Nakayuko at nakatingin sailang dokumento si Nolan. "Pasok."Binuksan ni Maisie ang pinto at pumasok, habang si Nolan ay kinukuha ang kape sa mesa at uminom. Hindi umalis ang mata niya sa dokumento mula ng dumating si Maisie, at akala niya na si Quincy ang pumasok sa opisina niya. "Anong problema?"Lumapit si Maisie sa mesa, lumapit kay Nolan, at hinawakan siya, pero agad hinawakan ni Nolan ang kamay niya.Nang makita na si Maisie 'yun, hinila siya ni Nolan, niyakap siya at minasahe ang buto ng kaniyang ilong. "Pinasok mo talaga ako?""Ikaw 'tong nakatutok sa trabaho at hindi mo napansin na ako 'to." Pinulupot niya ang kaniyang braso sa leeg ni Nolan at umupo malapit sa kaniya. "Akala mo ba si Quincy?"Ngumiti siya. "Kung talagang siya, ipapadala ko siya sa Afrenika."Hinaplos ni Maisie ang pisngi niya gamit ang kaniyang daliri habang hawak at hinahalikan ni Nolan 'yun. "Nandito ka ba para bigyan ako ng mainit at masayang pag bisita ulit?"Tumayo si Maisie mula sa bisig niya, pum
Matagal na hindi nakapagsalita si Ryleigh. Tinuring niya na kaibigan si Joe—isa rin si Joe sa pinagkakatiwalaan niya dahil naiintindihan siya palagi.Pero, hindi niya alam na naiintindihan siya ni Joe dahil ginawa niya 'yun ng buong puso."Pero… bakit hindi niya sinabi sa akin?" Hindi maintindihan ni Ryleigh.Kinuha ni Maisie ang teacup, at nakatutok ang mata niya sa umuusok na tsaa. "Ang nararamdaman niya para sa'yo ay higit pa sa magkaibigan pero hindi rin katumbas ng nagmamahalan na tao. Kapag lumagpas siya sa linya at sabihin ang gusto niyang iparating, hindi na maibabalik ang dati, at masisira nun ang pagkakaibigan niyo."Pagkasabi nun, inangat ni Maisie ang paningin niya at tumingin kay Ryleigh. "Sigurado ka ba na hindi ka magugulat at lumayo sa kaniya pagkatapos umamin sa'yo nang biglaan noon?"Hindi alam ni Ryleigh ang sasabihin. Kung tutuusin, hindi niya naisip ang sagot sa katanungan na 'yun.'Ano ang gagawin ko kung umamin sa akin si Joe noon?'Nilagay ni Maisie ang k
Binawi ni Ryleigh ang kamay niya. "Pero best friend ang turing ko sa'yo, Joe. Hindi ko naisip na—"Hinawakan siya ni Joe sa balikat, at ang kilos niya ay mas lalong naging kakaiba para kay Ryleigh. "Joe, ikaw—""Ryleigh, sabi mo noon na hindi mo pakakasalan si Louis, at arranged marriage lang 'yun…" Hinaplos ng malamig na kamay ni Joe ang pisngi ni Ryleigh. "Pero ang pagtrato mo sa kaniya noong nasa hospital ka ang nagpa-isip sa akin na mawawala ka na sa akin."Tinanggal ni Ryleigh ang kamay niya, at naging seryoso ang ekspresyon niya. "Joe, ikaw ang nagpadala sa akin ng mga litrato, hindi ba?"Hindi siya tumanggi doon, pero hindi rin siya umamin. "Ano ang gagawin mo kung ano nga?"Nanginig ang balikat ni Ryleigh, at bahagyang gumalaw ang labi niya. "Bakit mo gagawin 'yun? Nagtiwala ako sa'yo, Joe. Hindi ako naniwala nang sinabi sa akin ni Zee na ikaw yun, at akala ko nagkakamali lang siya."Humigpit ang hawak niya sa balikat ni Ryleigh at lumapit kay Ryleigh. "Dahil gusto kong i
Nang makita na nanginginig ang katawan ni Ryleigh, lumapit agad sa kaniya si Louis, umupo sa harapan niya, at hinawakan ang malamig niyang kamay. "Anong nangyari?"Tiningnan din siya ni Maisie.Tumulo ang mga luha ni Ryleigh. "Pasensya na… pasensya na talaga… hindi ko sinasadya…" Tulala siya, natatakot at hindi mapakali, at nagsabay-sabay ang emosyon niya kaya siya bumigay.Niyakap siya ni Louis habang patuloy siyang naging, umiiyak, at humihingi ng tawad.May napansin si Maisie nang lumabas ang doktor mula sa emergency room at tinanong, "Sino sa inyo ang ka-pamilya ni Joe Watson?"Huminto sa pag-iyak si Ryleigh, tinulak niya palayo si Louis, at nanginginig na tumayo. "Ako… kaibigan niya ako."Lumapit sa kaniya ang doktor. "May kilala ka ba sa pamilya niya?"Hindi nakapagsalita si Ryleigh, kaya lumapit si Maisie sa doktor at sumagot, "Tatawagan ko ang pamilya niya para sa hospital, pero pwede ko ba malaman kung ano ang nangyari sa kaniya?"Seryoso ang doktor at bumuntong hining
Nagpunta si Maisie sa kwarto at binuksan ang pinto. Nakadungaw pa rin si Ryleigh sa bintana.Nagpunta siya sa gilid ng kama at naupo sa isang upuan. “Ryleigh, sa susunod na pitong araw ang burol ni Joe.”Nagsimulang magkaroon ng reaksyon si Ryleigh nang mabanggit si Joe, nanginig ang daliri niya.Hinawakan ni Maisie ang kamay niya at sinabing, “Alam kong sinisisi mo ang sarili mo. Ako rin. Kasama mo dapat ako nang araw na yun. Ginawa yun ni Joe para maligtas ka, at isa itong sakit na dadalhin mo buong buhay mo, kaya ka nagi-gulity.”Biglang nagsalita si Ryleigh. “Kasalanan ko ito…. Ako ang gumawa nito sa kaniya. Ako dapat ang namatay.”“Ryleigh, walang may kasalanan. Niliigtas ka ba niya para malungkot ka at magdusa ka habangbuhay?”Tumulo ang mga luha ni Ryleigh at saka umiling. “Pero I—”“Sige na, huwag na natin ‘to pag-usapan. “ Pinunasan ni Maisie ang mga luha niya. “Wala kang ginawang mali, at siya rn. Gusto ka niya, at kahit na ginamit niya ang paraan na yun para makuha, n
Tila iniisip ni Mrs. Watson kung paano si Joe noong nabubuhay pa ito. May mga taong hindi matanggap ang katotohanan kapag nasasaktan sila dahil ang tanging paraan lang para makatakas sila ay ang imahinasyon nila.Hindi siya pinigilan ni Maisie dahil para bang kinukwento ni Mrs. Watson ang araw-araw na buhay ng anak niya, pero habang nagsasalita siya, bigla siyang natawa habang tumutulo pa din ang mga luha, humihikbi.Dumating naman si Ryleigh sa sandaling yun, dala-dala ang isang lumang kahon.Tiningnan siya ni Maisie.Huminto si Ryleigh sa harapan ni Mrs. Watson, ngumiti at inabot ang hawak ng kahon. “Ma’am, ito lahat ng librong pinahiram sa akin ni Joe galing sa library, pero hindi ko ito nabalik sa kaniya. Mawawala ang mga libro sa school, at si Joe lagi ang kinukwestyon ng teacher. Sa huli, hindi na siya pinayagang makapasok sa library.”Sinabi niya yun at saka ngumiti, pero mas pangit pa sa iyak ang ngiting yun.Ngumiti rin si Mrs. Watson. Lumapit siya at kinuha ang kahon, a
Tumalikod si Helios, pero wala na doon sina Nolan at Maisie. Kaya naman, ngumiti siya. “Walang tao dito.”Tumawa nang malakas si Barbara.Yumuko si Helios at hinalikan siya habang pumulupot naman sa kaniya ang mga braso ni Barbara. Sa ilalim ng mga ilaw, parang isa silang napakagandang painting.Samantala, sa garahe…Mapusok na hinahalikan ni Nolan si Maisie habang nakasandal ito sa kotse. Binaba niya ang kamay mula sa mga labi nito papunta sa leeg,Hinawakan ni Maisie ang mga pisngi niya at bumalik sa sarili. “Sandali. Wala tayo sa bahay!”Ngumiti si Nolan, hinawakan ang kamay niya at hinalikan ang mga daliri nito. “Umuwi na tayo, kung ganoon.”Nang makabalik sila sa Blue Bay villa, pagkatapak pa lang sa pinto ay nagsimula na silang maghalikan. Binuhat siya ni Nolan papunta sa mesa at pinaupo siya doon.Hinila ni Nolan ang suot niyang kurbata at mapang-akit na pinagmasdan si Maisie. “Hindi ka makakatakas.”Hindi sila naghihiwalay, agad siyang hinalikan ni Nolan, dahilan para
“Ayos ka lang ba?” Tatayo na sana si Lucy para humingi ng pasensya pero inabot ng taong yun ang kamay sa kaniya. Huminto siya at tumingala.Nakita ni Lucy ang isang gwapong lalaki sa harapan niya. Natigilan siya.Kailan pa nagkaroon ng ganito kagwapong empleyado dito?Nagtataka siyang pinagmasdan ni Hector. “Hey, ayos ka lang ba?”“Oh, pasensya na.” Tumayo si Lucy at pinagpagan ang kaniyang palda at saka malawak na ngumiti. “Ayos lang ako.”Tumango si Hector at nilagpasan siya.Nag-iisip pa rin si Lucy nang makita niya si Hector na maglakad papunta sa opisina ni Hector, nagulat siya. Malapit ba siya kay Ms. Vanderbilt?Tumingala si Maisie nang marinig niya ang katok at saka binaba ang binabasang agreement. “Pasok.”Nakatingin sa kaniya si Hector. “Ako ‘to, si Hector.”Tumayo si Maisie at matagal siyang tinitigan. “Hector?” Lumapit siya kay Hector. “Nagpa-cosmetic surgery ka ba?”Umirap si Hector. “Hindi.”“Hmm…” Inikutan siya ni Maisie at tumango. “Ginupit mo yung nakakainis
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa
Ngumiti si Waylon at sinabi, “Oo, pero maaga pa naman.” Humiga si Daisie sa hita ni Nollace at tumingin siya sa langit. Matapos ang ilang sandali, sabi niya, “Ulan ba yung naramdaman ko?” Tumingin ang lahat sa kaniya.Huminga nang malalim si Colton. “Huwag mong i-jinx.” Tumingin si Freyja sa langit, kahit na maliwanag ang langit na nakikita nila, may maiitim na ulap malapit sa mga bundok. “Baka makulimlim lang ngayon.” Malapit na mag tanghali pero wala pa ring araw. Baka nga makulimlim lang pero walang ulan. Nagsalita si Cameron, “Wala namang sinabi sa weather report na uulan ngayon. Sa tingin ko hindi naman uulan.”Depende na lang kung mali pala ang weather report! Matapos ang ilang sandali, naramdaman ni Nollace na may tumulo sa mukha niya. Hinawakan niya iyon. “Umuulan nga.” Umupo si Cameron. “Ano?”Nahihiyang ngumiti si Daisie. “Naisip ko lang naman na uulan pero ngayon…” ‘Jinxing!’Lahat sila ay nagsimula ng mag-pack ng mga pagkain pati ang grill at mga mats ay
Sumang-ayon ang iba.Nang maihain ang pagkain, tiningnan ni Daisie ang puting pagkain na mukhang pamaypay at tinanong ang may-ari. “Ano ‘to?”Ngumiti si ang lalaki at ipinaliwanag, “Mylotic cheese ‘yan. Gawa yan mula sa gatas ng baka. Lokal na pagkain.”Tinikman ni Cameron. “Oh, ang sarap.”Tumikim din si Freyja at Colton at masarap nga iyon.Inihain ang susunod na pagkain. Dinala ito ng lalaki. “Manok ito. Gawa ito sa homemade na marinade, spicy oil, paminta at roasted walnuts. Specialty namin ito dito at gustong gusto ito ng mga turista.”Sinubukan yon ni Daisie at tinanong ni Cameron, “Kumusta?”Tumango siya at sumubo pa nang mas malaki. Sinubukan din yon ng iba.Nagdala ng soup dish ang lalaki. “Ito ang cream nv seaweed. Malambot ito at crunchy naman ang seaweed. Kapag idinagdag ang yam, mas masarap.”“Mukhang masarap. Ako muna ang titikim.” sumubo si Waylon.Tiningnan siya ni Cameron. “Ang bango.”Pagkatapos ng ilang pagkain ay inihain na ang sikat sa lugar. Mayroong bu
Nang gabing ‘yon, sa Taylorton…Nagi-impake si Daisie ng bag niya, para sa plano nilang road trip at iniisip kung ano pa ang kailangan nila.Nang lumabas si Nollace sa shower at nakita na seryoso itong nagpaplano, tumawa siya. “Magbabakasyon lang tayo, hindi lilipat.”“Maraming kailangan dalhin ang mga babae. Skincare, pagkain, at ang camera. Kailangan natin yung drone. Nagdala rin ako ng payong.”Naningkit siya. “Pati payong?”Tiningnan siya ni Daisie at seryosong sinabi, “Paano kung umulan?”Hindi alam ni Nollace ang sasabihin.May dalawa silang malaking suitcase at isang maliit. Tumayo si Daisie, tiningnan ang bag niya at pakiramdam niya ay sumobra siya. Kinamot niya ang kaniyang pisngi. “Parang lilipat ako.”Lumapit si Nollace sa kaniya at niyakap niya si Daisie. “Mabuti na lang at road trip ‘yon o kakailanganin natin ng U-haul.”Ngumiti si Daisie at niyakap siya. “Excited na ako para bukas.”Kinabukasan, nagmaneho si Colton papunta sa Taylorton. Nasa ibang sasakyan si Wa
Hinawakan ni Waylon ang kamay ni Cameron. “Pag-uusapan natin ‘yan sa susunod.”Tiningnan ni Maisie si Daisie at Nollace. “Kinasal na ang dalawa mong kapatid. Kailan ang sa'yo?”Sagot ni Daisie, “Sabi ni Nolly at magandang araw ang September 9 dahil hindi sobrang lamig sa Yaramoor sa oras na ‘yon. Mainit sa umaga pero malamig sa gabi.”Nagulat si Cameron. “Mainit pa rin dito sa September. Parang summer sa East Island kapag September.”Ngumiti si Daisie. “Ang winter ng East Island ay parang summer namin. Pwedeng pumunta doon ang taong ayaw sa winter.”Ibinaba ni Nicholas ang tasa niya at pinag-isipan. “13 na araw na lang bago mag September 9. Ang bilis non.”Ngumiti si Maisie at tumango. “Oo nga.”Tumingin si Waylon kay Nollace. “Panigurado na magarbo ang isang royal wedding.”Inakbayan ni Nollace si Daisie. “Syempre. Bukas ‘yon sa publiko at gaganapin sa palasyo namin.”Lumapit si Cameron kay Waylon. “Hindi pa ako nakakapunta sa isang royal wedding. Isang karanasan ‘yon.” Tini