Umiling si Maisie. “Wala akong alam tungkol doon.”Lumapit silang dalawa at nakita nila si Lucy. Pinilit nina Kennedy at Maisie na pumasok sa gitna ng mga tao at tinapik sa balikat si Lucy.Magtatanong na sana si Maisie kung anong nangyayari pero nakita niya si Hector na personal na sinusuot sa isang babaeng customer ang isang kwintas bago pinakilala ang bagay na alahas sa babaeng customer.Nagulat si Maisie.Tinanong ni Kennedy si Lucy. “Kailan pa tayo nag-hire ng bagong staff member?”Sumagot si Lucy, “Si Ms. Vanderbilt mismo ang nag-hire sa kaniya.”Doon lang bumalik sa sarili si Maisie. Nginitian niya si Kennedy at nagtanong, “Iba na ang itsura niya, tama? Siya si Hector.”Nagulat si Kennedy. Pinagmasdan niya si Hector mula ulo hanggang paa nang ilang beses at napasinghap, “Siya talaga yun!?”Nakasuot si Hector ng isang formal uniform. Hindi na siga ang dating niya. Inahit pa nito ang mahaba nitong buhok at ngayon ay karaniwang buzz cut na ang gupit.Gayunpaman, mas bagay
Kahit si Kennedy ay nakitang mas bagay nga sa babaeng customer ang light-colored bracelet. Dahil ito sa mas maitim niyang skin tone, magmumukha siyang maputla siya sa kulay pink. Hindi ito magbibigay ng contrast sa skin tone niya. Ang totoo, mas bagay sa mga taong may mas maitim na skin tone ang mga light colors kaysa sa bright colors tulad ng pink, red at purple.Napahawak si Maisie sa kaniyang baba at napaisip. Nagsimula niyang tingnan si Hector sa ibang anggulo, at mukhang magaling nga ito sa ganitong bagay.Pagkatapos ng dalawang oras, nakumpleto na rin ni Hector ang lahat ng gawain niya. Bumalik siya sa administrative office at maraming babaeng empleyado ang nakatitig sa kaniya.Hindi maganda ang kutob niya dito. Gayunpaman, bago niya pa nalaman kung bakit, pinalibutan siya ng mga ito at hiningan siya ng payo. “Sobrang galing mo dito. Ikaw ang una kong tatanungin kapag bumili ako ng alahas sa susunod.”“Ayaw ko talaga sa mga multiple-choice question. Lagi akong nahihirapan
Tumawa si Maisie, “Maaasahan ka talaga, Tito Kennedy. Marami ka talagang alam tungkol sa mayayamang babae.”Nguniti si Kennedy pabalik at sinabi, “Matagal na ako sa jewelry industry, basic knowledge lang ito. At saka, ang fashion at jewelry industry ay parang magkapatid. Hindi sila mapaghihiwalay. Kung hindi natin tataasan ang ambisyon natin at lahat ng tao ay iisa lang ang inaabot, nawala na ang fashion industry.”Kinakabahang naupo si Lucy habang hinihintay si Hector. Sa huli, pumili si Hector ng isang pares ng stylish tassel earings.Tiningnan siya ni Maisie at tinanong, “Pwede mo ba sabihin sa amin ng dahilan kung bakit pinili mo ang hikaw na yan?”Nagtataka rin si Lucy.Nag-isip sandali si Hector at saka sinabi, “Hindi maliit ang mukha niya, at kung gusto niyang mas paliitin ang mukha niya, mas magandang option ang tassel earrings.”Napatakip si Lucy sa mataba niyang mga pisngi at nagtanong, “Malaki ba talaga ang mukha ko?”Tumango si Hector.Binatukan ni Maisie si
Sa blackgold…Nagbabasa si Quincy sa tablet habang nirereport niya ang mga nalaman niya sa trabaho niya sa harapan ng desk. Mayroong hawak na tasa ng kape si Nolan at nasa tapat ito ng mga labi niya, pero hindi niya iniinom. Pinapalatak niya ang mga daliri niya sa mesa at halatang iba ang iniisip.Umangat ang ulo ni Quincy at nagtanong, “Mr. Goldmann?”Tumingin sa labas ng bintana si Nolan at sinabi, “Mukhang maraming nangyayari sa Soul.”Tumawa si Quincy at sinabing, “Hindi ba’t maganda na mas maraming tao ang bumibili ng alahas mula sa Soul Jewelry ni Mrs. Goldmann?”Kumunot ang noo ni Nolan. “Hindi mo ba narinig na nag-hire siya ng bagong staff member? Narinig kong gwapo siya, at maraming nakukuhang atensyon nitong nakaraan.”Natahimik si Quincy.‘Yun ba ang inaalala niya?’Nilapag ni Nolan ang tasa ng kape niya, hindi mabasa ang ekspresyon sa kaniyang mukha. “Narinig ko rin na pinagtutuunan niya ng pansin ang potensyal ng batang yun.”Kumibot ang sulok ng mga labi ni Quinc
Nang makitang pumasok si Nolan sa opisina, tahimik na lumabas ng silid si Lucy at sinara agad ang pinto.Huminto si Nolan sa harapan ng desk, tinukod ang mga kamay dito at lumapit kay Maisie, pilit na ngumiti. “Mayroong baguhan sa kumpanya at nakalimutan mo na agad ang mister mo. Nagustuhan mo ba ang baguhan na yun?”Habang nakikinig sa seryosong tono ni Nolan hindi mapigilang matawa ni Maisie. “Honey, selos ba ang naririnig ko?”Naningkit ang mga mata ni Nolan.Lumapit si Maisie, hinalikan siya sa mga labi at ngumiti nang malawak. “Mabuti kung ganoon, dadalhin natin siya mamaya sa mall at bibilhan natin siyang dalawa ng mga damit. Aayusin ko pa ang accomodation niya pagkatapos ng shopping.”Kumunot ang noo ni Nolan, at nagdilim ang ekspresyon niya. “Mukhang naayos mo na ang lahat para sa kaniya.Hindi mapigilan ni Maisie ang tawa at napatango.Nang makita ang dilim sa mga mata ni Nolan, hinawakan ni Maisie ang kurbata niya. “Ipakilala ba kita sa kaniya?”Hinila ni Nolan ang ku
Akala ni Hector ay magiging mahirap na makasundo si Nolan dahil ang usap-usapan ay napakaseryoso nitong tao. Kaya naman, sinubukan niyang hindi masiyadong magsalita para hindi bigyan ng problema ang pinsan niya. Gayunpaman, hindi niya akalain na si Nolan ang kusang makikipag-usap sa kaniya.Napakamot sa ulo si Hector. “Ayaw ko lang patuloy na mabuhay bilang ako dati.”Mahinang sumagot si Nolan habang nakatingin sa unahan. “Mabuting bagay ang pagiging handa sa pagbabago.”Pumarada ang kotse sa labas ng pinakamalaking shopping mall sa administrative district, lumabas ang dalawa sa kotse. Sinabayang maglakad ni Hector si Nolan, at sa oras na nakatapak sila sa shopping mall, nakangiting binati ng director at ilang managers si Nolan. “Mr. Goldmann.”Dinala ni Nolan si Hector sa kanila. “Bigyan niyo siya ng ilang outfits na bagay sa kaniya. Ibalot niyo lang lahat ng gusto niya.”…Nagulat si Maisie nang makita niya ang dala nina Hector at Nolan galing sa mall, at halos lahat ng staff s
Agad na nagtanong si Maisie, “Anong problema?”“Uh… Ms. Vanderbilt, pinsan niyo pala si Hector?”Kahit na matagal na nilang naisip na baka magkamag-anak ang dalawa, ngayon lang nila nakumpirma na nakababatang pinsan pala ni Maisie si Hector.Wala sila masiyadong alam dahil hindi rin inamin sa kanila ni Hector ang relasyon nito kay Maisie.Ilang mga babaeng empleyado ang biglang lumapit. “Ms. Vanderbilt, mayroon ka pa bang mas nakababatang pinsan?”“Pwede na rin ang mga kaibigan nila.”Hindi nakasagot si Maisie.‘Mukhang kailangan ko na talagang kumuha ng mga binata para sa kapakanan ng kumpanya. Kung hindi, puro lalaki na lang ang iisipin ng mga babaeng ‘to.|Sa Ambergate Street ng Stoslo…Naglakad si Ryleigh papasok sa isang circular plaza, pinagmasdan niya ang mga iskultura at mga kalapati sa plaza. Kinuha niya ang camera niya para kumuha ng mga pictures.Isang blonde na batang babae ang lumapit sa kaniya at hinila ang laylayan ng kaniyang damit.Nang yumuko si Ryleigh, in
Sumimangot si Ryleigh at bumulong, “Namiss lang kita. Hindi na ako pupunta sa detalye.”Hinalikan siya sa noo ni Louis at hinawakan ang kamay niya. “Tara na. Nandito ako para iuwi ang isang kuting na hindi mahanap ang daan niya pauwi.”Hawak ni Ryleigh ang mga rosas sa isa niyang kamay habang ang isa naman ay hawak ang kamay ni Louis. Sinundan niya si Louis sa paglalakad. “Sinong nagsabing hindi ko mahanap ang daan ko pauwi?”Ngumiti si Louis. “Isang buwan ka nang wala. Naalala mo pa ba ang bahay mo?”Mahinang suminghal si Ryleigh. “Gagawin ko kung anong gusto ko. Bakit hindi ko hahayaan na magsaya ang sarili ko ng ilang araw habang hindi pa tayo kasal?”Tumigil si Louis, lumingon sa kaniya, naningkit ang mga mata at saka ngumiti. “Tama ka ata. Hinahamon kitang iwan ulit ako pagkatapos nating maikasal.”Sumimangot si Ryleigh at biglang siyang hinawakan. “Buhatin mo ako pabalik sa hotel.|Nagulat si Louis, tiningnan niya ang mga turista sa paligid at tumaas ang kilay. “Sigurado k
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa
Ngumiti si Waylon at sinabi, “Oo, pero maaga pa naman.” Humiga si Daisie sa hita ni Nollace at tumingin siya sa langit. Matapos ang ilang sandali, sabi niya, “Ulan ba yung naramdaman ko?” Tumingin ang lahat sa kaniya.Huminga nang malalim si Colton. “Huwag mong i-jinx.” Tumingin si Freyja sa langit, kahit na maliwanag ang langit na nakikita nila, may maiitim na ulap malapit sa mga bundok. “Baka makulimlim lang ngayon.” Malapit na mag tanghali pero wala pa ring araw. Baka nga makulimlim lang pero walang ulan. Nagsalita si Cameron, “Wala namang sinabi sa weather report na uulan ngayon. Sa tingin ko hindi naman uulan.”Depende na lang kung mali pala ang weather report! Matapos ang ilang sandali, naramdaman ni Nollace na may tumulo sa mukha niya. Hinawakan niya iyon. “Umuulan nga.” Umupo si Cameron. “Ano?”Nahihiyang ngumiti si Daisie. “Naisip ko lang naman na uulan pero ngayon…” ‘Jinxing!’Lahat sila ay nagsimula ng mag-pack ng mga pagkain pati ang grill at mga mats ay
Sumang-ayon ang iba.Nang maihain ang pagkain, tiningnan ni Daisie ang puting pagkain na mukhang pamaypay at tinanong ang may-ari. “Ano ‘to?”Ngumiti si ang lalaki at ipinaliwanag, “Mylotic cheese ‘yan. Gawa yan mula sa gatas ng baka. Lokal na pagkain.”Tinikman ni Cameron. “Oh, ang sarap.”Tumikim din si Freyja at Colton at masarap nga iyon.Inihain ang susunod na pagkain. Dinala ito ng lalaki. “Manok ito. Gawa ito sa homemade na marinade, spicy oil, paminta at roasted walnuts. Specialty namin ito dito at gustong gusto ito ng mga turista.”Sinubukan yon ni Daisie at tinanong ni Cameron, “Kumusta?”Tumango siya at sumubo pa nang mas malaki. Sinubukan din yon ng iba.Nagdala ng soup dish ang lalaki. “Ito ang cream nv seaweed. Malambot ito at crunchy naman ang seaweed. Kapag idinagdag ang yam, mas masarap.”“Mukhang masarap. Ako muna ang titikim.” sumubo si Waylon.Tiningnan siya ni Cameron. “Ang bango.”Pagkatapos ng ilang pagkain ay inihain na ang sikat sa lugar. Mayroong bu
Nang gabing ‘yon, sa Taylorton…Nagi-impake si Daisie ng bag niya, para sa plano nilang road trip at iniisip kung ano pa ang kailangan nila.Nang lumabas si Nollace sa shower at nakita na seryoso itong nagpaplano, tumawa siya. “Magbabakasyon lang tayo, hindi lilipat.”“Maraming kailangan dalhin ang mga babae. Skincare, pagkain, at ang camera. Kailangan natin yung drone. Nagdala rin ako ng payong.”Naningkit siya. “Pati payong?”Tiningnan siya ni Daisie at seryosong sinabi, “Paano kung umulan?”Hindi alam ni Nollace ang sasabihin.May dalawa silang malaking suitcase at isang maliit. Tumayo si Daisie, tiningnan ang bag niya at pakiramdam niya ay sumobra siya. Kinamot niya ang kaniyang pisngi. “Parang lilipat ako.”Lumapit si Nollace sa kaniya at niyakap niya si Daisie. “Mabuti na lang at road trip ‘yon o kakailanganin natin ng U-haul.”Ngumiti si Daisie at niyakap siya. “Excited na ako para bukas.”Kinabukasan, nagmaneho si Colton papunta sa Taylorton. Nasa ibang sasakyan si Wa
Hinawakan ni Waylon ang kamay ni Cameron. “Pag-uusapan natin ‘yan sa susunod.”Tiningnan ni Maisie si Daisie at Nollace. “Kinasal na ang dalawa mong kapatid. Kailan ang sa'yo?”Sagot ni Daisie, “Sabi ni Nolly at magandang araw ang September 9 dahil hindi sobrang lamig sa Yaramoor sa oras na ‘yon. Mainit sa umaga pero malamig sa gabi.”Nagulat si Cameron. “Mainit pa rin dito sa September. Parang summer sa East Island kapag September.”Ngumiti si Daisie. “Ang winter ng East Island ay parang summer namin. Pwedeng pumunta doon ang taong ayaw sa winter.”Ibinaba ni Nicholas ang tasa niya at pinag-isipan. “13 na araw na lang bago mag September 9. Ang bilis non.”Ngumiti si Maisie at tumango. “Oo nga.”Tumingin si Waylon kay Nollace. “Panigurado na magarbo ang isang royal wedding.”Inakbayan ni Nollace si Daisie. “Syempre. Bukas ‘yon sa publiko at gaganapin sa palasyo namin.”Lumapit si Cameron kay Waylon. “Hindi pa ako nakakapunta sa isang royal wedding. Isang karanasan ‘yon.” Tini