Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Chapter 981 - Chapter 990

All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 981 - Chapter 990

2769 Chapters

Kabanata 982

Tumalikod si Tristan at umalis. Kahit na galit na sumisigaw at nagmumura si Madam knowles mula sa kwarto, nagpatuloy pa rin siyang umalis.Sa kabilang banda, lahat ng media ng Yaramoor ay nagreport na sinalakay si Madam Knowles at naipit sa pagitan ng mga putukan. Kaya simula nun, nagkaroon siya ng PTSD at nasa sanatorium na siya ngayon para magpagaling. Para naman sa eksaktong lokasyon ng mga facilitator, walang isang reporter ang naghinala at gumawa ng mas malalim ng imbestigasyon.Sa Bassgurgh, sa private na primary school…Magsisimula na sa tatlong araw ang winter break. Lahat ng estudyante sa eskwelahan ay hinihintay ito. Apat sa limang mga estudyante ang nagkukwentuhan ano ang gagawin nila sa winter break.Tumingin sa likod si Lisa at nakita na nagtatampong nakahiga si Daisie sa mesa, kaya lumapit siya at tinanong, "Daisie, hindi ba maayos ang pakiramdam?"Tiningnan siya ni Daisie, at humiga ulit. "Ayos lang ako. Ayoko lang gumalaw."Natawa si Lisa.Dumating si Colt
Read more

Kabanata 983

Nabawasan ang puri ni Cokton sa sarili niya. "Ibig sabihin ba nun hindi ako gwapo?"Malakas na tumawa si Hans at hinaplos ang ulo ni Colton. "Syempre gwapo ka rin. Sadyang lamang lang nang konti ang kapatid mo sayo, hahaha."Masayang umalis ang pamilya sa airport.Naging masaya ulit ang paligid ng estate ng pamilyang Goldmann. Nakikinig si Nicholas sa mga magagandang kwento ni Hans sa mga nangyari abroad at masaya silang tumatawa sa kwarto.Sumenyas si Nicholas, pinapalapit si Waylon, tiningnan nang maigi ang gwapong bata, at nakaramdam ng kasiyahan. "Ito ang inaasahan kong anak ng Goldmann. Siguro talagang sobrang nahirapan ka nung nasa abroad ka pa, Waylon."Ngumiti si Waylon. "Hindi naman po ako nahirapan nang sobra, lolo."Natulala si Nicholas at tinapik ang balikat ni Waylon. "Mataas ang pangarap sayo ng great-grandfather mo. Isa siyang matandang mahirap pasayahin, kaya siguro nahirapan kang tiisin lahat ng matitinding gawain na binibigay niya sayo nung nandun ka nakat
Read more

Kabanata 984

"Colton, ano yun?" Tinuro ni Daisie ang stall sa ilalim ng bridge na nagtitinda ng river lanterns. Makulay ang mga lanterns—ang iba ay hugis hayop, habang ang iba naman ay parang bulaklak at halaman, pero lahat sila ay kaakit-akit at maganda.Lumapit si Maisie sa kanila. "River lanterns yun.""Mom, gusto ko po magpalipad ng lanterns sa river." Pumipikit-pikit si Daisie, seryoso ng itsura.Mahahalata na gumanda ang mood ni Daisie mula kanina, kaya pumayag si Maisie sa gusto niya para hindi masira ang kaniyang mood. "Pwede ka ng pumunta, pero mag-ingat ka. Huwag ka maglaro sa river."Hinila ni Daisie si Waylon at Colton at tumakbo sila papunta sa ilalim ng tulay.Tiningnan sila ni Maisie. "Ang saya-saya nila."Pinulupot ni Nolan ang kamay niya kay Maisie. "Gusto mo bang pumunta sa kanila?"Tumanggi si Maisie pero hinila siya ni Nolan at pareho silang pumunta sa ilalim ng tulay.Maraming mga bata ang nasa ilalim ng tulay kasama ang kanilang magulang. Maraming hiling ang na
Read more

Kabanata 985

Tiningnan ni Helios si Barbara at nilagay ang kamay niya sa likod nito. "Hindi naman tatagal bago ko sabihin ang relasyon namin. Kahit na hindi yun nalaman agad ni mom, sasabihin ko pa rin na may girlfriend ako pag umalis na ako sa entertainment industry. Nang may sasabihin sana si Elder Master Boucher, siningitan siya ni Yael at naunang magsalita. "Dahil nakabalik na ang lahat, manatili muna kayo dito hanggang dinner. Helios, ipasyal mo si Barbara sa loob ng bahay at samahan mo siyang magpakilala sa lahat kung may oras ka pa."Tumango si Helios at hinatid muna si Barbara sa kwarto niya.Tiningnan ni Barbara ang mga poster sa pader, halos lahat ng iyo ay gawa niya, at ang hindi mabilang na trophy na nakalagay sa bookshelf, lahat ng iyun ay mga award na nakuha niya sa entertainment industry dati. May mga magazine, interviews, at newspaper article na tungkol sa kaniya ang nakagupit. Kinuha niya ang libro at binasa ito. Dokumento ito ng journey ni Helios nang maging kilala siya
Read more

Kabanata 986

Hindi nakapagsalita si Daisie. Kakaiba talaga si Colton.Nang marinig ni Waylon ang doorbell, tumalikod siya para pumunta sa pinto at nakita sila Ryleigh at Barbara na may dalang pagkain.Hindi pa nakita ni Barbara dati si Waylon kaya akala niya si Colton iyon pero may pagkakaiba, "Bakit umitim ka?"Tumawa si Ryleigh. "Hindi siya si Colton. Kapatid niya yan. Nandun si Colton."Tumingin si Barbara at nakita sila Colton at Daisie sa loob ng bahay. Hindi nakakagulat dahil magkakamukha nga sila."Ninang, tita Barbara, nandito na po kayo." Kumaway si Colton.Nang matimplahan na ang pagkain, nagsimula na silang maghanda ng dinner—barbecue.Nakipaglaro sila Barbara at Daisie kay Sapphie habang tumutulong naman si Colton at Waylon sa kanilang nanay na magsimula ng apoy.Tinusok ni Ryleigh ang beef at lumapit kay Waylon nang makita niya kung gaano siya ka-seryoso, "Nag military training ka ba ng tatlong taon?"Tiningnan siya ni Waylon. "Parang ganun nga po."Tumango si Ry
Read more

Kabanata 987

Nagtataka si Maisie pero hindi siya nagtanong. Pumasok siya at may sinigaw. Binaba ni Kennedy ang pagkain niya at pumunta sa pinto. Tinanong ni Samantha kung p'wede ba siyang makipag-usap sa bata, tumango si Kennedy.Tiningnan ni Maisie ang paglakad ng dalawa sa bakuran, at nakuha ang kaniyang kuryosidad. Agad na lumapit sa kaniya si Ryleigh at Barbara, lalo na si Ryleigh na sobrang nagulat. "Bakit nandito si tita Samantha?"Ngumiti si Maisie at hinawakan ang kaniyang baba. "Bakit naman bawal siya dito? Pero ano bang nangyari kala tito kennedy at tita samantha?"Mahal ni Samantha si Sapphire at pupuntahan niya iyon para bisitahin kung may oras siya, pero nung mga nakaraan hindi siya pumunta.At nang makita ang dalawa na nag-uusap sa labas pero hindi nila alam kung ano ang pinag-uusapan, naging kakaiba ang paligid.Nilagay ni Barbara ang kamay niya sa balikat ni Ryleigh. "Sa tingin ko mas mabuti ng huwag tayo mangialam. Kain na tayo."Sumang-ayon si Ryleigh, at dahil guto
Read more

Kabanata 988

Nang makabalik si Kennedy, nakasalubong niya si Maisie at nagulat siya, “Bakit ka nandito, Zee?”Lumapit sa kaniya si Maisie. “Tito Kennedy, ano ang tingin mo kay Tita Samantha?”Narinig niya ang usapan nila. May nangyari sa kanilang dalawa, at kaya naman ‘iniiwasan’ nila ang isa’t isa.Walang sinabi si Kennedy.Bumuntong hininga si Maisie. “Kung wala ka talagang nararamdaman para sa kaniya, kailangan mo an sabihin agad sa kaniya. Pero, kung ganoon din ang nararamdaman mo, sa tingin ko kailangan mo maging matapang kahit papaano.”Nag-iwas ng tingin si Kennedy at mabagal na sinabing, “Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ko. Sa trabaho lang ako nakatutok at hindi sumagi sa isip ko ang pagpapakasal o kung kaya ko ba talaga ‘yun gawin, ang pag-aalaga ng pamilya ko pati ang trabaho. Mabuting babae si Samantha. Kinasal na siya noon, pero ako ay hindi pa.“Hindi ko maipapangako na mabibigay ko sa kaniya lahat, at hindi ko rin masi-sigurado na hindi ko siya madi-dismaya. Natatakot ako n
Read more

Kabanata 989

Sinusubukan ni Nolan na magpaliwanag nang bumaba sa hagdan si Daisie. “Great-grandpa!”Nagulat si Nicholas nang marinig si Daisie na tawagin ‘Great-grandpa’ si Thomas at nagtataka na tiningnan si Nolan.Dagdag ni Nolan. “Totoo ‘yun, Dad. Si Elder Master Clifford ang dad ni Mom.”Tiningnan sila ni Maisie at biglang naalala ang sinabi ni Nolan na ‘Baka nga magkamag-anak kami.’ at napagtanto kung ano ang ibig niyang sabihin.Si Thomas ang tatay ni Natasha, ibig sabihin ay Clifford din si Natasha.Naupo sina Thomas at Nicholas sa kwarto at nag-usap. Doon nalaman ni Nicholas na ang nanay ni Natasha ay kapatid ni Madam Knowles at hindi ulila si Natasha. Sa halip, inatake si Simmone noong kapapanganak niya pa lang.Inampon ni Madam Knowles si Natasha at alam niya kung sino siya.Nahulog si Madam Knowles kay Sam Knowles, pero pinilit siya na ipakasal tatay ni Sam. Inampon niya si Natasha, tinago ang kaugnayan niya kay Simmone, at ginamit kay Thomas ang impormasyon tungkol sa kaniyang an
Read more

Kabanata 990

Paniguardo ay may sariling rason ni Jackie sa pananatili sa Bassburgh.Biglang naalala ni Maisie noong nakasalubong niya si Zeta at sinabi sa kaniya na makikipagkita siya sa kaniyang kaibigan. “Ikaw ba ‘yung kaibigan na tinutukoy ni Zeta noong araw na ‘yun?”Tiningnan siya ni Jackie. “Bakit?”Humalukipkip si Maisie at walang sinabi, pagkatapos ay idinagdag, “Si Zeta ang inutusan ni Madam Knowles na mapalapit kay Mr. Knowles. Hindi mo… alam?”Matapos sabihin ‘yun, inangat ni Maisie ang kilay niya at ngumiti. “Hindi ka nakialam sa problema ng mga Knowles, at hindi ka rin nagtanong bakit gamit ni Zeta ang sasakyan mo. Nagpapanggap ka man na ignorante, pero dahil sa hinayaan mo siyang hiramin ang sasakyan mo, ibig sabihin malapit kayo sa isa’t isa.”Pinapahiram lang ng isang tao ang sasakyan niya sa tao na pinagkakatiwalaan niya at mayroon siyang magandang relasyon. Kung hindi, bakit nila ipapahiram ang sasakyan nila?Tumawa si Jackie. “Imbestigador ka ba?”Nagkibit-balikat si Maisi
Read more

Kabanata 991

Matapos magsalita ni Jackie, tiningnan niya si Maisie. "Alam ko ang kaugnayan niya kay Mr. Knowles, pati ang katotohanan na isa siyang courtesan na tinuruan ni Madam Knowles."Nanatiling tahimik si Maisie.Marahil ay sinusunod lang ni Zeta ang mga utos ni Madam Knowles na maging isang assassin at tinalikuran ang sarili niya. Binenta niya ang buhay niya kay Madam Knowles at hindi niya inisip ang mga magiging kapalit nito Sa kabilang banda, totoo naman na maraming nagawang mali si Zeta. Siya ang nanguna sa plano na kidnap-in si Nollace, at siya rin ang muntik na pumatay kay Colton dahil sa 'aksidente' noong Pasko. Pero, sumusunod lang siya sa plano.Ganoon ba kasama si Zeta? Hindi ganoon ang tingin ni Maisie. Sa dulo, pain lang siya ni Madam Knowles. Kung masama talaga siyang tao, hindi niya sana tinanggihan si Jackie noong umamin siya. Sa halip, ginamit niya sana si Jackie para makaahon.Kaya niyang makuha ang loob ng isang lalaki dahil sa mabulaklak niyang salita, pero tinanggiha
Read more
PREV
1
...
979899100101
...
277
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status