Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Chapter 991 - Chapter 1000

All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 991 - Chapter 1000

2769 Chapters

Kabanata 992

Nagulat si Ryleigh, at agad siyang nagpaliwanag, “Hindi yun ang ibig kong sabihin. Hindi na bata ang pinsan ko, kaya sigurado ako na magiging masaya siya kapag naging tatay na siya.”“Eh ikaw?” Nilagay ni Maisie ang braso niya sa balikat ni Ryleigh at nang-asar, “Kailan mo bibigyan ng pagkakataon si Louis na maging daddy?”Tinulak siya ni Ryleigh at sinabi na, “Tigilan mo ang pang-aasar sa akin.”Malakas na tumawa sina Barbara at Maisie.Samantala, pumasok sina Helios at Louis. “Naririnig namin ang boses niyo sa baba.”Nang makita si Louis, nakangusong sinabi ni Ryleigh na, “Inaasar nila ako.”Nagkibit-balikat si Helios at lumapit agad kay Barbara habang nakatagilid naman ang ulo ni Louis.Kinwelyohan siya ni Ryleigh at umangal, “Anong tinitingin-tingin mo?”Pumadyak siya at dinagdag, “Tutulungan mo ba ako o hindi?”Tumawa si Maisie. “Ryleigh, hindi magandang pag-initan ang cousin-in-law mo.”Tiningnan siya ni Ryleigh at sinabi na, “Cousin-in-law mo rin ako.”Nang maisip niy
Read more

Kabanata 993

Hindi dinala ni Maisie ang notebook dahil akala niya na mahalaga rin para kay Strix 'yun. Matapos ang lahat, hindi pa rin nakalimutan ang mom niya kahit lumipas na ang higit pa 30 taon.May naisip si Maisie at tinanong, "Kumusta si Saydie? Nahanap niya ba ang pamilya niya?"Sumagot si Erwin, "Nahanap ni Strix ang mga magulang niya. Hinanap sila ni Saydie, pero hindi ko alam kung nakilala nila ang isa't isa.Pagkatapos magsalita, tumingin siya kay Maisie at sinabing, "May gusto pa akong sabihin sa'yo."Nabigla si Maisie. "Ano 'yun?""Buhay pa ang lolo mo," sabi ni Erwin dahilan para mapatakip ng bibig si Maisie sa gulat. Sa oras na yun, naniniwala siya na hindi pa patay ang lolo niya. Kung tutuusin, hindi nila nahanap ang katawan ng lolo niya, kaya paano siya magiging patay?"Ibig sabihin ang lolo ko…" nanginginig ang boses ni Maisie.Nagpatuloy si Erwin gamit ang seryoso niyang boses. "Kahit na nakaligtas siya, malala ang nakuha niyang injury sa aksidente dahilan para maging par
Read more

Kabanata 994

"Kita mo na?" Humalukipkip si Ryleigh. "Hah, siguro ay nagsinungaling siya sa akin noong sinabi niya na hindi na siya makikipagkita ulit sa kaniya dahil sa pagsisisi."Napakunot si Maisie. "Kailan kinuha ang mga litrato na 'to?""Pagkatapos ng selebrasyon ng Winter Festival at bago namin makuha ang wedding certificate namin." Tumayo si Ryleigh. "Zee, nagsinungaling siya sa akin. Hindi niya sinabi sa akin ang kahit alin dito, at nalaman ko lang ang tungkol dito pagkatapos may magpadala sa akin ng photos."Namumula ang mata niya, at mukha siyang dismayado. "Hindi ko naman sila hahadlangan. Pwede ako tumigil. Hindi niya kailangan magsinungaling sa akin."Inunat ni Maisie ang kamay niya, niyakap siya, at pinagaan ang loob ni Ryleigh, "Huwag ka na umiyak, Ryleigh. Tutulungan kita malaman ang tungkol dito."Pagkatapos nun, pinunasan niya ang luha sa mata ni Ryleigh at nagpatuloy. "Kung sira ulo talaga ang pinsan ko, hindi ko kayo hahayaan na ikasal. Ipadala mo sa akin ang mga larawan na
Read more

Kabanata 995

Natapos magsalita si Xyla at tiningnan si Maisie bago nagpaliwanag, "Kaya, noong araw na 'yan, inimbitahan sila ng direktor para sa crew ng pelikula. Pagkatapos ng usapan namin, inimbitahan kami ni Mr. Nixon sa isang musical concert. Pagkatapos, binilhan kami ng dinner ni Mr. Nixon at ang direktor. Habang kumakain si Mr. Nixon ang katabi ko. Nakikita mo na nakikipagusap qko kay Louis sa larawan, hindi ba? Dahil pinapaliwanag niya sa akin ang tungkol sa musika."Habang nagsasalita si Xyla, bigla siyang tumawa. "Mula nang pinili niya si Ryleigh kaysa sa akin, alam ko na hindi na kami magkakabalikan. Noong sinamahan niya ako sa dinner party, dahil lang yun sa pagkakaibigan. At saka, may marriage certificate na sila. Kung gusto ko talaga makasama siya. Gusto kong maging asawa niya. Hindi ako papayag maging kabit."Doon lang naintindihan ni Maisie ang buong sitwasyon. Hindi mapipigilan na magkikita sila tungkol sa negosyo, at kailangan pa nilang mag shoot ng documentary ng magkasama.Pe
Read more

Kabanata 996

Hindi alam ni Ryleigh kung nararapat ba si Louis sa tiwala niya. Baka dahil ayaw niyang maniwala sa kaniya, pero dahilang sa… masyado siyang may pakialam.Tumalikod si Louis at aalis na sana. Pero, nandoon si Maisie sa may pinto, kaya sumandal siya doon. "Saan ka pupunta?"Narinig ni Ryleigh ang boses niya, lumingon, at umupo na parang sobrang na-agrabyado. "Zee…"Tiningnan siya ni Maisie, lumapit kay Louis, at binigyan siya ng mahiwatig na ngiti. "Hahanapin mo ba si Xyla at aayusin ang problema sa kaniya?"Hinawakan ni Louis ang buto ng ilong niya. "Tatanungin ko lang siya…""Wala siyang kinalaman sa mga larawan na 'yun." Nilagpasan siya ni Maisie at lumapit kay Ryleigh.Nabigla si Louis, habang nagulat din si Ryleigh.Nang makita na umiiyak ulit si Ryleigh, tumawa si Maisie. "Baliw ka, uupo ka lang dito habang si Louis ay pupunta kay Xyla para kausapin tungkol sa bagay na 'to? Gaano katagal magpapatuloy ang bagay na 'to kung hindi ako pumunta?"Bahagyang naguluhan si Ryleigh
Read more

Kabanata 997

Nakayuko at nakatingin sailang dokumento si Nolan. "Pasok."Binuksan ni Maisie ang pinto at pumasok, habang si Nolan ay kinukuha ang kape sa mesa at uminom. Hindi umalis ang mata niya sa dokumento mula ng dumating si Maisie, at akala niya na si Quincy ang pumasok sa opisina niya. "Anong problema?"Lumapit si Maisie sa mesa, lumapit kay Nolan, at hinawakan siya, pero agad hinawakan ni Nolan ang kamay niya.Nang makita na si Maisie 'yun, hinila siya ni Nolan, niyakap siya at minasahe ang buto ng kaniyang ilong. "Pinasok mo talaga ako?""Ikaw 'tong nakatutok sa trabaho at hindi mo napansin na ako 'to." Pinulupot niya ang kaniyang braso sa leeg ni Nolan at umupo malapit sa kaniya. "Akala mo ba si Quincy?"Ngumiti siya. "Kung talagang siya, ipapadala ko siya sa Afrenika."Hinaplos ni Maisie ang pisngi niya gamit ang kaniyang daliri habang hawak at hinahalikan ni Nolan 'yun. "Nandito ka ba para bigyan ako ng mainit at masayang pag bisita ulit?"Tumayo si Maisie mula sa bisig niya, pum
Read more

Kabanata 998

Matagal na hindi nakapagsalita si Ryleigh. Tinuring niya na kaibigan si Joe—isa rin si Joe sa pinagkakatiwalaan niya dahil naiintindihan siya palagi.Pero, hindi niya alam na naiintindihan siya ni Joe dahil ginawa niya 'yun ng buong puso."Pero… bakit hindi niya sinabi sa akin?" Hindi maintindihan ni Ryleigh.Kinuha ni Maisie ang teacup, at nakatutok ang mata niya sa umuusok na tsaa. "Ang nararamdaman niya para sa'yo ay higit pa sa magkaibigan pero hindi rin katumbas ng nagmamahalan na tao. Kapag lumagpas siya sa linya at sabihin ang gusto niyang iparating, hindi na maibabalik ang dati, at masisira nun ang pagkakaibigan niyo."Pagkasabi nun, inangat ni Maisie ang paningin niya at tumingin kay Ryleigh. "Sigurado ka ba na hindi ka magugulat at lumayo sa kaniya pagkatapos umamin sa'yo nang biglaan noon?"Hindi alam ni Ryleigh ang sasabihin. Kung tutuusin, hindi niya naisip ang sagot sa katanungan na 'yun.'Ano ang gagawin ko kung umamin sa akin si Joe noon?'Nilagay ni Maisie ang k
Read more

Kabanata 999

Binawi ni Ryleigh ang kamay niya. "Pero best friend ang turing ko sa'yo, Joe. Hindi ko naisip na—"Hinawakan siya ni Joe sa balikat, at ang kilos niya ay mas lalong naging kakaiba para kay Ryleigh. "Joe, ikaw—""Ryleigh, sabi mo noon na hindi mo pakakasalan si Louis, at arranged marriage lang 'yun…" Hinaplos ng malamig na kamay ni Joe ang pisngi ni Ryleigh. "Pero ang pagtrato mo sa kaniya noong nasa hospital ka ang nagpa-isip sa akin na mawawala ka na sa akin."Tinanggal ni Ryleigh ang kamay niya, at naging seryoso ang ekspresyon niya. "Joe, ikaw ang nagpadala sa akin ng mga litrato, hindi ba?"Hindi siya tumanggi doon, pero hindi rin siya umamin. "Ano ang gagawin mo kung ano nga?"Nanginig ang balikat ni Ryleigh, at bahagyang gumalaw ang labi niya. "Bakit mo gagawin 'yun? Nagtiwala ako sa'yo, Joe. Hindi ako naniwala nang sinabi sa akin ni Zee na ikaw yun, at akala ko nagkakamali lang siya."Humigpit ang hawak niya sa balikat ni Ryleigh at lumapit kay Ryleigh. "Dahil gusto kong i
Read more

Kabanata 1000

Nang makita na nanginginig ang katawan ni Ryleigh, lumapit agad sa kaniya si Louis, umupo sa harapan niya, at hinawakan ang malamig niyang kamay. "Anong nangyari?"Tiningnan din siya ni Maisie.Tumulo ang mga luha ni Ryleigh. "Pasensya na… pasensya na talaga… hindi ko sinasadya…" Tulala siya, natatakot at hindi mapakali, at nagsabay-sabay ang emosyon niya kaya siya bumigay.Niyakap siya ni Louis habang patuloy siyang naging, umiiyak, at humihingi ng tawad.May napansin si Maisie nang lumabas ang doktor mula sa emergency room at tinanong, "Sino sa inyo ang ka-pamilya ni Joe Watson?"Huminto sa pag-iyak si Ryleigh, tinulak niya palayo si Louis, at nanginginig na tumayo. "Ako… kaibigan niya ako."Lumapit sa kaniya ang doktor. "May kilala ka ba sa pamilya niya?"Hindi nakapagsalita si Ryleigh, kaya lumapit si Maisie sa doktor at sumagot, "Tatawagan ko ang pamilya niya para sa hospital, pero pwede ko ba malaman kung ano ang nangyari sa kaniya?"Seryoso ang doktor at bumuntong hining
Read more

Kabanata 1001

Nagpunta si Maisie sa kwarto at binuksan ang pinto. Nakadungaw pa rin si Ryleigh sa bintana.Nagpunta siya sa gilid ng kama at naupo sa isang upuan. “Ryleigh, sa susunod na pitong araw ang burol ni Joe.”Nagsimulang magkaroon ng reaksyon si Ryleigh nang mabanggit si Joe, nanginig ang daliri niya.Hinawakan ni Maisie ang kamay niya at sinabing, “Alam kong sinisisi mo ang sarili mo. Ako rin. Kasama mo dapat ako nang araw na yun. Ginawa yun ni Joe para maligtas ka, at isa itong sakit na dadalhin mo buong buhay mo, kaya ka nagi-gulity.”Biglang nagsalita si Ryleigh. “Kasalanan ko ito…. Ako ang gumawa nito sa kaniya. Ako dapat ang namatay.”“Ryleigh, walang may kasalanan. Niliigtas ka ba niya para malungkot ka at magdusa ka habangbuhay?”Tumulo ang mga luha ni Ryleigh at saka umiling. “Pero I—”“Sige na, huwag na natin ‘to pag-usapan. “ Pinunasan ni Maisie ang mga luha niya. “Wala kang ginawang mali, at siya rn. Gusto ka niya, at kahit na ginamit niya ang paraan na yun para makuha, n
Read more
PREV
1
...
9899100101102
...
277
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status