Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Chapter 871 - Chapter 880

All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 871 - Chapter 880

2769 Chapters

Kabanata 872

Natulala si Ryleigh. Naiiyak na siya sa sobrang kaba. “Siyempre, hindi ako buntis…”Tila mayroon naman naintindihan si Maisie. Kumunot ang noo niya at sumagot, “Oh sige. Pumunta na tayo sa doktor.”Habang nagpapa-check si Ryleigh sa gynecology department, naghintay naman sa labas sina Maisie at Barbara. Pagkatapos ng ilang sandali, lumabas sa kwarto si Ryleigh kasama ang isang nurse.Namumula ang gilid ng kaniyang mga mata, at para bang katatapos lang niyang umiyak.Nagtanong si Maisie, “Ryleigh, ano…”Nakayuko lang ito at hindi sumagot.Humarap si Barbara sa nurse at nagtanong, “Pwede ba namin malaman kung anong nangyayari sa kaibigan namin?”Tiningnan siya ng doktor at sumagot, “Ayos lang siya. Nag-rupture lang ang hymen niya dahil sa external force at nagdugo nang konti.”Nagulat si Barbara. Natagalan bago siya nakabalik sa sarili at nagtanong, “Pwede bang mangyari yun?”Sumagot naman nang totoo ang nurse, “Iba-iba ang toughness ng hymen ng kada tao. Yung iba nasisira agad
Read more

Kabanata 873

Yumuko si Helios at humingi ng patawad, "Nalaman ko ang lahat ng nangyari, at pasensya na sa naging abala sa iyo. Inimbestigahan ko na, hindi ko sila mga fans."Kilalang-kilala ni Helios ang mga fans niya. Hindi gagawin ng mga fans niya ang ganung klaseng gulo gamit ang pangalan niya."Oo. Alam ko." Tumango si Barbara. Hindi na mahalaga kung naniniwala siya kay Helios o hindi. Kahit na mga fans niya nga talaga yun, maiintindihan din naman niya.Nang hindi na hinihintay pa si Helios na magsalita, tiningnan niya ito at sinabing, "Ako ang umabala sa iyo. Mukhang kailangan ko ng mag-ingat simula ngayon. Kung wala kang ibang gagawin, Mr. Boucher, —""Lumipat tayo," Pagsingit ni Helios na ikinagulat naman ni Barbara. Naguguluhan niyang tiningnan si Helios at tinanong, "Ano?"Tiningnan siya ni Helios at sumagot, "Si Katrina yun. Si Katrina ang kumuha ng litrato natin nang araw na hinatid kita. Alam niya kung saan ka nakatira, kaya hindi ka ligtas dito."Natagalan bago bumalik sa s
Read more

Kabanata 874

“Sandali, hindi ako—-” Nang magpapaliwanag na sana ang binata, dumating na si Colton kasama ang mga matatanda.Pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa ng mga matatanda at sinabing, “Hindi pa kita nakikita sa lugar na ‘to dati.”“Hindi ka naman human trafficker, ano?”Tinaas ng binata ang mga kamay at mabilis na nagpaliwanag, “Hindi ako human trafficker, isa akong scout!”Nang makita niyang hindi siya pinaniniwalaan ng mga matatanda, nilabas niya ang kaniyang working ID.“Heto ang ID ko sa trabaho!”Alam ni Daisie kung ano ang scout. Pero, sinabihan siya ng nanay niya na ituon ang atensyon sa pag-aaral. Saka na nila pag-iisipan kung sasali ba talaga siya sa entertainment industry pagdating niya ng 18.Habang nakatagilid ang ulo, nagtanong si Daisie, “Sir, hindi kami mag-aartista ni Colton. Kailangan pa namin mag-aral!”Nagpumilit ang binata at sumagot, “Ayos lang yun. Pwede muna tayong gumawa ng appointment. Pwede kayong pumirma ng kontrata sa kumpanya namin kapag lumaki na kayo!
Read more

Kabanata 875

May ilang alaala na biglang sumagi sa isipan ni Barbara. Pakiramdam niya ay may nasabi siya kay Heios pero hindi niya maalala!Dinala ni Maisie sina Daisie at Colton sa kotse nila. Lumingon si Colton sa binata at nagtanong, “Bakit sinusundan niyo pa rin kami, sir?”Pilit na tumawa ang binata. Pagkatapos ay inayos ang sarili, tumikhim at seryosong nagsalita, “Sa tingin ko, dahil isang child star ang kapatid mo, malaki ang potensyal niya. Maganda ang magiging kinabukasan niya. Masisigurado kong sisikat siya nang sobra kapag malaki na siya!”Hindi alam ni Colton ang sasabihin.Binigay sa kaniya ng binata ang name card at malakas ang loob na sinabing, “Hihintayin ko ang kapatid mo kapag nasa tamang edad na siya. Papapirmahin ko siya ng kontrata at gagawin siyang artista na mas sikat pa kay Mr. Boucher!”Kinuha ni Colton ang name card at tiningnan yun. Mababasa sa name ang Zestar Media Corporation’s agent, Triden Gallagher.Hindi niya tinapon ang card kahit na umalis na ang binata. Ni
Read more

Kabanata 876

Ikinagulat ni Barbara na marunong pala magluto si Helios.“Ikaw…Hindi ba’t may mga kasambahay naman ang mga Boucher?” Tumayo si Barbara sa tabi ni Helios at nagtatakang nagtanong, “Kailangan mo pa rin bang magluto?”Sumagot si Helios habang hinahalo ang mga itlog, “Bihira akong umuwi kapag mayroon akong filming. Madalas ay kasama ko ang crew, kaya niluluto ko kung anuman ang gusto kong kainin. Unti-unti na rin akong natutong magluto kasabay ng career ko.”Napakuyom ng kamay si Barbara, nilagay niya ito sa tapat ng mga labi niya at mahinang tumikhim. “Hindi na rin masama. Kahit paano, mabubuhay ka kapag malayo ka sa pamilya mo.”Binuhos ni Helios ang mga itlog sa isang mangkok at tinitigan si Barbara. “Pwede kitang turuan kung gusto mong matuto.”Nagawa ni Barbara na makapagluto ng dalawang putahe sa tulong ni Helios, kahit na hindi maganda ang itsura ng mga ito.Kumpara sa nilabas ni Helios mula sa kusina, ang kaniya ay mukhang dalawang mangkok ng lason na nanggaling sa fairytale
Read more

Kabanata 877

Hinawakan ni Nolan ang kamay ni Maisie at saka tumaas ang mga kilay. “Blue roses?”Bahagyang kumurba ang mapupulang labi ni Maisie. “Mas gusto ng iba ang red at white roses, pero gusto ko ang pinakabihira sa kanilang lahat. Kasing charming mo ang blue roses, kaya bakit ko hindi gugustuhin yun?”Nilapit ni Nolan ang mga labi sa pisngi ni Maisie. “Oh, inaamin mo bang charming ako?”Nasamid si Maisie sa sariling laway at umiwas ng tingin. “Alam na yun lahat kahit na ayaw kong aminin.”Tinusok ni Nolan ang pisngi niya, yumuko at hinalikan siya. “Kahit na gaano ako ka-charming, iyong-iyo na ako ngayon.”Tuwang-tuwa si Maisie sa sagot na yun.Makikita sa bintana ang magandang anino ng dalawang taong naghahalikan.Kinabukasan…Nagpunta si Barbara sa bookstore para bumili ng cookbook, at nakita niya ang ilang best-selling magazines sa shelf habang naglalakad siya papunta sa cashier. Ilang litrato nina Helios at Nolan ang naka-print sa mga covers ng mga magazines na yun. Lahat ng yun ay
Read more

Kabanata 878

Nang maintindihan ang ibig sabihin ni Katrina, nagngingitngit si Maizie. “Magkano ang kailangan mo?”Pinakita ni Katrina ng walong daliri. “$8,000,000 dollars.”Napasinghap si Maizie at halos mahimatay sa gulat. “Bakit ka na lang magnakaw sa bangko? $8,000,000? Saan naman ako makakakuha ng ganiyan kalaking perA?”“Huwag kang magpanggap na mahirap, Ms. Hannigan.” Humalukipkip si Katrina at sumandal sa likod ng upuan. “Wala lang sa iyo ang $8,000,000. Marami kang kilalang bigatin sa Bassburgh, baka yung tatay ng bata—”“Sige, tutulungan kita.” Hindi mapigilan ni Maizie na putulin ang sinasabi nito habang nakakuyom ang mga kamao niya sa ilalim ng mesa.‘Alam ni Katrina ang sikreto ko, at hindi ko dapat siya hayaan na sirain ang plano ko.’Nang makitang handang magkomprormiso si Maizie, kinuha ni Katrina ang handbag niya at tumayo. “Kung ganoon, hihintayin ko ang maganda mong balita, Ms. Hannigan. Oo nga pala, baka kailanganin ko na ng pera sa loob ng tatlong araw.”Tumalikod siya a
Read more

Kabanata 879

“Lolo, si Colton lang po ang maingay dito.” Tumakbo si Daisie papunta kay Nicholas at inasar si Colton.Sumimangot din si Colton, at tumawa naman si Nicholas dahil sa labis na tuwa.Lumapit si Maisie. “Dad, maayos na ba ang pakiramdam niyo ngayon?”Kay Quincy niya lang nalaman na hindi maganda ang pakiramdam ni Nicholas nitong nakaraan.Noong una pa lang ay maganda na ang trato sa kaniya ni Nicholas, kaya natural lang na mag-alala siya rito.Kinaway ni Nicholas ang kamay at ngumiti. “Huwag kang mag-alala, minor relapse lang yun.”“Lolo, bumalik na naman po ba ang gastric niyo?” Tanong ni Colton.“Gastric?” Tumingin si Maisie sa kaniya, at nakakunot ang noo naman na sumagot si Colton. “Matagal ng mayroong gastric si lolo.”“Ayos lang ako. Maliit na problema lang ‘to, at hindi naman ako masiyadong naaapektuhan. At saka, uminom na ako ng gamot.” Magaan niyang tinapik ang likod ni Colton.Saka niya tiningnan si Maisie at sinabing, “Pupunta ako sa kusina para tingnan kung tapos na
Read more

Kabanata 880

“Lolo, hindi ba kayo sasama sa amin sa birthday party ni Daddy?” Tanong ni Daisie habang nakatabingi ang ulo.“Masiyado na akong matanda para sa isang party. Hindi ko na kayang magpuyat katulad ng mga bata. Kailangan kong matulog nang maaga para magising nang maaga at maging malusog.” Sumimsim si Nicholas ng kaniyang Earl Fray Tea.Pagkatapos maghapunan ng pamilya, bumalik si Nicholas sa study niya habang sina Colton at Daisie naman ay naglibot-libot sa courtyard kasama ni Maisie.Habang nakaupo mag-isa sa study, tinitingnan ni Nicholas ang ilang lumang gamit, at nang umangat ang tingin niya, ang una niyang nakita ay si Nolan na tahimik na nakasandal sa pinto.Nagulat siya at nilapag ang mga hawak na gamit. “Bakit hindi ka sumama sa mag-iina mo na maglakad-lakad? Bakit ka pumunta dito?”“Bakit hindi niyo sinabi sa akin ang tungkol sa gastric niyo?”Umangat ng tingin si Nicholas. “Maliit na problema lang yun, anong sasabihin ko?”Lumapit si Nolan sa desk at tiningnan ang lumang k
Read more

Kabanata 881

"Maliban sa birthday celebration," tumalikod si Maisie at tumingin sa kaniya, "mayroon pang importanteng mangyayari."Tiningnan siya ni Nolan. "Anong importanteng mangyayari?"Hinila ni Maisie ang kamay ni Nolan at nilalaro itong hinawakan. "Hindi ko pa sasabihin sayo. Malalaman mo na lang bukas."Sa Soul…"Ms. Vanderbilt, pwede ba tayong umuwi nang maaga ngayong gabi?" Noong business meeting ng town hall, tumayo si Maisie sa stage at sinabi sa lahat ng nagtatrabaho na p'wede silang umuwi nang maaga, at lahat ng nanunuod ay nanabik.Hinawakan ni Maisie ang microphone. "Matagal na kayong nagtatrabaho sa Soul Jewelry. Bilang may-ari ng kumpanya, natural lang na dapat ay bigyan ko kayo ng ilang benepisyo. Birthday celebration ni Mr. Goldmann ngayong gabi, at gusto kong iimbita kayong lahat sa banquet. Ano sa tingin niyo?""Dahil sinabi ng boss namin, syempre pupunta kami!"Habang tinitingnan ang mga empleyado na nagsasaya sa baba ng stage, natawa si Maisie.Matapos ang mee
Read more
PREV
1
...
8687888990
...
277
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status