Biglang nag-ring ang cell phone ni Colton. "Si Waylon!"Sinagot niya ang video call at inabot ito kay Nolan. "Daddy, gusto ka kausapin ni lolo at ni Waylon!"Kinuha ni Nolan ang phone. Isang blessing na ang video mula kay Waylon at Titus.Lumapit si Maisie at napabuntong hininga, "Waylon!"Mas nag-init ang walang ekspresyon na mukha ni Waylon nang nakita ulit ang nanay niya. "Mommy, miss na po kita.""Hinihintay ka namin ng daddy at mga kapatid mo na bumalik dito sa Zlokova pag nag-winter break na. Mabait ka ba dyan sa ibang bansa at nakikinig ka ba sa lolo mo?"Tumango si Waylon. "Opo."Inakbayan ni Nolan si Maisie at tiningnan si Waylon. "Habang nandyan ka ingatan mo ang sarili mo, huwag ka magkasakit."Habang nakikinig sa sinasabi ng tatay niya, kahit na hindi nagpakita ng kahit anong ekspresyon si Waylon, matikas siyang sumang-ayon siya dito. "Alam ko. Ang dami mo namang sinasabi."Binigay na ni Waylon ang cell phone kay Titus, at ilang sandali silang nag-usap bago
Hindi na napigilang matawa nang malakas ni Barbara habang iniisip niya ang mukha ni Ryleigh. Lumingon si Helios at ang ibang tao nang marinig nila ang tawanan. Ilan sa mga mayayaman na socialites na hindi pa kilala si Barbara ay nagtanong, “Sino yung babae sa tabi ni Mrs. Goldmann? Nakita mo na ba siya dati?”Tumikhim si Tanner. “Anak siya ng mga Chase.”“Ah, ibig sabihin siya ang daughter ng mga Chase?”“Hindi ba sabi ng balita dati na isa siyang mamamatay tao—” bago pa man matapos ang taong iyon sa pagsasalita, siniko na siya ni Tanner, sinisenyasan siya na manahimik.Tiningnan ng lalaki si Helios at yumuko siya at bahagyang inalog ang kaniyang wine glass. Kahit na hindi masyadong nagbago ang ugali niya, pagtapos ng ilang segundo napansin ng lalaki ang bahagyang pagbabago ng ekspresyon ni Helios nang sinabi niya ang salitang “mamamatay-tao”.Dumating si Larissa para makipag-inuman kay Maisie, at ilang sandali na nag-usap ang dalawa habang huli naman na dumating sila Mada
“Talaga? Nakakahiya ka naman.” Inubos ni Yael ang kaniyang iniinom. Tinapik ni Tristan ang kaniyang balikat at lumapit, “Kung hindi ayan ang nangyari, baka naging asawa ko na lang si Mrs. Boucher.”Walang sinabi si Yael pero kumuniot ang kaniyang noo.Nasisiyahan sila Maisie at Nolan sa drama. Lumapit siya sa tainga ni Nolan. “Inimbitahan mo ba si Tristan?”Nabanggit niya na yu kay Madam Nera dahil birthday party yun ni Nolan. Siguro naman hindi niya isasama si Tristan, ‘di ba?”“Hindi.”Napaisip si Maisie. “Party crasher?”Kumibot ang labi ni Nolan. “Matanda na siya, walang hiyang lalaki. Hindi na ako nagtataka.”‘Talagang dinala niya lang dito ang apo niya.’Nang may biglang naisip, binaba ni Nolan ang wine glass niya, lumapit, at sinabi, “May kailangan ako sabihin sayo.”Huminto siya. “Ano?”Nilaro ni Nolan ang buhok ni Maisie. Plano ng matandang yan dalhin at ipatira muna ng ilang araw ang panganay na apo ng mga Knowle sa Goldmann mansion. “Ano sa tingin mo?”
Nilabas ni Maisie ang kanan niyang kamay. “Yes, I do!”Niyakap siya ni Nolan, hinawakan siya sa mukha, at hinalikan siya. Tinakpan nila Helios at Barbara ang mata ng mga bata. Nagulat din ang dalawang bata. Malaki ang ngiti nila Madam Nera at Larissa habang si Yael at ang ibang bisita naman ay pumapalakpak. Nagsimula na umandar ang ship sa dagat. Kabaligtaran sa rowdy deck, dalawang tao ang nakatayo sa hagdan ng ikalawang palapag.Sinindihan ni Tristan ang sigarilyo at nakatingin sa port sa kalayuan. “Sa palagay ko nagdesisyon ka na manatili kay Yael para magkaroon ng magandang buhay.” May silk shawl sa balikat si Christina, nakatayo sa dilim. Ang liwanag ng dagat ay nakatapat lang sa kalahati ng kaniyang katawan. “Oo, alam ni Yael ang relasyon natin. Tinanggap na namin yun.” Binuga ni Tristan ang usok at tumawa. “Totoo? Mabuti yun.”“Nilapitan mo ako hindi dahil mahal mo ako.” Tumalikod sa kaniya si Christina. “Inaamin ko na nahulog ako sayo. Pahinga ko ang mga
Hindi alam ni Ryleigh kung ano ang sasabihin.'Teka!' Naintindihan na ni Ryleigh. "Magkakaroon ako ng cousin-in-law… tinutukoy mo ba ang tungkol kay Helios?""Sino pa ba?"Nagulat si Ryleigh, pero nagsimulang magningning ng mata niya. "Si Barbara at ang pinsan ko?"Sinilip nilang dalawa ang ulo nila, nag iinit ang tsismosa nilang mga puso.Nakatayo si Barbara at Helios sa dulo ng corridor, pinapanood ang night view sa kalayuan."Bakit hindi mo sila kasama? Panigurado na masaya sa baba."Tiningnan ni Barbara si Helios. Mas puti pa ang suot niyang suit kaysa sa buwan sa gabing yun, malinis pa rin at hindi nakusot.Tumingin din si Helios, nilagay niya ang braso niya sa railings, at sumandal doon. Tumingin siya sa taas, at tumama ang hangin sa malambot niyang buhok. "Paiinumin nila ako kapag bumaba ako."Nandoon lang siya para umiwas sa pag-inom!Ngumisi si Barbara. "Mukhang mataas ang alcohol tolerance mo."Tiningnan siya ni Helios. "Sino ang nagsabi sa'yo niyan?"Humalukipkip
Tiningnan ni Ryleigh si Maisie at huminga ng malalim bago tumango. "Sige."Naniniwala siya na si Helios ang unang gagalaw kung maghahalikan sila ngayong gabi!Marahil dahil sa maganda ang gabi o dahil sa matamis ang wine, palapit nang palapit ang labi nila, at huminto si Helios dahil pinangunahan siya ng kaniyang konsensya.Nang aatras na siya, hinawakan ni Barbara ang tie niya at hinila palapit, pagkatapos ay dinikit ang kaniyang labi sa labi ni Helios.Tiningnan siya ni Helios. Nagtagal yun ng ilang sandali, at bago pa siya makapagsalita, tumingin si Barbara na para bang nakuha na siya ang kaniyang gusto. "Inakit mo ako pagkatapos malasing, at hindi ako nakapagpigil at hinalikan kita. Sinimulan mo 'to."Ngumiti siya, tumalikod, at nagmamadaling umalis.Natulala si Ryleigh. Hindi si Helios ang unang kumilos at ginawa yun ni Barbara!Ang lala nun!Tinapik ni Maisie ang balikat niya. "Ang tagal mo ng kilala si Barbara, tapos hindi mo pa rin napansin na iba siya sa pinapakita niy
"Ano bang sinasabi mo?""Akala ko hindi ka makatulog dahil sobrang excited ka."Napatigil ang kamay ni Barbara na may hawak na kutsara, at nagtataka niyang tiningnan si Maisie. "Ano namang ikaka-excite ko?"Mahiwatig ang ngiti ni Maisie. "Nakipagpustahan ako kay Ryleigh kagabi, at binayaran niya ako ng $100."Nagtataka pa rin si Barbara. "Anong pinagpustahan niyo?"Uminom si Colton sa gatas niya. "Nagpustahan sina Mommy at Ninang sa inyong dalawa ni Ninong para malaman kung sino ang unang kikilos para sa kiss. Pumusta si Mommy sa'yo habang si Ninang naman ay pumusta kay Ninong."Tumigil ang paligid, at naintindihan na ni Barbara, na nagsisimula ng mamula. "Ikaw…"Nagulat si Maisie at tumingin kay Colton. "Paano mo nalaman?"Kumagat ng malaki si Colton sa kaniyang croissant. "Nagrereklamo si Ninang sa amin kagabi."Imposible talaga na mapatahimik ang bibig ni Ryleigh!Sobrang nahihiya si Barbara at gusto na niya magtago sa isang butas. Nabisto na siya!Hindi niya pa alam paan
Umiwas ng tingin si Barbara bago niya tinuon ang tingin sa labas ng bintana. "Ano yung sasabihin mo dapat sa akin nun?"Doon lang naalala ni Helios ang gusto niyang itanong bago siya guluhin ni Barbara."Tungkol doon… Itatanong ko lang kung bakit… Bakit mo ginawa yun kagabi?"Hindi alam ni Helios kung paano sasabihin ang tanong niya. Hindi siya nandidiri sa halik kagabi. Mayroon lang talagang kakaibang pakiramdam na hindi niya maintindihan.Nakatikom ang labi ni Barbara at natahimik siya ng ilang sandali. Mabagal niyang kinuha ang baso at tinanong, "Gusto mo ba marinig ang totoo?"Tiningnan niya si Barbara.Huminga ng malalim si Barbara at sinubukang itago ang hiya niya sa pag ngiti. "A… pinangunahan ako ng emosyon ko kagabi, at hindi ko napigilan. Syempre, kung may problema sa'yo yun, pwede tayo magpanggap na hindi nangyari yun."Nang marinig ni Maisie ang sinabi ni Barbara, napakunot siya.'Ang tapang niua kagabi, pero ngayon nanghihina siya?'Sumubo ng karne si Nolan sa bib
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa
Ngumiti si Waylon at sinabi, “Oo, pero maaga pa naman.” Humiga si Daisie sa hita ni Nollace at tumingin siya sa langit. Matapos ang ilang sandali, sabi niya, “Ulan ba yung naramdaman ko?” Tumingin ang lahat sa kaniya.Huminga nang malalim si Colton. “Huwag mong i-jinx.” Tumingin si Freyja sa langit, kahit na maliwanag ang langit na nakikita nila, may maiitim na ulap malapit sa mga bundok. “Baka makulimlim lang ngayon.” Malapit na mag tanghali pero wala pa ring araw. Baka nga makulimlim lang pero walang ulan. Nagsalita si Cameron, “Wala namang sinabi sa weather report na uulan ngayon. Sa tingin ko hindi naman uulan.”Depende na lang kung mali pala ang weather report! Matapos ang ilang sandali, naramdaman ni Nollace na may tumulo sa mukha niya. Hinawakan niya iyon. “Umuulan nga.” Umupo si Cameron. “Ano?”Nahihiyang ngumiti si Daisie. “Naisip ko lang naman na uulan pero ngayon…” ‘Jinxing!’Lahat sila ay nagsimula ng mag-pack ng mga pagkain pati ang grill at mga mats ay
Sumang-ayon ang iba.Nang maihain ang pagkain, tiningnan ni Daisie ang puting pagkain na mukhang pamaypay at tinanong ang may-ari. “Ano ‘to?”Ngumiti si ang lalaki at ipinaliwanag, “Mylotic cheese ‘yan. Gawa yan mula sa gatas ng baka. Lokal na pagkain.”Tinikman ni Cameron. “Oh, ang sarap.”Tumikim din si Freyja at Colton at masarap nga iyon.Inihain ang susunod na pagkain. Dinala ito ng lalaki. “Manok ito. Gawa ito sa homemade na marinade, spicy oil, paminta at roasted walnuts. Specialty namin ito dito at gustong gusto ito ng mga turista.”Sinubukan yon ni Daisie at tinanong ni Cameron, “Kumusta?”Tumango siya at sumubo pa nang mas malaki. Sinubukan din yon ng iba.Nagdala ng soup dish ang lalaki. “Ito ang cream nv seaweed. Malambot ito at crunchy naman ang seaweed. Kapag idinagdag ang yam, mas masarap.”“Mukhang masarap. Ako muna ang titikim.” sumubo si Waylon.Tiningnan siya ni Cameron. “Ang bango.”Pagkatapos ng ilang pagkain ay inihain na ang sikat sa lugar. Mayroong bu
Nang gabing ‘yon, sa Taylorton…Nagi-impake si Daisie ng bag niya, para sa plano nilang road trip at iniisip kung ano pa ang kailangan nila.Nang lumabas si Nollace sa shower at nakita na seryoso itong nagpaplano, tumawa siya. “Magbabakasyon lang tayo, hindi lilipat.”“Maraming kailangan dalhin ang mga babae. Skincare, pagkain, at ang camera. Kailangan natin yung drone. Nagdala rin ako ng payong.”Naningkit siya. “Pati payong?”Tiningnan siya ni Daisie at seryosong sinabi, “Paano kung umulan?”Hindi alam ni Nollace ang sasabihin.May dalawa silang malaking suitcase at isang maliit. Tumayo si Daisie, tiningnan ang bag niya at pakiramdam niya ay sumobra siya. Kinamot niya ang kaniyang pisngi. “Parang lilipat ako.”Lumapit si Nollace sa kaniya at niyakap niya si Daisie. “Mabuti na lang at road trip ‘yon o kakailanganin natin ng U-haul.”Ngumiti si Daisie at niyakap siya. “Excited na ako para bukas.”Kinabukasan, nagmaneho si Colton papunta sa Taylorton. Nasa ibang sasakyan si Wa
Hinawakan ni Waylon ang kamay ni Cameron. “Pag-uusapan natin ‘yan sa susunod.”Tiningnan ni Maisie si Daisie at Nollace. “Kinasal na ang dalawa mong kapatid. Kailan ang sa'yo?”Sagot ni Daisie, “Sabi ni Nolly at magandang araw ang September 9 dahil hindi sobrang lamig sa Yaramoor sa oras na ‘yon. Mainit sa umaga pero malamig sa gabi.”Nagulat si Cameron. “Mainit pa rin dito sa September. Parang summer sa East Island kapag September.”Ngumiti si Daisie. “Ang winter ng East Island ay parang summer namin. Pwedeng pumunta doon ang taong ayaw sa winter.”Ibinaba ni Nicholas ang tasa niya at pinag-isipan. “13 na araw na lang bago mag September 9. Ang bilis non.”Ngumiti si Maisie at tumango. “Oo nga.”Tumingin si Waylon kay Nollace. “Panigurado na magarbo ang isang royal wedding.”Inakbayan ni Nollace si Daisie. “Syempre. Bukas ‘yon sa publiko at gaganapin sa palasyo namin.”Lumapit si Cameron kay Waylon. “Hindi pa ako nakakapunta sa isang royal wedding. Isang karanasan ‘yon.” Tini
Tumango si Nick. “I will.”Pagkatapos non, umalis ang tatlo sa airport.Samantala, sa Coralia Airport…Hinatid ni Yale at Ursule si Zephir sa gate. Inabot ni Yale ang luggage sa kaniya. “Bumalik ka at bisitahin mo kami.”Kinuha ni Zephir ang bag, tumango siya at pumasok sa airport.Si Ursule na buhay si Kisses ay tinikom ang labi niya at tiningnan ang pusa. “Baka hindi mo na siya makita ulit.”Tiningnan siya ni Yale. “Oh? Ayaw mo ba siya na umalis?”“Ayaw siya paalisin ni Kisses.”“Sa tingin ko ay ikaw ‘yon.” Ngumiti si Yale at tumalikod para pumunta sa sasakyan habang sumunod naman si Ursule. “Bata ka pa. Tapusin mo ang pag-aaral mo. Pagkatapos, pwede ka mag-apply para makapunta sa Bassburgh.”Umupo si Ursule sa passenger seat. Lumingon siya nang marinig ‘yon. “Pwede ako mag-apply para pumunta doon?”“Pwede. Nasa art school ka. Pwede kang mag-apply sa Royal Academy of Music.”Sinimulan ni Yale ang sasakyan at nagmaneho palayo.Sumandal si Ursule sa upuan at bumulong, “Kap
Katulad ito ng sinasabi ng ibang mga tao, “Kailangan mo na magbigay kung gusto mo na may makuha.” Kumikita ang pier na ‘yon sa mga barko ng mga Dragoneers na dumadaong doon.Nabali ni Noel ang hita ng anak ni Python pero walang ginawa ang mga Wickam para ipakita na humihingi sila ng tawad, kaya nagalit si Python.Ititigil nila ang negosyo nila rito at magiging kalaban ng dragoneers ang Wickam mula ngayon. Kahit na hindi sila dumaong sa pier nito, makakahanap pa rin sila ng ibang routa. Nagawa lang nitong paliitin ang client base ng Wickam.Humarap si Nick kay Mahina. “Umalis na tayo.”“Nick, anong ibig sabihin nito? Tutulong ka ba?” sumigaw sa kaniya si Martha.Hindi lumingon si Nick. “Malalaman mo na lang.” At umalis na siya.Hindi inakala ni Arthur na ito ang huling pagkakataon na magpapakita si Nick sa bahay nila.Pinalaya ni Python si Noel pagkatapos ng tatlong araw pero matindi ang natamo ako at dinala sa hospital.Pumunta si Martha at Arthur at nakita ang anak nila na na
Sa oras na ‘yon, biglang pumasok ang butler sa loob bahay. “Sir, may nagsabi na nakita nila si Master Nick sa bayan.”Tumayo si Arthur. “Sigurado ka ba?” Nakabalik na si Nick.“Oo, nasa Winslet Manor.”Galit na hinaplos ni Arthur ang mesa nang marinig na pumunta si Nick sa Winslet Manor. “Pumunta siya doon pagbalik niya mismo. Hindi ba niya kinikilala bilang Wickam ang sarili niya?”Kinakabahan si Martha at gusto lang na makauwi ang anak niya. “Honey, dahil nakabalik na siya, gagamitin natin siya para ipalit kay Noel. Siya ang pinakamatanda sa pamilya, hindi ba? Importante ang buhay Noel!”Kumunot si Arthur at nagkuyom ang kamao.Hindi nagtagal pagkatapos non, dumating si Nick at Mahina sa garden. Nang makita ni Arthur na nakabalik na sila, nagulat siya. “Akala ko wala kang plano na bumalik?”Mukhang kalmado si Nick. “Kung hindi ako babalik, sisisihin mo ako kapag walang naiwan na tagapagmana ang Wickam. Hindi ko pwedeng akuin ang responsibilidad na ‘yon.”Natigil si Arthur at
Hindi masaya si Cooper sa ideya na ‘yon.Ngumiti si Sunny. “Sino ang nagsabi sa'yo na dapat natin ipalit ang binti ni Nick kay Noel? Sa halip si Python ang babali sa binti ni Python, bakit hindi si Nick ang gumawa non?”Nagulat si Cooper. “Gagawin mismo ‘yon ni Nick?”Lumapit si Sunny at seryosong minungkahi, “"Nabali ang binti ni Travis, ngunit ligtas siya. Bukod pa doon ay makakabangon pa siya sa kama at makakalakad pagkatapos nang kalahating taon ng pagpapagaling. Nabalitaan kong malupit na tao si Python, pero hinuli lang niya si Noel para pilitin ang mga Wickam na makipagkompromiso. Kaya bakit nila pinapatagal nila ang plano nila na saktan si Noel?”Nagulat si Cooper. “Sinasabi niyo ba na may ibang plano si Python?”Uminom si Sunny ng tsaa mula sa tasa. “Si Python ang pinuno ng isang lokal na mafia sa Madripur. Lahat ng negosyong kinasasangkutan niya ay ilegal at hindi alam ang pinanggalingan. Bukod dito, ang kanilang mga produkto ay kadalasang naglalakbay sa pamamagitan ng da