Share

Kabanata 992

Nagulat si Ryleigh, at agad siyang nagpaliwanag, “Hindi yun ang ibig kong sabihin. Hindi na bata ang pinsan ko, kaya sigurado ako na magiging masaya siya kapag naging tatay na siya.”

“Eh ikaw?” Nilagay ni Maisie ang braso niya sa balikat ni Ryleigh at nang-asar, “Kailan mo bibigyan ng pagkakataon si Louis na maging daddy?”

Tinulak siya ni Ryleigh at sinabi na, “Tigilan mo ang pang-aasar sa akin.”

Malakas na tumawa sina Barbara at Maisie.

Samantala, pumasok sina Helios at Louis. “Naririnig namin ang boses niyo sa baba.”

Nang makita si Louis, nakangusong sinabi ni Ryleigh na, “Inaasar nila ako.”

Nagkibit-balikat si Helios at lumapit agad kay Barbara habang nakatagilid naman ang ulo ni Louis.

Kinwelyohan siya ni Ryleigh at umangal, “Anong tinitingin-tingin mo?”

Pumadyak siya at dinagdag, “Tutulungan mo ba ako o hindi?”

Tumawa si Maisie. “Ryleigh, hindi magandang pag-initan ang cousin-in-law mo.”

Tiningnan siya ni Ryleigh at sinabi na, “Cousin-in-law mo rin ako.”

Nang maisip niy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status