Binawi ni Ryleigh ang kamay niya. "Pero best friend ang turing ko sa'yo, Joe. Hindi ko naisip na—"Hinawakan siya ni Joe sa balikat, at ang kilos niya ay mas lalong naging kakaiba para kay Ryleigh. "Joe, ikaw—""Ryleigh, sabi mo noon na hindi mo pakakasalan si Louis, at arranged marriage lang 'yun…" Hinaplos ng malamig na kamay ni Joe ang pisngi ni Ryleigh. "Pero ang pagtrato mo sa kaniya noong nasa hospital ka ang nagpa-isip sa akin na mawawala ka na sa akin."Tinanggal ni Ryleigh ang kamay niya, at naging seryoso ang ekspresyon niya. "Joe, ikaw ang nagpadala sa akin ng mga litrato, hindi ba?"Hindi siya tumanggi doon, pero hindi rin siya umamin. "Ano ang gagawin mo kung ano nga?"Nanginig ang balikat ni Ryleigh, at bahagyang gumalaw ang labi niya. "Bakit mo gagawin 'yun? Nagtiwala ako sa'yo, Joe. Hindi ako naniwala nang sinabi sa akin ni Zee na ikaw yun, at akala ko nagkakamali lang siya."Humigpit ang hawak niya sa balikat ni Ryleigh at lumapit kay Ryleigh. "Dahil gusto kong i
Nang makita na nanginginig ang katawan ni Ryleigh, lumapit agad sa kaniya si Louis, umupo sa harapan niya, at hinawakan ang malamig niyang kamay. "Anong nangyari?"Tiningnan din siya ni Maisie.Tumulo ang mga luha ni Ryleigh. "Pasensya na… pasensya na talaga… hindi ko sinasadya…" Tulala siya, natatakot at hindi mapakali, at nagsabay-sabay ang emosyon niya kaya siya bumigay.Niyakap siya ni Louis habang patuloy siyang naging, umiiyak, at humihingi ng tawad.May napansin si Maisie nang lumabas ang doktor mula sa emergency room at tinanong, "Sino sa inyo ang ka-pamilya ni Joe Watson?"Huminto sa pag-iyak si Ryleigh, tinulak niya palayo si Louis, at nanginginig na tumayo. "Ako… kaibigan niya ako."Lumapit sa kaniya ang doktor. "May kilala ka ba sa pamilya niya?"Hindi nakapagsalita si Ryleigh, kaya lumapit si Maisie sa doktor at sumagot, "Tatawagan ko ang pamilya niya para sa hospital, pero pwede ko ba malaman kung ano ang nangyari sa kaniya?"Seryoso ang doktor at bumuntong hining
Nagpunta si Maisie sa kwarto at binuksan ang pinto. Nakadungaw pa rin si Ryleigh sa bintana.Nagpunta siya sa gilid ng kama at naupo sa isang upuan. “Ryleigh, sa susunod na pitong araw ang burol ni Joe.”Nagsimulang magkaroon ng reaksyon si Ryleigh nang mabanggit si Joe, nanginig ang daliri niya.Hinawakan ni Maisie ang kamay niya at sinabing, “Alam kong sinisisi mo ang sarili mo. Ako rin. Kasama mo dapat ako nang araw na yun. Ginawa yun ni Joe para maligtas ka, at isa itong sakit na dadalhin mo buong buhay mo, kaya ka nagi-gulity.”Biglang nagsalita si Ryleigh. “Kasalanan ko ito…. Ako ang gumawa nito sa kaniya. Ako dapat ang namatay.”“Ryleigh, walang may kasalanan. Niliigtas ka ba niya para malungkot ka at magdusa ka habangbuhay?”Tumulo ang mga luha ni Ryleigh at saka umiling. “Pero I—”“Sige na, huwag na natin ‘to pag-usapan. “ Pinunasan ni Maisie ang mga luha niya. “Wala kang ginawang mali, at siya rn. Gusto ka niya, at kahit na ginamit niya ang paraan na yun para makuha, n
Tila iniisip ni Mrs. Watson kung paano si Joe noong nabubuhay pa ito. May mga taong hindi matanggap ang katotohanan kapag nasasaktan sila dahil ang tanging paraan lang para makatakas sila ay ang imahinasyon nila.Hindi siya pinigilan ni Maisie dahil para bang kinukwento ni Mrs. Watson ang araw-araw na buhay ng anak niya, pero habang nagsasalita siya, bigla siyang natawa habang tumutulo pa din ang mga luha, humihikbi.Dumating naman si Ryleigh sa sandaling yun, dala-dala ang isang lumang kahon.Tiningnan siya ni Maisie.Huminto si Ryleigh sa harapan ni Mrs. Watson, ngumiti at inabot ang hawak ng kahon. “Ma’am, ito lahat ng librong pinahiram sa akin ni Joe galing sa library, pero hindi ko ito nabalik sa kaniya. Mawawala ang mga libro sa school, at si Joe lagi ang kinukwestyon ng teacher. Sa huli, hindi na siya pinayagang makapasok sa library.”Sinabi niya yun at saka ngumiti, pero mas pangit pa sa iyak ang ngiting yun.Ngumiti rin si Mrs. Watson. Lumapit siya at kinuha ang kahon, a
Tumalikod si Helios, pero wala na doon sina Nolan at Maisie. Kaya naman, ngumiti siya. “Walang tao dito.”Tumawa nang malakas si Barbara.Yumuko si Helios at hinalikan siya habang pumulupot naman sa kaniya ang mga braso ni Barbara. Sa ilalim ng mga ilaw, parang isa silang napakagandang painting.Samantala, sa garahe…Mapusok na hinahalikan ni Nolan si Maisie habang nakasandal ito sa kotse. Binaba niya ang kamay mula sa mga labi nito papunta sa leeg,Hinawakan ni Maisie ang mga pisngi niya at bumalik sa sarili. “Sandali. Wala tayo sa bahay!”Ngumiti si Nolan, hinawakan ang kamay niya at hinalikan ang mga daliri nito. “Umuwi na tayo, kung ganoon.”Nang makabalik sila sa Blue Bay villa, pagkatapak pa lang sa pinto ay nagsimula na silang maghalikan. Binuhat siya ni Nolan papunta sa mesa at pinaupo siya doon.Hinila ni Nolan ang suot niyang kurbata at mapang-akit na pinagmasdan si Maisie. “Hindi ka makakatakas.”Hindi sila naghihiwalay, agad siyang hinalikan ni Nolan, dahilan para
“Ayos ka lang ba?” Tatayo na sana si Lucy para humingi ng pasensya pero inabot ng taong yun ang kamay sa kaniya. Huminto siya at tumingala.Nakita ni Lucy ang isang gwapong lalaki sa harapan niya. Natigilan siya.Kailan pa nagkaroon ng ganito kagwapong empleyado dito?Nagtataka siyang pinagmasdan ni Hector. “Hey, ayos ka lang ba?”“Oh, pasensya na.” Tumayo si Lucy at pinagpagan ang kaniyang palda at saka malawak na ngumiti. “Ayos lang ako.”Tumango si Hector at nilagpasan siya.Nag-iisip pa rin si Lucy nang makita niya si Hector na maglakad papunta sa opisina ni Hector, nagulat siya. Malapit ba siya kay Ms. Vanderbilt?Tumingala si Maisie nang marinig niya ang katok at saka binaba ang binabasang agreement. “Pasok.”Nakatingin sa kaniya si Hector. “Ako ‘to, si Hector.”Tumayo si Maisie at matagal siyang tinitigan. “Hector?” Lumapit siya kay Hector. “Nagpa-cosmetic surgery ka ba?”Umirap si Hector. “Hindi.”“Hmm…” Inikutan siya ni Maisie at tumango. “Ginupit mo yung nakakainis
Ilang babaeng staff ang tumawa.Lumingon sa kanila s Maisie at ngumiti habang nakataas ang mga kilay. “Kapag ginalingan niyo, kukuha pa ako ng mas maraming gwapong lalaki.”“Mahal ka namin, Ms. Vanderbilt!”Lumingon si Maisie kay Lucy. “Hayaan mong mag-shadow siya sa iyo nang ilang araw.”Nagulat si Lucy. Saka niya tiningnan si Hector at tumango.Tumalikod si Maisie at hinawakan ang balikat ni Hector. “Good luck.”Nang umalis si Maisie, tiningnan ni Lucy si Hector at ngumiti. “Bibigyan muna kita ng desk at ililibot ka, okay?”Tumango si Hector.,,,Kinahapunan, kumakain ng lunch sina Maisie at Erwin sa isang restaurant, at ka-videocall niya ang kaniyang lolo.Nakaupo si Hernandez sa kaniyang wheelchair, mas maputi na ang buhok niya ngayon, at mas mukha na siyang matanda. Nawalan na siya ng pakiramdam sa ibaba ng kaniyang katawan at hindi na maalagaan ang sarili, kaya mayroong taong nag-aalala sa kaniya.Namula ang mga mata ni Maisie pero ngumiti siya. “Kumusta kayo, lolo?”
Tumango si Nicholas. Mayroong sumagi sa isipan niya at sinabi niyang, “Pero, sana ay hindi maging walang pusong halimaw si Waylon katulad ng lolo mo. Pagkatapos siyang sanayin ng lolo mo mas lalo siyang naging malupit. Mas katulad niya rin ang lolo mo kaysa sa iyo. Kung wala tayong gagawin, baka maging sobra niyang agresibo at mahihirapan na tayong makontrol siya.”Tumawa si Nolan, “Kahit gaano pa kalupit ang lolo ko, isa siyang maamong aso sa harapan ng lola ko.”Nag-isip si Nicholas at naramdamang tama si Nolan.“Oo nga pala, Dad,” Mayroong naalala si Nolan at sinabing, “Lagi kong nakakalimutan na palitan ang pangalan ng tatlong batang yun.”“Maraming nangyari three years ago, at nawalan ka pa ng alaala pagkatapos ng tatlong taon.” Reklamo ni Nicholas. “Kung hindi mo nabanggit, nakalimutan ko na ang tungkol doon.”Walang sinabi si Nolan.Napahawak si Nicholas sa baba niya at nag-isip nang malalim. Matapos ang ilang sandali, sinabi niya, “Hindi natin kailangan palitan ang pangal