Share

Kabanata 958

Nagkibit-balikat si Thomas. “Hindi ko kilala ang tatay mo. Isang dagat ang nasa pagitan namin ng tatay mo, kaya anong silbi para sa akin na makilala ang tatay mo?”

Kumurba ang mga labi ni Daiise.

Nang makita niyang parehong nag-aalinlangan na kumain ang mga bata, kumunot ang noo ni Thomas at dinagdag, “Huwag kang mag-alala. Kung ayaw niyong mamatay sa gutom, kumain kayo.”

Pagkatapos marinig ni Daisie ang sinabi ni Thomas, bago pa makakilos si Nollace, kumuha siya ng isang piraso ng karne at kinain yun.

Hindi nakapagsalita si Nollace.

‘Bakit nakakakain ng napakarami ang batang ‘to sa bahay ng iba?’

Pinanood ni Thomas na kainin ni Daisie ang pagkain. Hindi lang ito hindi nagwala, pero hindi rin ito sumagot sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit, pero hindi niya magawang magalit sa batang ‘to.

Kakaibang pakiramdam yun para sa kaniya. Hindi niya mapigilang bigyang atensyon ang bata dahil sa kaniyang pagkamangha.

Nagtanong si Thomas, “Hija, anong pangalan mo?”

Mayroong hawak na drum
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status