Share

Kabanata 891

Umiwas ng tingin si Barbara bago niya tinuon ang tingin sa labas ng bintana. "Ano yung sasabihin mo dapat sa akin nun?"

Doon lang naalala ni Helios ang gusto niyang itanong bago siya guluhin ni Barbara.

"Tungkol doon… Itatanong ko lang kung bakit… Bakit mo ginawa yun kagabi?"

Hindi alam ni Helios kung paano sasabihin ang tanong niya. Hindi siya nandidiri sa halik kagabi. Mayroon lang talagang kakaibang pakiramdam na hindi niya maintindihan.

Nakatikom ang labi ni Barbara at natahimik siya ng ilang sandali. Mabagal niyang kinuha ang baso at tinanong, "Gusto mo ba marinig ang totoo?"

Tiningnan niya si Barbara.

Huminga ng malalim si Barbara at sinubukang itago ang hiya niya sa pag ngiti. "A… pinangunahan ako ng emosyon ko kagabi, at hindi ko napigilan. Syempre, kung may problema sa'yo yun, pwede tayo magpanggap na hindi nangyari yun."

Nang marinig ni Maisie ang sinabi ni Barbara, napakunot siya.

'Ang tapang niua kagabi, pero ngayon nanghihina siya?'

Sumubo ng karne si Nolan sa bib
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status