Hinawakan ni Nolan ang kamay ni Maisie at saka tumaas ang mga kilay. “Blue roses?”Bahagyang kumurba ang mapupulang labi ni Maisie. “Mas gusto ng iba ang red at white roses, pero gusto ko ang pinakabihira sa kanilang lahat. Kasing charming mo ang blue roses, kaya bakit ko hindi gugustuhin yun?”Nilapit ni Nolan ang mga labi sa pisngi ni Maisie. “Oh, inaamin mo bang charming ako?”Nasamid si Maisie sa sariling laway at umiwas ng tingin. “Alam na yun lahat kahit na ayaw kong aminin.”Tinusok ni Nolan ang pisngi niya, yumuko at hinalikan siya. “Kahit na gaano ako ka-charming, iyong-iyo na ako ngayon.”Tuwang-tuwa si Maisie sa sagot na yun.Makikita sa bintana ang magandang anino ng dalawang taong naghahalikan.Kinabukasan…Nagpunta si Barbara sa bookstore para bumili ng cookbook, at nakita niya ang ilang best-selling magazines sa shelf habang naglalakad siya papunta sa cashier. Ilang litrato nina Helios at Nolan ang naka-print sa mga covers ng mga magazines na yun. Lahat ng yun ay
Nang maintindihan ang ibig sabihin ni Katrina, nagngingitngit si Maizie. “Magkano ang kailangan mo?”Pinakita ni Katrina ng walong daliri. “$8,000,000 dollars.”Napasinghap si Maizie at halos mahimatay sa gulat. “Bakit ka na lang magnakaw sa bangko? $8,000,000? Saan naman ako makakakuha ng ganiyan kalaking perA?”“Huwag kang magpanggap na mahirap, Ms. Hannigan.” Humalukipkip si Katrina at sumandal sa likod ng upuan. “Wala lang sa iyo ang $8,000,000. Marami kang kilalang bigatin sa Bassburgh, baka yung tatay ng bata—”“Sige, tutulungan kita.” Hindi mapigilan ni Maizie na putulin ang sinasabi nito habang nakakuyom ang mga kamao niya sa ilalim ng mesa.‘Alam ni Katrina ang sikreto ko, at hindi ko dapat siya hayaan na sirain ang plano ko.’Nang makitang handang magkomprormiso si Maizie, kinuha ni Katrina ang handbag niya at tumayo. “Kung ganoon, hihintayin ko ang maganda mong balita, Ms. Hannigan. Oo nga pala, baka kailanganin ko na ng pera sa loob ng tatlong araw.”Tumalikod siya a
“Lolo, si Colton lang po ang maingay dito.” Tumakbo si Daisie papunta kay Nicholas at inasar si Colton.Sumimangot din si Colton, at tumawa naman si Nicholas dahil sa labis na tuwa.Lumapit si Maisie. “Dad, maayos na ba ang pakiramdam niyo ngayon?”Kay Quincy niya lang nalaman na hindi maganda ang pakiramdam ni Nicholas nitong nakaraan.Noong una pa lang ay maganda na ang trato sa kaniya ni Nicholas, kaya natural lang na mag-alala siya rito.Kinaway ni Nicholas ang kamay at ngumiti. “Huwag kang mag-alala, minor relapse lang yun.”“Lolo, bumalik na naman po ba ang gastric niyo?” Tanong ni Colton.“Gastric?” Tumingin si Maisie sa kaniya, at nakakunot ang noo naman na sumagot si Colton. “Matagal ng mayroong gastric si lolo.”“Ayos lang ako. Maliit na problema lang ‘to, at hindi naman ako masiyadong naaapektuhan. At saka, uminom na ako ng gamot.” Magaan niyang tinapik ang likod ni Colton.Saka niya tiningnan si Maisie at sinabing, “Pupunta ako sa kusina para tingnan kung tapos na
“Lolo, hindi ba kayo sasama sa amin sa birthday party ni Daddy?” Tanong ni Daisie habang nakatabingi ang ulo.“Masiyado na akong matanda para sa isang party. Hindi ko na kayang magpuyat katulad ng mga bata. Kailangan kong matulog nang maaga para magising nang maaga at maging malusog.” Sumimsim si Nicholas ng kaniyang Earl Fray Tea.Pagkatapos maghapunan ng pamilya, bumalik si Nicholas sa study niya habang sina Colton at Daisie naman ay naglibot-libot sa courtyard kasama ni Maisie.Habang nakaupo mag-isa sa study, tinitingnan ni Nicholas ang ilang lumang gamit, at nang umangat ang tingin niya, ang una niyang nakita ay si Nolan na tahimik na nakasandal sa pinto.Nagulat siya at nilapag ang mga hawak na gamit. “Bakit hindi ka sumama sa mag-iina mo na maglakad-lakad? Bakit ka pumunta dito?”“Bakit hindi niyo sinabi sa akin ang tungkol sa gastric niyo?”Umangat ng tingin si Nicholas. “Maliit na problema lang yun, anong sasabihin ko?”Lumapit si Nolan sa desk at tiningnan ang lumang k
"Maliban sa birthday celebration," tumalikod si Maisie at tumingin sa kaniya, "mayroon pang importanteng mangyayari."Tiningnan siya ni Nolan. "Anong importanteng mangyayari?"Hinila ni Maisie ang kamay ni Nolan at nilalaro itong hinawakan. "Hindi ko pa sasabihin sayo. Malalaman mo na lang bukas."Sa Soul…"Ms. Vanderbilt, pwede ba tayong umuwi nang maaga ngayong gabi?" Noong business meeting ng town hall, tumayo si Maisie sa stage at sinabi sa lahat ng nagtatrabaho na p'wede silang umuwi nang maaga, at lahat ng nanunuod ay nanabik.Hinawakan ni Maisie ang microphone. "Matagal na kayong nagtatrabaho sa Soul Jewelry. Bilang may-ari ng kumpanya, natural lang na dapat ay bigyan ko kayo ng ilang benepisyo. Birthday celebration ni Mr. Goldmann ngayong gabi, at gusto kong iimbita kayong lahat sa banquet. Ano sa tingin niyo?""Dahil sinabi ng boss namin, syempre pupunta kami!"Habang tinitingnan ang mga empleyado na nagsasaya sa baba ng stage, natawa si Maisie.Matapos ang mee
"Mamaya, tatanungin ko siya bakit gusto ka pa rin niya pakasalan kahit na na-kwento ko na sa kaniya lahat ng nangyari sayo dati nung nag-aaral ka pa. At sinabi niya sa akin na nakita ka na niya dati, bago pa kayo magkita three years ago."Kailan yun? Ayun yung gabi ng college party natin, isa siyang music student kaya inimbita siya ng school natin na pumunta. Pinanuod niya yung solo mo nung orchestra performance at napahanga mo siya. Siguro nakita niya rin tayong tatlo sa backstage, pero wala siyang kilala nun."Pero sino naman mag-aakala na matapos ang tatlong taon, isa sa tatlong yun ay magiging pinsan niya at ang isa naman ay magiging fiancèe niya?"Kumurap si Ryleigh at may namanghang ekspresyon. "Ito… bakit…bakit hindi ko ito sinabi sa akin?"Nakahalukipkip si Maisie at sumandal sa upuan. "Hindi ka naman nagtanong, at saka naging busy ako, kaya nakalimutan ko."Napatikom ng labi ni Ryleigh."Siya nga pala, wala naman akong impresyon sa kaniya. Hindi ko nga namalayan n
Nakasuot si Larissa ng fit evening dress at may dalang hand fan. Sinulyapan niya si Yael at lumapit sa tainga ni Christina. "Hindi ba lagi kang nagdadalawang isip makipag-ugnayan sa mga Goldmann?"Tumikhim si Christina at bumulong, "Lahat ng yun ay tapos na. Hindi ko naman kailangan isipin yun lagi, 'di ba?"Nakita ni Larissa ang pagbabago ng mindset ni Christina at kumapit siya sa kamay ni Christina. "Kung ganun, sabay tayong sumakay."Malapit na nakasunod si Yael at Helios sa dalawang magkaibigan, at ayun ang lahat mula sa mga Boucher at Lucas. Mas lalong nabuhay ang banquet nang dumating sila.Ilang sandali ang nakalipas at dumating na sila Daisie at Colton kasama ang adult-sized na mascot, mahigpit na nakasuot ang mascot na tinatakpan ang tao sa loob. Walang makakapansin na kahit sino sa mga bisita na si Ryleigh yun.Malungkot na nakatitig si Ryleigh mula sa loob ng kaniyang costume sa mga taong nasa venue.'Sabi ni Zee may naisip siyang magandang ideya, sisiguraduhin n
Biglang nag-ring ang cell phone ni Colton. "Si Waylon!"Sinagot niya ang video call at inabot ito kay Nolan. "Daddy, gusto ka kausapin ni lolo at ni Waylon!"Kinuha ni Nolan ang phone. Isang blessing na ang video mula kay Waylon at Titus.Lumapit si Maisie at napabuntong hininga, "Waylon!"Mas nag-init ang walang ekspresyon na mukha ni Waylon nang nakita ulit ang nanay niya. "Mommy, miss na po kita.""Hinihintay ka namin ng daddy at mga kapatid mo na bumalik dito sa Zlokova pag nag-winter break na. Mabait ka ba dyan sa ibang bansa at nakikinig ka ba sa lolo mo?"Tumango si Waylon. "Opo."Inakbayan ni Nolan si Maisie at tiningnan si Waylon. "Habang nandyan ka ingatan mo ang sarili mo, huwag ka magkasakit."Habang nakikinig sa sinasabi ng tatay niya, kahit na hindi nagpakita ng kahit anong ekspresyon si Waylon, matikas siyang sumang-ayon siya dito. "Alam ko. Ang dami mo namang sinasabi."Binigay na ni Waylon ang cell phone kay Titus, at ilang sandali silang nag-usap bago
Sumang-ayon ang iba.Nang maihain ang pagkain, tiningnan ni Daisie ang puting pagkain na mukhang pamaypay at tinanong ang may-ari. “Ano ‘to?”Ngumiti si ang lalaki at ipinaliwanag, “Mylotic cheese ‘yan. Gawa yan mula sa gatas ng baka. Lokal na pagkain.”Tinikman ni Cameron. “Oh, ang sarap.”Tumikim din si Freyja at Colton at masarap nga iyon.Inihain ang susunod na pagkain. Dinala ito ng lalaki. “Manok ito. Gawa ito sa homemade na marinade, spicy oil, paminta at roasted walnuts. Specialty namin ito dito at gustong gusto ito ng mga turista.”Sinubukan yon ni Daisie at tinanong ni Cameron, “Kumusta?”Tumango siya at sumubo pa nang mas malaki. Sinubukan din yon ng iba.Nagdala ng soup dish ang lalaki. “Ito ang cream nv seaweed. Malambot ito at crunchy naman ang seaweed. Kapag idinagdag ang yam, mas masarap.”“Mukhang masarap. Ako muna ang titikim.” sumubo si Waylon.Tiningnan siya ni Cameron. “Ang bango.”Pagkatapos ng ilang pagkain ay inihain na ang sikat sa lugar. Mayroong bu
Nang gabing ‘yon, sa Taylorton…Nagi-impake si Daisie ng bag niya, para sa plano nilang road trip at iniisip kung ano pa ang kailangan nila.Nang lumabas si Nollace sa shower at nakita na seryoso itong nagpaplano, tumawa siya. “Magbabakasyon lang tayo, hindi lilipat.”“Maraming kailangan dalhin ang mga babae. Skincare, pagkain, at ang camera. Kailangan natin yung drone. Nagdala rin ako ng payong.”Naningkit siya. “Pati payong?”Tiningnan siya ni Daisie at seryosong sinabi, “Paano kung umulan?”Hindi alam ni Nollace ang sasabihin.May dalawa silang malaking suitcase at isang maliit. Tumayo si Daisie, tiningnan ang bag niya at pakiramdam niya ay sumobra siya. Kinamot niya ang kaniyang pisngi. “Parang lilipat ako.”Lumapit si Nollace sa kaniya at niyakap niya si Daisie. “Mabuti na lang at road trip ‘yon o kakailanganin natin ng U-haul.”Ngumiti si Daisie at niyakap siya. “Excited na ako para bukas.”Kinabukasan, nagmaneho si Colton papunta sa Taylorton. Nasa ibang sasakyan si Wa
Hinawakan ni Waylon ang kamay ni Cameron. “Pag-uusapan natin ‘yan sa susunod.”Tiningnan ni Maisie si Daisie at Nollace. “Kinasal na ang dalawa mong kapatid. Kailan ang sa'yo?”Sagot ni Daisie, “Sabi ni Nolly at magandang araw ang September 9 dahil hindi sobrang lamig sa Yaramoor sa oras na ‘yon. Mainit sa umaga pero malamig sa gabi.”Nagulat si Cameron. “Mainit pa rin dito sa September. Parang summer sa East Island kapag September.”Ngumiti si Daisie. “Ang winter ng East Island ay parang summer namin. Pwedeng pumunta doon ang taong ayaw sa winter.”Ibinaba ni Nicholas ang tasa niya at pinag-isipan. “13 na araw na lang bago mag September 9. Ang bilis non.”Ngumiti si Maisie at tumango. “Oo nga.”Tumingin si Waylon kay Nollace. “Panigurado na magarbo ang isang royal wedding.”Inakbayan ni Nollace si Daisie. “Syempre. Bukas ‘yon sa publiko at gaganapin sa palasyo namin.”Lumapit si Cameron kay Waylon. “Hindi pa ako nakakapunta sa isang royal wedding. Isang karanasan ‘yon.” Tini
Tumango si Nick. “I will.”Pagkatapos non, umalis ang tatlo sa airport.Samantala, sa Coralia Airport…Hinatid ni Yale at Ursule si Zephir sa gate. Inabot ni Yale ang luggage sa kaniya. “Bumalik ka at bisitahin mo kami.”Kinuha ni Zephir ang bag, tumango siya at pumasok sa airport.Si Ursule na buhay si Kisses ay tinikom ang labi niya at tiningnan ang pusa. “Baka hindi mo na siya makita ulit.”Tiningnan siya ni Yale. “Oh? Ayaw mo ba siya na umalis?”“Ayaw siya paalisin ni Kisses.”“Sa tingin ko ay ikaw ‘yon.” Ngumiti si Yale at tumalikod para pumunta sa sasakyan habang sumunod naman si Ursule. “Bata ka pa. Tapusin mo ang pag-aaral mo. Pagkatapos, pwede ka mag-apply para makapunta sa Bassburgh.”Umupo si Ursule sa passenger seat. Lumingon siya nang marinig ‘yon. “Pwede ako mag-apply para pumunta doon?”“Pwede. Nasa art school ka. Pwede kang mag-apply sa Royal Academy of Music.”Sinimulan ni Yale ang sasakyan at nagmaneho palayo.Sumandal si Ursule sa upuan at bumulong, “Kap
Katulad ito ng sinasabi ng ibang mga tao, “Kailangan mo na magbigay kung gusto mo na may makuha.” Kumikita ang pier na ‘yon sa mga barko ng mga Dragoneers na dumadaong doon.Nabali ni Noel ang hita ng anak ni Python pero walang ginawa ang mga Wickam para ipakita na humihingi sila ng tawad, kaya nagalit si Python.Ititigil nila ang negosyo nila rito at magiging kalaban ng dragoneers ang Wickam mula ngayon. Kahit na hindi sila dumaong sa pier nito, makakahanap pa rin sila ng ibang routa. Nagawa lang nitong paliitin ang client base ng Wickam.Humarap si Nick kay Mahina. “Umalis na tayo.”“Nick, anong ibig sabihin nito? Tutulong ka ba?” sumigaw sa kaniya si Martha.Hindi lumingon si Nick. “Malalaman mo na lang.” At umalis na siya.Hindi inakala ni Arthur na ito ang huling pagkakataon na magpapakita si Nick sa bahay nila.Pinalaya ni Python si Noel pagkatapos ng tatlong araw pero matindi ang natamo ako at dinala sa hospital.Pumunta si Martha at Arthur at nakita ang anak nila na na
Sa oras na ‘yon, biglang pumasok ang butler sa loob bahay. “Sir, may nagsabi na nakita nila si Master Nick sa bayan.”Tumayo si Arthur. “Sigurado ka ba?” Nakabalik na si Nick.“Oo, nasa Winslet Manor.”Galit na hinaplos ni Arthur ang mesa nang marinig na pumunta si Nick sa Winslet Manor. “Pumunta siya doon pagbalik niya mismo. Hindi ba niya kinikilala bilang Wickam ang sarili niya?”Kinakabahan si Martha at gusto lang na makauwi ang anak niya. “Honey, dahil nakabalik na siya, gagamitin natin siya para ipalit kay Noel. Siya ang pinakamatanda sa pamilya, hindi ba? Importante ang buhay Noel!”Kumunot si Arthur at nagkuyom ang kamao.Hindi nagtagal pagkatapos non, dumating si Nick at Mahina sa garden. Nang makita ni Arthur na nakabalik na sila, nagulat siya. “Akala ko wala kang plano na bumalik?”Mukhang kalmado si Nick. “Kung hindi ako babalik, sisisihin mo ako kapag walang naiwan na tagapagmana ang Wickam. Hindi ko pwedeng akuin ang responsibilidad na ‘yon.”Natigil si Arthur at
Hindi masaya si Cooper sa ideya na ‘yon.Ngumiti si Sunny. “Sino ang nagsabi sa'yo na dapat natin ipalit ang binti ni Nick kay Noel? Sa halip si Python ang babali sa binti ni Python, bakit hindi si Nick ang gumawa non?”Nagulat si Cooper. “Gagawin mismo ‘yon ni Nick?”Lumapit si Sunny at seryosong minungkahi, “"Nabali ang binti ni Travis, ngunit ligtas siya. Bukod pa doon ay makakabangon pa siya sa kama at makakalakad pagkatapos nang kalahating taon ng pagpapagaling. Nabalitaan kong malupit na tao si Python, pero hinuli lang niya si Noel para pilitin ang mga Wickam na makipagkompromiso. Kaya bakit nila pinapatagal nila ang plano nila na saktan si Noel?”Nagulat si Cooper. “Sinasabi niyo ba na may ibang plano si Python?”Uminom si Sunny ng tsaa mula sa tasa. “Si Python ang pinuno ng isang lokal na mafia sa Madripur. Lahat ng negosyong kinasasangkutan niya ay ilegal at hindi alam ang pinanggalingan. Bukod dito, ang kanilang mga produkto ay kadalasang naglalakbay sa pamamagitan ng da
Masyadong makapangyarihan at agresibo ang pamilya ni Amelia na pinipigilan si Arthur na itaas ang kanyang ulo sa harap ng iba. Kaya naman nag-asawa siyang muli isang taon pagkatapos ng kamatayan ni Amelia at tiniis pa niya ang lahat ng mga pagsaway na ibinato sa kanya ng mga Winslet dahil sa pagiging walang utang na loob na asawa. Iyon ay hanggang sa pinilit siya ni Cooper na hayaan si Nick na mamana nang buo ang Wickam, at habang mas pinipilit siya ng mga Winslet, mas ayaw niyang pumayag.‘Gusto ko lang patunayan kay Cooper na kahit walang tulong mula sa pamilya niya at kay Nick, kaya pa rin tumayo ng Wickam.‘Pero malaki talaga ang nagawang gulo ni Noel ngayon. Bakit ako pupunta kay Nick kung hindi dahil sa kaniya?’Hinawakan ni Martha ang braso niya. “Kung ganoon, pumayag ba si Nick sa plano mo? Anak mo rin siya, kaya kahit anong mangyari, hindi siya tatanggi na tulungan ka, hindi ba? Ipabalik mo lang kay Nick si Noel.”“Pumayag ba siya?” Pinalayo siya ni Arthur at galit na suma
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng