Share

Kabanata 872

Natulala si Ryleigh. Naiiyak na siya sa sobrang kaba. “Siyempre, hindi ako buntis…”

Tila mayroon naman naintindihan si Maisie. Kumunot ang noo niya at sumagot, “Oh sige. Pumunta na tayo sa doktor.”

Habang nagpapa-check si Ryleigh sa gynecology department, naghintay naman sa labas sina Maisie at Barbara. Pagkatapos ng ilang sandali, lumabas sa kwarto si Ryleigh kasama ang isang nurse.

Namumula ang gilid ng kaniyang mga mata, at para bang katatapos lang niyang umiyak.

Nagtanong si Maisie, “Ryleigh, ano…”

Nakayuko lang ito at hindi sumagot.

Humarap si Barbara sa nurse at nagtanong, “Pwede ba namin malaman kung anong nangyayari sa kaibigan namin?”

Tiningnan siya ng doktor at sumagot, “Ayos lang siya. Nag-rupture lang ang hymen niya dahil sa external force at nagdugo nang konti.”

Nagulat si Barbara. Natagalan bago siya nakabalik sa sarili at nagtanong, “Pwede bang mangyari yun?”

Sumagot naman nang totoo ang nurse, “Iba-iba ang toughness ng hymen ng kada tao. Yung iba nasisira agad
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status