Share

Kabanata 977

Bahagyang mainit ang mga pisngi ni Barbara habang nilulubog niya ang mukha sa balikat at leeg ni Helios habang tumatawa ito at binuhat siya papunta sa kwarto.

Kinabukasan, dahil sa malakas na buhos ng ulan sa Bassburgh, mas lumamig pa ang panahon.

9:00 am na pero umaambon pa rin, sinama ni Maisie si Lucy sa ilang shops para pag-usapan ang rent at lease sa mga lokasyon na yun, at sa huli napili nila ang isang shop na nasa Golden Triangle.

Pagkalabas nila sa building, binuksan ni Lucy ang isang payong at sinabayang maglakad si Maisie. “Ms. Vanderbilt, sa renta pa lang ay $500,000 na sa isang taon ang gagastusin natin. Hindi ba yun masyadong mahal?”

Ngumiti si Maisie. “Ang Golden Triangle ang pinakamayamang commercial center sa Bassburgh. Lalo na at nandito ito sa area kung saan mayroong pinakamalaking dagsa ng tao. Maraming foreign businessmen ang naglalaban-laban para magkaroon ng pwesto dito para sa negosyo nila. Hindi tayo lugi sa $500,000 na annual rent sa nahanap nating shop.”

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status