na sana hindi makipagtalo ang mga fans ko sa iba o manakit ng iba dahil sa akin. Kahit umalis man ako sa circle, kasama niyo pa rin ako.”Nag-bow siya
Read more

Kabanata 977

Bahagyang mainit ang mga pisngi ni Barbara habang nilulubog niya ang mukha sa balikat at leeg ni Helios habang tumatawa ito at binuhat siya papunta sa kwarto.Kinabukasan, dahil sa malakas na buhos ng ulan sa Bassburgh, mas lumamig pa ang panahon.9:00 am na pero umaambon pa rin, sinama ni Maisie si Lucy sa ilang shops para pag-usapan ang rent at lease sa mga lokasyon na yun, at sa huli napili nila ang isang shop na nasa Golden Triangle.Pagkalabas nila sa building, binuksan ni Lucy ang isang payong at sinabayang maglakad si Maisie. “Ms. Vanderbilt, sa renta pa lang ay $500,000 na sa isang taon ang gagastusin natin. Hindi ba yun masyadong mahal?”Ngumiti si Maisie. “Ang Golden Triangle ang pinakamayamang commercial center sa Bassburgh. Lalo na at nandito ito sa area kung saan mayroong pinakamalaking dagsa ng tao. Maraming foreign businessmen ang naglalaban-laban para magkaroon ng pwesto dito para sa negosyo nila. Hindi tayo lugi sa $500,000 na annual rent sa nahanap nating shop.”
Read more

Kabanata 978

Kinontak ni Madam Knowles si Thomas sa partikular na paraan at sinabi sa kaniya na nagpakamatay ang babaeng mahal niya dahil kay Sam. Kaya naman nangingialam si Thomas sa mga nangyayari sa mga Knowles.Naningkit ang mga mata ni Maisie. “Kung ganoon, pinipili ni Elder Master Clifford na tulungan si Madam Knowles para makapaghiganti?”Tumawa siya pagkatapos sabihin yun. “ Kung talagang nagpakamatay ang karelasyon ni Elder Master Clifford dahil kay Sam noon, at ginamit ni Madam Knowles ang kondisyon na yun para kumbinsihin ang lolo mo na maghiganti sa mga Knowles, hindi mo ba naiisip na kakaiba yun? Hindi ba dapat ay si Sam ang unang namatay at hindi si Elder Master Knowles na walang kinalaman sa nangyari?”“Hinayaan ni Madam Knowles na mabuhay si Sam hanggang sa mamatay ito sa sakit. Paano nagawa ng lolo mo na maghintay nang napakahabang panahon?”Tinitigan niya si Jackie at isa-isang sinabi, “Kung ako yun, hindi ko kakayanin na maghintay ng maraming taon. Maliban na lang kung mayroo
Read more

Kabanata 979

Nagdilim ang ekspresyon ni Nolan. “Walang sinuman ang pwedeng magbanggit nito. At bantayan niyong mabuti ang balita. Sa oras na lumabas yun sa bansa, kailangan niyo agad pigilan at harangan ang balita.”Tumango si Quincy. “Opo.”…Gabi na sa Yaramoor. Pumasok si Zeta sa manor, hinubad ang kaniyang coat at inabot yun sa isang kasambahay bago pumasok sa isang study.Lumapit siya sa fireplace, lumapit kay Madam Knowles at nag-report. Marahang dumilat ang mga mata ni Madam Knowles na nakahiga sa kaniyang rocking chair. “Wala bang naging problema?”Tumango si Zeta. “Ang sabi ni Bob ay wala siyang iniwang buhay.”Sinenyasan ni Madam Knowles ang poodle na nakahiga sa kaniyang paanan. Tumayo ang poodle, nanginig ang katawan, at tumalon papunta sa mga braso ni Madam Knowles. Hinimas niya ang balahibo ng aso. “Mabuti naman. Patay na ngayon ang bata. Hayaan na lang natin mabuhay ang dalawang matanda hanggang sa huling hininga nila habang puno ng lungkot at pagsisisi.”Isang komosyon ang na
Read more

Kabanata 980

Yumuko si Nolan at tumawa. “Namiss din kita.”Tumingin si Maisie sa exit. “Nasaan ang anak natin?”Tumalikod si Nolan habang sina Daisie at Quincy naman ay marahang lumapit mula sa likuran.Nang lalapit na sana si Maisie kay Daisie para yakapin ito, nilagpasan siya ni Daiise na para bang hindi siya nito nakita.Nagulat si Maisie. Tumalikod siya at nagtanong, “Anong nangyari kay Daisie?”Naiilang si Quincy. “Mrs. Goldmann, si Mr. Goldmann na ang magpapaliwanag ng lahat sa inyo.”Lumingon si Maisie kay Nolan, at napakuyom naman ng kamao si Nolan, nilagay yun sa haapan niya at saka mahinang tumikhim. “Pag-usapan natin yan habang nasa daan tayo pauwi.”Naupo sina Daise at Quincy sa likod ng kotse habang sina Nolan at Maisie naman ay sumakay sa iisang kotse. Kinwento ni Nolan ang lahat ng nangyari kay Daisie habang nasa biyahe sila pauwi.Walang sigla si Daisie dahil nasaksihan niya kung paano binalik si Nollace sa Yaramoor, pero wala siyang nagawa para pigilan yun. Pakiramdam niya
Read more

Kabanata 981

Nilabas ni Zeta ang baril. "Protektahan si Madam Knowles!"Ilang bodyguard ang nabaril at bumagsak sa sahig nang biglang dumating ang mga lalaking nakaitim na may madilim na itsura. Pinaputukan nila ng lahat ng taong nakikita gamit ang submachine nilang baril.Tinulak ni Zeta papuntang cruise ship si Madam Knowles, kinuha ang baril niya, marahang naglakad, at binaril ang paparating na lalaki.Ilang bodyguards ang tinakpak si Madam knowles habang sumasakay siya sa ship at sinigawan ng crew, "Paandarin mo na itong ship, bilis!"Babalik na sana ang crew sa kabina pero bigla siyang nabaril, nagmantsa sa babasagin na mesa ang dugo niya at agad na nalaglag sa dagat ang kaniyang katawan.Nakita ni Madam Knowles na may isang taong tinitingnan siya mula sa kadiliman kaya hinila niya ang bodyguard sa likod niya para iwasan ang bala. Tumama sa ulo ng bodyguard ang bala, at napunta lahat ng dugo kay Madam Knowles at nagkalat sa katawan niya.Gumapang si Madam Knowles sa kabina at sinar
Read more
PREV
1
...
96979899100
...
277
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status