Semua Bab The Three Little Guardian Angels: Bab 891 - Bab 900

2769 Bab

Kabanata 892

Paanong inakala ni Barbara na interesado rin sa kaniya si Helios?Matapos ang ilang sandali, nilapit ni Helios ang baso sa kaniyang labi at inangat ang ulo niya para tingnan si Barbara. "Ginusto ko rin naman na halikan ka kagabi."Nabigla si Barbara. Pagkatapos nun, pilit siyang ngumiti at sinabi, "Baka lasing ka…""Hindi naman…" Sagot ni Helios pagtapos ng ilang sandali, "Gising na gising ako nung oras na yun."Napatigil si Barbara sa kaniyang pwesto. Iniisip niya kung pinaglalaruan siya ng utak niya or kaniyang tainga. Hindi siya lasing. Sa halip, gising na gising siya.'Ibig sabihin alam niya na inaakit ko siya sa mga sinabi ko kagabi?'Habang lalo niya 'yung iniisip, mas lalo niyang ginugusto na humanap ng butas at ilibing ang sarili niya.Bumalik ang barko sa Bass Wave Port nung tanghali. Bumaba sa barko sina Ryleigh at mga kasama niya. Halos pawala na ang allergy niya, pero kita pa rin ang namamaga niyang mukha sa kaniyang mask.Hinubad ni Louis ang sumbrero niya at nilag
Baca selengkapnya

Kabanata 893

Nauna silang ihatid ni Alfred sa Goldmann mansion. Nang hindi pumapasok si Nolan sa sasakyan, tinanong ni Maisie, "Hindi ba tayo aalis?"Binalot ni Nolan ang braso niya sa bewang ni Maisie at bumulong sa kaniyang tainga, "Hindi ba't sinabi ko sa'yo na bibigyan kita ng bulaklak?"Mas lalong naguluhan si Maisie.'Hindi ba't bibigyan niya lang naman ako ng bulaklak? Bakit niya pa ginagawang misteryoso yun?'Pero, nagkamali siya. Nang makarating sila sa Blue Bay Villa at pumasok sa courtyard— isang napakaganda tanawin ang bumungad sa mga mata niya.May blue roses kahit saan, punong puno nito ang courtyard.Ang blue roses at fire-red flowers na nakasabit sa puno ay bumagay sa isa't isa sa ilalim ng mga halaman at asul na langit na mayroong puting ulap.Sobrang nagulat si Maisie na nakalimutan na niyang takpan ang bibig niya. Hindi niya inaasahan ang sorpresa na yun.Niyakap siya ni Nolan mula sa likod at nilagay ang baba niya sa balikat ni Maisie. Malalim ang boses niya at tinanong
Baca selengkapnya

Kabanata 894

Binuksan ni Maizie ang box kung nasaan ang singsing at agad na kinuha ang singsing. Pero, hindi niya alam na ang camera sa gilid ay naglalabas ng pulang ilaw nang lumabas siya ng study room.Lumabas si Maizie sa kaniyang sasakyan. Kinausap niya si Katrina, at nagkita silang dalawa sa isang coffee shop.Nauna siyang dumating, at sumunod naman si Katrina."Nagulat ako na may pera ka na agad, Ms. Hannigan."Nilagay ni Maizie ang purse niya sa mesa at seryosong sinabi, "Sa halip na $8,000,000 na pera, makikipagpalit ako sa'yo sa halagang $3,000,000."Napakunot si Katrina. "Ano yung bagay na ipapalit mo?"Nang makita niya ang nilabas na singsing ni Maizie, nagbago ang ekspresyon niya.Nilagay ni Maizie ang singsing sa harap niya, at pinakalma ni Katrina ang sarili niya. "Paano mo nakuha ang singising?" tanong niya."Ako lang naman ang future daughter-in-law ng mga Boucher. Nag-divorce ang father-in-law at mother-in-law ko, kaya kinuha ko lang ang singsing kay Francisco. Okay, tama n
Baca selengkapnya

Kabanata 895

Naisip ni Maisie na mukhang kailangan niyang pumunta sa bahay ni Kennedy at alam ang nangyayari.Sa Boucher manor…Nang makabalik si Maizie sa Boucher manor at nakita si Eugene na nakaupo sa living room. Nabigla siya, at nabasa ang damit niya dahil sa pawis.Pinilit niyang kumalma at binati siya, "Mr. Bouchet, ano ang ginagawa niyo rito?"Umiinom ng kape si Eugene. Kahit na hindi siya masaya na maging daughter-in-law si Maizie, buntis siya sa kaniyang apo, kaya wala siyang magawa kundi tanggapin siya."Hindi ka dapat madalas na lumabas dahil buntis ka. Sasabihan ko si Francisco na samahan ka para sa maternity check-up sa susunod na araw."Naisip ni Maizie na hindi alam ni Eugene na kinuha niya ang singsing. Bumuntong hininga siya at nakangiting tumango, "Sige, Mr. Boucher. Balik muna ako sa kwarto ko."Pagkatapos nun, umakyat na siya.Yumuko si Eugene at malungkot na tiningnan ang kape niya. Nang buntis si Samantha, hinayaan niya na pumunta siya mag-isa sa maternity check up…
Baca selengkapnya

Kabanata 896

Inabot sa kaniya ni Kennedy ang baby.Hinawakan ni Maisie ang baby, at lumambot ang puso niya nang mahawakan niya ang maliit na sanggol. Mahina niyang tinapik ang likod ng sanggol at sinuyo ito, at pagkatapos, huminto sa pag-iyak ang sanggol at nginitian siya.Tumawa si Kennedy nang makita ang eksena. "Tingnan mo lang siya. Totoo nga, mas magaling ang mga babae sa pag aalaga ng bata."Binalik ni Maisie ang pacifier sa bibig ng sanggol, hinarap si Kennedy, at tinanong, "Tito Kennedy, hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko. Ang batang to…""Hindi ko siya anak. Mahabang kwento." Huminga ng malalim si Kennedy. Naglakad siya papunta sa couch, at nagpaliwanag, "Nakita ko lang ang bata na 'to sa ulanan isang buwan na ang nakalipas."Nagulat si Maisie. "Nakita mo siya?"Tumango si Kennedy.Kinwento niya ang tungkol sa maulan na araw noong nakaraang buwan, nang papunta sa supermarket para bumili ng grocery at may dalang payong. Nang makalagpas siya sa likod ng eskinita, may nakita siyan
Baca selengkapnya

Kabanata 897

"Hindi ko lang maintindihan kung ano ang iniisip ng mga magulang ng batang 'to. Nagawa talaga nilang makapag desisyon na iwanan ang nakakatuwang bata na 'to." Sabi ni Samantha.Habang tinitingnan ang titig ni Samantha sa bata, nakita ni Maisie na mahilig siya sa bata.Naalala ni Maisie ang dinadala niyang sanggol three years ago. Kung hindi nawala ang bata dahil sa aksidente noon, dalawang taon na sana siya ngayon…Tinabi ni Kennedy ang baby products at pumunta sa kusina. "Sa tingin ko ay hindi pa kayo nagla-lunch. Magluluto ako."Nilalaro ni Maisie at Samantha ang sanggol. Matapos ang ilang sandali, nagpakita na ng cues ang baby, nagpapakita na gutom na siya, kaya umalis si Samantha para gawan siya ng infant formula milk. Sabagay, wala rin naman sa kanila ang may breast milk para sa sanggol.Nang makita ni Maisie ang pag sipsip ng sanggol sa bote ng gatas, tumawa siya."Alam mo ba kung ano ang ginagawa ni Francisco nitong nakaraan?" Biglang tanong ni Samantha kay Maisie.Napati
Baca selengkapnya

Kabanata 898

Nakatitig lang si Barbara sa pinto ng morgue. Walang pumapasok sa isip niya, at dahan-dahang nagsara ang bibig niya pagkatapos ng mahabang oras. "I-imposible 'to."Hindi siya makapaniwala doon.'Patay na si Katrina? Pero paano ang isang tuso at masamang tulad niya ay mamamatay nang ganoon lang?"Tinitigan siya ni Officer Zaleski. "Ms. Chase, gusto niyo ba i-cross-check ang katawan niya?"Hindi nagsalita si Barbara.Sinundan niya si Officer Zaleski sa morgue at huminto mismo sa harap ng refrigerated storage cabinet kung saan nakalagay ang mga bangkay. Binuksan ni Officer Zaleski ang Freezer #16, at ang nakahigang babae doon ay walang iba kundi si Katrina.Ang gulat sa mga mata ni Barbara ay agad napalitan ng kadiliman. Mahigpit na nakatikom ang labi niya, hindi alam kung ano ang sasabihin at mararamdaman sa oras na yun.Matapos ang ilang sandali, nahihirapan niyang sinabi na, "Sasabihin ko ang Dad ko tungkol dito."…Hindi alam ni Maisie ang tungkol sa aksidenteng pagkamatay ni
Baca selengkapnya

Kabanata 899

Nasalo siya ni Helios, pero parang nagmukha 'yon na yakap. Nakasandal ang pisngi ni Barbara sa malapad niyang balikat, at ang makapal niyang buhok ay nasa leeg ni Helios.Hindi siya makagalaw habang ang Adam's apple niya ay hindi mapakali bago niya inangat ang kaniyang kamay para iurong ang ulo niya na kumikiliti sa leeg niya.Hindi nagtagal, nakaramdam siya ng bigat na kaniyang pang itaas na katawan at napagtanto na nakatulog na si Barbara habang nakatagilid ang kaniyang ulo at nagpapahinga sa kaniyang malapad na balikat at leeg. Ang malalim niyang paghinga ay tumatama sa leeg ni Helios, at isang kakaibang pakiramdam ang pumasok sa puso niya.Bumuntong hininga siya, patayo niyang binuhat si Barbara, dinala siya sa bedroom, nilagay sa kama, at kinumutan.Sandali siyang tumayo sa gilid ng kama bago tahimik na umalis.Pinarada ni Nina ang sasakyan sa gilid ng entrance ng Skyhigh Condo, inangat ang rearview mirror, at tiningnan si Helios nang makapasok siya sa sasakyan. "Mr. Boucher,
Baca selengkapnya

Kabanata 900

"Ms. Hannigan, ginagawa ko ang mga bagay sa'yo para sa kapakanan ni Mr. Grant. Pero, nasa kulungan na ngayon si Mr. Grant, at tinulungan kita sa problema mo sa pagpatay ng tao na yun." Suminghal ang lalaki. "Ngayon pinaghahanap na ako ng mga pulis, at kailangan kong umalis ng Bassburgh, pero kailangan ko ng pera para gawin 'yun."Galit na sumagot si Maizie, "Hindi ba't binigyan na kita ng $500,000?""Ms. Hannigan, paano magiging sapat 'yung $500,000? Hindi lang naman $500,000 ang binigay sa'yo noon ni Mr. Grant, hindi ba? At saka, kung mahuhuli ako ng mga pulis, makukulong lang ako ng 10 hanggang 20 na taon. Pero iba ang sa'yo. Ikaw ang mastermind ng pagpatay, at huwag mo rin kalimutan ang pagiging future daughter-in-law ng mga Boucher. Hindi magiging maganda yun kung masisira nito ang future mo."Naintindihan ni Maizie ang sinasabi ng lalaki at nanginginig sa galit. Akala niya ay matatapos na ang lahat pagkatapos na ma-solusyonan ng problema niya. Pero, hindi niya inakala na makata
Baca selengkapnya

Kabanata 901

“Napaka biglaan nga nun.” Kumunot ang noo ni Barbara, nag-iisip. “Pero sa tingin ko hindi aksidente ang nangyari kay Katrina.”Nagulat si Maisie. “Hindi aksidente?”Tumango siya. “Nagpunta ako sa police station nitong nakaraang dalawang araw para tingnan ang surveillance footage. Matagal na tumambay yung sasakyan sa area. Sa tingin ko ay plano ang aksidente.”Napahawak si Maisie sa baba niya. “Sa tingin mo ba ay mayroong ginalit si Katrina?”Nag-isip si Barbara. “Nakipagkita siya kay Maizie nang araw ng aksidente.”Maizie?Naningkit ang mga mata ni Maisie. Kilala ni Katrina si Maizie.Tiningnan siya ni Barbara. “Ang driver na pumatay kay Katrina sa aksidente na yun ay si Giden Robinson, isang nakatakas na kriminal mula sa Asperia. May kutob ako na baka kilala ng Gideon na yun si Katrina, pero hindi ko alam kung anong ginawa niya para galitin si Gideon.”Isang convict ang nagpunta sa Bassburgh at nakapatay ng tao sa isang aksidente, at ang tao na yun ay si Katrina. Masiyadong ma
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
8889909192
...
277
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status