Gayunpaman, nang mapansin na kahit ang ama ay hindi sinusuyo ang anak. Tiniis ni Thomas ang nararamdman.Napakalakas ng iyak ni Daisie at umaabot ito hanggang sa labas ng manor. Pinisil at kiniskis ni Nolan ang tungki ng ilong niya, pinakalma ang sarili at gusto sanang magsalita.Gayunpaman, tinulak ni Daisie ang kamay niya, tumalikod at tumakbo paalis. “Ayaw na kitang makita! Ayaw ko na sa iyo!”“Daisie….” Inunat ni Nolan ang kamay pero hindi niya ito naabutan.Tiningnan siya ni Quincy. “Mr. Goldmann, sasamahan ko siya para mabantayan.”Hinabol niya si Daisie.Binaba ni Thomas ang tasa niya. “Dahil ayaw sumama ng bata sa iyo pabalik, wala naman problema sa akin kung mananatili ka ng ilang araw sa Octavia, Mr. Goldmann.”Bahagyang naningkit ang mga mata ni Nolan at saka lumingon kay Thomas. “Anong pinaplano niyo, Elder Master Clifford?”Tumawa si Thomas. “Bisita ka pa rin namin, at sisiguraduhin kong tatratuhin kitang isa. Kaya huwag kang mag-alala, hindi ko gagamitin ang batan
Walang masabi si Nolan.Pagkatapos ng ilang sandali, hinaplos niya ang ulo niya at seryosong pinaliwanag, "Daisie, kailangan mong maintindihan na hindi ko 'to teritoryo, at pumunta lang ako rito para iligtas ka."'Hindi parte ng mainland ang Octavia, bukod pa sa Bassburgh. Hindi madali at maganda na makialam ang Goldmann sa nangyayari doon. Wala ring alitan sa pagitan ng dalawang pamilya, kaya hindi niya kailangan na magsimula ng gulo ng walang dahilan.'Maiintindihan ko kung magagalit ako sa Clifford dahil kinuha nila si Daisie, at pumunta lang ako dito para iligtas ang anak niya.'Si Nollace lang ang gusto ni Elder Master Clifford at handang pakawalan si Daisie, ibig sabihin ay binibigyan niya ako ng pabor dahil sa respeto.'Umiyak si Daisie. "Mamamatay ba si Nolly?"Inangat ni Nolan ang kamay niya para punasan ang luha na tumutulo sa mga mata ni Daisie. "Daisie, alam ko na mabait kang bata at ayaw mong iwan ang kaibigan mo, pero bata ka pa. May mga bagay na hindi magagawa ng
Binaba ni Maisie ang tingin niya at walang sinabi.Hindi naramdaman ni Tristan ang pagmamahal mula sa nanay niya. Sinasabi na magkadugo sila, pero galit sa kaniya ang mom niya at pati sa buong pamilya.Ang dahilan ng galit niya ay tanging ang mga kabilang lang ang nakakaalam.Hindi nanatili si Maisie at nagpaalam na kay Tristan pagkatapos ng usapan.Sa loob ng sasakyan…Sinabihan ng bodyguard si Maisie na nahanap na ni Nolan si Daisie, at sinabi na mananatili muna sila sa Octavia ng ilang araw.Napakunot si Maisie. "Anong ibig mong sabihin sa mananatili sila doon ng ilang araw?"Naiilang na nagpaliwanag ang bodyguard, "Dahil sa ayaw pa bumalik ng young lady. Pinilit niya si Mr. Goldmann na iligtas si Young Master Knowles ngayong nandoon siya, pero hindi yun magagawa ni Mr. Goldmann."Tinanong ni Maisie, "Pinapahirapan ba ng mga Clifford ang mga bagay kay Mr. Goldmann?"Umiling ang bodyguard. "Hindi. Pumunta mismo si Mr. Goldmann at iba pa sa Clifford manor para kunin ang youn
Akala ng ilang netizens na inosente si Michelle.#Nagpasalamat siya kay Mr. Boucher pero tinanggihan siya. Babastusin niya lang ba ang pasasalamat niya?"#Nakakainis ang mga fans ni Helios Boucher. Anong ginawang mali ng babae? Niligtas niya, at nagpapasalamat lang naman siya. Anong mali doon?#Ito ang mga komento online—ang iba ay nasa panig ni Helios, habang ang iba naman ay na kay Michelle. Mainit na usapin 'yun.Inaabangan ng mga fans ang magiging sagot ni Helios sa sitwasyon, pero nang dumating ang tanghali, walang nagbigay bg pahayag, kahit mula kay Helios, sa studio niya, o kaniyang assistant.Kinabukasan ng ma-discharge si Helios, naghihintay ang media at paparazzi para mag interview sa labas ng hospital entrance, at lahat 'yun ay tungkol sa pagliligtas niya sa harap ng maraming tao.Hinarangan ni Nina at mga bodyguard ang paparazzi, na nagpupumilit na lumapit. Nakasuot ng black coat na may grayish-white na scarf si Helios, nakakaaya pa rin tingnan sa ilaw, pero maputla d
Pinagpatuloy ni Maisie ang pagbabasa ng impormasyon tungkol sa mga Knowles at napatigil siya sa kaniyang nakita dahil sa pagkagulat.#Tumalon sa building ang first love ng tagapagmana ng mga Knowles na si Sam Knowles, malungkot na pumayag si Sam Knowles sa arrange marriage.##Nakita si Luna na umiinom sa bar sa gabi ng kasal ni Sam Knowles. Sinabi noon ni 'Luna' na nagkagusto siya sa lalaki, parang ito ay si Sam Knowles, pero sa halip ay kinasal siya kay Elder Master Knowles, na 20 taon ang tanda sa kaniya.#Ang dalawang dyaryo na 'to ay isa sa mga unang usap-usapang papel sa Yaramoor. Kung hindi ito ibinunyag, walang makakaalam.Kinuhanan ng litrato ni Maisie ang mga article na 'yun at pinadala kay Quincy. Nang makita ni Quincy 'yun, nagulat siya.Kumatok si Quincy sa kwarto ni Nolan at pumasok nang makakuha ng permiso. "Mr. Goldmann, pinadala 'to sa akin ni Mrs. Goldmann. Nakita niya ang ilang sa scandal ng mga Knowles.Sinara ni Nolan ang kaniyang libro, kinuha ang phone ni Qu
Nahulog si Thomas sa kaniya sa loob ng isang taon na kasama siya, at nagkaroon sila ng relasyon.Dalawang taon na nag-aaral si Thomas, at kasama niya siya sa buong oras na yun. Nang makakuha na siya ng degree sa civil engineering, kailangan niyang umuwi agad dahil may nangyari sa Clifford family, kaya bumalik siya sa kaniyang bansa. Nangako siya kay Simmone na magpapakasal siya sa kaniya kapag maayos na ang problema.Naging malungkot ang mata niya nang kaniyang maalala 'yun. "Kung bumalik lang ako agad sa kaniya… hindi sana siya namatay."Tumingin siya kay Nolan na nakatayo sa gilid niya. "Siya fraternal twin sister ni Olga, kaya hindi sila gaano magkamukha. Ang mga Knowles ang nasa likod ng pagkamatay niya, at dahil doon kaya ko siya gustong tulungan."Kung pinatay ang pinakamamahal mo, sa tingin ko ganoon din ang gagawin mo. Hindi mo lang basta hahayaan, hindi ba?"Nagulat si Nolan.Nakikita niya sa mga mata ni Thomas ang galit niya sa Knowles, kasama ang pagsisisi at panghihi
Matapos umalis ni Quincy, tumayo si Nolan, umupo sa tapat ng single couch, naka de kwatro, at tinitigan si Daisie.Tiningnan ni Daisie lahat maliban sa kaniyang dad. Nakakatakot ang dad niya kapag hindi nagsasalita. Nami-miss niya na ang mom niya!Pinigilan ni Nolan ang galit niya at hindi sumabog. "Daisie, alam ko na ayaw mong iwan ang kaibigan mo, pero pwede ka makipagkaibigan sa kahit sino maliban kay Nollace.""Bakit?" Nagtataka na tumingin si Daisie at tinagilid ang ulo niya. "Dad, mabuting tao po si Nolly. Bakit ayaw niyo sa kaniya?"Hinaplos ni Nolan ang buto ng kaniyang ilong dahil sumasakit na ang ulo niya. "Nagmamanipula ang batang 'yun. Masyado kang inosente."Naguguluhan si Daisie. "Anong ibig sabihin nun?"Hindi alam ni Nolan kung ano ang sasabihin. Ang tinutukoy niya ay tyngkol sa bagay na hindi maiintindihan ng isang 8 taong gulang. Hindi niya maiintindihan.Bumuntong hininga siya. "Makinig ka na lang sa akin. Hindi siya simple katulad ng iniisip mo.""Hindi rin
Si Yorrick ay isang lobo na nasa kasuotan ng tupa sa mundo ng negosyo. Akala ng tao na isa lang siyang mayaman pero hindi nila na ang pagmamaliit sa kalaban mo ay ang pinaka 'nakamamatay' na bagay sa mundo ng negosyo.Tiningnan ni Nolan ang mga file na binigay sa kaniya ni Yorrick, at may mga larawan doon ng lumang dyaryo ng Yaramoor, at ilang dekada na ang petsa noong nangyari yun.Bumagsak ang nyene sa bintana ng Yaramoor. Ang mga confers sa kalsada ay natatakpan ng nyebe at yelo.Naglakad si Madam Knowles sa nursing home at may hawak na poodle sa kaniyang kamay habang katabi niyang naglalakad ang bodyguard na may hawak na payong.Nang makarating sila sa pinto, sinara ng bodyguard ang payong at binigay sa staff. Masaya silang tinanggap ng mga tao at dinala siya sa kwarto sa first floor.Hinayaan niyang maghintay ang bodyguard sa labas. Nang binuksan ng nurse ang pinto, isang tao ang nakahiga sa higaan, humihinga gamit ang ventilator.Mapayat ang mukha ng lalaki, pinapahirapan n
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa
Ngumiti si Waylon at sinabi, “Oo, pero maaga pa naman.” Humiga si Daisie sa hita ni Nollace at tumingin siya sa langit. Matapos ang ilang sandali, sabi niya, “Ulan ba yung naramdaman ko?” Tumingin ang lahat sa kaniya.Huminga nang malalim si Colton. “Huwag mong i-jinx.” Tumingin si Freyja sa langit, kahit na maliwanag ang langit na nakikita nila, may maiitim na ulap malapit sa mga bundok. “Baka makulimlim lang ngayon.” Malapit na mag tanghali pero wala pa ring araw. Baka nga makulimlim lang pero walang ulan. Nagsalita si Cameron, “Wala namang sinabi sa weather report na uulan ngayon. Sa tingin ko hindi naman uulan.”Depende na lang kung mali pala ang weather report! Matapos ang ilang sandali, naramdaman ni Nollace na may tumulo sa mukha niya. Hinawakan niya iyon. “Umuulan nga.” Umupo si Cameron. “Ano?”Nahihiyang ngumiti si Daisie. “Naisip ko lang naman na uulan pero ngayon…” ‘Jinxing!’Lahat sila ay nagsimula ng mag-pack ng mga pagkain pati ang grill at mga mats ay
Sumang-ayon ang iba.Nang maihain ang pagkain, tiningnan ni Daisie ang puting pagkain na mukhang pamaypay at tinanong ang may-ari. “Ano ‘to?”Ngumiti si ang lalaki at ipinaliwanag, “Mylotic cheese ‘yan. Gawa yan mula sa gatas ng baka. Lokal na pagkain.”Tinikman ni Cameron. “Oh, ang sarap.”Tumikim din si Freyja at Colton at masarap nga iyon.Inihain ang susunod na pagkain. Dinala ito ng lalaki. “Manok ito. Gawa ito sa homemade na marinade, spicy oil, paminta at roasted walnuts. Specialty namin ito dito at gustong gusto ito ng mga turista.”Sinubukan yon ni Daisie at tinanong ni Cameron, “Kumusta?”Tumango siya at sumubo pa nang mas malaki. Sinubukan din yon ng iba.Nagdala ng soup dish ang lalaki. “Ito ang cream nv seaweed. Malambot ito at crunchy naman ang seaweed. Kapag idinagdag ang yam, mas masarap.”“Mukhang masarap. Ako muna ang titikim.” sumubo si Waylon.Tiningnan siya ni Cameron. “Ang bango.”Pagkatapos ng ilang pagkain ay inihain na ang sikat sa lugar. Mayroong bu
Nang gabing ‘yon, sa Taylorton…Nagi-impake si Daisie ng bag niya, para sa plano nilang road trip at iniisip kung ano pa ang kailangan nila.Nang lumabas si Nollace sa shower at nakita na seryoso itong nagpaplano, tumawa siya. “Magbabakasyon lang tayo, hindi lilipat.”“Maraming kailangan dalhin ang mga babae. Skincare, pagkain, at ang camera. Kailangan natin yung drone. Nagdala rin ako ng payong.”Naningkit siya. “Pati payong?”Tiningnan siya ni Daisie at seryosong sinabi, “Paano kung umulan?”Hindi alam ni Nollace ang sasabihin.May dalawa silang malaking suitcase at isang maliit. Tumayo si Daisie, tiningnan ang bag niya at pakiramdam niya ay sumobra siya. Kinamot niya ang kaniyang pisngi. “Parang lilipat ako.”Lumapit si Nollace sa kaniya at niyakap niya si Daisie. “Mabuti na lang at road trip ‘yon o kakailanganin natin ng U-haul.”Ngumiti si Daisie at niyakap siya. “Excited na ako para bukas.”Kinabukasan, nagmaneho si Colton papunta sa Taylorton. Nasa ibang sasakyan si Wa
Hinawakan ni Waylon ang kamay ni Cameron. “Pag-uusapan natin ‘yan sa susunod.”Tiningnan ni Maisie si Daisie at Nollace. “Kinasal na ang dalawa mong kapatid. Kailan ang sa'yo?”Sagot ni Daisie, “Sabi ni Nolly at magandang araw ang September 9 dahil hindi sobrang lamig sa Yaramoor sa oras na ‘yon. Mainit sa umaga pero malamig sa gabi.”Nagulat si Cameron. “Mainit pa rin dito sa September. Parang summer sa East Island kapag September.”Ngumiti si Daisie. “Ang winter ng East Island ay parang summer namin. Pwedeng pumunta doon ang taong ayaw sa winter.”Ibinaba ni Nicholas ang tasa niya at pinag-isipan. “13 na araw na lang bago mag September 9. Ang bilis non.”Ngumiti si Maisie at tumango. “Oo nga.”Tumingin si Waylon kay Nollace. “Panigurado na magarbo ang isang royal wedding.”Inakbayan ni Nollace si Daisie. “Syempre. Bukas ‘yon sa publiko at gaganapin sa palasyo namin.”Lumapit si Cameron kay Waylon. “Hindi pa ako nakakapunta sa isang royal wedding. Isang karanasan ‘yon.” Tini
Tumango si Nick. “I will.”Pagkatapos non, umalis ang tatlo sa airport.Samantala, sa Coralia Airport…Hinatid ni Yale at Ursule si Zephir sa gate. Inabot ni Yale ang luggage sa kaniya. “Bumalik ka at bisitahin mo kami.”Kinuha ni Zephir ang bag, tumango siya at pumasok sa airport.Si Ursule na buhay si Kisses ay tinikom ang labi niya at tiningnan ang pusa. “Baka hindi mo na siya makita ulit.”Tiningnan siya ni Yale. “Oh? Ayaw mo ba siya na umalis?”“Ayaw siya paalisin ni Kisses.”“Sa tingin ko ay ikaw ‘yon.” Ngumiti si Yale at tumalikod para pumunta sa sasakyan habang sumunod naman si Ursule. “Bata ka pa. Tapusin mo ang pag-aaral mo. Pagkatapos, pwede ka mag-apply para makapunta sa Bassburgh.”Umupo si Ursule sa passenger seat. Lumingon siya nang marinig ‘yon. “Pwede ako mag-apply para pumunta doon?”“Pwede. Nasa art school ka. Pwede kang mag-apply sa Royal Academy of Music.”Sinimulan ni Yale ang sasakyan at nagmaneho palayo.Sumandal si Ursule sa upuan at bumulong, “Kap
Katulad ito ng sinasabi ng ibang mga tao, “Kailangan mo na magbigay kung gusto mo na may makuha.” Kumikita ang pier na ‘yon sa mga barko ng mga Dragoneers na dumadaong doon.Nabali ni Noel ang hita ng anak ni Python pero walang ginawa ang mga Wickam para ipakita na humihingi sila ng tawad, kaya nagalit si Python.Ititigil nila ang negosyo nila rito at magiging kalaban ng dragoneers ang Wickam mula ngayon. Kahit na hindi sila dumaong sa pier nito, makakahanap pa rin sila ng ibang routa. Nagawa lang nitong paliitin ang client base ng Wickam.Humarap si Nick kay Mahina. “Umalis na tayo.”“Nick, anong ibig sabihin nito? Tutulong ka ba?” sumigaw sa kaniya si Martha.Hindi lumingon si Nick. “Malalaman mo na lang.” At umalis na siya.Hindi inakala ni Arthur na ito ang huling pagkakataon na magpapakita si Nick sa bahay nila.Pinalaya ni Python si Noel pagkatapos ng tatlong araw pero matindi ang natamo ako at dinala sa hospital.Pumunta si Martha at Arthur at nakita ang anak nila na na